LOGIN-Ava-“Sino ‘yan?” napaatras ako sa pagkagulat nang marinig ang malakas na boses ni Tanya, kasunod ng yabag ng mga sapatos nila.Sa sobrang kaba ko na baka mahuli nila ako, tuluyan na akong napatigil sa aking kinatatayuan. Kahit gusto kong tumakbo palabas ng grotto, parang nanigas ang mga paa ko at tumangging gumalaw ang mga ito.Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng pag-asa, bigla na lamang may malaking kamay na humawak sa aking braso at saka ako hinila papasok sa loob.Sa isang iglap, bumagsak ako sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Pinihit niya ako paharap sa kanya at saka niya ako hinila sa pinakalikod ng malaking batuhan upang tuluyan kaming matakpan nito.Natulala akong bigla nang mapatingala sa lalaking humila sa akin. At nang makilala ko kung sino siya, halos maluwa ang mga mata ko sa sobrang gulat.“D-Daniel?” nauutal kong sambit. “Anong ginagawa mo dito?”Paano siya nakapasok dito nang hindi dumadaan sa harap ng grotto? May iba pa bang daanan bukod pa doon?Sa halip n
-Ava-Ilang sandali pa, may nakita akong isa pang ibon na may pinaghalong matingkad na berdeng at pulang balahibo. Dahan-dahan akong lumapit dito at saka maingat kong hinaplos ang kanyang ulo. Natuwa naman ako dahil hindi ito lumipad kagaya ng nauna.Sa halip, kusa pa itong umakyat sa kamay ko. Napangiti ako at marahan ko itong ipinatong sa aking balikat.“Hoy, ibon,” natatawa kong bulong. “Anong pangalan mo ha? Marunong ka bang magsalita?”“Oh, Carlos...”Bigla akong natigilan. Napatuwid ako ng tayo nang makarinig ng isang mahina ngunit malinaw na ungol ng isang babae mula sa likuran ng grotto.Akala ko noong una ay isa sa mga ibon ang nagsalita, pero may ibon bang humahalinghing at umuungol?Napatingin ako sa ibong nakapatong pa rin sa balikat ko.“Ibon,” pabulong kong sabi habang dahan-dahan ko itong ibinabalik sa dati nitong pinagdadapuan, “balik ka muna rito, ha? Parang may narinig kasi akong pamilyar na boses. Makikichismis lang muna ako.”Matapos kong maingat na ibalik ang ibon
-Ava-“May gusto ka rin sa kanya ano? Pero hindi pwede dahil magpinsan kayo, ganon?” pagdedeklara ko, at hindi lang tenga ang namula sa kanya pati na rin ang kanyang buong mukha. “You’re mistaken, Ava.” mariing pagtanggi niya. “I've always seen her as nothing more than a little sister. She grew up looking up to me as her older brother, and that's exactly how I've always treated her. At magpinsan nga kami, so hindi pwedeng maging kami.”“Ava, actually… ampon lang ng mga Harrison si James kaya hindi sila magkadugo ni Chantal.” bulong sa akin ni Marcus, pero alam kong dinig na dinig iyon ni James.Muling namula ang mukha ni James sa sinabi ni Marcus.“Actually...” nahihiya niyang simula, “matagal ko nang alam na may gusto sa akin si Chantal. Bata pa lang kami, nahahalata ko na siya. That's why I tried to keep my distance from her. But one day, she came to me because of a medical concern, and I had no choice but to help.” Napataas ang isa kong kilay. Sinubukan niyang iwasan?Kung pagbab
-Ava-Matalim ang tingin na ibinabato sa akin ni Daniel habang nakahawak ako sa braso ni Marcus, at alam ko naman kung bakit.Hindi ko maiwasang maalala ang araw na diretsahan kong sinabi sa kanya na hinding-hindi ako iibig sa kanya, pero alam ko namang kabaliktaran iyon.Pero ngayon, gusto ko muna siyang isantabi dahil sa dami ng mga iniisip ko, pero hindi ko na maintindihan ang sarili kong nararamdaman.Sa bawat pagkakataong nagtatama ang aming mga mata, parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito.Matapos ang lahat ng pinagdaanan kong paghihirap at sa lahat ng mga narinig ko mula kay Tiyo Frederick, akala ko naging manhid na ako. Akala ko isa na akong bloke ng yelo na wala nang kakayahang magmahal, umasa, o muling masaktan.Pero mali pala ako. Dahil ngayong alam kong tumitibok pa rin ang puso ko para sa kanya, mas lalo kong kailangang pigilan ang nararamdaman ko.Hindi kami nabibilang sa iisang mundo, at hindi kami kailanman itinadhana para sa isa't isa. Tulad
