Mag-log in“Masarap ba ang asawa ko?” ito ang mga katagang binitawan ng kakambal ko na si Ada pagkatapos kong makipagniig sa kanyang asawa sa gabi ng kanilang kasal, kasabay ng pagbitaw niya ng isang malakas na sampal sa mukha ko. Ang sagot ko? Mag-asawa at mas malakas din na sampal sa magkabilaan niyang pisngi sabay ngisi. “Oo naman, Ada. Napakasarap ng asawa mo.” ***** Grade one ang kambal na sina Ava at Ada noong maghiwalay ang kanilang mga magulang dahil sa pambababae ng kanilang ama. Si Ava ay naiwan sa kanyang ina, samantalang si Ada naman ay sumama sa tatay nila. Pero pagkatapos ng labing-anim na taon, muling nagbalik ang mag-ama. Hindi upang bumalik sa kanilang pamilya, kung hindi dahil may kailangan sila kay Ava. At ito ay ang kanyang pagka-birhen. Ang kapalit nito ay ang kidney ni Ada para sa operasyon ng kanyang inang may sakit sa bato. Dahil si Ada lang ang ka-match nito, no choice si Ava kung hindi ang pumayag para madugtungan pa ang buhay ng kanyang minamahal na ina. Pero paano kung mahulog ang loob niya kay Daniel, na asawa ng kakambal niya? Paano kung kahit anong iwas niya dito ay palagi pa rin silang pinagtatagpo ng tadhana? Noong namatay ang nanay niya dahil hindi tumupad sa usapan nila si Ada na ibigay dito ang kanyang kidney, nagdesisyon si Ava na ipaghiganti ang kanyang ina. Aagawin niya si Daniel sa kanyang kakambal. Iniba niya ng kaunti ang kanyang itsura at pumasok siya bilang assistant nito, at ipinakita dito ang isang video kung saan siya ang kaniig nito noong gabi ng kanyang kasal at hindi si Ada.
view more-Ava-
“Masarap ba ang asawa ko?” iyon ang mga katagang bumungad sa akin pagkatapos ng isang malutong na sampal na dumapo sa mukha ko paglabas ko ng silid kung saan kakatapos ko lang makipagniig sa asawa ng kakambal kong si Ada.
Napatulak ang dila ko sa loob ng aking pisngi kasabay ng isang makahulugang pagngisi. Tumaas ang kamay ko at ginantihan siya ng dalawang mas malalakas na sampal sa magkabilaan niyang mga pisngi.
“Oo naman, Ada.” nakangising sagot ko. "Napakasarap ng asawa mo. Wala akong masabi. Ang sarap-sarap."
Halos matumba siya sa lakas ng impact ng pagkakasampal ko sa kanya, at nanlalaki ang mga matang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ang kapal ng mukha mong sampalin ako, Ava!”
Muling tumaas ang kamay niya para sana sampalin ako, pero mabilis ko iyong nasalo. “Ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nag-utos sa akin na makipagsiping sa asawa mo sa gabi ng inyong kasal, Ada!” sigaw ko bago ko marahas na binitawan ang kamay niya. “Kaya huwag na huwag mong ipapamukha sa akin na ginusto ko ito! Itatak mo diyan sa kukote mo na napilitan lang ako dahil sa inyo ng tatay mo!”
“Napilitan?” pauyam niyang sagot. “Eh mukha ngang gusto mo pang umulit eh! Malandi ka!”
“Pwede ba, Ada! Wala akong interes sa asawa mo kaya huwag na huwag mo akong pagbibintangan!” singhal ko bago ko inilabas ang aking lumang cellphone at ipinakita sa kanya ang video na nakapatong sa akin ang asawa niya.
“A-ano ‘yan?” nabubulol at malalaki ang mga matang tanong niya.
“Siguraduhin mo lang na susunod ka sa napagkasunduan natin kung ayaw mong malaman ng asawa mo itong ginawa mo!” sagot ko, at napasinghap siya bago napaatras nang makita ang video namin ng asawa niya.
Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot. Humakbang na ako papalayo at iniwan siyang mag-isa sa may pinto ng kuwarto kung saan ang asawa niya ay nasa loob pa rin at natutulog. Siguradong napagod siya sa ginawa namin. Hanggang madaling araw ba naman eh hindi niya ako tinigilan.
Marahas na pinahid ko ang mga luhang namalisbis sa aking mga pisngi habang naglalakad sa hallway ng Hotel Harrison kung saan maghahoneymoon sana ang mag-asawa. Hinablot ko din ang pekeng kwintas sa leeg ko, pati na rin ang mga hikaw na pinasuot sa akin ni Ada kanina, at kasama ng bag na dala ko kung saan ko isinilid ang mumurahing wedding gown, itinapon ko ang mga ito sa nadaanan kong basurahan.
