MasukBy day, Zandrielle Inara Clemente is a daring reporter who captures the attention of the nation’s most ruthless zillionaire. By night, she becomes his neglected fiancée—trapped in a loveless engagement with the very same man. Arlend Kaizan El Davion adores one woman and despises the other, never realizing they are the same. But when masks fall and secrets begin to burn, love transforms into a dangerous game neither of them can control. And when the truth finally comes to light—will love survive, or will it destroy them both?
Lihat lebih banyakNakatayo si Inara sa ilalim ng makinang na liwanag ng chandelier, dahilan para ang simpleng puting bestida na suot niya ay magmukhang mas elegante sa paningin ng mga taong naroon. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang magkadikit ang mga ito sa harap niya.
Araw ng selebrasyon para sa napagkasunduang kasal niya, pero hindi niya kilala kung sino ang magiging mapapangasawa niya. Ang alam lang ni Inara ay kailangan ng kanyang lola ng agarang operasyon, at wala siyang sapat na pera para rito. Hanggang sa isang araw, lumapit sa kanya ang ama ng lalaking hindi niya kilala. “Pakasalan mo ang anak ko, at sasagutin ko lahat ng gastusin para sa operasyon ng iyong lola.” Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isip niya ang alok na iyon ng ginoo. Noong una, parang iyon na ang himalang hinihintay niya para iligtas ang buhay nila ng kanyang lola. Pero ngayong nasa harap na siya ng maraming tao, pakiramdam niya ay para siyang nahulog sa bitag na siya mismo ang pinili at tinanggap. Dahan-dahan siyang naglakad sa mahabang pulang carpet. Pinipilit niyang panatilihing kalmado ang sarili habang papalapit sa patriarch ng pamilya El Davion, si Don Adalvino Khalif El Davion. Habang naglalakad, pasimple siyang lumilinga sa paligid, hinahanap ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. ‘Nasaan siya?’ Magsisimula na ang seremonya, pero hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Ang upuang para sa kanya sa tabi ay bakante pa rin. Dahil doon, unti-unting nag-umpisa ang bulungan ng mga bisita. “Ano na ba ang nangyayari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating ang Young Master?” “Baka naman ayaw niya sa babaeng pakakasalan?” “Sino ba iyang babae na ‘yan? Wala namang balita na may girlfriend ang Young Master. Ni minsan, hindi ko pa siya nakita.” “Nakakahiya naman. Kasunduan sa kasal pero wala ang groom?” “Parang hindi pinapahalagahan ng pamilya El Davion ang babaeng iyan. Sa laki ng pangalan nila, nakakahiya ang ganitong okasyon.” Ang bawat bulong ay parang matatalim na kutsilyong tumatama kay Inara. Napakuyom siya ng mga kamay at halos bumaon ang mga kuko sa kanyang palad. ‘Calm down, Inara. Huwag mong hayaang makaapekto ang sinasabi nila. Hindi puwedeng ngayon ka pa susuko. Para ito sa operasyon ni Lola Evelyn.’ Bago pa tuluyang mawala ang pilit na ngiti niya, biglang tumayo si Don Khalif at malakas na hinampas ang kamay sa mesa. “Enough!” sigaw nito. “Anyone who dares to insult my daughter-in-law will be standing against the El Davion family.” Napasinghap ang mga bisita. Mabigat at matalim ang boses ni Don Khalif. “Let this be clear. Inara is the only woman worthy to carry our name. From this day on, you will show her the respect she deserves!” Biglang natahimik ang buong lugar. Huminga nang malalim si Don Khalif bago nagpatuloy, mas banayad na ang tono. “As for my son, Kaizan, his flight was delayed due to the branch company’s initial public offering. He will return once he finishes his work there.” Nakahinga nang maluwag si Inara. Ibig sabihin, hindi talaga darating ang lalaki ngayong gabi. Mas mabuti na rin iyon, dahil hindi pa siya handang humarap sa estrangherong biglang naging fiancé niya. Matapos utusan ang mga katulong na asikasuhin ang mga bisita, muling hinarap ni Don Khalif si Inara. “You are now the future daughter-in-law of our family, Inara. Once you and Kaizan wed on the 28th of next month, you will officially become part of the El Davion household. If anyone wrongs you, come to me and I will deal with it. For now, I will have the servants take you to your room so you can rest. You must be tired.” Napalunok si Inara. ‘Next month na agad ang kasal?! Diyos ko!’ “S-Salamat po, D-Dad.” Tumango siya nang mahinahon, pero magulo pa rin ang isip niya. Isa lang ang malinaw sa kanya, kahit ano pa man ito, siya ay magpapakasal sa estrangherong lalaking ang tanging alam niya ang apelyido nito. El Davion. Iyon lang ang paraan para mailigtas ang kanyang lola. Pagdating niya sa silid, napagtanto niyang naiwan niya ang cellphone sa baba. Agad siyang bumalik, at habang kinukuha ito sa mesa, narinig niya ang pamilyar na boses ni Don Khalif mula sa study room. “Hindi ka pumunta sa sarili mong engagement party. Gaano ba talaga katigas ang ulo mo, Arlend Kaizan El Davion?!” galit na galit ang tinig nito. “Listen to me, Arlend! Pakakasalan mo siya, gusto mo man o hindi! Wala kang karapatang tumanggi!” Sandaling katahimikan ang sumunod. Sa palagay ni Inara, ang anak naman nito ang nagsasalita sa kabilang linya. “Wala akong pakialam kung nasaan ka man lupalop sa mundo. Umuwi ka rito sa loob ng isang oras at humarap sa fiancée mo. Naiintindihan mo ba ako?” Muling natahimik ang silid, pero nang magsalita ulit si Don Khalif, mas naging malamig ang boses nito. “Akala mo ba hindi ko alam ang mga ginawa mo? This marriage is for your own good. One hour, Kaizan. No excuses.” Pagkatapos noon, malakas na ibinaba ng Don ang telepono. Nanigas si Inara sa kinatatayuan. Hindi niya gustong makinig, pero huli na ang lahat. ‘Kung ganoon, hindi dahil delayed ang flight kaya wala siya, kundi dahil ayaw niya talagang magpakasal?’ Akala niya abala lang ito sa trabaho. Pero ngayon, malinaw na ang lahat. Tulad niya, hindi rin nito gusto ang kasal na ito. ‘Pero kung ayaw niya, bakit ganoon na lang ka-pilit si Don Adalvino? May tinatago ba siya?’ Paulit-ulit iyon sa isip niya hanggang mapagod siya sa kakaisip. ‘Bahala na. Haharapin ko na lang kapag nandiyan na.’ Pagod na pagod na siya nang gabing iyon. Humiga siya sa kama, unti-unting lumuwag ang pakiramdam. Sabi ni Don Adalvino, darating si Kaizan sa loob ng isang oras, kaya naghintay siya kahit inaantok at hindi mapakali. Lumipas ang isang oras. Dalawa. Wala pa rin. Napabuntong-hininga siya at naisip na baka hindi na nga darating ang lalaki. Pinatay niya ang ilaw, humiga sa kama, at binalot ang sarili sa makapal na kumot. Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa lamunin siya ng antok. Pero bago pa siya tuluyang makatulog, may kakaiba siyang naramdaman sa paligid. Para bang may bigat na dumagan sa kanyang dibdib, mabigat at nakakasakal. Napakislot siya, halos hindi makahinga. At sa gitna ng dilim, naramdaman niyang may ibang presensya sa silid. “Ahhh—!” Ang sigaw niya ay bumasag sa katahimikan ng gabi. Dahil sa madilim na silid, may ibang tao bukod sa kaniya. May nakadagan sa kanya!Mas hinigpitan pa niya ang yakap bago marahang hinawakan ang baba nito para mapatingin sa kanya. Seryoso ang mukha niya habang diretsong nakatingin sa mga mata nito."Inara, bawal mo na akong pagtaksilan ulit. Kapag ginawa mo 'yon, hindi na kita patatawarin nang madali."Bahagyang sumilip si Inara mula sa pagkakayakap at hindi nagpatalo sa tingin nito."Ganoon din ang sasabihin ko sa'yo."Napangiti siya at bahagyang umiling."Ang galing mo na talaga. Natuto ka na ring manakot."Bahagya namang umangat ang sulok ng mga labi ni Inara."Natututo lang naman at ginagamit agad."Mas lumalim ang ngiti niya sa matalinong sagot nito. Hindi na siya nagsalita pa. Yumuko na lang siya at marahang hinalikan ang mga labi ni Inara.Napansin ng mga katulong sa mansyon na nitong mga nakaraang araw ay masigla at laging magaan ang pakiramdam ni Kaizan. Matapos kasi ang lahat ng nangyari, nagkaayos na rin sila ni Inara.Kung minsan ay bigla na lang silang nagtatalo, pero maya-maya lang ay nagkakabati rin.
Masama talaga ang ugali ni Kaizan, pero alam ni Inara na totoo ang pag-aalala nito. Noong nasa ospital sila, naalala niya ang init ng mga kamay nito, ang lawak ng mga balikat, at ang lalim ng titig nito.Bigla siyang tila may naalala kaya lalo pang namula ang mukha. Agad siyang umupo at malakas na hinampas ang namumula niyang mga pisngi."Inara, kumalma ka na. Anong oras na ba? Bakit iniisip mo pa rin ang maliliit na kabutihan ni Kaizan? Nakalimutan mo na ba kung paano ka niya pinagkamalan at pinahiya? Baka ang pagpapakita niya ng kabutihan ay bahagi na naman ng panibagong plano. Huwag kang papayag. Huwag na huwag kang magpapaloko."Pumikit siya at huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili.Habang ginagawa niya iyon, may kumatok sa pinto."Young Madame, maayos po ba kayo?"Nagmulat siya ng mga mata at nagtatakang sumagot."Wala naman po. Bakit po?""Wala lang po. Kapag masama po ang pakiramdam ninyo, sabihin n'yo lang po agad sa amin. Huwag n'yo pong sarilinin.""Opo."Muling tu
Kumuha si Kaizan ng kumot at maingat na ibinalot iyon kay Inara. Pagkatapos ay maingat niya itong binuhat at nagmadaling dalhin sa ospital.Habang naghihintay na masuri ng doktor, lalo pang sumakit ang tiyan ni Inara. Maya-maya, may naramdaman siyang mainit na likidong dumaloy mula sa katawan niya. Lalong lumakas ang takot na bumalot sa kanya. Namutla siya at hindi mapigilan ang pagpatak ng mga luha.Nang mapansing nanginginig siya nang husto, agad siyang niyakap ni Kaizan at marahang pinakalma. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang baby natin."Yumuko siya habang patuloy ang pag-agos ng luha sa namumutla niyang mukha. Puno siya ng pagsisisi."Kasalanan ko lahat 'to. Bakit ba kasi ang clumsy ko maglakad?"Pagkakita sa kalagayan niya, tuluyan nang nawala sa isip ni Kaizan ang naging pagtatalo nila kanina."Aksidente lang 'yan. Hindi mo naman sinasadya. Malakas ang baby natin. Hindi siya mapapahamak dahil lang sa pagkadapa.""Pero ganyan kasi ang nangyayari sa mga palabas sa TV.""
Para makatipid ng lakas, nanatili na lang munang nakahiga si Inara sa kama habang nakatitig sa kisame. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.Lalong nakakainis ang pakiramdam na para bang unti-unti siyang nadudurog. May kutob siyang hindi siya makakatulog ngayong gabi hangga't hindi nabubusog ang kanyang tiyan.'Pero walang meryenda rito sa kwarto. Saan naman ako hahanap ng makakain?'Napakunot ang noo niya habang pilit nag-iisip, tila ba wala nang natitirang pag-asa.'Sandali. Kung walang pagkain dito sa loob ng kwarto, pwede naman akong lumabas. Siguradong may masarap na pagkain sa kusina.'Nang makapagdesisyon, agad siyang kumilos.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sinilip ang labas. Nang makitang walang katulong sa paligid, bahagya siyang napangiti.'Buti naman. Pabor sa akin ang tadhana.'Bahagya niyang kinagat ang labi, yumuko nang kaunti, saka maingat na lumabas ng kwarto.Diretso siyang nagtungo sa kusina. Pagkabukas niya ng refrigerator, h
Napahinto sandali si Wyatt nang marinig niya ang sinabi ni Zandri. Tumingin siya rito, may halo ng pag-aalinlangan at bigat sa mga mata, bago marahang nagtanong, parang takot sa posibleng sagot. “Zandri, tatanungin lang kita. Kung sakali na… kung hindi talaga makipag-divorce si Kaizan kay Inara… an
Lumambot ang tingin ni Don Adalvino habang tinitignan si Inara. May halong pag-aalala ang boses niya. “Sabi ng maid, hindi raw maganda ang pakiramdam mo. Gusto mo bang magpatawag tayo ng doktor?”Marahang umiling si Inara. Sa ilalim ng mahabang nightgown niya, nanginginig ang mga binti niya sa saki
“Bakit ako aamin sa bagay na hindi ko naman ginawa?” Kalmado ang boses ni Inara. Sobrang kalmado. “Ikaw ang kusang nagbigay ng card sa akin. Walang pumilit sa’yo.”Pero ang mahigpit niyang pagkakakuyom ng mga kamay ang nagbunyag ng kaba niya. Basa ang palad niya. Mabilis ang tibok ng puso niya.Hin
Umatras nang umatras si Inara hanggang sa dumikit na ang likod niya sa malamig na pader. Wala na siyang urungan. Patuloy pa ring lumalapit si Kaizan, mabigat ang presensya, parang sinasakal ang hangin sa pagitan nila.Tiningnan niya si Inara mula ulo hanggang paa. Gusot na ang dating elegante niyan






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak