Share

Chapter 4 – Leave Her

Author: sweetjelly
last update publish date: 2025-12-14 22:03:15

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa lalaking papalapit sa mesa.

Kada hakbang niya, sumisikip ang dibdib ko. Parang may tali ang leeg ko. Hindi ako makahinga.

“Jyrone,” sabi ni Ferly.

Tumayo ako kahit ang bigat ng katawan ko sa puntong nangangatog ang mga tuhod ko.

Agad kumapit si Ferly sa braso ko. Hinaplos ng marahan habang nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung ramdam niya ang paninigas ko, kung napansin niyang nawala na ang angas kong harapin ang buo niyang pamilya.

“This is my stepdad. Papa Daniel,” pagpapakilala niyang parang ikinabingi ko.

“Stepdad?” ulit ko sa sinabi niya. Mahina, habang nakatitig kay Daniel na naglahad ng kamay, pero hindi ko magawang tanggapin.

Ilang segundo akong natigilan bago ako nakakuha ng lakas ng loob na tanggapin ang kamay niya.

“Good morning, po,” sabi ko. Mabagal pero madiin.

Ngumiti siya, sandali lang, at pumunta na sa upuan niya.

“Sit down,” sabi niya nang nakaupo na siya.

Nakakailang na ang katahimikan kanina, ngayon mas lumala pa. Mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig.

Pansin ko ang panay sulyap ni Ferly sa mama at lola niya na para bang anumang galaw ang gagawin niya, kailangan muna ang pahintulot nila.

Tumikhim si Daniel na bumasag ng katahimikan.

Napatingin ako sa kanya.

Saktong tumunog rin ang phone ni Ferly. “Excuse me po… sagutin ko lang ‘to.” Hinaplos ni Ferly ang hita ko bago siya tumayo.

“What’s your name again?” tanong ni Daniel . Diretso, madiin, parang pulis na ini-interrogate ako.

“Jyrone Winston Carte Policarpio,” sagot ko. Hindi ako kumurap habang mabagal na binibigkas ang buong pangalan ko. Gusto kong makita kung may mababago sa mukha niya, kahit anong senyales ng pagkakakilala. Pero wala. Parang pangalan lang ng estranghero ang binanggit ko.

Bakit ba ako nag-expect na makilala niya? It’s been nineteen years…

Nakuyom ko na lang ang kamao ko. ‘Yong dismaya ko, parang sumingaw sa tuktok ng ulo ko.

“Carte?” sabi ng tito ni Ferly. Nakatingin siya sa akin. “Do you know someone named Jena Carte?”

Napatitig ako sa kanya, pero mabilis kong ibinalik ang tingin kay Daniel nang malaglag ang kutsara niya. Kumalansing iyon nang malakas.

“Daniel, what happened?” tanong ng mama ni Ferly, halatang nag-aalala. “Are you okay?”

Napatingin sa kanya ang lahat. At muntik ko nang hindi mapigil ang ngiti ko. Ang reaksyon na gusto kong makita kanina, ngayon ko nakikita. Parang nagmistulang tunog ng kampana para sa kanya ang pangalang binanggit ni Arlan.

Umiling si Daniel. “Nothing. I’m alright.” Pero nakatutok na sa akin ang mata niya. Nang sinalubong ko ang tingin niya, agad siyang umiwas.

“Yes po,” sagot ko sa tito ni Ferly, “Jena Carte is my mother—”

Napaubo nang malakas si Daniel. Parang nabilaukan talaga. Tumayo ang mama ni Ferly para haplusin ang likod niya.

“Daniel… are you sure na okay ka lang? Baka tumaas na naman ang presyon mo…”

“Ma, what happened?” saktong bumalik si Ferly, bakas din ang pag-aalala sa mukha. Hinaplos din niya ang likod ni Daniel.

“I’m fine,” sagot nito, pilit na ngumiti. “Just choked a little.” Tinapik niya ang kamay ni Ferly. “Sige na, Anak… sit down.”

“Anak…” tahimik kong inulit ang salitang ’yon. Ang pait ng lasa. Halos napangiwi ako.

Hinaplos niya rin ang kamay ng asawa niya, at ngumiti ito. Hindi siya nagsalita, pero parang naintindihan agad ng mama ni Ferly ang ibig sabihin ng ngiti ni Daniel.

Umupo na rin si Ferly sa tabi ko.

“Kain na…” sabi niya at nilagyan ng kanin ang plato ko habang nakangiti.

Tumikhim ang lola ni Ferly. Napaupo nang maayos si Ferly at napatingin sa lola niyang walang ka-ngiti-ngiti, para bang may malaking kasalanan siyang nagawa.

