Share

Chapter 4

Author: lhyn
last update publish date: 2026-07-15 21:23:12

Kahit labag sa kalooban niya ang iwan na naman ang kanyang ina pilit niyang binubuhay ang kanyang sarili para magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang si Luna .Nasa set na naman siya, pilit na isinisigla ang sarili habang ginagawa ang trabaho. Makapal ang make-up sa mukha ,ang mukha ni Luna na kilala ng lahatnang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad syang nataranta ng makita ang numero ng doktor .

"Hello dok.." agad niyang salita pagkasagot sa tawag .

"Fiona, pumunta ka agad dito!" sabi ng doktor

. "Biglang bumagsak ang lagay ng nanay mo. Nag-aagaw buhay siya mukhang ikaw lang ang hinihintay niya dahil lumalaban ito "

Nabitawan niya ang hawak niyang script na kanina pa niyang pilit ipasok sa kanyang isipan ngunit di niya magawa .Yun pala may nangyayari na sa kanyang ina mParang gumuho ang mundo niya. Hindi na siya nagpaalam nang maayos, tumakbo na lang palabas. Sa sobrang taranta, wala siyang panahong tanggalin ang make-up dala niya ang pagkakakilanlan ng sikat na artista habang dinadaganan ng matinding takot.Wala na syang panahon pa kailangan sya ng kanyang ina .

Pagdating sa ospital, halos marating na niya ang kwarto ng ina nang may sumigaw

"Si Luna! Siya 'yun!" Agad siyang pinalibutan ng mga tagahanga, humahabol ng litrato at pirma, hindi niya pinapansin ang mga ito dahil sa pagmamadali niya ngunit mapilit ang iba.

"Luna, isang litrato lang!"

"Ang ganda mo nga sa personal miss Luna"

Nanginginig na si Fiona, tumutulo na ang luha na humahalo sa make-up. Pilit siyang umusad dahil kailangan niyang makarating agad sa kinaroroonan ng kanyang ina

"Pakiusap... palampasin niyo po ako. ..Mahalaga ang pakay ko dito sa hospital pakiusap.."hindi niya pwedeng sabihin ang tungkol sa kanyang ina dahil ayun sa profile ni Luna isa syang ulila na at nagiisang taga pagmana ng yaman ng mga Montecillo.

Ngunit walang naniwala sa kanya.

Akala nila nagpapanggap lang siya. Doon na napuno si Fiona dahil sa kakulitan nilang lahat .Hindi naman mahirap ang kanyang hiling pero bakit walang isip ang mga ito .Humarap siya nang may matinding kirot sa mga mata.

"kung sinabi kong padaanin niyo ako gawin niyo .. Nakiusap na ako sa inyo .May oras sa mga ganyan kaya please lang lubayan niyo muna ako kahit sandali "

Natahimik sila sa bigat ng kanyang boses at luha. Dahan-dahang umatras para bigyan siya ng daan. Ang iba naintindihan sya ngunit ang iba ay akala ni masungit ito at walang pake sa mga taga hanga niya .

Agad siyang tumakbo papasok sa elevator kung saan patungo sa kwarto ng kanyang ina , at doon nakita niya ang mga doktor na nagmamadali hirap na hirap na huminga ang ina niya,

Pagkatapos marevive ng mga doktor ang kanyang ina dali dali syang tumakbo sa mga ito m

"Dok, pakiusap..." lumuhod siya.

"Iligtas niyo po siya... kahit anong hilingin niyo, ibibigay ko..."

Umiling lang ang doktor nang malungkot. "Ginagawa na namin ang lahat, Fiona. Pero pagod na ang katawan niya. Ikaw na ang lumapit. Kausapin mo siya habang naririnig ka pa."

Dahan-dahan siyang lumapit, nanginginig ang buong katawan. Hinawakan niya ang malamig na kamay ng ina, at doon tuluyang bumigay ang lahat ng lakas niya.

Mahigpit niyang idinikit ang mukha sa kamay ng ina, basag na basag ang boses sa bawat salitang lumalabas

"Mama... huwag niyo po akong iwan mag-isa... Kayo lang po ang natitira sa akin. Kayo lang ang nagmahal sa akin,,wala na si papa tapos kayo din mawawala ..Mama ang unfair niyo ni papa"

Hinawakan niya nang mahigpit ang palad nito na unti-unti nang lumalamig.Patuloy parin ang mga luha niya sa pag agos .Ramdam ng dalawang doktor ang sakit na nararamdaman ngayon ni Fiona .Naawa man sila ngunit wala na silang kagawa .Ginawa naman na nila lahat ngunit di parin sapat para mabuhay ang ina nito .

Naalala niya nung bata pa sya nung panahon na hatid sundo sya ng kanyang ina.Kahit nawala ang kanyang papa ng maaga hindi niya gaano naramdaman dahil nandyan lagi ang kanyang ina para maging ama at ina kahit lagi sila noon inaapi ng mga Montecillo.

