登入Matapos ang ilang oras na pagbibiyahe ay tuluyan na ring nakarating sina Lester at Yugi.
Right after Yugi turned off the engine, isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya at hindi nagtagal ay sumandal sa kanyang kinauupuan. Pumikit siya at dinamdam ang katahimikan sa loob ng sasakyan kasama ang kanyang kapatid.
Sa kabilang banda ay ganoon din ang ginawa ni Lester. Sa puntong iyon ay pareho silang tila ba gusto munang manatili sa loob ng kotse.
Hindi maipinta ang mukha ni Elyan sa mga sandaling iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya maalis sa kanyang isip ang naging usapan nila ni Mrs. Arevalo. Hanggang ngayon ay gigil pa rin siya sa mga sinabi ng babaeng iyon.Ilang saglit pa ay tuluyan na rin siyang nakarating sa apartment. Pabagsak niyang isinara ang pinto at agad na dumiretso sa living room. Matapos niyang ilapag ang kanyang mga gamit ay agad siyang sumalampak ng upo roon.Sa puntong iyon ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Tatakbo ba siya o magtatago? Haharapin ba niya sila sa katotohanan o itatanggi niya iyon?Umiling siya at hindi kalaunan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata.Maya-maya ay napukol ang tingin niya kay Ara na narinig niyang may kausap sa cellphone nito. Kabababa lamang nito mula sa hagdan at naglalakad patungo sa kinaroroonan niya."Sige. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Bye!" sambit nito at tuluya
You received an email from Samantha Arevalo.You received an email from Jackson Dela Cruz.You received an email from Katherine Dimaculangan.You received an email from Donald-Walyen University.A message notification from the DWU SC Officers chat group.A message notification from Ara Tomas.Hindi mahinto sa pagtunog ang cellphone ni Yugi sa mga sandaling iyon. Bagama't hindi pa niya nababasa ang lahat ng iyon ay alam na niya kung ano ang laman ng bawat isa sa mga iyon. Kani-kanina lang ay nabanggit sa kanya nina Lester at Vivian ang tungkol sa balitang kumakalat sa buong campus ng Donald-Walyen University."Everyone knew you and Elyan were in a relationship."Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya habang sinasariwa ang mga binitawang salita na iyon ni Lester. Napahilamos siya sa kanyang mukha habang ramdam niya ang pag-iinit n
Tila ba may kumirot sa puso ni Elyan habang nakatuon ang kanyang tingin sa mga litratong nasa kanyang harapan. Hindi lamang basta larawan ang mga iyon kundi mga kuhang larawan nila ni Yugi na magkasama. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa mga sandaling iyon.Hindi siya makagalaw habang nakatuon ang kanyang tingin sa masayang mukha nila ni Yugi na magkahawak-kamay. Ang ilan sa mga iyon ay yakap-yakap siya ng binata mula sa kanyang likuran habang hinahalikan siya nito sa pisngi.Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga iyon at hindi kalaunan ay napalunok.Kung tutuusin, hindi niya tiyak kung kaya pa ba niyang lumunok dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Tumikhim siya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa dean.Dismayado ang mukha nitong nakatuon ang tingin sa kanya habang napapailing."You had nothing to deny, Ms. Marquez. Nandyan na ang lahat ng pruweba," sinsero nitong anas at umayos ng upo. "Alam mo bang tu
Walang mapaglagyan ang tuwa ni Jessica paglabas niya ng dean's office. Taas-kilay niyang muling tinapunan ng tingin ang pinto ng opisinang iyon habang hindi mabura ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."My plan is finally coming to fruition," kinikilig niyang anas sa kanyang sarili. "I'm sorry, my dear best friend! Hindi mapapantayan ng pagkakaibigan natin ang kagustuhan kong maangkin si Prof. Yugi."Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay natigil siya nang mapukol ang kanyang tingin kina Lorea at Malea na nasa ibaba. Tila ba may kung anong seryosong pinag-uusapan ang mga ito at nang mapadpad ang tingin nila sa kanya ay agad din naman silang huminto.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi at agad siyang sinalubong."Anong ginagawa mo sa administrator's building?" bungad na tanong ni Lorea. "Nakausap mo ba si Elyan? Ipinatawag kasi siya sa dean's office, ngayon lang. Nakasalubong mo
"How are you doing? Have you been doing well?" tanong ni Arnulfo sa anak habang naglalakad sila sa malawak na hardin ng hacienda. "Kumusta ang halos limang taong pananatili mo sa Makati? Wala ka naman bang naging problema?""So far so good. Wala naman ho akong naging problema at ayos lang din ang kalagayan ko roon. Medyo mahirap nga lang lalo na noong bagong salta ko pa lang doon," sagot niya na ikinangiti ng ama.Tumango si Arnulfo.Muli ay tinapunan nito ng tingin ang kabuuan ng lugar na tinatahak nila. Sa kabilang banda naman ay tahimik lamang si Yugi sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay malaki ang ipinagbago ng kanilang samahan simula nang umalis siya ilang taon na ang nakalipas.Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan nila, ganoon din ang kaba habang kasama niya ang kanyang ama.Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Hindi man lang ito nagalit sa kanya tulad ng kung
Isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa loob ng court sa ginawang pagsampal ni Elyan kay Diego. Agad na naglaho ang tawanan ng kanyang mga teammates habang ang ilang mga estudyante, sa loob ng court na iyon, ay nahinto sa kani-kanilang mga ginagawa.Napahawak si Diego sa kanyang pisngi na sinampal ng dalaga. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi at kunot-noo niya itong tinapunan ng tingin. Sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatayo si Elyan sa harap niya habang nakataas ang kilay nito."Ouch! That hurt!" mahinang anas ni Diego. "You—"Naputol ang kanyang sasabihin nang muli siyang sampalin ni Elyan sa kanyang kabilang pisngi."How dare you, Mr. Diego Mendoza!" nanggagalaiting wika ni Elyan. "Ang kapal ng mukha mong ipagkalat sa buong campus na boyfriend kita! Bakit? Sa tingin mo ba, papatulan kita? Sa tingin mo ba, papatulan ko ang isang tulad mo? If this is how you work on your little schemes, then hindi ako magdad
Tatlong araw na mahigit simula nang magkausap sina Elyan at Professor Yugi. Matapos ang pag-uusap na iyon ay pareho na silang naging abala sa kaniya-kaniya nilang mga gawain sa university. Ang professor ay busy sa pag-aasikaso at pag-aayos para sa gaganaping acquiantance party habang ang dalaga nam
Hindi maipinta ang mukha ni Yugi habang naghuhugas siya ng pinggan. Kung tutuusin ay noong nakaraang araw pa nga siya hindi mapakali dahil sa pinag-usapan nila ni Mr. Yal Marquez.Gusto niyang magwala.Magreklamo.Tumanggi.Ngunit imbes na gawin ang mga bagay na iyon ay nabigo siya. Hindi niya magaw
Saktong alas-kuatro trenta nang magising si Elyan. Today is Saturday. Kadalasan kapag ganitong mga araw ay late na siyang gumigising dahil wala siyang pasok. Kung tutuusin nga ay pinagsabihan siya ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng saturday class para advanced na siya at para mabilis siya
Matapos ang naganap na meeting sa conference room ay agad na ring nagsialisan ang mga professor. Nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang mga klase ganoon din ang Dean na agad na ring bumalik sa opisina nito.Ngunit nanatiling tahimik at tulala si Yugi sa loob ng silid na iyon.Napahilamos siya sa kan







