LOGINJYRONE
Tatlong buwan ko siyang niligawan.
Tatlong buwan akong naghintay.At ngayon, sa wakas… girlfriend ko na siya.Si Ferly Himenez.
Kung kanina ay halos hindi ako makangiti habang kaharap ang marketing at finance heads, ngayon naman para na akong baliw na ngumingiti mag-isa.
Paanong hindi?
Ngayon ang unang araw na susunduin ko siya bilang girlfriend ko.
Bitbit ang bouquet ng pulang rosas, naglakad ako sa pasilyo papunta sa clinic niya.
Kumatok ako nang isang beses bago pumasok.
At agad siyang napatigil.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
“Hi,” sabi ko, bahagyang iniangat ang hawak kong bulaklak.
“For you.”“Hi…” sagot niya, inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya. Namumula ang pisngi nang tinanggap ang bulaklak. “Thank you, Jyrone.”
“You’re welcome, darling…” malambing kong sabi habang hinawakan ang kamay niya at marahang hinalikan ang likod noon.
Ilang beses siyang napakurap, saka dahan-dahang binawi ang kamay at pasimpleng tinapik ang pisngi.
Hindi ko mapigilan ang ngiti. Bumalik sa alaala ko ang panahong nasa kolehiyo pa kami.
Ibang-iba siya sa mga nakarelasyon ko. Ayaw niyang pahalik, ayaw payakap, ni hawak sa kamay ay bawal.Patago rin ang aming relasyon. Sa tuwing mag-aaya akong mamasyal, tumatanggi siya. Kaya para akong batang gutom na naglalaway sa ulam na hindi pwedeng galawin.“Ready ka na ba, darling…” Lumapit ako sa kanya. Tumayo sa likuran niya at minasahe ang balikat niya.
“Jyrone…” Tumingala siya, parang pinagbabawalan akong hawakan siya.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa tainga niya, saktong maramdaman niya ang hininga ko.
“Relax… I’m just giving you a massage. I’m not going to eat you.”Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya, at parang napigil pa nito ang paghinga.
“Just breathe…” bulong ko ulit habang ang kamay ko ay patuloy na humihilot sa may leeg niya.Kita kong napapikit siya, nasasarapan sa kada pisil at haplos ko. Hindi ko naman napigilan ang mapakagat-labi. Ang lamig dito sa clinic niya, pero ang init ng pakiramdam ko.
Kung noon, hindi ko nagagawa ito sa kanya. Hanggang tingin lang ako. Ngayon, hindi na puwede.
Mas inilapit ko pa ang mukha ko. Labi ko, halos dumikit na sa pisngi niya.
“Jyrone… that’s enough,” bulong niya habang hinahawakan ang kamay ko, pinipigil na bumaba sa may collarbone niya.
“Why? Am I not doing it right? Doesn’t it feel good?”
“It does…” Natiim niya sandali ang labi, halatang nahihiya. “But someone might walk in…” Tumingin siya sa may pinto.
“Tapos na ang clinic hours mo, right? There’s no one coming in here,” seryoso kong sabi.
“Oo, tapos na… kaya alis na tayo…” Tumayo siya nang muli kong inilapat ang palad ko sa balikat niya.
“Let’s go…” Dinampot niya ang bag at bulaklak, saka naunang lumakad papunta sa pinto.
Napapailing na lamang ako, natatawa rin. Sa edad niyang beinte-siyete, para pa rin siyang dalagita kung umasta. Parang noon lang, kahit mag-syota na kami, dumidistansya pa rin siya.
“Jyrone, halika na…” tawag niya ulit nang mabuksan niya ang pinto.
Patakbo naman akong lumapit. Akmang hahawakan siya, ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko sa baywang niya, nauna na siyang lumabas, iniwan ako.
Napakamot na lang ako sa ulo. Ang ilap pa rin talaga niya. Pero ayos lang. In time, mapaamo ko rin siya. At saka, iyong pagiging mailap niya, iyon naman ang nagustuhan ko sa kanya.
Ako nga na maparaan pagdating sa mga babae, hindi umubra sa kanya—ang iba pa kaya.“Darling, wait for me…”
Napalingon siya nang binawi ko ang bag niya at hinawakan ko ang kamay niya.
“Jyrone…” Akmang babawiin niya.
Umiling ako. Huminto sa paglalakad at pinihit siya paharap sa akin. Matiim ko siyang tinitigan sa mata.
“I love you, Ferly. So please… hayaan mo akong iparamdam sa’yo… Don’t push me away.”
I don’t care if I sound too much.
She needs to know… I won’t let her slip away again.Not this time.Not ever.If she tries to pull back, I’ll pull her closer… because losing her isn’t something I’ll allow a second time...JYRONE“For real?”Nahagod ko ang buhok ko at napatawa nang mahina.“Yeah, bro!”“Nasaan sila ngayon? Nakakulong na ba?”“No, they're dead! Ayaw nilang mahuli nang buhay. Nanlaban sila hanggang wala nang matira sa kanila.”Tinapik ni Papa ang balikat ko.“I told you… May awa ang Diyos. Malalampasan n'yo rin ang lahat ng problema.”Ngiti lang ang isinagot ko kay Papa. Pero puno ng saya ang puso ko.“Thanks, bro. Kung hindi dahil sa tulong n'yo… hindi namin malalampasan 'to.”Tumingin din ako kay Papa na hindi rin maitago ang saya.Hindi pa nga niya binitiwan ang balikat ko at pinipisil-pisil niya pa iyon.“I have to go… update kita later tungkol sa statement ng pulis.”Pagputol ng tawag, nayakap ko si Papa. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin habang muli kaming naglalakad.Sumabay pa rin ako sa mabagal niyang paglalakad.Then lumingon siya sa akin.“Tapos na ang problema natin sa sindikato, pero hindi pa tungkol kina Daniel at Ferly.”Napabuga ako ng hangin. Balikat naman niya a
JYRONEIpinikit ni Ferly ang mga mata niya.Napailing namang tumingin sa akin si Papa.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ferly.Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero alam kong kahit anong sabihin ko, hindi pa rin mabubura ang lungkot na nararamdaman niya.Hinawakan ko na lang ang kamay niya."Bigyan mo lang sila ng oras," mahina kong sabi. "Hindi naman agad nawawala ang galit."Tumingin siya sa akin.Unti-unting pumatak ang luha sa gilid ng mga mata niya.Agad ko iyong pinahid."Alam kong nasasaktan ka… alam kong nalulungkot ka. Pero, Ferly, kailangan mong maging matapang. Kailangan mong maging matatag. Para kay baby... para sa atin."Tumango siya.Ngumiti.Pero napakapait no'n.Marahan ko na lang siyang niyakap."Magpahinga ka na."Paulit-ulit kong hinaplos ang pisngi niya.Pinunasan ko ang bawat luhang tumutulo.Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.Maya-maya, naramdaman kong tinapik ni Papa ang likod ko.Paglingon ko, sumulyap siya kay Mama.Parang tahimik niyang ibinili
JYRONE"Ferly!"Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang namimilipit sa sakit.Mahigpit ang hawak niya sa tiyan niya habang namumutla ang mukha."Darling, look at me."Lumuhod ako sa tabi ng kama."Saan masakit? Tell me what's wrong.""Masakit... Ang tiyan ko..."Napapikit siya.Lalong lumakas ang kaba ko.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.Agad ko siyang binuhat."Jyrone..."'Yong sigaw niya, parang hinihiwa ang balat ko nang paunti-unti."Don't worry. Nandito ako."Mabilis akong lumabas ng kuwarto."Ma! Pa!"Sigaw ko habang kinakatok ko ang kuwarto nila at agad nang tumatakbo papuntang elevator."Jyrone!"Narinig kong tawag ni Mama.Halata sa boses niya ang pag-aalala.Rinig ko na rin ang mga yabag nila sa likod ko.Nauna pa si Papa na pindutin ang button pababa."Let's go."Mabilis akong pumasok sa elevator."Tatawag ako ng ambulansya," sabi ni Mama habang inilalabas ang cellphone niya.Umiling ako."Matatagalan
JyroneParang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig kay Ferly.Hanggang sa lumakas ang hikbi niya.Saka lang ako parang nahimasmasan.Hinawakan ko ang kamay niya. Nilapat sa labi ko."Pumayag ka ba?"Mabilis siyang umiling, kasabay ang hagulgol niya."Hindi... Hindi ko kayang mawala ka, Jyrone."Agad ko siyang hinapit at niyakap nang mahigpit."Hindi ko kayang mawalan ng tatay ang anak ko."Hindi man ako nagsasalita, pero napapangiti naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik.Ako ang pinili niya... kami ni Baby."Tahan na..." maya maya ay nasabi ko."Galit lang sila—"Umiling siya."Hindi lang sila galit... Tinakwil na nila ako."Mas lalo pang lumakas ang iyak niya."Dahil ikaw ang pinili ko… dahil sinuway ko sila."Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Hindi ko alam kung paano aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok niya."Darling..."Sinadya kong lambi
JyronePagpasok namin sa silid, agad na napunta ang tingin ko kina Tita Felicia, Lola Paz, at Ferly.Lahat sila ay nasa paligid ng kama ni Daniel.Halatang nag-aalala. Kita iyon sa mga mukha nila.Sa paraan ng pagtitig nila sa walang malay na si Daniel.Tahimik lang sila no'ng pumasok ako. Mas tumahimik pa nang makita nilang kasama ko sina Mama at Papa Leon.'Yong tensyon, lalong lumala.Parang humigpit ang sikmura ko.Hindi ko alam kung tama bang dinala ko sila rito. Sana hindi na lang ako pumayag...Mainit na nga kasi ang naging sagutan nina Mama at Tita kanina.Paano kung mas magkainitan pa sila?Nagkatitigan kami ni Ferly. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niyang may mali, kasi huling kita naming lahat, wala namang tensyon na ganito.Mula nang pumasok kami, wala ring sinasabi si Mama. Nakatitig kay Daniel.Parang may kung anong emosyon na pilit niyang nilulon.Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak ni Papa Leon sa balikat ni Mama.Parang pinapakalma niya."Anong ginagawa n
JyroneNatigilan sina Tita Felicia at Lola Paz.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila.Parang may gustong itanong.May gustong kumpirmahin.Pero bago pa man may magsalita sa kanila, mabilis kong hinila si Mama palayo."Mama, halika po..."Nagulat siya sa paghila ko.Pero hindi siya tumutol.Mabilis kaming lumayo sa harap nila habang nakasunod si Papa Leon.Hindi ko gusto ang paratang nila, pero ayoko ring magkaroon ng panibagong gulo.Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa, pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ang lahat.At kapag nangyari iyon...Kami ni Ferly na naman ang unang masasaktan.Baka imbes na pinag-uusapan na ang kasal namin sa simbahan...Paghihiwalayin na naman kami.Iyon ang ayaw kong mangyari.Hinablot ni Mama ang kamay niya nang makalayo kami."Mama, please... kumalma ka po."Hindi siya sumagot.Pero halata ang inis sa mukha niya.Humalukipkip siya at umiwas ng tingin.Agad naman siyang nilapitan ni Papa Leon.Hinaplos nito ang likod niya.Ako rin, lumapit
Namamawis ang noo ko habang nakatingin sa pinto. At imbes na uupo kami, hindi na natuloy. Literal na pako kami sa kinatatayuan habang si Daniel, parang nanghihina at napapahiga na lang. Todo alalay naman sa kanya ang papapel na si Calvin.“Relax. Papa is still on the phone,” sabi ni Leandro na ngit
Ang dapat isang linggong pananatili namin sa Tagaytay ay naging dalawang araw lang. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, hindi ko na magawang sumaya.Ginagawa ni Jyrone ang lahat mapasaya lang ako. Mula sa pagkain hanggang sa kung ano ang puwede naming gawin habang nasa resort, pero wala, hindi pa rin
Mula sa apartment, umuwi muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit.Pagpasok ko, simangot na mukha ni Leandro ang agad sumalubong sa akin. May bitbit siyang tasa ng kape.“Bro… kumusta?” Lumapit ako, pero lumayo siya, de-kuatrong umupo, humigop ng kape, at nilapag iyon sa coffee table.Napa
“Magtago ka…” pabulong na sabi ni Ferly. Tarantang pinulot ang bathrobe na ginamit ko kanina. Nilukot at binalibag sa kwarto.“Saan ako magtatago?” Nagpalinga-linga ako. Wala akong masuksukan. Ang liit nga lang ng unit niya.Mabilis akong naglakad papuntang kwarto.“Sa’n ka pupunta?” pigil ni Ferly