Napahagulgol siya nang malakas, parang pinupunit ang kanyang puso sa sakit.

"Mahal na mahal po kita, Mama... Pasensya na po kung hindi ako madalas bantayan kayo noon.. Pasensya na po kung hindi ko kayo naipaglaban... Patawarin niyo po ako..."

Biglang tumigil ang tibok ng puso na naririnig sa makina. Isang mahaba, matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong kwarto bago tuluyang tumahimik.

Nanigas si Fiona. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ng ina na wala nang buhay.

"Mama..." bulong niya na parang nawawalan na ng sarili.

"Wala na po akong uuwian... Wala na po akong matatakbuhan..."wala na rin syang mapagkwekwentuhan ng bawat achievement na meron sya .

Ilang sandali pa, dahan-dahang lumapit ang doktor at marahang inilapat ang kamay sa balikat ni Fiona.

"Pumanaw na siya, Fiona. Payapa na ang kanyang paghihingalo. Tanggapin mo nalang ang katotohanan my deepest condolences to you iha," lalo syang naiyak dahil totoo ngang pangyayari na ito hindi na panaginip .

Hindi na kumibo si Fiona. Parang nawalan siya ng pakiramdam sa buong katawan. Hinaplos niya nang huling beses ang noo ng ina, pinunasan ang natuyong luha sa pisngi nito tapos ay dahan-dahan niyang itinaaa ang puting kumot para takpan ang kanyang ina

Wala na. Ang tanging taong nagmahal sa kanya nang totoo ay iniwan na siya mag-isa.

Lumabas siya ng kwarto na parang lutang. Hindi na niya namalayan ang mga tingin ng ibang tao, hindi na niya inintindi ang natunaw na make-up sa mukha na nagmukhang itim na guhit sa kanyang mga pisngi. Naglakad lang siya, walang tiyak na patutunguhan, hanggang sa mapadpad siya sa labas ng ospital kung saan humuhuni ang malakas na ulan.

Hinayaan niyang basain siya nito. Para bang sana ay matanggal din ng ulan ang bigat na nasa dibdib niya ang pakiramdam na parang wala na siyang kahit anong halaga sa mundo. Kung kailan pa niya gustong bumangon, saka naman kinuha sa kanya ang tanging lakas niya.

"Wala na talaga..." bulong niya sa gitna ng ulan, walang luha na tumulo dahil tila naubos na lahat. "Wala na akong dahilan para lumaban...pa" huling salita niya bago sya nawalan ng malay

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 8

    Isang linggo matapos ang lahat, pinapunta siya ni Lolo Fedel sa mansion .. Nag-alangan siyang pumunta, pero wala naman siyang magawa.Labag man ang kanyang loob na umapak muli sa mansion ngunit kailangan . Pagpasok niya, nakita niyang nakatayo lang ito sa may bintana. Paglingon sa kanya, halatang pagod ang mukha ng matanda.Bigla syang nakaramdam ng awa sa kanyang lolo . "Pasensya ka na, apo at inistorbo ko ang pagdadalamhati mo " panimula nito nang mahina. "Alam kong galit ka sa akin. Alam kong masama ang ginawa ko, lalo na sa mama mo I feel guilt tuwing naalala ko na hindi ko sinunod ang gusto ng mama mo ."wala syang imik kundi pinakinggan lang ang mga sinasabi ng kanyang lolo . "Huwag kang mag-isip ng masama," dagdag pa ni Lolo Fedel, lumapit nang kaunti. "Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong makita kang lalong nahihirapan. Alam kong hindi mo pa kaya ang lahat at gusto ko lang mapadali ang mga bagay para sa'yo. Hindi ko naman intensyong saktan ka.gusto man kita damayan ngunit ik

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 7

    Mag-isa na lang siyang naiwan sa labas ng ospital, hawak nang mahigpit ang garapon na kasa-kasama na niya ngayon. Parang ang liit-liit na ng mundo niya ang tanging mama niya, nawala pa sa mundo, wala na man lang siyang makakapiling .Kung bakit nagkaroon sya ng mga ganung pamilya walang puso . Umupo siya sa gilid ng bangketa, hindi na inalintana ang mga taong dumadaan at tumitingin sa kanya. Dahan-dahan niyang idinikit ang garapon sa dibdib niya, parang yakap na rin niya ang kanyang ina "Ma... bakit ganoon?" bulong niya sa pagitan ng paghikbi. "Kahit huling hiling mo, hindi ko naipaglaban. Kahit paalam nang maayos, hindi ko naibigay sa'yo.I am sorry ma ...wala akong silbi na anak niyo '' humagulgol sya habang yakap ang garapon . Maraming nahihiwahan kung ano ang ginagawa niya dahil hindi naman nila makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ito . Ang iba hinayaan lang sya pero ang iba parang nakikisosyo . Ilang oras siyang nanatili doon. Walang ibang ginawa kundi umiyak at kau

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 6

    "Wala ang anak nito para magdesisyon para dyan ako ang may karapatan dahil manugang ko yan at wala sa isip ng apo ko ang magdesisyon ng maayos ... ," sabi ni Fedel nang mahinahon pero may diin. "Kami na ang bahala sa lahat. Ilagay niyo na siya sa ihanda niyo na sya '' saad naman ni Ricky . Wala nang nagawa ang nars kundi tumango na lang at sumunod.Kaagad syang lumabas para ipaalam sa morgue kung ano ang gagawin sa bangkay . Samantala, nagising si Fiona pagkalipas ng ilang oras. Nasa isang maliit na kwarto siya ng ospital, nakahiga . Masakit ang buong katawan niya at parang bumibigat ang ulo dahil sa sakit nito . Tumingin siya sa paligid walang kakilala, walang kamag-anak.Ano pa ba ang aasahan niya talaga ngang wala syang puwang sa mga taong iyon . Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse na may dalang gamot . "Gising ka na pala," sabi nito nang malumanay. "Isang oras kang tulog . Nilagnat ka nang mataas dahil sa ulan at sobrang pagod.Buti nalang at nadala ka kaagad dito .'' Hindi

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 5

    Nang dumating ang balita sa mansyon ng mga Montecillo, walang luha na pumatak. Walang nagluksa. Sa halip, nagkatinginan sila na parang isang mabigat na bato ang nahulog sa kanilang dibdib . Tuwang-tuwa si Beatriz na agad na sumabat habang nakangisi. "Kawawang Fiona ang nag iisang tao na bukod tanging kakampi niya ay wala na! pero baka naman dahil sa pagkawala ng kanyang ina ay magrerebelde na ito .Wala na ang hawak nating alas papa ,,lolo para mapasunod sya" may pangamba sa kanyang mukha . Sumang-ayon ang isa sa mga tiyahin nila ni Fiona sabay humalukipkip. "Tama ka diyan, Beatriz ito din ang naisip ko .Alam niyo naman na tanging ina lang niya ang dahilan kung bakit sumusunod sa ating mga gusto " "Oo nga," dugtong ni Reynold Montecillo ang asawa ng nagsalita . "pero diba mahina si Fiona tito panigurado wala na iyon ibang pupuntahan. Kung aalis sya sa poder ng Montecillo saan nalang sya pupulutin .Walang sariling pera ang sikat na iyon dahil hawak natin ang account niya" saad

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 4

    Kahit labag sa kalooban niya ang iwan na naman ang kanyang ina pilit niyang binubuhay ang kanyang sarili para magawa niya ng maayos ang kanyang trabaho bilang si Luna .Nasa set na naman siya, pilit na isinisigla ang sarili habang ginagawa ang trabaho. Makapal ang make-up sa mukha ,ang mukha ni Luna na kilala ng lahatnang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad syang nataranta ng makita ang numero ng doktor . "Hello dok.." agad niyang salita pagkasagot sa tawag . "Fiona, pumunta ka agad dito!" sabi ng doktor . "Biglang bumagsak ang lagay ng nanay mo. Nag-aagaw buhay siya mukhang ikaw lang ang hinihintay niya dahil lumalaban ito " Nabitawan niya ang hawak niyang script na kanina pa niyang pilit ipasok sa kanyang isipan ngunit di niya magawa .Yun pala may nangyayari na sa kanyang ina mParang gumuho ang mundo niya. Hindi na siya nagpaalam nang maayos, tumakbo na lang palabas. Sa sobrang taranta, wala siyang panahong tanggalin ang make-up dala niya ang pagkakakilanlan ng sikat na art

  • ANG KASINUNGALING NG PAG IBIG   Chapter 3

    Kakatapos lang dumating ni Andrew galing ibang bansa. Pagod na pagod na siya sa marangyang buhay at sa mga taong lumalapit lang dahil sa yaman niya. Kaya dinala siya ng mga paa niya sa maliit na tindahan,ang convenience store na pagmamay-ari noon ng kanyang yumao na Hanggang ngayon nanatili paring nakatayo at higit sa lahat marami na sila franchise sa ibat ibang lugar ng lungsod . Bukod sa maliliit na convenient store may ibang negosyo ang mga Valera . Sila lang naman ang nagmamay ari ng mga hotel at resort sa ibang bansa . Pagkababa niya ng sasakyan kung saan inihatid sya ng isa niyang tauhan para hindi makahalata ang tiyuhin niya na nasa bansa na pala sya .Wala itong alam na nakauwi na sya dahil ang alam nito nasa ibang bansa parin para pamahalaan ang isa sa pinakamalaki nilang hotel and condo doon .Iniwan niya si Ralph na kanyang assistant para mamahala doon . Halos hindi makakurap sina Carding at Nena sa nakikita .Nasa harapan nila ang anak ng kanilang mabait na among yumao na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status