로그인“Ate, kakain na tayo,” wika ni Diday, ang nakababata at pangatlo sa kanilang magkakapatid. Alanganing tinapunan nito ng tingin ang lalaking wala pa ring malay.
“Ate, ’di ba sabi ni Nanay, linisan mo ’yan?” dagdag pa nito. “Ikaw na kaya ang maglinis sa lalaking ito, Diday,” alanganing tugon niya. Napakamot naman sa ulo ang kapatid at napanguso pa dahil sa sinabi niya. “Ate naman, ikaw na. Ikaw ang inutusan ni Nanay, e,” reklamo nito bago tuluyang umalis sa pinto. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago naglakas-loob na linisin ang lalaki. Sa unang hawak pa lang niya rito, biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso—parang tambol na dumadagundong sa dibdib niya. Dahan-dahan niyang nilinis ang mga kamay at braso nito. Sinunod naman ang mukha, na puno ng galos, pasa, at putik. May malaking sugat din sa bandang noo, kaya’t maingat niyang ipinunas ang maligamgam na tuwalyang basa. Halos pigil-hininga siya sa takot na baka magising ito, ngunit nakahinga rin ng maluwag nang matapos. Pagtingin niya sa basang damit ng lalaki, napakamot siya sa ulo. Sa laki nito, tiyak niyang hindi niya kayang palitan. Kaya lumabas siya ng kwarto at tinawag ang ama. “Tay, basa ang kanyang damit. Hindi ko po kakayanin kung ako ang magpapalit,” aniya sa ama, na nakaupo sa bangkong kawayan habang umiinom ng mainit na kape. Agad itong tumayo. “Tapos mo na ba siyang linisin?” “Opo, Tay. Pagpapalit na lang po ng damit ang kailangan.” “Kumain ka na. Ako na ang bahala sa pagdadamit,” sagot ng ina. Umupo siya sa tabi ng kapatid niyang si Alora na abala sa pagkain at nagsimulang kumain. “Sino kaya ’yung lalaking ’yon, Nay? Mukhang hindi taga-rito,” tanong ni Lowell. Mariing umiling si Aling Mercedes. “Hindi ko alam. Baka dayo lang dito sa atin. O baka naman naligaw dahil sa lakas ng ulan.” “Lowell, samahan mo ako sa tindahan,” sabi ni Tatay Victor na kakalabas lang mula sa kwartong kinaroroonan ng estranghero. Kinuha nito ang sombrero na nakasabit sa likod ng pintong kawayan at isinuot. Medyo malayo ang tindahan mula sa kanilang bahay, at kapag maulan ay napakahirap bumili lalo na’t maputik ang daan. “Bakit po, Tay? May nakalimutan pa po ba tayong bilhin kanina?” tanong ni Lowell, minamadali ang pagkain. “Wala tayong gamot dito sa bahay. Nilalagnat ’yung lalaki. Kailangan niyang uminom ng gamot,” sagot ni Mang Victor. Pagkatapos kumain ni Lowell ay agad silang umalis upang bumili ng gamot. Naiwan naman siya, ang ina, at ang anim na maliliit pa niyang mga kapatid sa hapag-kainan. “Ano kaya ang nangyari sa lalaking ’yon, Nay?” tanong ni Diday. “Hindi ko alam, anak. Baka sa lakas ng ulan ay naligaw dito. Alam n’yo naman, mahina man o malakas ang ulan, delikado at madulas ang daanan sa atin,” paliwanag ni Aling Mercedes. “Kawawa naman, Nay. Kita ko kanina, ang daming sugat at pasa niya sa mukha at katawan,” sabad ni Kokoy, ang pang-apat sa magkakapatid. “Kaya nga. Mabuti na lang at nakita ng tatay at kuya n’yo,” tugon ni Aling Mercedes. “Sige na, tapusin n’yo na ang pagkain at maglinis bago matulog.” Tapos na rin siyang kumain, kaya nagtungo siya sa kabilang silid-tulugan. Naglatag siya ng banig at mga unan. Pinagdikit-dikit na lamang niya ang mga ito dahil kapos sila sa gamit. Katatapos lang niya nang sunod-sunod na dumating ang mga kapatid at nag-uunahan sa paghiga. Agad pumuwesto si Jenny, ang pang-pito, sa unahan, ngunit sumiksik din doon ang bunsong si Lucy. Nag-agawan ang dalawa. “Dito ako, Lucy! Humanap ka ng iba,” yamot na sambit ni Jenny. “Dito ako, Ate! Alis ka!” giit naman ng bunso. Napabuntong-hininga