Accueil / Romance / Back To Me / Chapter One

Partager

Back To Me
Back To Me
Auteur: Nhenggggg

Chapter One

Auteur: Nhenggggg
last update Date de publication: 2026-06-26 12:43:23

"Tommy anong g-gusto mong dinner mamaya?"

Tanong ko sa asawa ko habang inaayos ang bag na dadalhin niya sa trabaho.

Walang gana siyang tumingin sa akin.

"Wag ka na magluto malalate ako ng uwi dahil marami akong tatapusin sa opisina"

Nalungkot ako sa sinabi niya

Alam ko naman na hindi totoo ang sinasabi niya, alam ko naman na sa iba siya magdidinner,

Yes, alam kong may ibang babae ang asawa ko.

Hindi naman niya tanggap at kahit kailan hindi niya ako matatanggap bilang asawa niya.

Dahil hanggang ngayon ako pa din ang sinisisi niya kung bakit nawala ang babaeng pinakamamahal niya. Kung alam niya lang kung gaano ko din sinisisi ang sarili ko dahil sa pagkamatay ng kapatid ko.

Kung hindi siguro ako niligtas ng kapatid ko ako sana ang nawala at masaya sana sila ni Tommy ngayon.

Nang mamatay ang kapatid ko ako at si Tommy na ang pinagkasundo ng Daddy ko,

Nung pinakasalan niya ako akala ko tanggap niya ako yun pala pahihirapan niya lang ako dahil yun daw ang kapalit sa pagkawala ni Lyca,

Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang pagpapahirap niya, dahil kung hindi dahil sa akin buhay pa sana ang babaeng mahal niya,

Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga gawaing bahay kahit na mayaman ang asawa ko hindi siya kumuha ng katulong kaya ako lahat ang gumagawa sa gawaing bahay.

Mag isa akong nag dinner mapait akong ngumiti, bakit hindi pa ako nasanay.

Sa limang taong nagsama kami hindi ko man lang siya nakasama sa hapag kainan kahit isang beses lang, maging sa pagtulog ay magkaiba ang kwarto namin

Kung tatanungin niyo ako kung bakit ako nakatagal ng ganong set up yun ay dahil mahal ko si Tommy, Noon pa man may lihim na akong pagtingin sa kaniya.

Nakahiga na ako ng marinig ko ang tunog ng sasakyan hudyat na nandiyan na ang asawa ko, kaya dali akong tumakbo pababa para salubungin siya.

Paglabas ko naabutan ko si Sandro, ang kaibigan ni Tommy na akay akay ang lasing kong asawa.

"Lorraine, pasensya ka na nagpakalasing na naman 'tong asawa mo, kahit na anong pigil ko ayaw magpaawat" Mahabang paliwanag niya

"Nako ayos lang!, ako nga ang humihingi ng pasensya sayo naabala ka pa namin" Kinuha ko ang braso ni Tommy para akayin papasok sana sa loob ng bigla niyang hawiin ng malakas.

"Lumayo ka sakin!!"

"Tommy ano ba asawa mo yan!!" Saway ng kaibigan

"Anong asawa!! katulong ko lang yan!!" Sabi pa ni Tommy

Parang may patalim sa dibdib ko, kahit kailan talaga hindi niya ako tinuring na asawa, pinakasalan niya lang ako pero hindi niya ako kailan man matututunang mahalin.

Pinigilan ko ang nagbabadyang luha napatingin ako kay Sandro at nakikita ko sa kaniya ang awa dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

Pilit akong ngumiti at kinuha ang lasing na lasing kong asawa.

"Lorraine—

"Ayos lang um, ako na bahala kay Tommy, pasensya ka na at naabala ka pa niya"

"Are you sure your okay?" Nag aalalang tanong niya.

Agad naman akong tumango at ngumiti,

Maya maya ay napagdesisyunan niya nang umalis matapos akong tulungan na ipasok si Tommy sa kwarto niya.

"Lyca"

Pagtawag niya sa pangalan ng kapatid ko, napahinto ako sa paghubad ng sapatos niya.

"I miss you so much babe, ikaw lang ang babaeng nandito sa puso ko"

Napakasakit marinig mula sa bibig ng asawa ko ang mga salitang yon, napakatagal na ng panahon na lumipas hanggang ngayon si Lyca pa din ang laman ng puso niya.

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak habang inaasikaso ang asawa ko habang siya naman ay banggit ng banggit sa pangalan ng kapatid ko.

Tapos ko na siyang asikasuhin mahimbing na ang tulog niya.

Pinagmasdan ko ang itsura ng asawa ko, maamo ang mukha, napakagwapo at ang labi..

Napailing na lang ako at napabuntong hininga.

Lumabas na ako ng kwarto para maghanda na sa pagtulog, hindi ko mapigilan ang masaktan at malungkot dahil kahit kailan hindi niya ako tinuring na asawa niya.

