Back Off, I'm Marrying Your Uncle!

Back Off, I'm Marrying Your Uncle!

last updateÚltima atualização : 2026-08-02
Por:  Eliana AsherAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
4Capítulos
13visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Akala ng lahat, isang mahirap at ordinaryong babae lamang si Kiara. Walang nakakaalam na siya pala ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Remington Group. Tinanggap ni Kiara ang pagsubok na ibinigay ng kanyang Papa. Sa loob ng apat na taon, namuhay siya nang simple para patunayang naiiba si Calvin sa ibang lalaki. Naniniwala siyang mamahalin siya nito kahit wala siyang pera at pangalan. Pero nang pagtaksilan siya ni Calvin, tuluyan nang napagod si Kiara. Iniwan niya ang asawa at bumalik sa buhay na matagal niyang tinalikuran. Sa kanyang kaarawan, ipakikilala siya bilang bagong CEO ng Remington Group. At sa harap ng buong pamilya Harrison, siya mismo ang tatapos sa billion-dollar project na minsan niyang ibinigay sa kanila. Pero may isa pang lihim si Kiara—may anak sila ni Calvin na matagal niyang itinago. Desidido siyang ilayo ang bata sa lalaking nagtaksil at sumira sa puso niya. Nang malaman ni Calvin ang tungkol sa kanilang anak, ginawa niya ang lahat para mabawi ang mag-ina. Kung kailan determinado na siyang agawin muli ang puso ni Kiara, saka naman dumating ang makapangyarihan at mortal na kaaway niyang uncle na si Raymond Maxwell—ang lalaking handang tanggapin si Kiara at ang anak nito nang walang kapalit. Sa harap mismo ni Calvin, lumuhod si Raymond at inalok si Kiara ng kasal. Tumingin si Kiara sa dati niyang asawa at malamig na ngumiti. “I’m sorry, Calvin. Pakakasalan ko ang uncle mo.”

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 001- The Heiress He Rejected

KIARA

Akala nila, nagmula lamang ako sa isang ordinaryong pamilya.

Nagkakamali sila.

Ako si Kiara Lauren Remington—ang nag-iisang anak at tagapagmana ng Remington Group.

Tinanggap ko ang pagsubok na ibinigay sa akin ni Papa dahil mahal ko si Calvin Harrison. Gusto kong patunayan sa kanya na naiiba si Calvin sa lahat ng lalaking nakilala ko. Minahal niya ako at tinanggap ako nang buo nang hindi nalalaman ang tunay kong pagkatao.

Walang alam si Calvin, maging ang buong pamilya Harrison, tungkol sa tunay kong pagkakakilanlan. 

Sasabihin ko sa kanila ang katotohanan kapag natapos ko na ang pagsubok na ito.

“Nandito na po ang order niyo,” nakangiting sabi ng waiter saka maingat na pinasok ng staff ang mga pagkain sa mesa.

Ilang linggo kong pina-reserve ang mamahaling restaurant na ito para i-celebrate ngayong gabi ang fourth wedding anniversary namin ni Calvin.

Ilang sandali ay bumukas na ang p***o ng VIP room at dumating na si Calvin. Mabilis kong inayos ang sarili ko at hinaplos ang pulang bestidang sinuot ko para sa gabing ito. Hindi ko namalayang kinabahan na pala ako dahil sa excitement.

Ngunit bago pa man ako makapagsalita, bigla niyang itinapon sa akin ang isang tumpok ng mga litrato. Nagkalat ang mga iyon sa sahig.

“Niloko mo ako, Kaira,” galit niyang sabi.

Nang tingnan ko ang mga larawan, nanlaki ang mga mata ko. Mga litrato iyon namin ng Papa ko. Nakasuot siya ng simpleng itim na t-shirt at pants habang magkayakap kami, at hinahalikan ko siya sa pisngi. Kuha iyon ng isa sa mga family gathering namin. 

Natigilan ako. “H-Hindi, honey. Hindi iyan ang iniisip mo,” nanginginig kong sabi.

Itinuro niya ang mga litrato. “Sino siya? Paano mo nagawa ito sa akin?” inis niyang tanong.

“Calvin, pakinggan mo ako. ‘Yung lalaking nasa picture, siya ang Papa ko,” paliwanag ko sa kanya.

Napahinto si Calvin. Ilang sandali pa ay biglang tumawa. “Papa mo?” mapanuyang sabi niya.

“Akala mo maniniwala ako? Sinabi mo sa akin na wala kang ama, hindi ba?! Tapos ngayon meron na? Magkayakap kayo at hinahalikan mo siya! Sa tingin mo ba tanga ako para maniwala sa’yo?” dagdag pa niya.

Napalunok ako dahil tama siya. Sinabi kong wala akong ama para maiwasan ang mga tanong tungkol sa totoong pagkatao ko.

Pero dahil nahuli na niya ako, sasabihin ko na sa kanya ang totoo.

Huminga ako nang malalim. “Calvin, ang lalaking nasa picture ay si Simon Remington—ang chairman at CEO ng Remington Group. Siya ang Papa ko. Itinago ko iyon dahil ayokong malaman ng iba. May mga bagay akong hindi ko pwedeng sabihin sa’yo, kasi—”

“Kasi ano?” agad niya akong pinutol. Tinitigan niya ako saka siya mapait na tumawa. “Sinasabi mo bang ang lalaking mukhang ordinaryong tao sa picture na ‘yan ay si Simon Remington pala? At ama mo siya?”

Bago pa ako makasagot, narinig ko ang hakbang ng takong palapit sa amin. 

“H’wag kang maniwala dyan,” sabi ng mother-in-law kong si Samarra Harrison na kakapasok lang sa VIP room.

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata niya habang nakatingin sa mga litrato sa sahig.

Muling nagsalita si Samarra. “Binalaan na kita tungkol sa babaeng ito, Calvin. Hindi ko alam kung ano ang naisip mo at itong babaeng haliparot na pa ang pinakasalan mo.” Ramdam ko ang pagkasuklam sa boses niya.

Nanikip ang sikmura ko.

Sa loob ng maraming taon, ginawa ko ang lahat para makuha ang loob niya. Hindi naging madali ang buhay ko kasama ang biyenan kong si Samarra. Apat na taon kong tiniis ang masama niyang pagtrato sa akin habang nakatira ako sa Harrison mansion. Kahit may kasambahay kami, ako pa rin ang nagluluto, naglilinis, at ginagawa ang lahat para maging mabuting asawa kay Calvin.

Pero ngayon, malinaw na ang tunay niyang tingin sa akin.

Huminga ako nang malalim. “Pasensya na po kung nagsinungaling ako. May dahilan kung bakit ko tinago ito. Pero totoong si Simon Remington ang Papa ko.”

Napairap si Samarra.

“Nakikita mo naman ang mga litrato, hindi ba? Hindi naman ganyan manamit ang isang bilyonaryo. Alam mo bang nakakuha kami ng billion-dollar contract mula sa Remington Group? Kaya hindi ako naniniwalang ang lalaking iyon ay si Simon Remington,” mariin niyang sabi. 

Hindi nila alam na bihirang magpakita sa publiko si Papa. Ayaw niyang inilalabas sa media ang mukha niya at mas gusto niyang mamuhay nang tahimik. Kaya iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.

Hindi rin nila alam na ako mismo ang humiling kay Papa na ibigay ang kontratang iyon sa Harrison Group. Kung hindi dahil sa akin, hindi nila makukuha ang malaking proyektong iyon.

“That’s enough, Mom,” sabi ni Calvin.

Pero ramdam kong hindi rin siya lubusang naniniwala sa akin.

“Problema namin ito ni Kiara. Kailangan kong marinig ang paliwanag niya,” dagdag pa niya.

Hindi umatras si Samarra, matalim niyang tiningnan ang anak. “Calvin, makinig ka sa akin. Simula pa lang, ayoko na sa babaeng iyan. Kung ako sa’yo, hiwalayan mo na siya bago pa malaman ng iba ang lahat ng kasinungalingan niya. Gusto mo bang mapahiya ang pamilya Harrison, ha?”

Kabado ako pero sinubukan kong maging matatag sa harap nila. “Calvin, I am telling you the truth! Hindi ko naman planong itago ito habang buhay.”

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Calvin sa amin ng kanyang ina. “Mom, tama na. Hayaan ninyo akong ayusin ito,” sabi niya.

Ngunit nagmatigas pa rin si Samarra. “Tandaan mo ‘to, Calvin. Ang mabait na asawa ay dapat walang tinatago.”

Muling pumasok ang staff at maingat na inilapag ang in-order kong stake sa mesa. Napatingin si Calvin sa mga pagkaing nakahanda roon. Napansin ko ang lungkot at pagkadismaya sa mukha niya.

“This is our fourth anniversary, Calvin. Matagal kong pinaghandaan ito, hindi para mag-away tayo,” malamig kong sabi sa kanya.

Umiling siya. “Kiara…  hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.”

Parang may kung anong matulis na bagay ang humiwa sa puso ko nang marinig iyon. Pagkatapos ay tumalikod siya at lumabas sa VIP room.

Iniwan niya akong nakatayo habang pakiramdam ko ay unti-unting nasisira ang pagsasama namin.

Napatingin ako kay Samarra. Malamig niya akong tiningnan. “Iyan ang napapala sa isang taong kagaya mo. Akala mo siguro, makukuha mo na ang yaman ng Harrison pagkatapos ng kasal niyo ni Calvin? Pwes, nagkakamali ka.”

Lumapit siya sa akin at may binulong. “Para hindi ka na mapahiya pa, lumayas ka na lang sa mansyon at hiwalayan mo si Calvin.”

Napalunok ako habang pinagmamasdan ko ang matalim niyang mukha. Napakuyom ako ng kamay. Tanaw ko ang paglisan niya sa VIP room.

Biglang nanghina ang mga tuhod ko, napaupo na lang ako sa upuang malapit sa akin. Hindi ko inakalang aabot sa ganito ang lahat. Maingat naman ako sa bawat kilos ko para hindi nila ako paghinalaan.

Sino ang nagimbestiga? Paano nila nalaman ang mga kilos ko?

***

Pagbalik ko sa bahay makalipas ang ilang oras, agad napunta ang tingin ko sa mesa. Napahinto ako nang makita ko ang papel na nakasulat na annulment agreement. Biglang nanikip ang dibdib ko habang dahan-dahan akong lumapit.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni Calvin. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinihintay ko siyang sumagot. Ilang beses itong nag-ring bago may sumagot.

“Hello?”

Parang nanlamig ang dugo ko nang marinig ko ang boses ng isang babae.

“Sino ka?” agad kong tanong.

Pero agad naputol ang tawag.

Lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko habang nakatitig sa cellphone na hawak ko. Nanginginig kong kinuha ang annulment papers sa mesa. Mahigpit ko itong hinawakan habang nakatitig dito.

Pakiramdam ko, malapit na akong gumuho.

Kinuha ko ang susi ng kotse habang hawak pa rin ang mga papeles ng annulment. Huminga ako nang malalim at pilit na nilabanan ang takot na nararamdaman ko bago nagtungo sa condo ni Calvin. Alam kong doon siya palaging nagpupunta tuwing nag-aaway kami.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Sem comentários
4 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status