-Daniel-Ada and I stepped out of the elevator together and made our way toward the grand ballroom. At dahil halos lahat ng bisita ay nakatingin sa amin at tila inaabangan ang aming pagdating, kusa niyang ikinawit ang kanyang braso sa akin habang nakangiting kumakaway sa ilang pamilyar na mukha.Pagkabukas pa lamang ng pinto ng elevator, agad kong inilibot ang aking paningin sa buong venue. Then I saw her. Si Ava.Kahit nakatalikod siya, hindi ako maaaring magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang bawat galaw niya at ang hubog ng kanyang katawan. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harap ng buffet table at abalang kumukuha ng pagkain habang masayang nagkukuwento si Marcus sa kanyang tabi.My jaw suddenly tightened, and without realizing it, my hands curled into fists as I shot Marcus a murderous glare. Kung nakakapatay lang ang tingin, marahil ay kanina pa siya bumagsak sa sahig.But what irritated me even more was what Ava was wearing. Isang simpleng itim na bestida lamang ang suot niya. Hala
-Daniel-Araw-araw ko na din siyang makakasama, at wala nang kahit anong business trip o pagkakataon ang makapaghihiwalay pa sa amin.After I made her my wife, she would be the one helping me straighten my tie every morning before work, and she would be the first person I would see when I woke up. Siya rin ang pinakahuling taong hahawakan ko at yayakapin bago ko ipikit ang aking mga mata para matulog.God… I can’t wait for that to happen.Habang hinihigpitan ko ang pagkakabuhol ng aking necktie, hindi ko maiwasang mapangiti, pero dagli din iyon nawala nang bigla kong naramdaman ang dalawang brasong marahang yumakap sa aking baywang mula sa aking likuran.Natigilan ako at napatigil ang aking mga kamay sa ginagawa.Unti-unti kong iniangat ang aking paningin hanggang sa magtama ang aming mga mata sa repleksiyon ng salamin ni Ada.Bakit hindi ko man lang narinig na nakapasok na pala siya sa loob ng kuwarto ko?“Hey…” Bahagya akong lumingon sa kanya at awtomatikong sumilay ang isang pilit
-Ava-Maaga akong gumising kinabukasan. Agad akong naghanda at nagluto ng babaunin kong pagkain patungong hospital. Hanggang ngayon, masama pa rin ang loob ko dahil sa pagbigay nila ng kidney sa ibang pasyente na dapat sana ay para sa nanay ko.Kaya nagluto ako ng masarap na pagkain para kahit man
-Daniel-“Uuwi muna ako,” sabi ko sa mga kaibigan ko habang naglalapag ng pera sa mesa bago tumayo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon, pero kailangan ko munang umuwi dahil gusto ko ding marinig ang sasabihin ng nanay ko. “My mom also found out about the scandal.”Napating
-Ada-“Ano?” hindi makapainiwalang bulalas ni mommy. “Bakit ang sabi mo sa akin nag-honeym00n kayo pero umuwi agad kayo dahil may mga pipirmahang papeles si Daniel? Ano ‘to, Ada? Anong ibig mong sabihin dito? Magpaliwanag ka!”“I lied!” malakas na sigaw ko. “Dahil ayokong magalit kayo sa kanya! Dah
-Ada-“Huwag nang maraming tanong, Ada.” tinapik ni mommy ang mga paa ko kaya nalaglag ang mga ito sa sahig. I couldn’t help but roll my eyes at her. Ang sakit ha!“Kung ako sa’yo, asikasuhin mo na lang ang asawa mo. Gawin mo ang lahat para magsiping na kayo. At siguraduhin mong mabubuntis ka sa u







![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)