Si Ada ay kakambal ko. Isang minuto lang ang pagitan namin nang ilabas kami sa mundong ibabaw, dalawapu’t tatlong na taon na ang nakararaan. Tubong Cebu ang aming mga magulang at mahirap lang kami. Pangingisda at pagsasaka lang ang tanging ikinabubuhay ng aming pamilya.
Masaya kami noong una, pero habang lumalaki, nakikita namin ang pagbabago sa pagtrato ng itay kay inay. Dahil pagtungtong namin ng grade one, may nakilala siyang isang maganda at mayamang babae.
Nahumaling siya dito at nasilaw sa kayamanan nito. Kaya naman hiniling niya kay inay na maghiwalay na sila at palayain siya upang mapakasalan niya ang kabit niya. Noong una ay hindi ito matanggap ng inay, pero nang makitang desidido na ang itay na iwanan kami, pumayag na rin siya pero sa isang kondisyon. Maiiwan kaming magkapatid sa kanya.
Pumayag naman ang itay, pero hindi si Ada. Gusto niyang sumama kay itay dahil mas close siya dito at nasasabik din siya sa marangyang buhay. Nang malaman niyang mayaman ang ipinalit ng itay kay inay, hindi na siya nagdalawang-isip pang pumili kung sino sa amin ang sasamahan niya.
“Kay itay ako sasama! Hindi mo na ako mapipigilan, inay!” halos mangunyapit ito kay itay at ayaw nang bumitaw pa. Mas lalo pa siyang nasabik noong sunduin ng kabit niya ang itay dala-dala ang magarang kotse.
Iyak kami ng iyak ng inay habang nag-eempake ang itay. Hindi dahil sa kanya, kung hindi dahil mapapalayo na sa amin si Ada. Ang kakambal ko naman ay excited umalis at tila ba hindi alintana kahit hindi na makahinga ang inay sa sobrang pag-iyak.
Ni hindi man lang siya yumakap at humal!k bago sila umalis. “Hayaan mo inay, hinding-hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Dito lang ako sa tabi mo.” Ang mga katagang iyon ang binitawan ko at ipinangako ko sa kanya habang pinapanood namin ang pag-andar ng magarang sasakyan papalayo sa aming maliit na bahay.
Humihikbing niyakap ako ng nanay ko. Mula nang mga sandaling iyon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang mapasaya siya, at hindi na kailanman maalala pa ang sandaling ito ng kanyang buhay.
Pero sa pagtungtong ko ng bente-tres anyos, hindi ko inaasahan ang biglaang pagkakasakit ng inay. Sakit sa bato, at malubha na ito. Kinailangan ko nang humanap ng kamatch niya para ipalit sa kanyang nasirang kidney sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi, hindi na siya magtatagal pa.
Agad akong nagpa-match test. Pero sa kasamaang palad, hindi nagtugma ang kidney namin ng inay. Hindi ko pwedeng idonate sa kanya ang kidney ko.
Kung saan-saan ako naghanap ng donor. Lahat ng hospital sa Cebu at sa karatig-bayang hospital ay pinakiusapan ko na kung may reserba silang kidney ay sa nanay ko na lang ibigay.
Pero wala din silang maibigay na kamatch niya, hanggang isang araw, dumating sina Ada at itay sa bahay.
-Ava-“Nagawa kong sabihing buntis ako, dahil sa kanya!” nagulat ako nang maging histerikal na naman si Ada. Maging si Daniel ay bahagya ding napakislot sa inasta niya. Kung hindi ba naman baliw ang babaeng ito. “Siya ang dahilan kung bakit hindi mo ako kayang mahalin, di ba Daniel!”Tahimik lamang akong nakatayo, at hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman.“Hindi ba, Daniel?” pag-uulit niya. “Sumagot ka!”Umaasa siyang aamin si Daniel, ngunit kabaligtaran ang nangyari. “Walang kinalaman si Ava rito, Ada.” Malamig ngunit matatag ang tinig ni Daniel. “Hindi siya ang dahilan kung bakit hindi kita magawang mahalin, dahil kahit anong pilit ko ay wala talaga akong maramdaman sa’yo.”Biglang tumahimik ang paligid, at tanging paghikbi lamang ni Ada ang maririnig.“Bago pa tayo ikasal…” Mahinahon niyang ipinagpatuloy. “Alam na nating pareho na arranged marriage lang ito. Pareho nating alam na hindi tayo ang pumili sa isa't isa.”Napaatras si Ada na para bang sinampal siya ng ka
