LOGINAkala ni Ivory, pag nag-file siya ng annulment kay Levi, matatahimik na ang buhay niya. Pero mali siya. Sa mundo nilang tatlo, siya ang naging kontrabida. Si Franchesca ang tunay na mahal ng asawa niya at siya ay panakip-butas lamang, substitute noong mga panahong wasak na wasak ang puso ni Levi dahil sa pag-alis ng ex-girlfriend nito. Kung ihahambing niya sa mga kwentong nabasa niya: dapat siyang mabaliw sa selos, apihin ng lahat, at iwan nang luhaan. Pero sorry sila. Nasa reyalidad siya ngayon. Hindi siya papayag maging extra sa love story ng iba. Hindi siya ang iiyak sa gilid habang ang asawa niya at ang babae nito ay naghahalikan sa gitna. This time, siya ang magdidikta ng kapalaran niya at sisimulan niya sa annulment. "Baliw ako? Hindi. Nagising lang ako sa katotohanang matagal na akong ginawang tanga."
View MoreBumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.
Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon, madaling araw na pero dilat na dilat pa rin siya at hindi niya ma-control ang galit. Pati kamay niya ay para bang may sariling buhay na kusa na lang lumipad at dumapo sa mukha ni Levi habang mahimbing itong natutulog. Pupungas-pungas na nagising ang lalaki at nagmulat. Ang matalim na tingin ay mabilis na naglakbay sa buong silid. Pero nang dumako sa kaniya ang mga mata nito'y kaagad naging banayad ang titig ng asawa. "Iv, I dream that someone hit me," pabulong nitong angal. Hinapit siya nito para sumandal sa matigas nitong dibdib. "Siguro, dahil hindi ka rito sa mga bisig ko natulog kaya ako binangungot." Bahagya itong ngumiti at malagkit na tumitig kay Ivory. May dumaang pagkalito sa mga mata nito nang hindi siya umimik at napansin niya ang anino ng panic doon na para bang mahal siya nito at natatakot na magagalit siya. She could just laughed secretly in her heart, taliwas sa kung ano ang damdaming nakarehistro sa kaniyang mukha. Yumakap siya sa asawa at sumubsob sa dibdib nito. Mula sa wall mirror ay nakikita niya ang sarili, nakakulong sa mga bisig ni Levi. Madalas niyang marinig na ang gandang taglay niya ay likas na matingkad. Maliit ang kaniyang mukha, hugis puso na larawan ng pagiging mapagmahal. Her skin is warm and fair as the moon and snow, like gardenia, freshly picked from the branch. Hindi agresibo ang kaniyang aura bagkus ay kumikinang gaya ng mga bituin. Maraming naniniwala na sa hitsura niya, imposibleng maging tapat siyang asawa kay Levi. Gayunpaman, sa kabila ng sampal at sa palad niyang bumakat sa mukha ng kaniyang asawa, heto at niyakap pa rin siya na tila ba mahalaga siya sa buhay nito kahit ang totoo'y panakip-butas lang naman siya sa babaeng tunay nitong minahal. "Binangunot ka rin ba?" biglang tanong ng lalaki. Naglaro ang malantik nitong mga daliri sa kaniyang braso. "Your insomia is acting up again? I heard from Dr. Reyes that you have been asking for some melatonin recently." His voice is low and warm but prickled with some darkness. Nagpulso ang sistema ni Ivory nang madama ang kiliti sa kaniyang gulugod na tila ba hinaplos ng mga balahibo. Kabisado talaga ng lalaki ang kiliti niya, sa boses pa lang nito at sa paraan kung paano lumapat ang labi nito sa kaniyang tainga. "Hmn, why are you blushing?" Panunukso ng lalaki at matiim siyang tinitigan. "Is it hot?" Pilyo itong ngumisi. The corners of his eyes pulled out a long and narrow arc, making his handsome face more irresistible and devilishly attractive. Napalunok habang pinagsama ang paningin sa gwapo nitong mukha. His eyes were sharp as peach blossom, sterling grays and magnetic. Nose is arrogant and the lips are delicious. Levi Duetrich Malthe is like a lovable villain in the novel. Tuwing nilalandi siya nito, hindi pwedeng nabibitin. Sinisimot nito ang katas niya tulad ng pagkain at hindi siya titigilan hangga't may lakas ito. Pero ang masaklap, siya itong naghahanap pa rin kahit halos mapugto na ang kaniyang hininga. "Masyado bang mainit?" Umirap si Ivory. Pinagtatawanan na naman nito ang pamumula ng kaniyang mukha. "The doctor said that making love before going to bed is effective for a good sleeping habit." Kumindat si Levi, nakangiti. "We should follow the doctor's advice." Sumimangot si Ivory pero hindi siya tumanggi. Nagtalik sila si Levi sa loob ng mahigit isang oras hanggang sa lupaypay siyang bumagsak sa kama. Pero epektibo nga ang payo ng doctor. Dahil sa pagod ay nakatulog siya, daig pa niya ang hinimatay sa sobrang himbing. Pagkagising niya, wala na si Levi sa kaniyang tabi. She felt empty and cold, looking at the blank space of the bed. Sinipat niya ang oras. Past eleven o'clock in the morning. Nasanay si Levi na gumising ng maaga para magtungo sa kompanya. Kahit abutin pa sila ng alas kwatro ay maaga pa ring nagiging ang asawa niya. He has an amazing time management and he knew his priorities. "Goodness," napabulong siya at bumaba ng kama, kumaripas sa loob ng banyo at binuksan ang medicine cabinet. Kumuha siya ng contraceptive pill at kinain iyon. She forgot to take it. Ayaw pa naman ni Levi na mabuntis siya. Ayaw nitong magkaanak sila. Siguro kagabi inisip din nito si Franchesca kaya nakalimot din magsuot ng condom ang lalaki. Ayaw rin naman niyang mabuntis habang nasa alanganin ang status niya sa puso ni Levi, lalo ngayon na matatapos na ang tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa dahil nakabalik na ang babaeng mahal nito. Tatlong taon pero hindi pa rin siya magawang mahalin ng lalaki. Hindi niya nagawang palitan sa puso nito si Franchesca. Ang tanging papel niya lang sa buhay ni Levi ay hanggang sa kama.Masyado nang late, 11:30 pm at hindi pa tapos si Ivory sa pagtatanggal ng make-up niya. Tinatamad na siyang tapusin iyon lalo at kumikirot pa ang mga binti niya sa katatayo. Nag-aalala siya kanina nang humilab ang kaniyang tiyan. Hindi pa rin siya makapunta sa doctor. Imposible kasing hindi iyon malaman ni Levi. Nag-halfbath lang siya. Habang nasa loob ng shower ay sinipat niya ang impis na tiyan at hinaplos."Stay put ka lang diyan, baby. Gagawa ng paraan si Mommy para ma-check tayo ng doctor at malaman natin ang kalagayan mo diyan sa loob." Kausap niya sa anak. "Pasensya ka na, hindi ka pwedeng makilala ng mga lolo at lola mo, lalo na ng daddy mo. Baka gagawin din nila ang ginawa nila sa kuya mo noon. Hindi ko na sila papayagang kunin ka sa akin at patayin." Mariin niyang kinagat ang labi at pinigil ang pagpatak ng mga luha.Bata pa siya noon at wala siyang lakas ng loob kaya nagtagumpay ang biyenan niyang babae na ipalaglag ang anak niya. Pero ngayon, kaya na niyang lumaban. Oras
Sunod-sunod ang gatherings na dinaluhan ni Ivory habang naroon siya Miracle Garden. Base sa kaniyang obserbasyon ay business related ang mga pagtitipon upang mai-forward ang naka-kalendaryong proyekto ng Malthe roon sa lugar. Buti na lang at hindi naman sila nagtatagal ni Levi sa venue. Hindi siya gaanong napupuyat. Tiniyak din ng asawa na makatulog siya ng maayos sa gabi. "Pwede bang hindi na ako sumama ngayon?" angal niya habang nasa kitchen sila. "Not a chance," sagot ni Levi at inubos ang tubig sa hawak na baso. This man was born to be a boss. Bawal tanggihan. He is a master of supervising others and teaching those people under his spell, that includes her. Once he steps in, he'll deliver a devastating blow of performance. "You are thinking of running a modeling agency, right? Kasali iyan sa bucket list mo, nakita ko iyan. I will help you realize that but you should expose yourself to potential investors. Cross-border e-commerce is on the rise. It will be a great advantage to
Bisita ulit nina Levi at Ivory si Felix kinagabihan. Dahil gahol na sa oras kung gagawa pa ng home-made dishes, nag-order na lamang si Ivory sa pinakamalapit na fine dining. Pagdating ng pagkain ay inasikaso niya agad para maihain sa round dining table. Nakauwi na ang on-call maid nila kaya mag-isa lamang siyang nagpaikot-ikot doon sa kitchen. Nang matiyak na maayos na ang hapag ay sinipat niya ang oras sa suot na relos. Sakto lang, ten minutes before seven o'clock in the evening. Ideal time for dinner. Pinuntahan niya at ang asawa at ang tiyuhin nito na nag-uusap sa sala. "Ready na ang dinner," abiso niya sa dalawa.Halos sabay kung umahon sa couch ang dalawang lalaki at sumunod sa kaniya patungong dining room. Bago naupo ay hinapit siya ni Levi sa baywang at hinagkan sa sentido."Thank you for preparing all these." Tumango lamang siya at ngumiti ng magiliw. "Pupunta ba kayo ng main house, Uncle?" tanong ni Levi habang kumakain sila. "I don't have plans to drop by but if Dad wil
Panay na ang hikab ni Ivory habang papanhik ng unit. Para na siyang mahihilo sa sobrang antok. Sa living room pa lang ay tinanggal na niya ang suot na sapatos. "Magre-remove pa ako ng make-up, nakakatamad!" angal niyang sarili lang naman ang kinausap. Hinapit siya ni Levi at pinisil ang kaniyang balakang. "How much it cost you to work with Chesca against me?" Seryoso ang mukha ng lalaki at matalim ang titig sa kaniya. Tumalsik ang antok niya. Saglit pa siyang natigagal. Parang mas lalong tumangkad si Levi dahil sa takot na namuo sa kaniyang sistema. She could even hear his heartbeat, it's rhythm almost telling her that the man holding her can loose the hell. "A-anong pinagsasabi mo?" Literal na takot ang bumalot sa puso niya. Kalmado lang si Levi at iyon ang mas nakakabahala. Hinagkan ng lalaki ang kaniyang leeg."Don't be afraid," he whispered. "It's all my fault after all. I've been tolerant of you, I dote on you so much that even your suppose betrayal is dancing on my head but
Halata sa pagmumukha ng mga naroon ang inis kay Ivory. Siguro, kung hindi pa nagkunwari ang asawa niya na may pakialam ito sa kaniya, baka kanina pa siya sinabunutan doon at hinahamak. But to them, it is obvious that Levi wants to support his wife."Hindi ko alam na ganyan na pala kayo ka-close, an
Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titing
Kahit umalis ng maaga si Levi ay wala namang problema iyon kay Ivory. Sa mga mata niya, busy lagi ang lalaki kaya hindi siya umaangal at naghangad ng extra sa attention na ibibigay nito. Nasa peak na ang market value ng Malthe Enterprise pero tambak pa rin ang trabaho ni Levi tuwing nasa opisina.
Bumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon,












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews