Share

Chapter 3

Author: Sienna Fox
last update Petsa ng paglalathala: 2026-02-09 17:04:35

Meron na lamang isang buwan si Aera bago niya tuluyang iwan si Zach. Gagamitin niya ang panahong iyon para gumanti sa mga taong nanloko sa kanya.

Nakita niya sa cellphone ang ilang missed calls mula kay Zach. Malamang ay nabalitaan na nito na kinansela ni Aera ang isang importanteng proyekto na nagkakahalaga ng milyon-milyon. Kung natuloy iyon, mas aangat na naman ang Tuazon. Hindi na siya papayag na gamitin siya nito para sa pansariling interes.

Kinabukasan, nagulat siya nang biglang dumating si Zach. Isang araw pa dapat ang uwi nito, pero mukhang napaaga.

Bigla itong pumasok sa opisina niya, salubong ang dalawang kilay at halatang galit na galit. Lalo pa siyang nainis nang makita niyang prenteng nakaupo lamang si Aera at nagkakape.

“Bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nabalitaan ko na kinansela mo raw ang project kay Mr. Velasco. Hindi ka ba talaga nag-iisip? Ang laki ng halagang sinayang mo. Huwag mong sabihing hindi ka prepared sa project na ’yon, eh halos tapos mo na ang design draft na kailangan nila. Ni hindi mo man lang ako inabisuhan sa ginawa mo,” galit na bungad nito.

Nagpipigil ng tawa si Aera. Naisip niya na baka kaya galit si Zach ay naputol ang family bonding nila ni Serene.

“Ah, pasensya ka na. Hindi ko namalayan na naka-silent pala ang phone ko. Hindi ko na rin nasabi sa’yo na kinansela ko ang project kasi busy ka. Masama kasi ang pakiramdam ko lately. Hindi ko kaya ang workload. Ayaw ko namang pilitin ang sarili ko ayokong maglagay ng sobrang pressure sa sarili ko, baka pangit ang maging outcome.”

Tiningnan niya ang lalaking nasa harapan niya ang lalaking kasama niya mula pa noon at mahiyain, hanggang sa pagiging mature at awe-inspiring na tao ngayon at wala siyang naramdaman.

Bigla niyang na-realize na noon, sobrang bigat ng pinapasan niya, pero hindi naman iyon sineseryoso ni Zach.

Gaya ng inaasahan, binale-wala na naman ni Zach ang ikalawang bahagi ng sinabi niya. Malamig at hindi mabasa ang ekspresyon ng mukha nito, gaya ng dati. Dahan-dahan siyang ngumiti.

“Huwag ka mag-alala. ’Di ba may client na pinasok si Serene? Sabi mo malaki naman ang kikitain natin doon. Kaya hayaan mo na ang project ni Mr. Velasco maliit na bagay na lang ’yon,” nakangiti niyang sambit.

Napansin niyang natigilan si Zach at tila nanigas sa kinatatayuan nito, halatang nag-iisip ng isasagot. Alam naman niyang wala talagang client si Serene, at ang perang ginastos nito ay malamang napunta na sa sariling bulsa ng babae.

Napansin ni Zach na tila nag-iba ang aura ni Aera. Inisip niya na baka galit pa rin ito dahil sa perang ginastos niya para kay Serene, dahil ni minsan ay hindi naman ito sumuway sa kanya nang ganito.

Marami siyang gustong sabihin, pero walang lumabas sa kanyang bibig. Napalunok na lamang siya. Alam niyang malaking asset si Aera sa kumpanya magaganda ang designs nito at pasok sa panlasa ng mga kliyente. Hindi niya ito pwedeng mawala. Kung hindi lang niya kailangan si Aera, baka hindi man lang niya ito ma-appreciate.

Masyado siyang nadala sa drama ni Serene kaya hindi na siya nakapag-isip nang ipadala niya ang perang dapat sana ay para sa kasal nila. Nakaramdam siya ng kaunting guilt dahil alam niyang pinag-ipunan talaga iyon ni Aera.

Dahan-dahan niyang ni-relax ang sarili. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.

“Ikaw talaga, babe. Hindi mo naman sinabi sa’kin na masama ang pakiramdam mo. Magpahinga ka muna, mag-early out ka na. Don’t force yourself always remember that your health comes first.”

Lalong gusto tumawa ni Aera sa narinig niya. Halatang peke ang lahat ng sinasabi ni Zach.

Sasagot sana siya, pero biglang bumukas ang pinto. Dumating si Serene kasama ang anak nito.

“Gusto raw makita ni Cedric ang trabaho ng Tito Zach niya. Sorry, nakakaabala ba kami?” sabi ni Serene. Napa-irap si Aera alam niyang sinasadya iyon ng babae.

Mabait naman si Cedric, pero bilang bata, likas ang kakulitan nito. Napansin niya ang reaksyon ni Zach; agad lumambot ang aura nito. Halos iunat na sana nito ang mga kamay para buhatin ang bata, pero napahinto siya sa sinabi ni Aera.

“Ano ka ba, hindi kayo nakakaabala. Besides, I like Cedric ang cute-cute niyang bata. I’m wondering nga, parang bagay si Cedric maging ring bearer sa kasal namin ni Zach,” nakangiti niyang sambit.

Kitang-kita ang biglang pagbabago ng mukha ni Serene nang marinig ang salitang kasal, pero mabilis din itong ngumiti.

Bigla namang sumigaw si Cedric, dahilan para magulat ang lahat.

“No! Ayaw ko maging ring bearer sa kasal n’yo ni Tito Zach! Kasi dapat sila ni Mommy ko ang ikasal!”

Biglang nanahimik ang paligid.

Agad nilapitan ni Serene ang anak niya.

“Anak, ano ka ba? Be mindful naman sa mga sinasabi mo. Andiyan si Tita Aera dapat iniisip mo ang mararamdaman niya,” nakangiti nitong sabi.

Nilapitan din ni Aera ang bata.

“Tama ang Mommy mo, Cedric. Kasi kami ni Tito Zach mo, matagal na kaming magkasama—four years na. Alam ’yan dito sa office. Kung maririnig nila ang sinabi mo kanina, ayaw mo naman sigurong isipin ng ibang tao na kabit ang Mommy mo, ’di ba?”

Nawala ang ngiti sa mukha ni Serene. Sa loob-loob niya, gusto na niyang patulan si Aera.

Naramdaman ni Zach na nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng opisina. Tahimik ang mag-ina, samantalang si Aera ay nakangiti.

Hindi siya makapaniwala sa mga salitang binitiwan ni Aera lalo na at isang bata ang kausap nito.

Agad siyang lumingon kina Serene.

“Ah, Serene, mauna na kayo. Mag-uusap lang kami ni Aera.”

Labag man sa loob ni Serene ang lumabas, naalala niya ang malaking halagang ibinigay sa kanya ni Zach patunay, para sa kanya, na mahal siya nito. Mabilis siyang lumabas ng opisina kasama ang anak.

Naiwan sina Zach at Aera sa loob, tila kapwa nag-aabang kung sino ang unang magsasalita.

“Ah, babe… matagal na tayong hindi nagdi-dinner sa labas. Tara mamaya. Magpa-reserve ako sa favorite restaurant mo,” bungad ni Zach.

Sa isip niya, bibilhan na rin niya ito ng ilang regalo. Para sa kanya, madaling suyuin si Aera materyal na bagay lang ang kailangan para mawala ang galit nito sa pag gamit niya ng pera nila.

Sa paningin niya, wala nang ibang masasandalan si Aera kundi siya.

“Ano pa ba ang gusto mo? Sabihin mo lang. Bibilhan naman kita. If you want money, just tell me kung magkano ang kailangan mo.”

Napangiti si Aera. Expected na niya ang ganitong paraan ng panunuhol ni Zach. Noon, nadadala pa siya sa ganito pero ngayon, iba na. Hindi na siya ang dating uto-u***g Aera.

“Sige, mauuna na rin ako. May jet lag pa ako. Magpahinga ka na rin para sa dinner natin mamaya. Papasundo na lang kita.”

Hindi pa man siya nakakasagot, biglang tumunog ang cellphone ni Aera. Unknown number.

Pagbukas niya ng mensahe, nanlaki ang mga mata niya.

“Hello, Miss Aera. I am Lucas, Sir Ethan’s assistant. I was asked to message you regarding the upcoming engagement between the two of you. Sir Ethan is inviting you to have dinner with him tonight at The Cellar, Grand Hyatt Manila, 8:00 PM sharp.”

Natigilan siya. Hindi niya inakalang magkikita agad sila ng magiging asawa niya. Naalala rin niyang may dinner pala sila ni Zach.

Agad niya itong hinabol palabas ng opisina.

“Zach, wait. I can’t come to dinner tonight. May biglaang meeting kasi ako urgent lang. Maybe next time na lang.”

“Ganun ba? Sige, mas mahalaga naman ang work. Next time na lang tayo mag-set ng date. Hindi na kita mahahatid ha. Sana maging okay ang meeting mo.”

Tahimik ang opisina. Tanging mahinang ugong ng aircon ang kasama ni Aera habang nakatitig siya sa madilim na salamin ng bintana. Sa repleksyon, nakita niya ang sarili pagod, pero mas malinaw ang mga mata kaysa dati.

Huminga siya nang malalim at isinara ang laptop.

Anuman ang mangyari sa susunod, handa na siya.

Sa pagkakataong ito, hindi na siya aatras.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 285

    Dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Aera.Malabo ang kanyang paningin sa una.Puting kisame.Malamig na ilaw.At isang pamilyar na pigura na nakaupo sa tabi ng kanyang kama.Si Ethan.Nakayuko ito habang hawak ang kanyang kamay.Halatang ilang araw nang hindi nagpapahinga.Magulo ang buhok.Maitim ang ilalim ng mga mata.At tila pumayat pa.Bahagyang gumalaw ang kanyang mga daliri.Agad na napaangat ang ulo ni Ethan.Nanlaki ang mga mata nito."Aera?"Mahina siyang ngumiti.Ngunit bago pa siya makapagsalita ay mabilis na tumayo ang lalaki.Parang natatakot na baka panaginip lamang ang lahat."Aera..."Bahagyang namamaos ang boses nito.Hindi niya alam kung ilang beses nitong binigkas ang kanyang pangalan sa nakalipas na tatlong araw.Tiningnan niya ito nang mabuti.At agad siyang nakaramdam ng kirot sa puso.Dahil mas mukha pang siya ang nasaktan kaysa sa kanya."Ang pangit mo."Mahina niyang biro.Natigilan si Ethan.Pagkatapos ay bahagyang natawa.Isang mahinang tawa na may halong pagod at ginhawa."

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 284

    Alas-nuwebe y medya nang magsimula ang press conference.Punong-puno ng mga mamamahayag ang conference hall.Sa gitna ng entablado ay nakatayo si Aera habang hawak ang remote ng projector.Sa kanyang likuran ay ang lahat ng ebidensyang maglilinis sa pangalan ng Dela Cruz Atelier.Sa ibaba naman ng entablado, tahimik na nakaupo si Ethan.Ngunit hindi siya nakikinig sa presentasyon.May kung anong hindi mapakali sa kanyang dibdib.Parang may paparating na panganib.Samantala, sa kabilang gusali...Tahimik na nakapwesto ang isang sniper.Nakatutok ang rifle nito sa dibdib ni Aera.Nakadiin na ang daliri nito sa gatilyo.Sa loob ng conference hall, tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Aera."Ang lahat ng ebidensyang ito ay magpapatunay na may planadong sabwatan upang sirain ang aming kumpanya."Lumabas sa malaking screen ang mga dokumento.Nagkagulo ang mga reporter.Sunod-sunod ang flash ng kamera.Pagkatapos ay lumitaw ang pangalan ni Chang Tan.Kasabay noon—Humigpit ang daliri ng sniper.At pinindot ni

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 283

    Alas-sais ng umaga. Kakaunti pa lamang ang gising sa buong lungsod.Nang lumabas si Aera mula sa gusali ng kumpanya habang hawak ang external hard drive, bahagya pa lamang nagliliwanag ang kalangitan.Hindi na niya pinasama ang kanyang asawa.Buong gabi itong gising at halatang pagod na pagod. Maitim ang ilalim ng mga mata nito kaya halos pilitin niya itong maupo sa sofa ng lounge.“Matulog ka na muna ng dalawang oras,” sabi niya.“Pumunta ka samin ng alas-otso. Ang press conference ay alas-nuwebe y medya.”Naibalik ni Ethan ang mga ebidensya na nawala kina Aera, kaya kailangan agad ng babae na magsagawa ng press conference upang iligtas ang reputasyon at negosyo ng kumpanya.Tumingin siya rito ngunit hindi nakipagtalo.Nang tumalikod na siya para umalis, hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Isama mo si Tj, hindi ka na pwedeng umalis ng hindi mo siya kasama.”Si Tj ang bagong tauhan na kinuha ni Ethan upang maging personal na bantay ng kanyang asawa.“...Sige.”Si Tj ang nagmamaneho ng

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 282

    Nang dumating si Ethan sa kumpanya ng kanyang asawa, ang Design Department na lamang ang may ilaw sa buong palapag.Si Roan at dalawa pang designer ay nakaupo sa harap ng ilang computer, abala sa trabaho. Naka-seal pa rin ng pulisya ang karamihan sa mga propesyonal na kagamitan ng departamento.Nang makita nilang pumasok si Ethan, bahagya silang kinabahan.“Nasaan si Aera?” tanong niya.“Si Miss Aera po?... nasa opisina po,” maingat na sagot ni Roan.“Kasama niya si Miss Suzy. Tatlong oras na siyang nasa loob. Wala siyang sinasabi at ayaw rin niyang may pumasok.”Tumango ang lalaki at naglakad patungo sa opisina sa dulo ng pasilyo.Binuksan niya ang pinto.Nakita niyang nakaupo sa sofa ang kanyang asawa.May lumang photo album sa kanyang kandungan.Katabi nito si Suzy. Nang makita nito si Ethan, tahimik itong tumayo at lumabas ng silid, saka marahang isinara ang pinto.Lumapit si Ethan at lumuhod sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nito tiningnan.Marahang hinaplos ng kanyang mga daliri a

