Mag-log inGray Series 5 (Arison Gray's Story-Eldest Son of Jett Jamison Gray and Arya Armani) Dahil sa sakit na endometriosis ni Serene Choi ay niloko siya ng ex-husband niyang si Dylan West. Nagawa pa nitong buntisin ang babae nito kaya walang pag-aalinlangan siyang nakipaghiwalay rito. Dala ng pagkapoot sa dati niyang asawa ay nagpunta sa bar si Serene. Nagpakalasing siya at nakipagniig sa isang lalaking hindi niya inaasahan--si Arison, ang binatang dati niyang tinuruan na nagmula sa mayamang angkan ng mga Armani at Gray. Sampung taon ang agwat nila sa isa't-isa pero dahil sa nangyari sa kanila ay hindi na rin nagawang iwasan ni Serene ang lalaking may malaking pagkagusto sa kaniya noon pa man. Mas nagulantang ang mundo niya nang malaman niyang nagdadalang-tao siya! Hindi lang isa o dalawa kung hindi tatlong sanggol ang nasa sinapupunan niya at sa mas hindi inaasahang pagkakataon ay inaya siya bigla ng kasal ni Arison--bagay na mas ikinagulat niya. Magiging maayos kaya ang pagsasama nina Serene at Arison sa kabila ng malaking agwat nila sa edad? Talaga bang may happily ever after matapos ang pakikipag-diborsyo niya sa maling tao? Matatanggap kaya siya ng buong angkan ni Arison? Magtutuloy-tuloy na kaya ang kaniyang kaligayahan o patitikimin lamang siya ng kaunting ginhawa kapalit ng mas miserableng buhay?
view more“Where are you?” tanong ni Serene habang titig na titig siya sa kaniyang asawa mula sa malayo.
“I…uhm. I'm heading for an important meeting. Why?” Agad na bumaliktad ang sikmura ni Serene nang marinig niya ang mga salita mula kay Dylan West, ang asawa niya. Ilang taon na silang kasal at mismong sa ibang bansa pa iyon idinaos dahil sa request ng kaniyang mga biyenan. Nagdududa kasi ang mga ito sa kaniya na baka raw magloko siya pero anak pala nila ang gagawa ng bagay na binibintang nila sa kaniya. Gustong tawanan ni Serene ang kaniyang asawa pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Talaga palang kapatid ng manloloko ang sinungaling. “Sa’n ang meeting mo? Baka may time ako at makapag-lunch tayo ng sabay.” Sinubukan niyang palambingin ang boses niya. Nasa lobby si Serene ngayon ng Crystal Hotel habang pinapanood niya ang walanghiya niyang asawa kasama ang babae nito. Napaismid siya. “Meeting pala ha?" bulong niya habang pagak na natatawa. "Kailan pa naging meeting ang pakikipagkita sa ibang babae? Nagbook pa talaga siya ng isang VIP room.” Hinalikan ni Dylan sa ulo ang babae niya at luminga sa paligid bago bago siya bumuntong-hininga. “I don’t think I can, Serene. Masyadong importante ang meeting na ‘to at mukhang matatagalan…” Naputol ang sinasabi ni Dylan nang hilahin ng babae niya ang suot niyang necktie at malalim siya nitong hinalikan. Sa halip na itulak ay mas hinapit pa niya sa bewang ang babae at pinalalim pa ang halikan nilang dalawa. Wala silang pakialam kung may makakita sa kababuyan nilang ginagawa. Nanatili ang cellphone ni Serene sa kaniyang tainga habang pinapanood niya ang magaling niyang asawa at ang kabit nito. Isang minuto, dalawang minuto. Hindi niya alam kung gaano niya katagal tiniis na panoorin sila bago huminto ang mga ito sa paglalaplapàn! “Still there, Serene?” tanong ni Dylan na medyo hinihingal pa mula sa paghahalikan nila. “Yes…” “So, tulad ng sabi ko ay masyadong mahalaga ang meeting na ‘to para matapos agad kaya ikaw na lang mag-isa ang mag-lunch. Hindi ka naman bata para kailanganin mo ng kasama, hindi ba? Isa pa, may pera naman akong ibinibigay sa'yo. Spend it and eat whatever you want.” Hindi alam ni Serene kung nagbibiro ba si Dylan pero ang makitang nakangisi ito ng nakakaloko, naintindihan niya agad ang ibig nitong sabihin. Hindi nito sineseryoso ang imbitasyon niya. “Okay. Mag focus ka na sa meeting mo. Magkikita naman tayo pagkatapos niyan,” sabi ni Serene at ibinaba na ang tawag. Hindi pa rin siya umaalis sa p’westo niya. Pinagmamasdan niyang mabuti ang kilos ng mga taksil. Dahan-dahang sumunod si Serene sa asawa niya at sa babae nito hanggang makarating sila sa k’warto na ang asawa niya mismo ang nag-book sa ilalim ng pangalan ng secretary nito. Gagawin talaga nito ang lahat para lang makasama ang malandi nitong kerída! Hindi pa naisasarado ng maayos ang pinto nina Dylan at ng kerida niya nang yumapos na agad sila sa isa’t-isa. Hindi mapigilang matawa at mandiri sa nasasaksihan ni Serene. “Hindi mo pa ba hihiwalayan ang babaeng ‘yon? Ilang beses ka nang nangako sa akin. Dylan, hindi ko na kayang laging ganito. Ayoko nang patago tayong nagkikita,” reklamo ng babae ni Dylan pero nanatiling malambing ang boses. “Ashley, h’wag kang mag-alala malapit ko na talaga siyang hiwalayan. Sadyang kailangan ko pa siya ngayon. Alam mo namang malaking project ang inaasikaso ko at magaling na empleyado si Serene,” sagot ni Dylan. Parang mga kutsilyong nagtusukan sa dibdib ni Serene. Ang bawat salitang narinig niya mula mismo sa bibig ng asawa niya. So ginagamit lang pala siya nito?! “Pero, paano naman ako? Kung gano’n pala siya kahalaga pagdating sa’yo ay wala akong laban sa kaniya. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong lahat na magkasama habang ako ay ganito… Patago.” Isang impit na hikbi ang lumabas sa bibig ni Ashley, pilit siyang nagpapaawa kay Dylan para makipag diborsyo na ito sa asawa nito. “Of course not!” may pagkabahala sa tono ng boses na sagot ni Dylan. “H’wag mong ihalintulad ang sarili mo sa kaniya, Ashley. Kailangan ko lang siya para sa mga tinatapos kong project, pero ikaw, mahal kita.” Ilang segundong katahimikan ang namagitan kay Dylan at sa kabit niya bago sila nagsimulang humalik sa isa't-isa. Rinig na rinig ni Serene ang malalandi nilang mga ung0l at halos wasakin ng mga tunog na iyon ang eardrums at puso nito. “Uhmm… Dylan!” sarap na sarap na ung0l ni Ashley at malandi pa siyang humagikgik. Nagpapakasaya sina Dylan at ang babae nito habang si Serene ay hindi na magkaintindihan sa nararamdaman niya. Napakawalanghiya ni Dylan para gamitin lang siya! Nanginginig ang kamay ni Serene nang itinulak niya ang pinto pabukas. Agad na tumambad sa kaniya ang hubad nilang katawan habang magkapatong ang mga ito sa kama. “Mga walanghiya! Ang lalandi n’yo!” sigaw niya nang walang pagpipigil ng galit. Kinuha ni Serene ang isa sa kaniyang suot na sandals at walang pagdadalawang-isip na ibinato sa kaniyang asawa at sa kerida nito. Wala na siyang pakialam kung sino ang tamaan. Kung p’wede lang na dalawa sila ay mas masaya! “Serene! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Paano kung natamaan si Ashley ng sandals mo?!” nanggagalaiting tanong ni Dylan, nanlilisik ang kaniyang mga mata. Tumayo siya at agad na binalot ang ibabang parte ng katawan niya ng towel. “Kahit hindi mo na ‘yan itago, Dylan ay hindi ako mag-aabalang tingnan ang maliit mong arí!” bulong ni Serene sa kaniyang sarili. Ngumisi siya pagkatapos. Ayaw niyang ipakita sa asawa niya at sa babae nito na sobra siyang nasasaktan. “Anong pakialam ko sa hitad na ‘yan?!” tanong niya at hinarap si Dylan. “Paano mo nagawa sa akin ‘to? Sa pitong taon nating pagsasama, kahit minsan hindi ko naisip na maghanap ng iba. Sa pitong taon ay ikaw lang ang minahal ko, pero anong kagaguhan ‘to?” Nangilid na ang luha sa mga mata ni Serene pero pinilit niyang huwag ipakita sa kanila na mahina siya. Pitong taon siyang nagpakatanga sa kaniyang asawa. Pitong taon niyang ginawa ang lahat ng utos nito ng buong puso. Hindi niya akalaing sa loob ng mga taong iyon ay siya lang pala ang nagmamahal sa kanilang dalawa. Siya lang ang nagpapahalaga sa relasyong mayro'n sila. “Hah! Talaga bang umaasa kang mag-se-settle ako sa isang tulad mo?” Sarkastikong tiningnan ni Dylan ang asawa niya mula ulo hanggang paa. “Oo at matalino ka. Hindi ko rin itatangging maganda ka pero hindi ba sinabi mo sa akin na may sakit ka kaya hirap na hirap kang magbuntis? Anong mapapala ko sa’yo, Serene? Para kang isang puno na hindi marunong mamunga. Wala kang kwentang babae kung hindi mo ako mabibigyan ng anak.” Parang nabingi si Serene sa kaniyang mga narinig. Kusang umangat ang kamay niya at malakas niya itong sinampal. “Anong sabi mo?” Nanginginig ang buong katawan ni Serene sa galit. Ang kapal ng mukha ni Dylan para sabihan siyang walang k’wenta! “Sa ating dalawa, sino sa atin ang walang k’wenta, Dylan? Matatanggap ko pa kung sasabihin mong isa akong b0b0 para mahalin ka dahil ‘yon ang nararamdaman ko ngayon! Pero ikaw. Ikaw na ginagamit lang pala ako para magawa mo ng maayos ang mga trabaho mo, sino sa atin ang walang k’wenta ngayon?” natatawa niyang tanong. “You…” Matalim na tiningnan ni Dylan si Serene pero agad nitong pinutol ang sasabihin niya. Hindi pa siya tapos sa mga nais niyang sabihin. “Bakit? Masakit bang marinig mula sa isang empleyado ang gano’ng bagay?” Ngumisi si Serene kay Dylan. “Ano na lang ang sasabihin ng lahat kapag nalaman nilang ang tagapagmana ng West Group ay isang tulad mo?” Dinuro niya ito at tinulak gamit ang kaniyang hintuturo. “Stop.” Sa wakas ay tumayo na sa kama si Ashley at pumagitna sa mag-asawa. “Sino ka sa tingin mo para sabihan siya ng ganiyan, hah? Ano naman kung ginagamit ka lang niya? Trabaho mong gawin ang utos niya dahil isa ka lang hamak na empleyado. Nagagalit ka lang siguro dahil pagkatapos ng lahat ng effort mo ay hindi mo pa rin kayang bigyan ng tagapagmana ang mga West.” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang lumapat na rin ang palad ni Serene sa pisngi niya. "How dare you?!" Sa pagkakataong ‘yon ay mas namanhid ang kamay ni Serene. “Oops, napalakas yata ang sampal ko. Sana lang ay hindi ko nasira ang kapapagawa mo lang na ilong, pero mukhang hindi ka naman masasaktan… Sa kapal ba naman ng make-up at ng mukha mo…” Tiningnan niya si Ashley nang nakakainsulto. “Anong sabi mo?! Walanghiya kang babae ka! Sa tingin mo ba ay mas maganda ka sa akin? Well, kahit gaano ka pa kaganda ay ako pa rin ang mahal ni Dylan,” sigaw ni Ashley na halos lumuwa na ang mga mata sa galit. Kitang-kita rin ni Serene ang mga ugat ni Ashley sa leeg nito at hindi niya napigilang hindi matawa. “Gosh. Hindi ko akalaing ganitong klaseng babae pala ang type mo, Dylan. Exotic,” may diin niyang sabi. “Dàmn you, bítch!” Sasabunutan na sana ni Ashley si Serene nang mabilis nitong napigilan ang kamay niya at itinulak siya, dahilan para mapaupo siya sa sahig. “Ashley!” Nag-aalalang dinaluhan ni Dylan ang babae niya sa lapag at masamang tiningala ang kaniyang asawa. "Serene, bakit mo naman siya tinulak?” Hindi makapaniwala si Serene na iyon lang ang napansin ng asawa niya. “Sasabunutan niya ako. Of course I need to protect myself from her, Dylan.” Magsasalita palang sana si Dylan nang bigla na lang umiyak si Ashley. Agad itong nagpaawa. “D-Dylan, pinoprotektahan lang kita. Wala siyang karapatang saktan ka. Nasasaktan ako kapag nakikita kong nasasaktan at nahihirapan ka." Iyak ni Ashley at niyakap ang tiyan. “Sumasakit ang tiyan ko, Dylan. Malakas niya akong tinulak, ang baby natin,” dagdag pa niya. “Baby?” gulat na tanong ni Serene. Halos mawala siya sa sarili. “Buntis siya?” “Oo, buntis s'ya!” sigaw ni Dylan sa kaniyang asawa. “Dinadala niya ang anak ko, Serene! Kaya wala kang karapatang saktan siya dahil kapag nawala ang anak namin ay wala akong ibang sisisihin kung hindi ikaw!” “What?” Unti-unting nawala ang lakas sa katawan ni Serene. Buntis ang babae ng lalaking mahal na mahal niya. “Hindi mo naman ako kayang bigyan ng anak, Serene. So anong ikinakagalit mo? Ashley is way better than you.” Tumayo si Dylan at dinuro ang asawa niya. “Don't act like you're something, because no… You're nothing, Serene." Muling umangat ang kamay ni Serene at sinampal niya ng malakas ang kaniyang asawa. “Dylan, pinagsisisihan kong nakilala kita. Kung p'wede ko lang ibalik ang pitong taong nagpakabaliw ako sa'yo ay gagawin ko para sampalin ko ang sarili ko. Hindi ko akalaing nabulag ako ng pagmamahal sa isang tulad mong walanghiya!” Muli niya itong sinampal. “Para ‘yan sa panggagago mo sa akin. Kulang pa nga ‘yan sa pitong taong ginugol ko sa'yo… Pero ayaw ko nang lumapat pa ang kahit anong parte ng katawan ko sa'yo. Nakakadiri ka. Tapos na tayo, Dylan. I will file for divorce para naman may pag-asang maging Mrs. West ang kabit mo.” Hindi na hinintay ni Serene ang isasagot ni Dylan sa kaniya. Ayaw na niyang makita ang mga ito. Kahit anino nito ay ayaw na niyang masilayan pa. Buntis ang babae ng kaniyang asawa. Sunod-sunod na nagtuluan ang mga luhang kanina pang pinipigilang pumatak ni Serene. Parang may kung anong nakatusok sa kaniyang dibdib na nagdudulot ng pagdurugo at pagkawasak hindi lang ng kaniyang puso maging ng buo niyang sistema. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit na akala niya ay naiintindihan ng asawa niya ang sitwasyon niya. Iyon pala ay hindi, pinagmukha lang siya nitong tànga! Itinapon nito ang pitong taon nilang pagsasama dahil lang sa hirap siyang magbuntis at ngayon ay magiging ama na ito sa anak nila ng babae niya!“Anong gusto mong pagusapan?” Seryoso ang tono ng boses ni Jam at nilapag ang tasang bitbit sa lamesa, kung tungkol na naman sa kasal at ipipilit mong h’wag ng ituloy—”“Gaano ka kagalit sa akin?” Putol ni Rain sa sinasabi niya, ang nakabukang bibig ni Jam ay agad na napatikom at nagkaroon ng kakaibang ekspresyon ang mukha niya.Pinatong niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bewang at tinagilid ang ulo. “Ano na namang klasing tanong ‘yan, nagsisimula ka na naman ba ng away para magkadahilan ka na umalis dito?” Sarkastiko niyang tanong.“Wala akong balak na makipag-away sa’yo, gusto kong makapag-usap tayo ng maayos.” Lumunok si Rain ng laway. “Sa tingin mo ba… sa tingin mo ba kung ikakasal tayong dalawa may pag-asa na maging maayos ang pagsasama natin?” Muling nangilid ang mga luha sa mata niya.Mas lalong nangunot ang noo ni Jam, hindi niya maintindihan kung bakit tinatanong ni Rain ang mga ganoong klase na tanong. Halata rin ang kakaibang kilos ng mga kamay nito na halatang kin
“P’wede ba kitang makausap, Rain?” Marahan na tanong ni Eman habang nakatingin kay Rain, hindi ‘yon utos kundi humihingi ito ng permiso sa kaniya.Marahan siyang napatango. “May gusto rin po akong sabihin at itanong sa’yo, pero mauna na po kayo.” Magalang niyang sagot.“Nako, hindi! Ikaw na ang mauna, ano ba ang gusto mong itanong sa akin?” May magaan na ngiting nakapaskil pa rin sa labi ni Eman, kaya kahit na medyo alangan at kinakabahan si Rain ay muli siyang nagsalita.“G-Gusto ko lang po na malaman kung bakit pinilit ninyo na ako ang maging grand daughter-in-law ninyo, hindi ko maintindihan lalo na at ang inanunsyo na ni Jam na papakasalan ay si Hailey. Gusto kong malinawan, bakit gusto mo pobang malinis ang pangalan ko sa harap ng mga reporters.” Humigpit ang hawak ni Rain sa dulo ng suot niyang damit.Sa totoo lang ay hindi na naman siya umaasa na makakarinig ng magandang dahilan, ang kaniya lang ay gusto niyang makasiguradong tama ang hinala niya.Umiwas ng tingin si Eman sa ka
“Anong ginagawa natin sa harap ng bahay mo?” Malamig na tanong ni Rain ng huminto ang kotse ni Jam sa harap ng mataas na gate. “Gabi na, may sarili akong bahay na dapat kong uwian at hindi dito.”“Sariling bahay?” Sarkastikong balik ni Jam sa kaniya. “Sariling bahay pero may ibang lalaking p’wedeng maglabas pasok doon? Dinala kita rito para masiguradong hindi ka magkakaroon ng oras para makipagkita sa lalaking ‘yon,” sambit niya gamit ang malamig na tono. “Ikakasal na tayo, dapat lang na masigurado kong wala ng ibang lalaking umaaligid sa’yo hanggang dumating ang araw ng kasal nating dalawa.”Pagak naman na natawa si Rain sa narinig, hindi niya akalain na hindi pa rin sapat ang ginawa niyang pakikipaghiwalay kay James. “Ganiyan ba talaga kadumi ang tingin mo sa akin, na sa sobrang landi kong babae pagkatapos kong makipaghiwalay sa kaniya ay makikipagkita ulit ako?”“Bakit hindi? Sa tingin mo ba porket hiniwalayan mo siya at tapos na ‘yon, maniniwala na akong walang koneksyon sa pagita
“Jam, pakinggan mo naman muna ako! Hindi mo p’wedeng basta-basta na lang akong iwan sa ere! Nangako ka, sa akin ka nangako na papakasalan mo ako!” Pilit na habol sa akin ni Hailey pagdating pa lang niya sa office ko, wala siyang pakialam kahit andoon ang assistant ko. “Hindi ako papayag na ganito na lang ang mangyayari, itatabi mo na lang ako sa gilid na parang gamit na basahan at hindi na kailangan!”Tinignan siya ni Jam ng walang gana. “Hailey, ano ba ang hindi mo maintindihan na hindi ikaw ang gusto ni lolo para sa akin? Kailangan ko pa bang ipamukha sa’yo na kahit nangako ako ay hindi ibig sabihin noon ay matutupad ‘yon?” Walang gana niyang sagot at hinilot ang sintido na nagsisimula ng kumikirot sa sobrang stress sa mga nangyayari.“Jam, naririnig mo ba ang sarili mo? Alam mo ba ang sinasabi mo ngayon!” Asik naman ni Hailey at mahigpit na kumapit sa braso niya. “Talagang aabandonahin mo ako pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko para sa’yo, pagkatapos mo akong gamitin para ipamuk
“S-Serene,” nakangusong wika ni Arison habang nasa living room sila. Kauuwi lang nila galing office at hindi na agad maipinta ang mukha ni Serene. “Huwag ka nang magalit. Kahapon mo pa akong hindi pinapansin,” pilit na sambit niya. Kakauwi lang nina Serene at Arison pareho galing sa trabaho at hal
Mula sa peripheral vision ni Serene ay kita niya ang pagtayo ng lalaki at pagharap nito sa kaniya. Agad niyang inangat ang kaniyang ulo para salubungin ang tingin nito nang matigilan siya.Nakangiting naglahad ng kamay si Arison sa harap ng kaniyang asawa. “Good morning, Ms. Choi. I am Arison Arman
Napakagat na lang si Serene sa kaniyang ibabang labi sa halip na asarin ang bago niyang asawa. Baka imbis na gumaan ang loob nito ay mas lalo pa itong magtampo kapag nakita siyang pangisi-ngisi pa. Mas itinuon niya ang kaniyang atensyon sa kamay nilang magkahawak. Hindi niya maalala kung naglakad b
“Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya. Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.