ログイン"I will not be meeting you tomorrow and the next day," anas ni Yugi sa kanyang mga estudyante matapos ang kanyang klase. "Monday na ulit tayo magkikita. But that doesn't mean that you are going to be free of activities for two days. Magse-send ako ng tatlong module sa inyong email each day. And I hope to check those after I get back. Maliwanag ba 'yon?"
Ang iba sa mga estudyante ay agad na tumango bilang pagsang-ayon sa impormasyong iyon, habang ang iba naman a
Tila ba may kumirot sa puso ni Elyan habang nakatuon ang kanyang tingin sa mga litratong nasa kanyang harapan. Hindi lamang basta larawan ang mga iyon kundi mga kuhang larawan nila ni Yugi na magkasama. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa mga sandaling iyon.Hindi siya makagalaw habang nakatuon ang kanyang tingin sa masayang mukha nila ni Yugi na magkahawak-kamay. Ang ilan sa mga iyon ay yakap-yakap siya ng binata mula sa kanyang likuran habang hinahalikan siya nito sa pisngi.Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga iyon at hindi kalaunan ay napalunok.Kung tutuusin, hindi niya tiyak kung kaya pa ba niyang lumunok dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Tumikhim siya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa dean.Dismayado ang mukha nitong nakatuon ang tingin sa kanya habang napapailing."You had nothing to deny, Ms. Marquez. Nandyan na ang lahat ng pruweba," sinsero nitong anas at umayos ng upo. "Alam mo bang tu
Walang mapaglagyan ang tuwa ni Jessica paglabas niya ng dean's office. Taas-kilay niyang muling tinapunan ng tingin ang pinto ng opisinang iyon habang hindi mabura ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."My plan is finally coming to fruition," kinikilig niyang anas sa kanyang sarili. "I'm sorry, my dear best friend! Hindi mapapantayan ng pagkakaibigan natin ang kagustuhan kong maangkin si Prof. Yugi."Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay natigil siya nang mapukol ang kanyang tingin kina Lorea at Malea na nasa ibaba. Tila ba may kung anong seryosong pinag-uusapan ang mga ito at nang mapadpad ang tingin nila sa kanya ay agad din naman silang huminto.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi at agad siyang sinalubong."Anong ginagawa mo sa administrator's building?" bungad na tanong ni Lorea. "Nakausap mo ba si Elyan? Ipinatawag kasi siya sa dean's office, ngayon lang. Nakasalubong mo
"How are you doing? Have you been doing well?" tanong ni Arnulfo sa anak habang naglalakad sila sa malawak na hardin ng hacienda. "Kumusta ang halos limang taong pananatili mo sa Makati? Wala ka naman bang naging problema?""So far so good. Wala naman ho akong naging problema at ayos lang din ang kalagayan ko roon. Medyo mahirap nga lang lalo na noong bagong salta ko pa lang doon," sagot niya na ikinangiti ng ama.Tumango si Arnulfo.Muli ay tinapunan nito ng tingin ang kabuuan ng lugar na tinatahak nila. Sa kabilang banda naman ay tahimik lamang si Yugi sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay malaki ang ipinagbago ng kanilang samahan simula nang umalis siya ilang taon na ang nakalipas.Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan nila, ganoon din ang kaba habang kasama niya ang kanyang ama.Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Hindi man lang ito nagalit sa kanya tulad ng kung
Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa loob ng court sa ginawang pagsampal ni Elyan kay Diego. Agad na naglaho ang tawanan ng kanyang mga teammates habang ang ilang mga estudyante, sa loob ng court na iyon, ay nahinto sa kani-kanilang mga ginagawa.Napahawak si Diego sa kanyang pisngi na sinampal ng dalaga. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at kunot-noo niya itong tinapunan ng tingin. Sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatayo si Elyan sa harap niya habang nakataas ang kilay nito."Ouch! That hurt!" mahinang anas ni Diego. "You—"Naputol ang kanyang sasabihin nang muli siyang sampalin ni Elyan sa kanyang kabilang pisngi."How dare you, Mr. Diego Mendoza!" nanggagalaiting wika ni Elyan. "Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa buong campus na boyfriend kita! Bakit? Sa tingin mo ba, papatulan kita? Sa tingin mo ba, papatulan ko ang isang tulad mo? If this is how you work on your little schemes, then hindi ako magdad
Isang dismayadong reaksiyon ang gumuhit sa mukha ni Elyan nang mapagtanto niya na matatagalan pa sa pag-uwi ang kanyang nobyo. Tumawag ang binata sa kanya kagabi upang sabihin sa kanya na sa Linggo ng hapon pa ito makakauwi. Humingi kasi ang pamilya nito ng extension para makasama nila siya ng mas matagal. Kung tutuusin, wala siyang reklamo tungkol doon dahil alam niya ang pakiramdam ng malayo sa pamilya. Bagama't hindi man sabihin ni Yugi, ngunit nasisiguro niya na matagal nang hinahanap-hanap nito ang kanilang presensya.Kahit ano pang tampo nito sa kanila dahil sa kung anumang hindi nila napagkasunduan, pamilya pa rin niya sila. "It's Friday today! Yes! Isang linggo na naman ang natapos!" Hagikhik ni Ara pagbaba nito sa hagdan mula sa kwarto nito. She raised her eyebrows as she looked at Elyan. "Wow! You look gorgeous today! Iyan ba ang epekto ng pagtawag sa 'yo ni Yugi kagabi? Did he become wild last night?"Pinantaasan niya ng kilay
Natigil sa pinakababang hagdan si Arnulfo nang matanaw niya mula sa sala ang kanyang asawa. Kung kanina lang ay sobra ang simangot nito dahil sa pagtatalo nila ng kanyang anak na si Yugi, ngayon naman ay halos mapunit na ang mga labi nito. Tumikhim si Arnulfo na naging dahilan ng pag-angat ng tingin nito sa kanya. Ilang saglit pa ay inilapag nito ang hawag nitong mug ng kape sa coffee table at tinapunan siya ng tingin. "What are you smiling about?" bungad niyang tanong at umupo sa tabi nito. "Nagkaayos na ba kayo ng anak mo? Dahil sigurado ako na hindi magiging ganyan ang mukha mo kung magkaaway pa rin kayo." She raised her eyebrow. "Anong nagkaayos? Nandito nga siya sa bahay, pero ayaw naman niya 'kong kausapin at panay ang iwas niya sa akin! Because of that Marquez girl, he's defying his own mother." Pagak na natawa si Arnulfo. "Eh…kanino pa ba siya magmamana kung hindi rin lang sa 'yo? Saka bakit kasi hindi mo nalang s
"Alam mo?" dismayadong anas ni Ara habang nakapameywang sa harap ng dresser ni Elyan. "Hindi naman sa nilalait kita…pero suggestion ko lang, palitan mo na 'tong mga damit mo. Wala na sa uso ang mga 'to."Agad na umangat ang isang kilay ni Elyan sa sinabing i
"So, you're saying…imbes na ikaw ang mag-first move, si Ms. Marquez ang nauna?" kunot-noong tanong ni Lester. "That only means, may gusto rin talaga siya sa 'yo."Matapos ang pahayag na iyon ng binata ay agad na umangat ang dulo ng labi nito. Sa kabilang banda naman ay tumango laman
"Surprise!" nakangiting wika ni Elyan at sinalubong ng mahigpit na yakap si Yugi. "Nagustuhan mo ba? Lester and I prepared this habang nasa school ka pa."Naningkit ang mga mata ni Yugi na tinapunan ng tingin ang nobya."Kasali rin ba si Ara sa plano niyong 'to? Iyon ba ang rason kung bakit nagmamad
Hindi mapigilang mapangiti ni Elyan habang nakatitig siya sa malamyong mukha ni Yugi. Matapos ang pinagsaluhan nilang mainit na sandali at matapos nilang mag-usap ay nakatulog ito.Napanguso siya nang maalala niya ang pinag-usapan nila kanina.Hindi siya mak