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 281

    Dumating na ang panahon ng tag-ulan.Nakatayo si Zach sa harap ng bintana habang pinagmamasdan ang mga patak ng ulan na dumadaloy pababa sa lumang salamin.Ikapitong araw na nila sa maliit na bayan malapit sa hangganan.Halos magaling na ang sugat sa kanyang lalamunan.Hindi na masakit magsalita, ngunit mas mababa na ang kanyang boses kaysa dati at may magaspang na paos na tunog.Kapag tumitingin siya sa salamin, halos hindi na niya makilala ang sarili.Sobrang pumayat siya.Lumitaw ang kanyang cheekbones sa ilalim ng manipis na balat.Lumubog ang kanyang mga mata.Ang kanyang jawline ay tila inukit ng matalim na kutsilyo.At ang dati niyang mga mata ay wala nang anumang bakas ng liwanag.Sabi ni Chang, maganda raw ang hitsura niyang iyon.Hindi na siya katulad ng dating mayabang na CEO ng Tuazon Group.Mas mukha raw siyang isang taong nakabalik mula sa impiyerno.Walang sinabi si Zach.Hindi niya kailangang maging katulad ng kahit sino.Isa lang ang kailangan niya, ang manalo.Sa ikaapat na gab

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 280

    Samantalang sa Baguio, nakatakda na ang press conference ng alas-tres ng hapon. Alas-diyes pa lang ng umaga, nakaupo na si Aera sa pansamantalang opisina ng Design Department, huling beses na sinusuri ang mga ebidensyang ipapakita sa press conference.Nakatayo sa tabi niya si Chriztle. Magkatabi silang nakatitig sa monitor habang isa-isang tinitingnan ang mga scanned copy ng mga draft at iba pang dokumentong nagsisilbing ebidensya.Seryoso silang tinitingnan ang mga ebidensya nang may kumatok sa pinto.Pumasok si Suzy na may dalang dalawang tasa ng kape at inilapag ang mga iyon sa mesa.Kagabi lang ay opisyal na siyang lumipat sa apartment ni Aera upang samahan ito sa gitna ng lahat ng kaguluhan.Hindi na tumanggi si Aera.Alam niyang sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya kailangan magpanggap na kaya niya ang lahat mag-isa.“Kinumpirma na ni Shawn,” sabi ni Suzy.“Inaprubahan na ng korte ang preservation order para sa mga ebidensya. Mamayang hapon, ise-seal nila ang mga orihinal na draft

  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 55

    Pagtapos makipag bati ni Zach kay Serene, medyo gumaan ang loob niya habang pabalik sa bahay nila. Pero pagkapasok pa lang niya, narinig na niya agad ang iyak ng anak niyang si Cedric sobrang lakas at parang nasasaktan.May kasabay pang matinding pagsigaw ng Mommy niya.Biglang sumikip ang dibdib n

    last updateHuling Na-update : 2026-03-26
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 37

    Naghahanda si Aera para sa paparating na business conference. Nasa walk-in closet siya, nakatingin sa sarili niya sa salamin, at bigla niyang na-realize na baka ito ang unang malaking chance niya mula nang bumalik siya sa rito sa Baguio.Tama si Ethan masyado na siyang matagal na “na-stuck” sa mga

    last updateHuling Na-update : 2026-03-22
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 95

    Ang lalaking ito… lagi siyang kakaiba kumilos, pero kontrolado niya pa rin ang lahat.Yung sobrang natural na tawag nito ng asawa, at ang kasunod nitong tanong tungkol sa pagkuha ng marriage certificate, agad nagpataas ng init ng usapan sa mesa.“Hay naku!” unang natawa si Eva ang ina ni Ethan. “It

    last updateHuling Na-update : 2026-04-05
  • After Letting Him Go, I Became a Billionaire's Wife   Chapter 94

    Kakasabi pa lang ni Ethan ng pampakalma niyang salita nang may biglang sumingit na matinis at malambing na boses ng babae.“Kuya Ethan! Dumating ka rin sa wakas! Kanina pa kita hinihintay!”Bitbit ang laylayan ng damit niya, mabilis na lumapit ang dalaga na parang paru-paro, at dumiretso ang tingin

    last updateHuling Na-update : 2026-04-05
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status