LOGINHindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titingnan ay may pakinabang pero ang totoo ay walang kwenta.
"Kung mamatay ako, ibig sabihin may nangyaring homicide. Si Levi ang magiging primary suspect. Take note, Lucille, maglikom ka ng mga katibayan, tulungan mo akong gumanti at nang mapunta sa ating dalawa ang mana." "Okay, I got it. Gusto ko 50% ha?" Tango ni Lucille. "Magandang ideya," nag-thumbs up si Ivory at nagkatawanan silang magkaibigan. Maya-maya pa ay nagpatuloy na sa seryosong discussion para sa kaniyang annulment. Dahil walang pre-nuptial agreement, maraming terms and conditions ang kailangang baguhin. Binawi ni Lucille ang mga dokumento at inayos. "Malaki ang pakinabang sa iyo na wala kayong prenup ni Levi. Kung susumahin natin, ang property na mapupunta sa iyo is at least ten million, in fact, hindi sa wala kang makukuha na higit pa pero I suggest that you stay civil with Levi. He is the kind of man that we can't afford to mess with." "Alam ko iyon. Ang lalaking iyon ay mukha lang mabait at desente pero hindi ibig sabihin, easy enemy siya." "Buti naman at alam mo." "Paanong hindi? Three kaming mag-asawa, kahit papaano ay na-research ko ang tungkol sa pamilya nila." The Malthe clan is deeply rooted in power. Walang pinagkaiba sa ahas na sakop ang lupain. Ang kapangyarihan ng mga ito ay balot ng kulay, pula at maningning, itim na tila anino at puti na akala mo ay pag-asa ng sangkatauhan. Sa likod ng imahe at kayang burahin ng mga ito ang ordinaryong tao. "Sa gagawin mo, parang sapilitan mong wawakwakin ang kaniyang laman at bigyan siya ng matinding alalahanin. Alalahanin mong hindi agad magiging epektibo ang annulment ninyo, kailangan mong mag-ingat," worried na pahayag ni Lucille. "Thank you, Luci. Alam ko naman kung hanggang saan lang ang limitasyon ko. Hindi ako magiging sakim. Sapat lang kailangan ko, pera. Ayaw kong isakripisyo pati ang buhay ko." Parang giyera rin ang pag-aasawa at hindi siya pupunta sa laban nang hindi handa. Pagkatapos nilang mag-usap ni Lucille ay kinontak naman ni Ivory ang grupo ng private detectives na kilala niya. Sikat ang mga ito pero hindi ganoon kataas ang naitatalang achievements sa ahensya. Biggest advantage niya ang pagiging confidential ng mga ito. Makatitiyak siyang hindi lalabas sa ibang tao ang anumang ipapatrabaho niya. "I need you to monitor Levi's activities and location, also isama na ninyo si Franchesca." Binigay niya ang envelope na naglalaman ng profiles ng dalawa kasama na ang pauna niyang bayad. "Be sure to take photos of them especially their secret meetings. But I suggest you keep a certain distance. Hindi kailangang kunan ninyo ng picture kung ano ang ginagawa nila. Okay na ako sa larawan na magkasama silang pumasok at lumabas sa isang lugar. Mag-iingat din kayo dahil maraming bodyguards si Levi, lahat iyon ay may military background. Alerto sila at matalas sa kanilang paligid." "This is noted, Ma'am." "Don't worry, kung may mangyari man, ako na ang bahala, po-protektahan ko kayo. Iyon lang, babawasan ko ang payment." Walang umangal sa sinabi ni Ivory. Ayon sa kasunduan ay magbabayad siya ng 500,000 in cash, bilang advance. Ang balanse ay saka na kung mayroon nang resulta sa trabaho ng mga ito. "Ma'am, gusto ko lang po ipaalala sa inyo na hindi magagamit ang mga ebidensya na makukuha namin sakaling aakyat ang kaso sa korte. If in case matalo kayo, labas na kami roon," pahayag ng head ng team. "I know." Tumango siya. If ever aabot nga sila ni Levi sa korte, mahihirapan siyang ipaliwanag kung saan niya nakuha ang mga katibayan at kung wala siyang nilabag sa batas. Pero hindi niya hahayaang makarating sila sa demandahan. "Wala kayong dapat alalahanin, ako lang gagamit sa mga larawang iyon. Basta magiging responsable kayo sa mga shots, pati na ang properties niya. I appreciate kung mapapabilis. Pwedeng hindi lahat, but you can check as much as you want." Kilala niya si Levi. Ayaw nito ng kahit kunting issue sa reputasyon nito. Kapag may ebidensya na siya, magagamit niya iyon para isampal dito ang moralidad na kunyari iniingatan nito. Wala siyang pakialam kung magiging mediums ang mga iyon para akusahan niya ang asawa o atakehin ang konsensya, o kaya ay pang-blackmail dito. Basta ang bottom line, makakukuha siya ng property at magtatagumpay ang annulment. Masakit sa puso. Nakakapanghina. Pero iniisip na lamang niya na magiging masaya siya pagkatapos ng hiwalayan nila. May pera siya at magagawa niya ng malaya anumang gusto niyang gawin. Kahit papaano ay sumigla ang kaniyang pakiramdam. She is hopeful for the good things to come in the future. Pero hindi maganda 'yong mag-expect ng sobra. Sampung araw ang lumipas at naghihintay siya ng resulta mula sa detectives pero wala siyang natatanggap. Tinawagan niya ang head ng team. "Ma'am, pasensya na po, pero ang daming bodyguards ng asawa n'yo, hindi kami makakuha ng pagkakataon para lumapit." Walang pagkakataon? Laging nasa ceremonies ng ribbon cuttings si Levi, laman ito ng mga balita. Lahat ng event na dinaluhan ng lalaki ay covered ng media. Siguro nga, masyadong risky kung basta na lang lalapit ang mga detective. Malaking problema kung mahahala ang mga ito. Kahit nagbabayad siya pero malamang takot pa rin ang mga ito na banggain si Levi. "Pero regular ang daily travel niya, Ma'am. Masusundan namin siya mula sa kompanya hanggang sa bahay, paminsan-minsan ay nagtutungo rin siya sa private bar, naglagay na kami roon ng surveillance, nag-iingat lang kami talaga na hindi mahuli." "Okay, so there is no progress at all?" Nakadama si Ivory ng inis pero nagtimpi siya. "May file photo akong ipapasa sa inyo." Dali-dali niyang binuksan ang laptop at tiningnan ang file. Sasakyan ni Levi ang bumungad sa kaniya at may anino ng babae sa loob. Bulto iyon ni Franchesca. May address na naka-attach sa photo. Mabilis niyang tiniklop ang laptop nang marinig ang katok sa pinto. "Sino iyan?" tanong niya. "Ma'am, pauwi na po si Sir!" sagot ng kasambahay mula sa labas. Dali-dali niyang nilagay sa file folder ang photos at itinago ang laptop. Nag-ayos siya ng sarili at huminga ng malalim, Ikinalma ang sarili. Kailangan din niyang mag-ingat nang maigi. Matalas si Levi, oras na malaman nito ang binabalak niya, baka wala siyang makuha ni piso kapag naghiwalay na sila.Masyado nang late, 11:30 pm at hindi pa tapos si Ivory sa pagtatanggal ng make-up niya. Tinatamad na siyang tapusin iyon lalo at kumikirot pa ang mga binti niya sa katatayo. Nag-aalala siya kanina nang humilab ang kaniyang tiyan. Hindi pa rin siya makapunta sa doctor. Imposible kasing hindi iyon malaman ni Levi. Nag-halfbath lang siya. Habang nasa loob ng shower ay sinipat niya ang impis na tiyan at hinaplos."Stay put ka lang diyan, baby. Gagawa ng paraan si Mommy para ma-check tayo ng doctor at malaman natin ang kalagayan mo diyan sa loob." Kausap niya sa anak. "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng makilala ng mga lolo at lola mo, lalo na ng daddy mo. Baka gagawin din nila ang ginawa nila sa kuya mo noon. Hindi ko na sila papayagang kunin ka sa akin at patayin." Mariin niyang kinagat ang labi at pinigil ang pagpatak ng mga luha.Bata pa siya noon at wala siyang lakas ng loob kaya nagtagumpay ang biyenan niyang babae na ipalaglag ang anak niya. Pero ngayon, kaya na niyang lumaban. Oras
Sunod-sunod ang gatherings na dinaluhan ni Ivory habang naroon siya Miracle Garden. Base sa kaniyang obserbasyon ay business related ang mga pagtitipon upang mai-forward ang naka-kalendaryong proyekto ng Malthe roon sa lugar. Buti na lang at hindi naman sila nagtatagal ni Levi sa venue. Hindi siya gaanong napupuyat. Tiniyak din ng asawa na makatulog siya ng maayos sa gabi. "Pwede bang hindi na ako sumama ngayon?" angal niya habang nasa kitchen sila. "Not a chance," sagot ni Levi at inubos ang tubig sa hawak na baso. This man was born to be a boss. Bawal tanggihan. He is a master of supervising others and teaching those people under his spell, that includes her. Once he steps in, he'll deliver a devastating blow of performance. "You are thinking of running a modeling agency, right? Kasali iyan sa bucket list mo, nakita ko iyan. I will help you realize that but you should expose yourself to potential investors. Cross-border e-commerce is on the rise. It will be a great advantage to
Bisita ulit nina Levi at Ivory si Felix kinagabihan. Dahil gahol na sa oras kung gagawa pa ng home-made dishes, nag-order na lamang si Ivory sa pinakamalapit na fine dining. Pagdating ng pagkain ay inasikaso niya agad para maihain sa round dining table. Nakauwi na ang on-call maid nila kaya mag-isa lamang siyang nagpaikot-ikot doon sa kitchen. Nang matiyak na maayos na ang hapag ay sinipat niya ang oras sa suot na relos. Sakto lang, ten minutes before seven o'clock in the evening. Ideal time for dinner. Pinuntahan niya at ang asawa at ang tiyuhin nito na nag-uusap sa sala. "Ready na ang dinner," abiso niya sa dalawa.Halos sabay kung umahon sa couch ang dalawang lalaki at sumunod sa kaniya patungong dining room. Bago naupo ay hinapit siya ni Levi sa baywang at hinagkan sa sentido."Thank you for preparing all these." Tumango lamang siya at ngumiti ng magiliw. "Pupunta ba kayo ng main house, Uncle?" tanong ni Levi habang kumakain sila. "I don't have plans to drop by but if Dad wil
Panay na ang hikab ni Ivory habang papanhik ng unit. Para na siyang mahihilo sa sobrang antok. Sa living room pa lang ay tinanggal na niya ang suot na sapatos. "Magre-remove pa ako ng make-up, nakakatamad!" angal niyang sarili lang naman ang kinausap. Hinapit siya ni Levi at pinisil ang kaniyang balakang. "How much it cost you to work with Chesca against me?" Seryoso ang mukha ng lalaki at matalim ang titig sa kaniya. Tumalsik ang antok niya. Saglit pa siyang natigagal. Parang mas lalong tumangkad si Levi dahil sa takot na namuo sa kaniyang sistema. She could even hear his heartbeat, it's rhythm almost telling her that the man holding her can loose the hell. "A-anong pinagsasabi mo?" Literal na takot ang bumalot sa puso niya. Kalmado lang si Levi at iyon ang mas nakakabahala. Hinagkan ng lalaki ang kaniyang leeg."Don't be afraid," he whispered. "It's all my fault after all. I've been tolerant of you, I dote on you so much that even your suppose betrayal is dancing on my head but
Habang kumakain ng fruits, lumapit si Felix sa table nila at nakipag-toast ng baso kay Levi. "Kabaliktaran ang nakikita ko ngayon sa mga naririnig ko mula sa iba," nagsalita ang may edad na lalaki."That I don't love my wife? Perhaps, that's the case but I am hopeful that she would be happy in my arms. Nang pakasalan ko siya, nangako akong tatratuhin siya nang maayos." Tumawa si Felix. "Tama ka. Mataas ang kalibre mo pagdating sa ganitong usapin at alam kong hindi mo hilig ang magsinungaling." Sinulyapan ni Levi ang asawa na patay-malisya pero alam niyang nakikinig sa pag-uusap. Hinaplos niya ang balakang nito at banayad na pinisil. His mind wondered back to the memories of their hardcore love-making last night. How she grind on top of him, making him crazy. She is not just witty, she can also performed very well in his bed. Halos makalimutan niyang sa loob ng tatlong taon na pagsasama nila'y hindi siya kailanman nahumaling sa ibang babae. Kahit madalas ang mga partner niya sa neg
Mahigpit na hinawakan ni Levi ang kamay ni Ivory. "It's just old news. I was in my early twenties back then, and she was already an adult. Hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng edad namin. Kung ten years siguro ang gap, baka nagka-issue na. Five-year age difference is good for offensive and defensive maneuvers.""But she is still a minor that time. That's the downside. Pinigilan mo lang na hindi kumalat sa publiko iyon," pakli ni Chesca. "Ayaw mong aminin na inakit mo ang isang 17 years old? Magiging inconsistent ka sa imahe na pilit mong mina-market, serious, dignified and capable leader." May sarcasam sa tono ng dalaga.Ngumiti si Levi, bagamat nasa mga mata ang babala. "Hindi mo na kabisado kung ano ang nangyari sa buhay ko dahil nasa abroad ka naman. Marami kang nakalimutan, baka pati edad ko ay hindi mo na natandaan. Anyway, big deal pa ba iyon? Nalagpasan na namin ni Ivory ang bahaging iyon."Tinitigan ni Ivory ang asawa. She felt the chill down in her heart. Sa unang pagkakata
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s