“Ilang buwan ka pa lang sa Manila, pero nawala na ang manners mo. Nakalimutan mo na ang mga nakagawian mo,” sabi ng lola niya, mahigpit ang tono. Umangat-angat ang mga kilay.

Napayuko si Ferly. “Sorry po, Lola Paz.”

Matalim at seryosong tingin ang sagot nito sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti, pero namumula ang mga mata na parang maiiyak. Bakas din sa mukha niya ang hiya.

Ngumiti rin ako. Hinaplos ko ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Pinisil ko nang marahan para pawiin ang hiya at lungkot niya.

“Felicia…” Nakatingin ang matanda sa mama ni Ferly at ikinumpas ang kamay.

Napatingin silang lahat sa akin. Kabado akong napatingin sa kanila, parang kinakapos ng hininga.

Bakit ba nila ako tinitingnan? Magtatanong na sana ako, pero sabay-sabay silang yumuko.

Nag-sign of the cross at nagsimulang manalangin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang naipong hangin sa dibdib ko. Akala ko gigisahin na nila ako sa tanong.

Nakayuko pa rin sila, nakapikit ang mga mata, pero hindi ako yumuko. Tiningnan ko lang sila, lalo na si Daniel na parang kung sinong maka-Diyos. Wala palang puso.

“Amen…” sabay-sabay nilang sabi matapos ang ilang minuto.

“Kain na…” sabi ni Felicia. Inilahad ang kamay sa mesa at sumulyap sa amin ni Ferly na may magaan na tingin.

Pinisil ko muna ang kamay ni Ferly bago ko siya binitiwan, at sabay na kaming kumain. Kaya lang, halos wala akong nalasahan.

Tahimik ang lahat habang kumakain; ang mahinang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig.

Napasulyap uli ako kay Ferly, na halatang napipilitan lang ding kumain.

Sa nakikita ko ngayon, mas determinado akong ilayo si Ferly sa nakasasakal na pamilyang ’to.

Naiintindihan ko naman ang mga tradition, mga nakasanayan, pamahiin, o whatever… kaya lang, sobra na. Sa nakikita ko, parang bawal sumaya rito. Bawal maging taong malayang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman mo.

Ang mas nakakagalit… may isa ritong banal sa harap nila, pero demonyo pala.

Napakurap ako nang mapansing nakatingin sa akin ang tito ni Ferly. Hindi ko alam kung pansin niya bang mainit ang dugo ko sa bayaw niya, o may itatanong lang pero hindi alam kung paano simulan.

Nilapag ko ang kubyertos. Tumingin ako nang diretso sa kanya.

“May gusto po ba kayong itanong?” Bahagya akong ngumiti.

“Wala naman… I’m just happy for my niece. She’s lucky to be marrying a Policarpio.” Ngumiti rin siya, pinunasan ang labi. “’Yong alam naming sa mabuting tao makakasal ang Ferly namin, nakakapanatag ng loob.”

“Opo,” sagot ko. “Totoong maswerte po siya. Hindi dahil Policarpio ako o mabuting tao kami. Maswerte siya dahil mahal ko siya. Kahit kailan, kahit anong mangyari, hindi ko siya iiwan.”

Hinawakan ko ang kamay ni Ferly. Ngumiti ako ng matamis.

“Sila ng magiging mga anak namin…”

“Daniel…” bulalas ni Felicia habang mabilis na pinupunasan ang natapon na tubig sa mesa.

Hindi sumagot si Daniel. Nagpunas siya ng bibig. Pinipilit maging natural ang galaw, pero hindi nakatakas sa mata ko ang mga kamay niyang nanginginig.

Tumayo siya. Diretsong tumitig sa akin, wala ni katiting na ngiti.

“I need to speak with you,” sabi niyang hindi ako nilubayan ng tingin.

Humigpit ang kapit ni Ferly sa kamay ko. Ramdam ko ang kaba niya.

“I’ll be fine,” bulong ko.

Tumango siya, kahit halatang ayaw niya akong bitiwan.

Sumunod ako kay Daniel palabas ng dining area. Gaya kanina, tahimik pa rin ang hallway, tanging yabag lang namin ang maririnig. Huminto siya sa harap ng isang pinto at binuksan iyon.

Pagpasok ko, marahan niyang sinara at humarap sa akin. Hindi man lang nag-alok ng upuan. Hindi ko rin nagawang igala ang paningin ko sa silid dahil sa titig niya na kung kanina ay malamig lang, ngayon may kasamang talim.

“Leave Ferly,” sabi niya. Walang preno, walang babala.

Umigting ang panga ko, napangiti ng mapait habang kuyom ang kamao ko.

