Home / Romance / Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé / Chapter 79: A Substitute's Truth

Share

Chapter 79: A Substitute's Truth

Author: inksera
last update publish date: 2025-12-21 13:36:43

Napabuntong-hininga si Don Adalvino. “Kung palagi ka lang sana ganito na masunurin, magaan sana ang buhay ko. Tsk. Remember, balik ka nang maaga tonight. Magluluto si Butler Renan ng favorite mong dishes. At dapat tapusin mo na ang connection mo kay Zandri agad. Kapag malaman kong sekreto mong niloloko si Inara, sisiguraduhin kong magsisisi ka.”

Mabilis na pinatay ni Don Adalvino ang tawag. Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon si Kaizan na makasagot at paniguradong tatanggi lang din naman i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 125: Unwanted Tears

    Sinulyapan lamang ni Kaizan si Zandrae at bahagyang kumunot ang noo. Dahil sa sunod-sunod na pangyayaring ganito, unti-unti nang nauubos ang kanyang pasensya. Ngunit nang maalala niyang buntis ang dalaga, pinili niyang palambutin ang kanyang tono.“Zandrae, buntis ka kaya huwag kang umiyak. Hindi maganda iyon para sa bata. Umakyat ka muna sa kwarto mo at magpahinga. Magpapadala ako ng katulong para dalhan ka ng hapunan mamaya.”Nang marinig iyon, dahan-dahang tumingala si Zandrae. Halatang hindi siya makapaniwala habang nakatitig dito. Hindi niya matanggap na sa halip na ipagtanggol siya, tila mas pinapanigan pa nito si Inara. Parang walang napansin si Kaizan sa reaksiyon niya. Maingat nitong inalis ang kamay ng dalaga sa kanyang braso bago nagpatuloy.“Zandrae, nasa mga unang buwan ka pa lang ng pagbubuntis. Mas mabuti kung manatili ka muna sa kwarto mo. Huwag mong hayaang may mapansin si Butler Renan. Kapag nalaman ito ni Dad, wala na akong magagawa para protektahan ka.”Nang mabang

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 124: Hidden Lies

    Mahigpit na kinuyom ni Zandrae ang kanyang mga kamay sa tagiliran. Nang maamoy niya ang matapang na amoy ng gatas, may kislap ng pagkukunwari at panlilinlang na dumaan sa kanyang mga mata. Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig at nagkunwaring nasusuka.Pilit siyang umubo at nagsuka nang sunod-sunod habang unti-unting namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay tumingin siya kay Kaizan na tila nanghihina at walang magawa.“Kaizan, ang baho ng amoy ng gatas. Talagang nakakasuka. Pwede mo bang sabihin kay Miss Inara na huwag na lang siyang uminom niyan?”Saglit na natigil si Inara nang marinig iyon. Tahimik niya lamang itong sinulyapan bago ipinagpatuloy ang pag-inom na para bang wala siyang narinig.May bahagyang konsensyang nararamdaman si Kaizan para kay Inara kaya hindi niya pinaboran si Zandrae. Sa halip, nilingon niya ang katulong sa tabi.“Maghanda ka ng pagkaing gusto ni Miss Zandrae at dalhin mo sa kwarto niya.”Hindi lamang si Zandrae ang nabigla sa sagot na iyon. Magi

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 123: Secret and Challenges

    Hindi naiwasan ni Inara ang mapaisip sa biglaang pagtatanong ng binata. Gustuhin man niyang malaman ang dahilan sa likod nito ay mas pinili na lamang niyang itikom ang bibig.“Gusto mo bang magtrabaho sa kumpanya ng mga El Davion?” malamig at seryoso ang pagkakatanong ni Kaizan. Mabilis siyang napalingon. Puno ng gulat at pagtataka ang kanyang mga mata sa hindi inaasahang alok. Ngunit pinili pa rin niyang tumanggi nang maayos.“A-Ah... Salamat sa alok mo, pero mas gusto ko pa ring manatili sa kumpanya kung nasaan ako ngayon. Sanay na ako roon, at nandoon din naman si Liora.”Bahagyang tumango ang lalaki at hindi na siya pinilit. “Kapag may kailangan ka o nahihirapan ka, sabihin mo lang sa akin.”Nang marinig ang pag-aalala sa mga salitang iyon, mas humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag at kusang tumango. Sa kabila ng sitwasyon nila, may kakaibang tamis pa ring sumagi sa kanyang puso. Mula noon, naging mas magaan ang usapan nila at naging komportable ang kapaligiran sa loob

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 122: Secret Agreement

    Ramdam ni Zandrae ang malakas na ihip ng hangin mula sa mabilis na takbo ng sasakyan. Napasandal siya sa dibdib ni Kaizan habang hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot. Mahigpit niyang kinagat ang labi at nanatiling puno ng pangamba ang kanyang mga mata. Kung nahuli lang ng isang segundo si Kaizan, baka iba na ang nangyari sa kanya.Dahil sa nangyari, lalong naniwala si Kaizan na kapag pinilit niyang alisin ang bata, handang isugal ni Zandrae ang sariling buhay para rito. Minsan nang iniligtas ni Zandrae ang kanyang buhay, at nangako siyang aalagaan ito nang maayos.Dahil doon, hindi niya kayang pabayaan na mapahamak ang dalaga. Nang gamitin nito ang sariling buhay bilang panakot, wala na siyang nagawang iba kundi ang sumang-ayon. Hindi rin inasahan ni Zandrae na ang kanyang padalus-dalos na pagkilos ang magiging susi upang makuha ang gusto niya.Dahan-dahang inilayo ni Kaizan ang dalaga mula sa kanyang dibdib. Nang makita niya ang sobrang pamumutla ng

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 121: The Unwanted Child

    Iyon na yata ang pinakamatagal na sampung minuto sa buhay ni Inara. Mataman siyang nakamasid sa bawat reaction na gagawin ng mukha ni Kaizan. Maging ang paggalaw ng lalamunan nito ay hindi na yata nakalagpas sa kaniyang paningin. "Not bad," saad ni Kaizan at saka binaba ang mga papel sa kaniyang harapan. Dalawang salita lamang iyon ngunit animong higit pa iyon sa papuri na maaari niyang matanggap mula sa professor niya dahilan para hindi niya maiwasan ang mapangiti. Dahil doon ay bahagyang nawala ang kaniyang kaba. "Maayos naman ang kabuuan ng gawa mo, pero..." pambibitin na saad ni Kaizan. Agad napaangat ng tingin si Inara pabalik kay Kaizan. Nagtama ang kanilang paningin at nang sandaling iyon ay hindi na namalayan ni Inara na nakakunot na pala ang kaniyang noo dahilan para si Kaizan naman ang hindi nakapagpigil na ngumiti."Pero ano? May mali ba? May kulang?" sunod-sunod ang mga tanong na saad ni Inara habang binubuklat isa-isa ang mga papel at mas lalo lamang napangunot ang ka

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 120: Unexpected News

    Nag-alala si Zandrae nang mapansin niyang huli na ang kanyang menstruation ngayong buwan.Karaniwan ay regular ito at bihirang maantala. Nang maalala niya ang nangyari sa pagitan nila ni Wyatt noong nakaraan, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Takot siyang pumunta sa ospital kaya lihim na lamang siyang bumili ng pregnancy test.Pumasok siya sa banyo at naghintay nang ilang minuto. Nang makita niya ang resulta, agad siyang nanginig. Malinaw na malinaw ang dalawang pulang guhit sa test kit.Buntis siya!Matapos ang gabing iyon kasama si Wyatt, agad siyang umuwi. Dahil sa sobrang pagkabigla at pag-aalala, hindi man lang niya naisip ang tungkol sa proteksyon.Kung hindi lang naantala ang kanyang dalaw ngayong buwan, hindi niya maiisip na maaaring nagdadalang-tao siya.Ngunit nasa harapan na niya ngayon ang katotohanan. Mahigpit niyang hinawakan ang test kit hanggang sa pumuti ang kanyang mga daliri.'Ano na ang gagawin ko?''Paano ko ito malalampasan?'Halos mabaliw siya sa

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 5: Interviewing My Own Fiancé

    Pagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, agad kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group. Lahat ay nakatingin sa kanila nang may halong inggit at paghanga. Sino ba naman ang hindi maiinggit kung ang makakapanayam nila ay walang iba ku

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 4: One Look, and I Was Doomed

    Biglang sumagi sa isip ni Kaizan ang isang imahe. Sa isang iglap, nagbago ang kaniyang isip. Bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi. “Okay ka lang ba?” malamig ngunit banayad ang tonong tanong niya. Nang lingunin siya ni Inara at magtama ang kanilang mga mata, parang huminto ang oras. Napat

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 3: When Hate Tasted Like Him

    Pagkalabas ni Kaizan mula sa kuwarto ni Inara, sinalubong siya ng butler ng kaniyang ama sa pasilyo. “Butler Renan,” maikling bati niya rito. “Young Master, pinapatawag ka ng iyong ama sa opisina niya.” Tahimik siyang tumango at sumunod. Pagbukas ng mabigat na pinto, bumungad ang amoy ng mamahali

  • Bound to My Ruthless Zillionaire Fiancé   Chapter 2: His Punishing Kiss

    “Tulong! Tulong! Sino ka?!” Naghahabol ng hininga si Inara habang pilit niyang tinutulak ang lalaking nasa dilim at nakadagan pa rin sa kanya. “Tumahimik ka…” Mababa at malamig ang tinig ng lalaki. Kumikirot ang ulo niya sa ingay ng babae, dahilan para agad siyang mapasimangot. Inis na inis si Ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status