공유

Chapter:4

작가: Miss Jesszz
last update 게시일: 2025-09-10 14:35:43

“Nay, ako na po diyan. Matulog na po kayo,” alok niya sa inang abala sa paghuhugas ng mga plato.

“Ako na. Tingnan mo na lang ’yung lalaki sa kwarto mo. Punasan mo ulit ng basang towel, baka tumaas pa ang lagnat,” utos ni Aling Mercedes na ipinagpatuloy ang paghuhugas.

Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Ayaw man niyang gawin, wala siyang magagawa—utos iyon ng ina. Ewan ba niya kung bakit, ngunit tuwing napapalapit siya sa estranghero, bigla na lang bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Parang nakukuryente siya kapag nagtatama ang balat nila.

Malalim siyang humugot ng hininga bago kinuha ang isang malinis na tuwalya. Binasa niya iyon ng maligamgam na tubig at nilagyan ng kaunting alcohol. Pagkatapos ay marahang idinampi sa noo ng lalaking may mataas na lagnat.

Hindi niya namalayang napapatitig na pala siya sa mukha nito. Dahil sa kaba at pagmamadali kanina, hindi niya napansin ang maamong anyo ng lalaki—matangkad, maputi, matangos ang ilong, mahahaba at nakapirming pilik-mata, at makinis na balat na para bang hindi man lang tinubuan ng tagihawat. Mas lalo tuloy siyang nakumbinsi na dayo ito.

Hindi man siya marunong bumasa at sumulat, marunong naman siyang kumilatis ng tao. At sa tingin niya, ang lalaking ito ay hindi nila kagaya—hindi salat sa buhay. Mula pa lang sa suot nitong damit, halatang maayos ang pinagmulan.

Patapos na sana niya itong punasan nang sumulpot si Tatay Victor, may hawak na plastik. Nilapag nito sa tabi niya ang laman—mga gasa, betadine, at ilang gamot.

“Ikaw na muna ang tumingin-tingin diyan. Medyo masama na rin ang aking pakiramdam. Pasasamahan na lang kita kay Lowell,” wika ng ama.

Gusto sana niyang tutulan, ngunit bakas ang pagod sa mukha nito. Kaya nanahimik na lamang siya. Siguro naman, hindi masamang tao ang lalaking ito.KINABUKASAN, maagang tumungo sa barangay si Mang Victor upang ipagbigay-alam ang tungkol sa lalaking natagpuan nila kahapon sa kakahuyan.

“Elaina, kapag mataas pa rin ang lagnat noong tao, punasan mo lang. At kung magising man, mas mainam na pakainin at painumin mo na rin ng gamot,”

bilin ni Mang Victor bago nagmamadaling inubos ang kape. Kinuha nito ang sombrero sa likod ng pintong kawayan at umalis na patungong barangay.

Malalim ang naging paghinga niya. Tanging siya lamang ang tao ngayon sa kanilang bahay—kasama ng lalaking hindi naman niya kilala. Nahaplos niya ang sariling braso. Paano kung masamang tao ang sinagip nina Tatay at Lowell? Napalunok siya sa naiisip. Uso pa naman ngayon ang mga gumagalang masasamang loob.

Wala siyang kasama ngayon. Si Aling Mercedes ay maaga pang pumunta sa ilog upang maglaba ng mga nabasang damit dahil sa lakas ng ulan kahapon. Ang mga nakababata naman niyang kapatid ay nasa paaralan na.

Natigil siya sa paghuhugas ng mga plato nang makarinig ng pag-ingit na nanggaling mula sa kanyang kwarto. Hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa dibdib, kaya kinuha niya ang may kaulingan na kawali at iyon ang binuhat papunta sa silid kung saan naroroon ang lalaki. Dahan-dahan ang naging hakbang niya. Nang makarating sa pintuan, marahan niyang binuksan iyon—at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang lalaki.

Nasa ibaba na ito ng katre at nakasubsob ang ulo sa sahig. Sa pakiwari niya’y nahulog ito. Mabilis siyang kumilos, agad binitiwan ang kawali at nilapitan ang lalaking hirap sa pagtayo.

Isinampay niya ang braso nito sa kanyang balikat. Ngunit may kalakihan ang lalaki, kaya alam niyang mahihirapan siya. Wala na siyang magagawa pa dahil wala namang ibang tao ngayon sa bahay. Tama nga ang kutob niya—mabigat ito. Sa unang pag-alalay pa lang niya, pareho silang natumba.

“Aray ko!” malakas niyang sambit nang tumama ang ulo niya sa kawayan, haligi ng katre.

“I’m sorry, miss. I didn’t mean—Ouch!” Hindi na natapos pa ng lalaki ang iba pang sasabihin dahil biglang dumugo ang sugat nito sa noo.

Nataranta siya. Agad siyang bumangon at hinila ang braso ng lalaki upang makatayo rin ito. Mahirap man, kinaya niya. Dahan-dahan niya itong inupo sa gilid ng katre, saka nagmamadaling kinuha ang gasa, betadine, at pinalitan ang benda sa noo nito.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:36

    Ilang minuto lang at agad na narating ni Arkin ang condo unit ni Priea. May kalayuan ang condo ng babae sa mansyon ng mga Delavega. Ngunit hindi hadlang ang layo na iyon upang magtagal siya sa biyahe. Sabik na sabik na siya sa babae niya na naghihintay sa kanya. Sunod-sunod na pagdo-doorbell ang kanyang ginawa. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng condo. Iniluwa noon si Priea na matamis na nginitian siya. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na lumambitin sa kanyang leeg ang babae at binigyan siya ng mainit na halik sa labi. Napakislot ang kanyang alaga nang maramdaman niya na walang kahit anong saplot pang-ilalim ito. Dumiin ang malaki nitong dibdib sa kanya at ang pagkababae nito na tumama sa kani-kanina lang ay natutulog niyang alaga. "Buti naman at dumating ka." Malambing na saad nito kay Arkin na ngayon ay tila nag-aapoy na sa init ng katawan. Ibinaba ni Arkin ang paper bag na naglalaman ng mga T-back at mga lingerie nito. "Hmmm... of course. Di'ba sabi ko naman sa'yo, pupu

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:35

    Tulad ng pinangako ni Arkin, pagkatapos ni Elaina maglinis ay pumunta sila sa mall upang bumili ng mga gamit pang-ibaba. Kaya naman parang batang tuwang-tuwa si Elaina. Ilang linggo rin kasi siyang nakakulong sa mansyon, pinapahirapan ni Donya Octavia sa paglilinis. Ngayon kahit papaano, makakapaglibang-libang siya. Malalim na bumuga ng hangin si Elaina at saka tinitigan ang asawa. Gustong-gusto na niyang isumbong kay Arkin ang mga pinaggagagawa ni Donya Octavia sa kanya. Ngunit natatakot pa rin siya sa pwedeng mangyari. Wala naman siyang kakayahan upang ipagtanggol ang sarili at pamilya niya. “Ito lang ba ang mga gusto mong bilhin?” Tanong ni Arkin kay Elaina habang hawak-hawak ang dalawang dosenang So-En. Nakangiting tumango si Elaina kay Arkin. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. “Naririto na rin lang naman tayo, bakit hindi ka pa bumili ng mga dress mo at ng mga gamit mo? Asawa ko, buy what you want. Ako ang bahala.” Nakangiting saad ni Arkin. Ngunit sa kaloob-looban niya ay p

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:34

    CHAPTER 34: ALIBI Arkin POV Hindi siya mapakali buhat nang sabihin sa kanya ni Priea na nailagay nito ang mga pinamili nitong underwear sa kanyang maleta. Paano kung makita iyon ni Elaina? Anong klaseng palusot ang gagawin niya sa asawa? Pagkahinto ng kanyang kotse ay agad na siyang bumaba. Ni hindi na niya nagawa pang i-park iyon nang maayos. Mabilis siyang pumasok ng mansyon. “Oh, Arkin, naririto ka na pala.” Bati sa kanya ng mayordomang si Manang Erma na nag-aayos ng mga sariwang bulaklak sa flower vase. “Opo, Manang. Si Elaina po, nasaan siya?” Tanong niya habang malalaking hakbang ang tinungo ang hagdanan pataas. “Nariyan siya sa inyong kwarto, naglilinis.” Mas lalo siyang kinabahan sa sinabi ni Manang Erma. Anong palusot ang gagawin niya kapag nakita ni Elaina ang mga underwear ni Priea sa kanyang maleta? Hindi naman matanong ang asawa niya sa mga bagay-bagay, ngunit kinakabahan pa rin siya. Siguro dahil sa mga kasalanang nagawa niya rito. Bago tuluyang pumasok ng kwar