'Kung nandito ka lang siguro lyca masayang masaya siguro si Tommy ngayon'

---

Kinabukasan tanghali na ako nagising dahil madaling araw na akong nakatulog, nagmadali akong tumungo sa kwarto ni Tommy, wala na siya doon marahil ay pumasok na siya.

Napahinga na lang ako ng malalim

Bakit nga ba hindi pa ako nasasanay sa loob ng limang taon ganito ang lagi kong nararanasan.

abala ako sa paglilinis ng tumunog ang cellphone ko

Si sandro ang tumawatawag..

"Hello Sandro napatawag ka?"

"Yeah, i just wanted to check on you"

Napatahimik ako dahil unang beses na may nangamusta sa akin

"Ayos naman ako Sandro, ikaw kamusta ka?"

"Im okay, how's between you and Tommy?" He suddenly ask

"A—ayos lang n-naman"

"Alam ko hindi.."

Saglit na katahimikan

"Lorraine if you want someone to talk to, nandito lang ako ha"

I nod as if he see me,

Napangiti ako, dahil meron pa rin palang taong concern sakin.

"Salamat sa pagtawag at pagkamusta sa akin.. na appreciate ko" Nakangiting sabi ko sa kanya

"Sana magkaroon din tayo ng chance na makapag lunch together"

Natigilan ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya

Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya

"Just kidding, baka bugbugin ako ni Tommy"

'How i wish, pero hindi naman mangyayare yon'

"Sige na kinumusta lang talaga kita"

Then he ended the call,

napatingiti ako habang nakatingin sa cellphone ko

Ngayon ko lang naramdaman ulit na mahalaga ako

huling naramdaman ko ang ganito nung buhay pa si Lyca,

Siya lagi ang nangangamusta sa akin sa tuwing mapapagalitan ako ni Papa.

Lagi niya din akong pinapangiti kapag nakikita niyang malungkot ako.

Ngunit sa isang malagim na pangyayare hindi ko na naranasan muli yon dahil ang kaisa isang taong nagparamdam non sa akin kailan man hindi ko na makikita at makakasama pa.

Sobra akong nasasaktan dahil sa nangyare kay Lyca

Araw  araw kong sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyare.

Kung hindi sana naging matigas ang ulo ko, kung nakinig lang sana ako sa kaniya noon edi sana nandito pa siya,

Simula ng mawala siya hindi ko na naranasan ang maging masaya, papaano ko mararanasan yon?

Mula sa asawa ko hanggang sa magulang ko ako ang sinisisi..

Kaya hanggang sa mawala din siguro ako dala dala ko ang bigat ng pagkawala ni Lyca.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Back To Me   Chapter Eight

    "That was an accident at hindi mo naman yun ginusto""Pero ako pa din ang may kasalanan,, kung sana nakinig ako sa kaniya at hindi nagmatigas edi sana"Napayuko ako "Edi sana buhay pa siya hanggang ngayon"Hindi ko maiwasan ang maiyak"Kasalanan ko naman Sandro, kahit ako sinisisi ko ang sarili ko""No, Don't blame yourself hindi mo kasalanan" Pagkumbinsi niya sa akin"Kasalanan ko pa din Sandro... at habang buhay kong dadalhin yun sa puso ko"Hinawakan niya ang kamay ko"Wag mong gawin yan Lorraine, wag mong ikulong ang sarili mo sa isang pangyayare na kahit kailan hindi mo naman ginusto, i believe na ang lahat ng nangyayare sa atin ay may dahilan at gusto ng kapatid mong maranasan mo ang mabuhay ng masaya, kung nakikita ka ng kapatid mo ngayon malulungkot yon kasi malungkot ka.. alam ko na mararanasan mo din ang maging masaya" Ngumiti siya habang nakatingin sakin"Naniniwala ako na kaya niya ginawa yon dahil gusto niyang maranasan mo kung ano ang gusto mong mangyari sa buhay mo""T

  • Back To Me   Chapter Seven

    Nagising ako na parang may mabigat na nakadagan sa may tiyan ko.Nagulat pa ako ng kamay ni Tommy ang nakadagan sa akin.Inilibot ko ang paningin, nandito ako sa kwarto niya at si Tommy ay nandito pa din sa tabi ko.Gusto ko sanang matuwa kaso ayoko nang paasahin pa ang sarili ko, dahil mahirap at masakit umasaMaingat kong tinanggal ang kamay niya na nakadagan sa tiyan ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya."Where are you going?" He ask with his husky voice"Uhm babalik sa kwarto ko at maghahanda ng agahan"Tumingin siya sa wall clock, at muling ibanaon ang mukha sa leeg ko, medyo nakiliti pa ako sa ginawa niya."Maaga pa, matulog ka na muna" Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ganito ang tono ng boses niya kapag ako ang kausap niya, lagi siyang galit at parang ayaw niya akong kausap,Pero ngayon hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o nagkakamali lang ako ng dinig, yung boses niya ngayon may lambing at kalmado"Quit staring baka ikaw ang maging breakfast

  • Back To Me   Chapter Six

    Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, napakaganda ng dress na suot ko.Si Tommy ang pumili nito, mula dress, sa sandals, maging sa nagmake up sa akin siya lahat.Hindi naman masyadong magarbo ang birthday party ng Daddy niya iilan ilan lang din ang imbitado pero kailangan maging maayos pa din sa paningin ng mga bisita.Naalala ko dati sa tuwing pupunta kami sa malalaking events na dinadaluhan nila Daddy si Lyca lang lagi ang ibinibida niya,Matalino kasi at punong puno ng pangarap sa buhay.. mabait at magalang, Kaya siguro palaging siya ang pinapakilala ni Daddy sa mga kaibigan nito.Si Lyca daw ang tagapag mana ng kompanya niya, kaso wala na ang kapatid ko kaya ganon na lang ang galit niya sakin."Lorraine are you ready!! ang tagal mo!" Naputol ang pag iisip ko ng marinig ko ang boses ni Tommy sa labas ng kwarto ko Kaya dali dali akong nag ayos ng saglit at lumabas.Pero hindi ko alam kung anong meron o may mali ba sa itsura ko dahil nakatitig lang sa akin si Tommy.Kaya napatin

  • Back To Me   Chapter five

    'Balik na naman sa dati'Yan ang pagkumbinsi ko sa sarili ko.. dahil hindi na din naulit yung pagsabay namin magbreakfast.. maging ang nangyare sa amin nung gabing yon.Masakit dahil para sa akin special ang gabing yon dahil first time may nangyare sa amin sa loob ng limang taon na pag sasama namin.Pero para sa kaniya siguro dala lang ng pagkalasing niya,At ang pinakamatinding sakit, nagdala ulit siya ng babae sa bahay namin at doon sila nagpalipas ng oras at hindi ko alam kung kailan aalis ang babaeng yon sa bahay namin.At kung ano ang nangyayare sa kanila ayoko ng malaman pa."May nangyare sa inyo ni Tommy?" Gulat na tanong ni Joanna sakin.Nakipagkita ako sa kaniya dahil hindi ko kayang manatili sa bahay na kasama siya pati ang babae niya.Malungkot akong tumango sa kaniya"Eh bakit parang hindi ka masaya? diba dapat nakangiti ka kasi nadiligan ka na hahaha"Sinamaan ko siya ng tingin, nagpeace sign naman siya"Lasing siya nung may nangyare sa amin" "Bakit parang maiiyak ka? hi

  • Back To Me   Chapter four

    Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone koSi Sandro ang tumatawag, medyo nag alangan pa akong sagutin...pero"Hello Sandro, napatawag ka?""Hindi ka kasi nagreply sa text ko, i just wanted to check on you"Napangiti ako,"Ayos lang ako.. salamat sa pagcheck sakin""Great! nakahinga na ko ng maluwag"Natawa ako, "Grabe ka naman wala naman sigurong mangyayare sakin noh""Nag aalala kasi ako, gabi ka na nakauwi and i heard na maaga rin nakauwi si Tommy... hindi ka naman inaway?""Hindi" Agad kong sagotNaalala ko ang sinabi ni Tommy kagabi, hindi naman niya siguro tototohanin yung sinabi niya"Lorraine?""Yeah, hindi naman .. uhm wala naman pakialam sakin yon"That's true, baka napahiya lang yon dahil nakita akong kasama yung kaibigan niya tapos kayakap ko pa."Mabuti naman kung ganon... sige mag ingat ka, just call me if you need someone to talk to"Ngumiti ako at tumango"I will, thank you Sandro"In end ko na ang call..."Parang kakausap pa lang natin kagabi about sa kaniya ah"Nag

  • Back To Me   Chapter three

    "Friend bakit kasi nagtitiis ka jan sa asawa at pamilya mo, kung hindi mo na kaya makipag divorce ka na!"Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Joanna ang bestfriend kong sinasabihan ko lagi ng mga hinanakit ko sa buhay, siya na lang talaga ang taong nakakaintindi sa akin."Hindi naman kasi ganoon kadali ang sinasabi mo Joanna" napayuko ako "Dahil kapag nakipag divorce ako, maaring ipull out ni Tommy ang lahat ng shares niya sa company ni Daddy, edi ako na naman ang sisisihin niya kapag nangyare yon" Mahabang paliwanag ko sa kaniya.Nasa isang restaurant kami halos malapit lang sa subdivision kung saan ako nakatira.Nakipagkita ako sa kaniya dahil gusto ko ng kausap dahil kung wala, mababaliw na ako sa nangyayare sa akin."Hay! ewan ko ba diyan kay tito, hanggang ngayon hindi pa din niya matanggap na aksidente ang nangyare sa inyo ni Lyca, kahit yang asawa mo... nakakabwiset sila pareho" Ramdam ko ang inis sa boses niya.Naalala ko na naman ang babaeng dinala niya sa bahay, kung paano

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status