Mag-log inSuper White LiesChapter 44Samantha’s POVPagkadating pa lamang namin ni Nanay sa bahay ay may kakaiba na agad akong napansin sa kanya.Tahimik siya.Hindi naman siya malungkot, pero parang may malalim siyang iniisip. Pilit siyang nakangiti habang nakikipagkuwentuhan kina Ninang Amanda at Tito Arthur sa coffee shop, pero bilang anak, alam kong may itinatago siya.Bigla tuloy nag-flashback sa isip ko ang eksenang nadatnan namin kanina sa coffee shop.Magkaharap sina Nanay at Tito Art.Mukhang nagtatalo.Si Tito Art ay pilit na inaabot ang kamay ni Nanay habang iniiwas naman niya ito. Nang makita nila kami ni Enrico ay bigla silang tumigil, parang walang nangyari.Noon ko pa lang naramdaman na may kakaiba.At dahil likas akong mausisa...Kailangan kong malaman ang totoo.Hindi ako tatahimik hangga't wala akong nasasagap na tsismis.Natawa ako sa sarili ko."Samantha, ang pagiging marites mo talaga..."Pagkatapos magbihis ay dire-diretso akong pumasok sa kuwarto ni Nanay.Pagkabukas ko
Love and ArgumentsChapter 43Samantha's POVHindi na ako nagpasundo kay Enrico noong umagang iyon.Maaga pa lang ay sunod-sunod na ang meetings ko, kaya minabuti kong dumiretso na sa opisina.Bago pa man ako makapasok sa executive floor ay sinalubong na agad ako ng secretary ko."Ma'am Sam.""Lunch meeting na po ninyo with Mr. Gary Gavin.""Naroon na po siya sa conference room."Tumango ako."Thank you. I'll be there."Mabilis kong inayos ang blazer ko bago pumasok sa conference room.Pagbukas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ng isang magalang na ngiti."Hi, Sir Gary."Tumayo siya at nakipagkamay."Hello, Sam.""I have to admit, mas maganda ka pala sa personal kaysa sa mga corporate photos mo."Bahagya akong natawa."Thank you, Sir.""Pero business muna tayo."Napatawa rin siya."I like that."Umupo kami.Inilapag ko ang lease agreement sa mesa."Ito na po ang final contract para sa five-storey commercial building.""Napa-review na po ba ninyo ito sa legal team ninyo?"Tumango si
Chapter 42Samantha’s POV"Siguro naman kapag sinama na kita abroad, hindi mo na ako tatanggihan."Napahinto ako sa pag-inom ng iced coffee at napatingin kay Enrico."Ay, bakit?" natatawa kong tanong.Kaswal lang kaming naglalakad sa loob ng mall. Pareho kaming nakasuot ng simpleng damit para hindi masyadong mapansin. Pero kahit gaano pa siya kasimple manamit, hindi pa rin talaga maitatago ang pagiging guwapo niya.Ngumiti siya nang pilyo."I was planning for a cruise..."Bahagya siyang yumuko at marahang hinawakan ang kamay ko."Just you and me."Napalaki ang mga mata ko."Ha? Okay ka lang?"Napatawa siya."Ano?""Enrico, ang dami kong trabaho, noh! Hindi ako basta-basta makakaalis ng bansa."Inaasahan kong magtatampo siya.Pero ang loko...Tumawa lang."Am I a CEO for nothing?"Napataas ang isang kilay ko."Minamaliit mo naman masyado ang kakayahan ko.""Kayang-kaya kong ayusin ang schedule mo.""At kung kinakailangan...""Isasama pa kita sa business trip ko para legal."Napailing a
Chapter 41Samantha's POVDahil nakakulong na si Mark at nasa kustodiya na ng mga pulis, pakiramdam ko ay unti-unti nang nabawasan ang malaking batong matagal na nakadagan sa dibdib ko.Sa wakas...Makakahinga na rin kami nang maluwag ni Nanay.Kaya kinausap namin si Enrico tungkol sa balak naming bumalik sa sarili naming bahay.Pakiramdam ko kasi ay napakatagal na naming nakikitira sa kanila. Napakarami na nilang naitulong sa amin, at ayokong maging pabigat pa.Pero gaya ng inaasahan ko...Hindi pumayag si Enrico."Sam," seryoso niyang sabi habang hawak ang magkabilang balikat ko. "Dito muna kayo ni Nanay kahit ilang araw pa."Napangiti ako."Enrico...""Nahihiya na kasi ako.""Bakit?""Ang dami na naming naabala sa pamilya ninyo."Napailing siya at napatawa."Ano ka ba?""Hindi kayo naging abala kahit kailan.""Pero—"Hindi na niya ako pinatapos magsalita.Lumapit siya sa akin at walang sabi-sabing niyakap ako.Nanigas ako nang ilang segundo.Mainit ang katawan niya.At sa simpleng