-Ava- “No!” Mabilis na umiling si Ada, at sunod-sunod na tumulo ang kanyang mga luha. “Daniel, please…” halos pabulong niyang pakiusap. “Gusto ko tayong dalawa lang ang mag-uusap. I won't talk kung isasama mo ang babaeng 'yan.”Itinaas niya ang kamay at itinuro pa ang direksiyon ko na para bang ako na ang pinakamasamang taong nakita niya sa buong buhay niya.Ngunit hindi man lang siya nilingon ni Daniel na mariin pa ring nakatitig sa akin. “Fine.” Malamig ang boses na sagot nito. “Then there’s nothing to talk about.”Dere-diretso siyang lumapit sa akin, at bago pa ako makapag-react, naramdaman ko na lamang ang mainit niyang palad na dumikit sa kamay ko, at mahigpit niya akong hinawakan.“Let's go, Ava.” Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong tumanggi. Hinila niya ako palabas ng ospital habang tulala lamang kaming sinusundan ng tingin ni Ada.“Daniel, ano ba!” Inis kong iwinaksi ang kamay niya nang makalayo kami ng kaunti. “Ano ba'ng ginagawa mo? Pwede bang mag-usap muna kayo ni A
-Ava-“Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa akin, Ava.” Lalo pang humigpit ang hawak niya sa buhok ko, at ramdam ko ang pagpatak ng luha sa gilid ng aking mga mata. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa sinabi niya.“Ada...” Nanginginig ang boses na saad ko. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang sabihin ang ganoong bagay. “Nanay mo rin siya. Bakit ang tigas ng puso mo sa kanya? Siya ang nagluwal at ang nagpalaki sa atin. Inalagaan ka niya at minahal ng higit pa sa sarili niyang buhay.”Halos hindi na ako makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.“Hindi mo ba naaalala? Tuwing nagkakasakit ka, hindi siya natutulog. Kapag may gusto ka, ginagawa niya ang lahat para maibigay iyon sa'yo. Kahit wala na siyang makain, inuuna ka pa rin niya, Ada. Lahat ng pagmamahal niya, ibinigay niya sa'yo! Hindi ba kahit kaunting utang na loob man lang, wala kang nararamdaman?”Isang malamig na pagtawa lamang ang isinagot niya sa lahat ng mga sinabi ko. “Hindi ko siya ina! Ilang beses ko ba
-Ava-Hindi makasagot si Ada. Sa halip ay lalo lamang siyang napahagulgol. “Please… Ikaw na lang ang pag-asa ko. Please, James. Tulungan mo naman ako. Kapag nalaman ni Daniel ang totoo, iiwan niya ako. Makakaya mo bang makita akong nahihirapan? Naging magkaibigan din naman tayo, James.”Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magagalit. Ngunit mas nanaig ang galit dahil hindi lang pala siya sinungaling. Handa pa niyang idamay ang isang doktor at sirain ang propesyon nito para lamang matupad ang kanyang kahilingan.Sa likuran namin ay abala si Chantal sa pakikipag-usap sa telepono kaya hindi niya alam kung anong mga pinagsasasabi ni Ada. “Kuya!” malakas niyang sambit. “We’re here at the hospital right now. Bilisan mo diyan! Sumunod ka na kaagad dito, okay?”Napansin kong tahimik si James. Siyempre, nag-aalangan siya. Bilang doktor, hindi siya maaaring magsinungaling sa medical records. Ngunit bilang pinsan ni Daniel at kaibigan ni Ada, mukhang naaawa rin siya dito.Hindi ko na siya hinayaan
-Ava-“What? Surprised by your own m0ans?” nakangising tanong ni Daniel.Sandali kong tinitigan ang kanyang mukha. Napakaguwapo niya pala sa malapitan. Kulay brown na mga mata na parang nangungusap, makapal na mga kilay, matangos na ilong, at mamula-mulang mga labi. Kaya pala humaling na humaling s
-Ava-“Anong iniiyak-iyak mo diyan? Huwag kang maarte ha. Huwag mong sabihing aatras ka pa sa oras na ito? Nandito na tayo! Kapag hindi ka pumayag, malalaman ng asawa ko na hindi na ako virgin!” hinaklit niya ang braso ko. “Hindi ako papayag na sirain mo ang mga plano ko. Kung gusto mo pang madugtun
-Ava-Pagkatapos kong pakainin ng almusal ang inay na dala ng isang nurse, lumabas muna ako saglit para tawagan si Ada. Kailangan kong siguraduhin na makakapunta siya bukas para tuparin ang usapan namin na idodonate niya ang isang kidney niya sa inay.Pumuwesto ako sa harap ng hospital kung saan pr
-Ava-Sakay ng magarang kotse, bumaba sila sa tapat ng kubo namin. Si Ada, nakasuot ng designer clothes. Mamahalin ang bag at may mga lahas na nangingintab sa kanyang katawan. May suot siyang itim na salamin sa mga mata, at hindi ko na siya halos makilala dahil sa kapal ng make-up sa kanyang mukha.












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu