로그인Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Kayla bago kumatok. “Come in.” iyon ang narinig niya kaagad na sabi nito dahilan para muli siyang mapapikit.
Ilang taon na ang nakakaraan noong huli niyang narinig ang boses nito ngunit bakit sa pakiramdam niya ay parang kahapon lang nangyari ang lahat? Bakit kung kailan okay na siya ay saka pa ito nagpakita? Para tuloy nilagyan ng asin ang naghilom na niyang sugat. Mahapdi at sobrang kirot.
Pinilit niyang i-compose ang sarili niya. Ayaw niyang harapin ito ng wala siyang confidence at isa pa, baka isipin nito na hindi pa rin siya nakaka-move on dito. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang seradura ng pinto saka ito itinulak.
Kaagad niyang nakita ang lalaki na nakaupo sa swivel chair at may binabasa ngunit ng marinig nito ang pagpasok niya ay itinigil nito ang ginagawa para tumingin sa kaniya. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Katulad ng palagi niyang nararamdaman noon ay kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng pag-iinit ng pisngi niya.
Akala niya kapag nagkita silang muli ay wala siyang ibang mararamdaman para dito kundi tanging galit na lamang dahil sa ginawa nito sa kaniya ngunit hindi niya inaasahan na sa muli palang pagkukrus ng landas nilang dalawa ay matatagpuan niya pa rin ang sarili niyang tumitibok ang puso para sa walang pusong dati niyang asawa.
“How have you been?” he asked curiously. Ang mga mata nito ay may kung anong emosyon ang nakapaloob ngunit hindi niya mabigyan iyon ng pangalan kaya nag-iwas na lang siya ng tingin. Iyon lang ba ang dahilan kaya siya nito ipinatawag?
“I’m sorry sir, but I think it is not the right time to ask those questions.” sagot niya at pilit na kinalma ang sarili niya. “At saka, pwede niyo akon ituring na hindi kilala since—” hindi niya nagawang tapusin ang kanyang sinasabi ng bigla na lang itong magsalita.
“Who do you think you are talking to?” napalingon siya rito. Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya. Parang nanuyo ang lalamunan niya bigla ngunit sa halip na matakot ay sinalubong lang niya ang mga mata nito.
“I’m sorry sir.” nagyuko siya ng kanyang ulo pero hindi ba at tama lang din naman iyon? Wala naman sigurong masama sa sinabi niya hindi ba? Tapos na ang relasyon nila bilang mag-asawa kaya mas mainam na lang din na ituring siya nitong isang estranghero sa buhay nito kaya hindi niya maiwasang magtaka sa naging reaksyon nito. Para itong galit sa sinabi niya.
They were secretly married for two years, walang ibang nakakaalam na siya ang asawa nito bukod sa mga kasambahay at ilang pinagkakatiwalaan nitong tao katulad ng assistant nito. Ni hindi siya nito ipinakilala sa madla at hindi niya rin masabi noon na siya ang asawa nito.
Kinasal lang naman sila dahil sa kahilingan ng lola nito ngunit ilang buwan lang silang kasal ay namaalam na ito. Tinapos lang talaga nito ang dalawang taon na kontrata ng kanilang kasal bago siya nito tuluyang hiniwalayan at eksakto din namang bumalik na ang babaeng unang minahal nito.
Bigla niyang naramdaman na tumayo ito sa kinauupuan kaya nag-angat siya ng kanyang ulo at tumingin dito. Bahagya nitong niluwagan ang suot nitong kurbata at umupo sa mesa, sa mismong harap niya. Ni hindi niya nagawang umatras.
“Alam mo bang napakatagal na kitang hinahanap?” tanong nito sa kaniya na ikinagulat niya at ikinapanlamig ng kanyang mga mata.
Matagal ng hinahanap? Ganun na ba kalawak ang mundo para hindi siya nito matagpuan kung talagang gusto siya nitong hanapin? O sinasabi lang nito iyon para pampalubag ng loob niya? Gusto niya na lang matawa ng mga oras na iyon.
Ang kanyang mga mata ay napuno ng sakit at pagkadismaya. Gusto niyang ibuka ang kanyang bibig para magsalita ngunit walang salita ang lumabas dito hanggang sa nagbawi na lang siya ng kanyang tingin at huminga ng malalim.
“Kung wala na po kayong sasabihin sir ay lalabas na ako. May gagawin pa ako.” sabi niya at tumalikod na ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay ng marinig niyang magsalita ito.
“From now on, you will be my personal secretary. Hindi ka naman siguro tatanggi hindi ba?” tanong nito sa kaniya.
Huminga siya ng malalim. Kung magiging personal siyang sekretarya nito ay matatali siya rito at kailangan niyang pumunta whenever kailan siya nito tawagin at paano ang anak niya kung sakali? Hindi siya pwedeng umuwi hanggang hindi ito umuuwi. Wala pa naman siyang mapag-iiwanan kay Brix.
At saka kung palagi silang magkasama, hindi ba at mahihirapan siya kung sakali man? Masasaktan lang siya ng pauulit-ulit.
Muli siyang humarap dito. “Sir, hindi ba mas maganda kung—” hindi siya nito pinatapos.
“I will double your salary if that is what you want.” natigilan siya at napaisip. Kung madodoble ang sahod niya ay masasabi niyang magiging sapat na iyon para sa kanila ni Brix. Baka pwede na rin siyang kumuha ng makakasama niya sa bahay kung sakali man para may tumingin sa anak niya kung sakaling hindi siya makauwi ng maaga.
“What do you think?” muling untag nito sa kaniya ng hindi siya kaagad sumagot dahil nag-iisip pa rin siya ng mga oras na iyon kung papayag ba siya sa gusto nito. Huminga siya ng malalim, ang puso niya ang nakataya doon. Handa ba siyang muling masaktan kapalit ng malaking sahod?
Sinalubong niya ang mga mata nito. “Okay sir, deal.” sagot niya at pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay nakita niya kung paano kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya ngunit hindi nagsalita hanggang sa tuluyan na siyang nagpaalam para lumabas.
Sa labas ng pinto ay nakita niya si Miss Anne na naghihintay sa kaniya. Puno ng kayabangan ang mukha nito at nang makita siya nitong lumabas na hindi man lang umiiyak ay mukhang nadismaya pa ito. Tumaas kaagad ang kilay nito.
“Anong ginawa mo kay sir huh? Bakit mukhang hindi ka niya pinagalitan?” dismayadong tanong nito sa kaniya na ikinangiti niya lang naman at sa halip na sagutin ito ay nilampasan niya na lang ito dahil wala siyang oras na sagutin ang tanong nito.
Natigil sa pag-iyak si Kayla ng bigla na lang mag-ring ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha ito gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Nang makita niya ang pangalan ni Bea na naka-flash sa screen ng kanyang cellphone ay kaagad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Sinagot niya ang tawag.“Hello…” maging ang kanyang boses ay nanginginig rin.“Mommy…” ang umiiyak na boses ng kanyang anak ang kaagad na bumungad sa kaniya.“Anak… anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May ginawa ba sayo ang lalaking iyon?” sunod-sunod na tanong niya rito.Napasinghot ang anak niya. “No Mommy. I miss you na po, pwede po bang pumunta kayo dito?” ang boses ng anak niya ay nagmamakaawa ng sabihin nito iyon ngunit siya ay natigilan siya ng marinig ang sinabi nito.Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone. Pumunta siya doon? Paano siya pupunta doon? Makakaya niya bang bumalik sa lugar kung saan nadurog siya at nadurog ang puso niya?“Mommy…” nanginginig ang tinig ng kanyang anak. Bukod pa
Walang emosyon ang mukha ni Logan pagpasok niya sa mansyon. Naabutan niya sa sala ang kanyang lolo, kasama nito ang tagapag alaga ni Brix na si Bea. umiiyak ito ng mga oras na iyon at mukhang pinapatahan ito ng dalawa ngunit mukhang hindi naman nila ito mapatahan.Nang makita siya ng bata ay kaagad itong nag-angat ng ulo at tumakbo patungo sa kaniya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Yumuko siya tyaka niya ito binuhat. Pinunasan ang mga luha sa mukha nito. “May problema ba anak? Bakit ka umiiyak?” kaagad niyang tanong dito.Napasinghot-singhot ito. Ang mga balikat nito ay nanginginig na para bang kanina pa ito umiiyak. “Nasaan po si Mommy? Gusto ko po siyang makasama.” sabi nito sa kaniya dahilan para maging malamig ang kanyang mga mata.Nagdilim din ang kanyang mukha ng mga oras na iyon. Huminga siya ng malalim. “Masanay ka ng hindi kasama ang Mommy mo simula ngayon anak. Hindi ko alam kung gusto niya ba ditong tumira kasama tayong dalawa.” sabi niya rito ngunit sa halip na tumahan ito
Dahan-dahang dumausdos sa sahig si Kayla. Hindi siya makahinga, napahawak siya sa kanyang dibdib at napahagulgol. Walang ibang maririnig sa buong silid kundi tanging ang mahina niyang pag-iyak. Ang kanyang lalamunan ay parang may nakabara, nahihirapan siya. Maging ang kanyang dibdib ay nag-umpisa ng sumikip.Bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Ano bang ginawa niyang masama para maranasan niya ang lahat ng ito? Parusa ba ito?Ang sinabi nito ay tumatak sa isipan niya. Ano ang pipiliin niya? Manatili sa isang bahay kasama ito para makasama ang anak niya o kalimutan na niya ang anak niya? Alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. Marami itong pera at kung sakali man na magharap sila sa korte ay sigurado siyang matatalo siya. Wala siyang laban dito. As in wala.Ipinatong niya ang kanyang mukha sa kanyang tuhod at hinayaan niya ang sarili niyang umiyak hanggang sa tuluyang mapagod siya.****** Noong gabing sinabi ng lolo ni Logan sa kaniya ang tungkol sa batang nakilala nit
Tatlong araw na simula noong nawala si Logan at hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung kailan ito uuwi. Ni wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung anong ginawa nito sa ibang bansa. Napa buntong hininga na lang siya at ginawa nila ang kanilang mga normal na trabaho habang wala ang kanilang CEO.Noong hapon na iyon ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Xander at niyaya siya nitong mag-dinner sa labas kung saan ay dali-dali naman siyang pumayag. Ayaw niyang maramdaman ng lalaki na ginagamit niya lang ito kaya kailangan niyang umakto na para bang inlove talaga siya rito at para na din iyon kay Brix.Katulad noong mga nakaraan ay dinala siya nito sa isang high end restaurant. May malamyos na musika at talagang masasabi niyang pang mayaman talaga. Ipinaghila siya nito upuan. “Kamusta ang maghapon mo?” kaagad nitong tanong sa kaniya.Ngumiti siya. “Okay naman, ikaw ba?”Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. “Well, magpapaalam sana ako sayo. I need to
Napakunot ang noo ni Kayla pagdatong niya sa opisina. Doon niya pa lang nalaman na wala ang kanilang boss. Pumunta daw ito sa ibang bansa kagabi at ni wala ni isa sa kanilang ang nakakaalam ng dahilan. Maging siya na personal nitong sekretarya ay hinid niya alam kung bakit ito pumunta sa ibang bansa.“Baka naman may emergency kaya siya biglang umalis?” tanong ni Kelly sa kaniya ngunit nagkibit balikat lang siya. Wala talaga siyang ideya. Ilang beses niya ring chineck ang kanyang cellphone kung may message ba ito sa kaniya o ano pero wala, wla kahit isa.“Wala talaga akong ideya.” sagot niya kay Kelly.Napasandal ito sa mesa niya at napakrus na lang ng mga braso sa dibdib. “Hindi ba at sinamahan mo pa siya kagabi sa meeting niya?” tanong pa rin nito na ikinatango niya lang.“As in wala man lang siyang sinabi?”Tumango siya. “Wala talaga. Kanina ko pa tinitingnan itong cellphone ko pero hanggang ngayon ay wala siyang message o kahit na ano.” napa buntong hininga na lang siya. Saan ka na
Nagpasundo si Kayla kay Xander. Nakapag desisyon na siya at kailangan niya ng kausapin ito. Alam niyang busy ang lalaki dahil sa negosyo nito. Sa totoo lang ay wala talaga siyang alam kung ano ang negosyo ni Xander pero ang sabi nito sa kaniya ay may kumpanya siya na hindi niya naman tinatanong ang tungkol dito dahil unang-una ay ayaw niyang isipin nitong iyon lang ang habol niya rito.Hindi nagtagal ay dumating ang lalaki sakay ng kotse nito, as usual ay may driver na naman itong kasama. Ngumiti siya ng lumabas ito mula sa kotse. “Pasensya ka na kung nagpasundo pa ako.” medyo nahihiyang sabi niya ngunit ngumiti lang ito at pinagbuksan siya ng pinto.“Ano ka ba Kayla, basta ikaw. Kahit na anong oras pa yan ay handa kitang sunduin kahit saan pa yan.” sagot nito sa kaniya.Sabay silang pumasok sa loob ng kotse. “Gabi na ah, nag-overtime ka ba?” tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.Ngumiti siya rito saka tumango. “Well, na-promote na kasi ako bilang personal secretary ng ba
Pumunta si Alberto Monteverde sa school kung saan ay isa siya sa mga nagtatag. May meeting sila. Kahit na nasa late sixties na siya ay malakas lakas pa siya, pero hindi siya nagtungo doon ng mag-isa kundi kasama niya ang ilan niyang tauhan. Idagdag pa na ibinilin ng kanyang apo na kailangan kapag l
Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanin
“Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang
Napasandal si Logan sa kanyang kinauupuan at napatitig sa nakasarang pinto bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Kanina pa siya hindi makapag focus sa mga trabaho niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Kayla. Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi na niya sigurado pa, pero ang tanging a



![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