Chapter 40Samantha's POVPakiramdam ko ay pagkabigat-bigat ng buong katawan ko.Parang may malaking unan na nakapatong sa akin.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, ngunit agad din akong napapikit dahil sa sinag ng araw na sumisingit sa manipis na kurtina ng aking silid.Ilang segundo pa akong nanatiling nakapikit.Hanggang sa muli kong sinubukang dumilat.Ngunit sa pagkakataong ito...Bigla akong natigilan.Napalunok ako."A-Ano'ng ginagawa ni Enrico sa kama ko?"Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nakayakap pa siya sa akin na para bang ako ang pinakaimportanteng unan sa buong mundo.Ang isang braso niya ay nakapulupot sa aking baywang.Samantalang ang ulo niya ay halos nakasandal na sa noo ko.Napakaguwapo niyang pagmasdan.Mahaba ang kanyang pilikmata.Bahagyang magulo ang kanyang buhok.At kahit natutulog siya, napapangiti pa rin siya."Grabe..."Kung hindi lang ako kinakabahan, baka isang oras ko pa siyang pinagmasdan.Pero mas
Chapter 39Samantha's POVSinalubong ako agad ni Nanay sa may pintuan. Pagkakita pa lamang niya sa akin ay muli siyang napaiyak. Mugtong-mugto ang kanyang mga mata, halatang halos hindi na siya natulog kakaiyak at kakadasal para sa ligtas kong pagbabalik."Anak..."Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Mahigpit niya akong niyakap na parang natatakot siyang mawala akong muli sa kanyang mga bisig."Nay..." mahinahon kong bulong habang niyayakap ko rin siya. "Nandito na po ako."Paulit-ulit niyang hinahaplos ang buhok ko habang umiiyak."Salamat sa Diyos... salamat sa Diyos..." paulit-ulit niyang sambit.Lumapit naman si Enrico sa amin. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha ngunit mas nangingibabaw ang saya dahil ligtas akong nakauwi."Maraming salamat, Enrico," umiiyak na sabi ni Nanay. "Sa pagkakaligtas mo kay Samantha. Habang buhay kong tatanawin ang utang na loob na ito."Ngumiti lamang si Enrico bago marahang hinawakan ang kamay ko."Huwag na po kayong magpasalamat, Nay," seryoso niyan
Chapter 6Samantha's POVPagdating ko sa opisina, may nakalagay na bulaklak sa table ko. Nakalagay sa card. “Would you like to have dinner with me? - James”Muntik na akong mapasigaw sa kilig. Totoo ba itong nangyayari?“Samantha, kalma” sabi ko sa sarili ko.Ang sweet talaga ni James. Boyfriend
Chapter 5Samantha’s POVBiglang nag-ring ang phone ko habang kausap ko si Enrico. “Si Papa”Mukhang nakapagsumbong na ang mag-ina kay Papa. Siguro pinalabas na naman nila na sila ang dehado. “Samantha, ano naman ang ginawa mo sa kapatid mo? Bakit na naman iyak siya nang iyak? Hindi ka na ba ma
Chapter 4Samantha’s POVNautusan ako ni Ninang Amanda na makipag-meet sa client. Dapat kasama ko si Enrico, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam. “Ha? Wala pa siya diyan? He agreed with me last night. If hindi siya dumating, ok lang naman diba Sam, I think you can do it.”sabi ni
Chapter 3Samantha's POV“ I don't like this proposal, scrap it! “ sigaw ni Enrico sa board“We think na hindi ganyan ang sasabihin ni Chairman” Sabi ni Mr. Bagatsing“You want to bet?” Sabi ni RicoTinawagan niya ang kanyang ina at pagkatapos ay niloudspeaker niya ito. “Mom, I have here a piece o