“Leave her?” Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. Tinapatan ang talim ng titig niya. “Gusto mong iwan ko siya…”

Sinadya ko ang katahimikan.

“…gaya ng ginawa mo noon?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
May kuntrabidang bayedor na naman nito,bakit naman gusto niyang iwan ni Jyrone si Ferly
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 83 — A Glimmer of Hope

    JYRONE“For real?”Nahagod ko ang buhok ko at napatawa nang mahina.“Yeah, bro!”“Nasaan sila ngayon? Nakakulong na ba?”“No, they're dead! Ayaw nilang mahuli nang buhay. Nanlaban sila hanggang wala nang matira sa kanila.”Tinapik ni Papa ang balikat ko.“I told you… May awa ang Diyos. Malalampasan n'yo rin ang lahat ng problema.”Ngiti lang ang isinagot ko kay Papa. Pero puno ng saya ang puso ko.“Thanks, bro. Kung hindi dahil sa tulong n'yo… hindi namin malalampasan 'to.”Tumingin din ako kay Papa na hindi rin maitago ang saya.Hindi pa nga niya binitiwan ang balikat ko at pinipisil-pisil niya pa iyon.“I have to go… update kita later tungkol sa statement ng pulis.”Pagputol ng tawag, nayakap ko si Papa. Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin habang muli kaming naglalakad.Sumabay pa rin ako sa mabagal niyang paglalakad.Then lumingon siya sa akin.“Tapos na ang problema natin sa sindikato, pero hindi pa tungkol kina Daniel at Ferly.”Napabuga ako ng hangin. Balikat naman niya a

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 82— It’s Over

    JYRONEIpinikit ni Ferly ang mga mata niya.Napailing namang tumingin sa akin si Papa.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Ferly.Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero alam kong kahit anong sabihin ko, hindi pa rin mabubura ang lungkot na nararamdaman niya.Hinawakan ko na lang ang kamay niya."Bigyan mo lang sila ng oras," mahina kong sabi. "Hindi naman agad nawawala ang galit."Tumingin siya sa akin.Unti-unting pumatak ang luha sa gilid ng mga mata niya.Agad ko iyong pinahid."Alam kong nasasaktan ka… alam kong nalulungkot ka. Pero, Ferly, kailangan mong maging matapang. Kailangan mong maging matatag. Para kay baby... para sa atin."Tumango siya.Ngumiti.Pero napakapait no'n.Marahan ko na lang siyang niyakap."Magpahinga ka na."Paulit-ulit kong hinaplos ang pisngi niya.Pinunasan ko ang bawat luhang tumutulo.Hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.Maya-maya, naramdaman kong tinapik ni Papa ang likod ko.Paglingon ko, sumulyap siya kay Mama.Parang tahimik niyang ibinili

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 81 — Hold On

    JYRONE"Ferly!"Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang namimilipit sa sakit.Mahigpit ang hawak niya sa tiyan niya habang namumutla ang mukha."Darling, look at me."Lumuhod ako sa tabi ng kama."Saan masakit? Tell me what's wrong.""Masakit... Ang tiyan ko..."Napapikit siya.Lalong lumakas ang kaba ko.Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa.Agad ko siyang binuhat."Jyrone..."'Yong sigaw niya, parang hinihiwa ang balat ko nang paunti-unti."Don't worry. Nandito ako."Mabilis akong lumabas ng kuwarto."Ma! Pa!"Sigaw ko habang kinakatok ko ang kuwarto nila at agad nang tumatakbo papuntang elevator."Jyrone!"Narinig kong tawag ni Mama.Halata sa boses niya ang pag-aalala.Rinig ko na rin ang mga yabag nila sa likod ko.Nauna pa si Papa na pindutin ang button pababa."Let's go."Mabilis akong pumasok sa elevator."Tatawag ako ng ambulansya," sabi ni Mama habang inilalabas ang cellphone niya.Umiling ako."Matatagalan

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 80 — The Family She Chose

    JyroneParang tumigil ang mundo ko. Ni hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig kay Ferly.Hanggang sa lumakas ang hikbi niya.Saka lang ako parang nahimasmasan.Hinawakan ko ang kamay niya. Nilapat sa labi ko."Pumayag ka ba?"Mabilis siyang umiling, kasabay ang hagulgol niya."Hindi... Hindi ko kayang mawala ka, Jyrone."Agad ko siyang hinapit at niyakap nang mahigpit."Hindi ko kayang mawalan ng tatay ang anak ko."Hindi man ako nagsasalita, pero napapangiti naman ako. Parang nabunutan ako ng tinik.Ako ang pinili niya... kami ni Baby."Tahan na..." maya maya ay nasabi ko."Galit lang sila—"Umiling siya."Hindi lang sila galit... Tinakwil na nila ako."Mas lalo pang lumakas ang iyak niya."Dahil ikaw ang pinili ko… dahil sinuway ko sila."Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung paano siya patatahanin. Hindi ko alam kung paano aalisin ang lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.Dahan-dahan ko na lang hinaplos ang buhok niya."Darling..."Sinadya kong lambi

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   CHAPTER 79 — The Cruelest Request

    JyronePagpasok namin sa silid, agad na napunta ang tingin ko kina Tita Felicia, Lola Paz, at Ferly.Lahat sila ay nasa paligid ng kama ni Daniel.Halatang nag-aalala. Kita iyon sa mga mukha nila.Sa paraan ng pagtitig nila sa walang malay na si Daniel.Tahimik lang sila no'ng pumasok ako. Mas tumahimik pa nang makita nilang kasama ko sina Mama at Papa Leon.'Yong tensyon, lalong lumala.Parang humigpit ang sikmura ko.Hindi ko alam kung tama bang dinala ko sila rito. Sana hindi na lang ako pumayag...Mainit na nga kasi ang naging sagutan nina Mama at Tita kanina.Paano kung mas magkainitan pa sila?Nagkatitigan kami ni Ferly. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Alam niyang may mali, kasi huling kita naming lahat, wala namang tensyon na ganito.Mula nang pumasok kami, wala ring sinasabi si Mama. Nakatitig kay Daniel.Parang may kung anong emosyon na pilit niyang nilulon.Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak ni Papa Leon sa balikat ni Mama.Parang pinapakalma niya."Anong ginagawa n

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 78 — The Man Who Ruined Our Lives 

    JyroneNatigilan sina Tita Felicia at Lola Paz.Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mukha nila.Parang may gustong itanong.May gustong kumpirmahin.Pero bago pa man may magsalita sa kanila, mabilis kong hinila si Mama palayo."Mama, halika po..."Nagulat siya sa paghila ko.Pero hindi siya tumutol.Mabilis kaming lumayo sa harap nila habang nakasunod si Papa Leon.Hindi ko gusto ang paratang nila, pero ayoko ring magkaroon ng panibagong gulo.Sa paraan ng pagtitig nila sa isa't isa, pakiramdam ko, anumang oras ay sasabog ang lahat.At kapag nangyari iyon...Kami ni Ferly na naman ang unang masasaktan.Baka imbes na pinag-uusapan na ang kasal namin sa simbahan...Paghihiwalayin na naman kami.Iyon ang ayaw kong mangyari.Hinablot ni Mama ang kamay niya nang makalayo kami."Mama, please... kumalma ka po."Hindi siya sumagot.Pero halata ang inis sa mukha niya.Humalukipkip siya at umiwas ng tingin.Agad naman siyang nilapitan ni Papa Leon.Hinaplos nito ang likod niya.Ako rin, lumapit

  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 15—Walking on Broken Glass

    FERLY“Anak…” Masiglang boses ang agad sumalubong sa amin ni Jyrone pagpasok namin sa bahay. Hindi gaya kagabi na puno ng katahimikan.“Magandang gabi po, Tita Jena,” bati ko sa mama ni Jyrone na agad lumapit sa akin at niyakap ako.“Hali na kayo, kanina pa nakahanda ang pagkain…” Masayang-masaya an

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 10 — Muted Truth

    “Jyrone, ano?”Ngumiti ako. Inalalayan ko siyang umupo ulit.Hinawakan ko ang kamay niya at saglit na tumingin kay Ferly. “‘Ma, ’wag muna. Hindi pa ito ang tamang oras.”“Bakit?” tanong ni Mama. “Akala ko ba na-meet mo na ang pamilya ni Ferly… may problema ba? Hindi ka ba nila tanggap?”“Tanggap po,

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 8 – Home

    “Jyrone, hindi ’to daan papunta sa apartment.”Palinga-linga si Ferly habang nagsasalita.Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako, sabay busina sa harap ng gate na agad bumukas.“We’re home…” sabi ko, sabay hinto ng kotse at nginitian siya ng matamis.“Home?” Simangot ang ganti niya sa ngiti ko.Binaliw

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • Breaking Rules: The Sweetest Risk   Chapter 38 — Almost

    Namamawis ang noo ko habang nakatingin sa pinto. At imbes na uupo kami, hindi na natuloy. Literal na pako kami sa kinatatayuan habang si Daniel, parang nanghihina at napapahiga na lang. Todo alalay naman sa kanya ang papapel na si Calvin.“Relax. Papa is still on the phone,” sabi ni Leandro na ngit

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status