siya. Madalas ganito ang eksena tuwing oras ng pagtulog. Siguro’y dala ng pagiging bata pa ng mga ito at halos magkakasunod ang pagitan ng edad. Maliban na lang sa kanya at kay Lowell, na may apat na taong pagitan. Siya ay bente dos na, samantalang si Lowell ay disiotso. “Oy, oy, walang mag-aaway,” saway niya. Agad tumigil ang dalawa. “Jenny, ikaw na ang magbigay,” sabi niya, kahit nakasimangot pa rin ang bata. Napakamot ito ng ulo. “Ate, ako ang nauna, e.” “Alam ko. Pero ikaw ang mas matanda kay Lucy, kaya magbigay ka na. Hayaan mo, kapag gumaling at nakaalis na ’yung lalaki sa kwarto ko, doon ka na matutulog,” aniya, nakangiti, pampalubag-loob. Napanguso si Jenny pero tumayo rin at ibinigay ang pwesto. “Sige na nga. O, Lucy, narinig mo ’yon. Doon na ako sa kwarto ni Ate kapag wala na ’yung mamang lalaki.” Nakangiting tumango si Lucy. “Sige na, magsipagtulog na kayo,” dagdag niya. Agad sumunod ang mga bata, kanya-kanyang higa at maya-maya’y nakatulog na. Siya naman ay nagtungo sa kusina, kung saan abala ang kanyang ina sa pagliligpit ng pinagkainan.Ilang minuto lang at agad na narating ni Arkin ang condo unit ni Priea. May kalayuan ang condo ng babae sa mansyon ng mga Delavega. Ngunit hindi hadlang ang layo na iyon upang magtagal siya sa biyahe. Sabik na sabik na siya sa babae niya na naghihintay sa kanya. Sunod-sunod na pagdo-doorbell ang kanyang ginawa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng condo. Iniluwa noon si Priea na matamis na nginitian siya. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na lumambitin sa kanyang leeg ang babae at binigyan siya ng mainit na halik sa labi. Napakislot ang kanyang alaga nang maramdaman niya na walang kahit anong saplot pang-ilalim ito. Dumiin ang malaki nitong dibdib sa kanya at ang pagkababae nito na tumama sa kani-kanina lang ay natutulog niyang alaga. "Buti naman at dumating ka." Malambing na saad nito kay Arkin na ngayon ay tila nag-aapoy na sa init ng katawan. Ibinaba ni Arkin ang paper bag na naglalaman ng mga T-back at mga lingerie nito. "Hmmm... of course. Di'ba sabi ko naman sa'yo, pupu
Tulad ng pinangako ni Arkin, pagkatapos ni Elaina maglinis ay pumunta sila sa mall upang bumili ng mga gamit pang-ibaba. Kaya naman parang batang tuwang-tuwa si Elaina. Ilang linggo rin kasi siyang nakakulong sa mansyon, pinapahirapan ni Donya Octavia sa paglilinis. Ngayon kahit papaano, makakapaglibang-libang siya. Malalim na bumuga ng hangin si Elaina at saka tinitigan ang asawa. Gustong-gusto na niyang isumbong kay Arkin ang mga pinaggagagawa ni Donya Octavia sa kanya. Ngunit natatakot pa rin siya sa pwedeng mangyari. Wala naman siyang kakayahan upang ipagtanggol ang sarili at pamilya niya. “Ito lang ba ang mga gusto mong bilhin?” Tanong ni Arkin kay Elaina habang hawak-hawak ang dalawang dosenang So-En. Nakangiting tumango si Elaina kay Arkin. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. “Naririto na rin lang naman tayo, bakit hindi ka pa bumili ng mga dress mo at ng mga gamit mo? Asawa ko, buy what you want. Ako ang bahala.” Nakangiting saad ni Arkin. Ngunit sa kaloob-looban niya ay p
CHAPTER 34: ALIBI Arkin POV Hindi siya mapakali buhat nang sabihin sa kanya ni Priea na nailagay nito ang mga pinamili nitong underwear sa kanyang maleta. Paano kung makita iyon ni Elaina? Anong klaseng palusot ang gagawin niya sa asawa? Pagkahinto ng kanyang kotse ay agad na siyang bumaba. Ni hindi na niya nagawa pang i-park iyon nang maayos. Mabilis siyang pumasok ng mansyon. “Oh, Arkin, naririto ka na pala.” Bati sa kanya ng mayordomang si Manang Erma na nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa flower vase. “Opo, Manang. Si Elaina po, nasaan siya?” Tanong niya habang malalaking hakbang ang tinungo ang hagdanan pataas. “Nariyan siya sa inyong kwarto, naglilinis.” Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Manang Erma. Anong palusot ang gagawin niya kapag nakita ni Elaina ang mga underwear ni Priea sa kanyang maleta? Hindi naman matanong ang asawa niya sa mga bagay-bagay, ngunit kinakabahan pa rin siya. Siguro dahil sa mga kasalanang nagawa niya rito. Bago tuluyang pumasok ng kwar
Nanlalambot na sumandal si Elaina sa kama. Ngayon pa lamang siya magpapahinga galing sa maghapong trabaho at magdamag na pagsisilbi sa mga bisita ni Donya Octavia. Nayakap niya ang kanyang sarili. Hanggang kailan siya magtitiis sa pagmamalupit ng kanyang biyenan? Humalagpos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Bawat masasakit na salita, bawat pang-aalipusta at pangmamaliit sa kanya ni Donya Octavia ay pikit-mata niyang tinatanggap. Dahil iyon sa asawa niya. “Nagmahal lang ako, pero bakit puro pasakit ang natatamo ko? Alam ko na wala akong pinag-aralan pero tama ba na ganito nila ako tratuhin?” Mahinang usal niya sa pagitan ng pag-iyak. Tama nga ang Inay at Itay niya. Mahirap makibagay sa mga taong nasa matataas na antas ng pamumuhay na kahit anong ganda ng pakikitungo mo sa kanila ay hindi ka nila itatrato bilang tao. Pinahid niya ang luhaang mata at saka dinampot ang cellphone. Binuhay niya iyon, ngunit mas nalungkot pa nga siya nang walang makitang tawag mula sa kanyang asawa.
SIMULA NG PAGTATAKSIL NI ARKIN KAy ELAINA. Habang masaya at naglulunoy sa kasalanan si Arkin, si Elaina naman ay naglulunoy sa patuloy na pagpapahirap ni Donya Octavia. Pagod na pagod sa maghapong gawain si Elaina sa maya’t mayang utos ng matapobreng biyenan. Lalo pa at sinadya ng Donya ang isang malaking selebrasyon sa mansyon ng mga Delavega. “Ano ba, Elaina? Kanina pa kita tinatawag!” Sigaw ni Donya Octavia na sinadya pang puntahan si Elaina na naghuhugas sa lababo ng isang katirbang mga plato. Agad na pinunasan ni Elaina ang kamay at nagmamadaling lumapit sa ngayo’y galit na namang biyenan. “M-Mama, b-bakit po?” Imbes na sagutin ng matapobreng biyenan ay isang malakas na sampal ang ginawad nito sa kawawa at mangmang na si Elaina. “Istupida! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, huwag na huwag mo akong matatawag-tawag na Mama! Lalo na sa harap ng maraming tao! Wala akong manugang na kagaya mo! No read, no write! Para sa akin, isa ka lang utusan, muchacha!” Sa sinabi ni
ASAWA KONG NO READ NO WRITE CHAPTER 31: MAPANGANIB NA PANUNUKSO NI PRIEA Nagising si Arkin sa hindi pamilyar na kwarto. Kinusot-kusot niya ang mga mata at iginala ang kanyang paningin. Napalunok at pinagpawisan siya nang malamig nang makita niya sa kaliwang bahagi ng kama ang dating kasintahan na si Priea. Hubo’t hubad ang babae, tulad niya. Napasabunot siya sa sariling buhok nang maalala ang mga mainit na tagpo nila kagabi ni Priea. Nakaramdam siya ng pagsisisi at sobrang pagka-guilty. May asawa siya! Kahit lasing, malinaw sa kanya kagabi ang nangyayari sa kanila ni Priea. Ngunit hinayaan lamang niya na lamunin siya ng mapang-akit na katawan ng babae. Nakipagniig siya sa dating kasintahan. Pinagtaksilan niya ang kanyang asawa. Akmang tatayo na sana siya nang hawakan at pigilan siya ni Priea sa braso. “Where are you going, babe?” Tanong sa kanya ng babae na napapikit pa at halatang inaantok. Ni wala itong pakialam kahit nakabalandra sa kanya ang hubo’t hubad nitong katawan. Mala