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:33

    Nanlalambot na sumandal si Elaina sa kama. Ngayon pa lamang siya magpapahinga galing sa maghapong trabaho at magdamag na pagsisilbi sa mga bisita ni Donya Octavia. Nayakap niya ang kanyang sarili. Hanggang kailan siya magtitiis sa pagmamalupit ng kanyang biyenan? Humalagpos ang luhang kanina pa niya pinipigilan. Bawat masasakit na salita, bawat pang-aalipusta at pangmamaliit sa kanya ni Donya Octavia ay pikit-mata niyang tinatanggap. Dahil iyon sa asawa niya. “Nagmahal lang ako, pero bakit puro pasakit ang natatamo ko? Alam ko na wala akong pinag-aralan pero tama ba na ganito nila ako tratuhin?” Mahinang usal niya sa pagitan ng pag-iyak. Tama nga ang Inay at Itay niya. Mahirap makibagay sa mga taong nasa matataas na antas ng pamumuhay na kahit anong ganda ng pakikitungo mo sa kanila ay hindi ka nila itatrato bilang tao. Pinahid niya ang luhaang mata at saka dinampot ang cellphone. Binuhay niya iyon, ngunit mas nalungkot pa nga siya nang walang makitang tawag mula sa kanyang asawa.

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:32

    SIMULA NG PAGTATAKSIL NI ARKIN KAy ELAINA. Habang masaya at naglulunoy sa kasalanan si Arkin, si Elaina naman ay naglulunoy sa patuloy na pagpapahirap ni Donya Octavia. Pagod na pagod sa maghapong gawain si Elaina sa maya’t mayang utos ng matapobreng biyenan. Lalo pa at sinadya ng Donya ang isang malaking selebrasyon sa mansyon ng mga Delavega. “Ano ba, Elaina? Kanina pa kita tinatawag!” Sigaw ni Donya Octavia na sinadya pang puntahan si Elaina na naghuhugas sa lababo ng isang katirbang mga plato. Agad na pinunasan ni Elaina ang kamay at nagmamadaling lumapit sa ngayo’y galit na namang biyenan. “M-Mama, b-bakit po?” Imbes na sagutin ng matapobreng biyenan ay isang malakas na sampal ang ginawad nito sa kawawa at mangmang na si Elaina. “Istupida! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, huwag na huwag mo akong matatawag-tawag na Mama! Lalo na sa harap ng maraming tao! Wala akong manugang na kagaya mo! No read, no write! Para sa akin, isa ka lang utusan, muchacha!” Sa sinabi ni

  • Ang Asawa Kong No Read No Write   Chapter:31

    ASAWA KONG NO READ NO WRITE CHAPTER 31: MAPANGANIB NA PANUNUKSO NI PRIEA Nagising si Arkin sa hindi pamilyar na kwarto. Kinusot-kusot niya ang mga mata at iginala ang kanyang paningin. Napalunok at pinagpawisan siya nang malamig nang makita niya sa kaliwang bahagi ng kama ang dating kasintahan na si Priea. Hubo’t hubad ang babae, tulad niya. Napasabunot siya sa sariling buhok nang maalala ang mga mainit na tagpo nila kagabi ni Priea. Nakaramdam siya ng pagsisisi at sobrang pagka-guilty. May asawa siya! Kahit lasing, malinaw sa kanya kagabi ang nangyayari sa kanila ni Priea. Ngunit hinayaan lamang niya na lamunin siya ng mapang-akit na katawan ng babae. Nakipagniig siya sa dating kasintahan. Pinagtaksilan niya ang kanyang asawa. Akmang tatayo na sana siya nang hawakan at pigilan siya ni Priea sa braso. “Where are you going, babe?” Tanong sa kanya ng babae na napapikit pa at halatang inaantok. Ni wala itong pakialam kahit nakabalandra sa kanya ang hubo’t hubad nitong katawan. Mala

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status