Share

CHAPTER 6

Author: Spinel Jewel
last update Petsa ng paglalathala: 2025-01-12 22:40:58

JENINE

As usual, pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na kaagad sa akin ang napakaingay at napakagulong classroom.

"Welcome to Hell Section cher!" sabay-sabay na sambit ng lahat habang nagsasayaw sa gitna.

"That's enough! Magsitigil na kayong lahat!" wika ko.

Ngunit tila wala naman silang naririnig at nagpatuloy lang sa kanilang ginagawa. Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang kinalalagyan ng bluetooth speaker.

Hindi ko ito makita kaya alam kong itinago nila ito. Mga pasaway talaga. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila na parang nais ipamukha sa akin na wala talaga akong magagawa para patigilin sila.

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Huxley. Ngumisi lang ito na parang nanghahamon. Sa isip ko kung lalabas ako ng classroom, marahil iisipin ng mga ito na talo na ako. Kaya kailangan ko talagang mahanap ang speaker. Pinakiramdaman ko ng mabuti kung saan nanggaling ang tunog at nang matiyak kong doon ito nanggaling sa isang cabinet at tinakpan lang ng tela para hindi ko makita, agad ko itong tinungo at nang makita ko, agad kong pinindot ang power off.

"Shit!! Pakialamera ka naman Miss Guevarra eh!" bulyaw ni Sabrina.

"Arrange your chairs now and get ready for our lesson," pautos kong sabi.

Hindi kumibo ang mga estudyante sa halip tiningnan lang nila ako ng masama. Alam ko na.

Hinihintay na naman ng mga ito ang utos ng kanilang lider. Tiningnan ko ng masama si Huxley at nagkatitigan kaming dalawa.

"Mr. Baltimore, remember na guidance ka pa kahapon. I guess, hindi mo gugustuhing ma guidance ulit," mahinahon ngunit mariin kong sabi.

"Wala ka na bang ibang maisip na ipantakot sa amin Miss Guevarra, kundi ang ipapa-guidance kami?" paismid na sabi ni Sabrina sabay na pinag-arko ang isa nitong kilay.

Hindi ko siya pinansin sa halip kinuha ko ang aking cellphone at pinindot ang video record. "From now on, lahat ng ginagawa niyo dito sa classroom ay makarecord na. I already told the principal about this and he agreed. So, once na may ginawa kayong kamalian dito, I'll make sure na makakarating ito sa guidance office."

Napatitig silang lahat sa akin. Nababasa ko ang pagkabahala sa kanilang mukha. Mayamaya, sumulyap silang lahat kay Huxley na para bang hinihintay ng mga ito ang sasabihin ng kanilang kinikilalang lider.

"At sa tingin mo ba, natatakot kami Miss Guevarra?" Boses ni Huxley ang aking narinig.

"Tama, hindi kami natatakot sa 'yo. Magrecord ka hangga't gusto mo. Gusto mo lang yatang magpapapel sa SH department eh," sabat naman ni Marco.

"Gusto mo lang magpasikat Miss Guevarra, para taasan ang sweldo mo. Kung 'yon lang ang gusto mo, eh kayang-kaya naman naming gawin 'yan, h'wag mo lang kaming pakialaman," ani ni Sabrina at nakasimangot pa ito.

"Hindi niyo alam ang sinasabi niyo. Hindi pera ang pinag-uusapan natin dito, kundi ang tumino kayo. Para lang naman sa inyo ang ginagawa ko," seryoso kong wika. Ngunit ang mga pasaway kong mga estudyante pinagtatawanan lang ako. Kahit nanggagalaiti na ako sa galit, sinikap ko pa ring kontrolin ang aking sarili, dahil teacher ako rito.

Nang magsimula na akong magturo, hindi ko inaasahan ang biglang pagtayo ni Huxley at mabilis na kinuha ang cellphone ko na inilagay sa stand.

"Huxley, what are you doing?" sigaw ko sa kanya.

"Here. It's all gone. Deleted na ang video," nakangising wika nito, at nagsipakpalakpakan ang lahat.

"Ayos! You're the best talaga bro!" sambit ni Marco, at nag-aapiran ang dalawa.

Biglang kumulo ang dugo ko at nanginginig ako sa galit.

"You're stupid jerk, Huxley Baltimore! Ibigay mo sa akin ang cellphone ko!" sigaw ko sa kanya.

"Eh kung ayaw ko, may magagawa ka ba?"

"Huxley, I said give me back my phone!" pasigaw kong sabi.

"Para ano? Para makunan mo kami ng video? No way!" nang-uuyam na saad nito. Talagang inubos ng gagong ito ang pasensya ko. Hindi na talaga ako makakapagpigil at parang sasabog na ang puso ko sa galit lalo na't patuloy pa rin nila akong pinagtatawanan.

Napatiim-bagang ako habang nakakuyom ang aking mga kamay. Ano nga ba't nawalan ako ng kontrol sa aking sarili at mabilis kong nilapitan si Huxley. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko, at doon tumama sa kanyang mukha.

Nagulat ang lahat at hindi nakakibo.

Nang makita kong napangiwi si Huxley, inagaw ko ang aking cellphone mula sa kanya at mabilis akong lumabas ng classroom. Nanginginig ang buo kong katawan sa galit kaya kailangan ko munang umalis at baka tuluyan akong makalimot at mabugbog ko pa silang lahat.

Doon ako dumiretso sa faculty room at kailangan kong uminom ng tubig.

"Beshie, anong nangyari sa 'yo? Ba't namumula ka?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Leslie. "Okay ka lang ba?"

Hindi ako sumagot at pasalampak lang akong umupo sa aking mesa.

"Dahil na naman sa mga estudyante mong pasaway sa ABM ano?" muling wika nito.

"Napakabastos nilang lahat," gigil kong sabi. "Kaya ayun, di na ako nakapagpigil at nasuntok ko sa mukha si Huxley Baltimore."

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Leslie sa kanyang narinig. "Si Huxley 'kamo, sinuntok mo?"

"Eh, gago 'yon eh, kinuha ba naman ang cellphone ko at binura ang mga video recordings ko sa kanila. Actually, nagpaalam na ako kay sir Salcedo na ibi-video lahat ng kaganapan sa classroom namin at para naman matakot silang gumawa ng kabulastugan sa klase ko. Pero 'yong gagong Huxley na 'yon, masyado namang mapapel porke't siya raw ang lider sa classroom, kaya hindi ako nakapagpigil at nasuntok ko siya."

"Naku besh, hindi ako makapaniwalang nagawa mo 'yon. First time in history na may teacher na nanuntok ng estudyante," nakangiting wika niyto. "Alam mo namang napakayaman niyang si Huxley at ang mga magulang niya ang may-ari at major stockholder nitong University na pinagtatrabahuan natin."

"Hindi ako natatakot sa kanya. At siguro naman hindi na ako makakasuhan ng child abuse dahil hindi na 'yon minor de edad, di ba?"

"Oo, pero—" Napabuntung-hininga ito. "Paano kung magsumbong 'yon sa mga magulang niya at paalisin ka rito?"

"Bago pa mangyari 'yon, uunahan ko na siya" seryoso kong wika.

"Anong binabalak mong gawin, besh?"

"Ipapatawag ko ang parents niya sa guidance office," wika ko, at kinuha ang aking cellphone.

"Akala siguro ng gagong 'yon, nabura na ang lahat ng recordings. Hindi niya alam na hindi lang cellphone ang ginamit ko kundi laptop ko rin."

"Naku, napaka-wise mo naman besh. Believe na talaga ako sa 'yo," nakangiti nitong wika at naghand salute pa sa akin.

"Baka akala siguro ng mga estudyanteng 'yon, uurungan ko sila. Hindi ako katulad ng ibang mga guro na bumahag ang buntot sa kanila. Well, papatunayan ko sa kanilang lahat lalo na sa Huxley na 'yon na kaya ko silang labanan lalo na't alam kong nasa katwiran ako."

"Tama yan besh, dapat matuto silang rumespeto sa atin na mga guro. Pero alam mo, sa totoo lang hindi ko kayang gawin 'yong ginawa mo kay Huxley eh," nakangiti nitong wika. "Hindi ko ma-imagine ang mukha nu'n pagkatapos mo siyang suntukin." At humagikgik ito ng tawa.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang na tuluyang humupa ang galit ko.

Makaraan ang ilang sandali, bigla naman akong nakaramdam ng guilt sa aking puso. Hindi ko alam kung bakit naawa naman ako sa Huxley na 'yon. Alam kong masakit ang pagkasuntok ko sa kanya. Palagi kasi akong nagsasanay tuwing umaga dahil may punching bag ako sa bahay namin.

"Yon ang nararapat sa kanya," sabi ng isip ko.

Mayamaya lumabas na ako ng faculty room upang magtungo sa guidance office.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Challenging Hearts   CHAPTER 109

    HUXLEYSa makalawa na ang kasal ko, pero hindi ko alam kung tama bang magpakasal ako sa taong hindi ko kilala.Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Gustuhin ko mang matulog pero ayaw namang mag cooperate ang utak ko."Lord, please bring back my memory. Ito lang ang paraan para mapanatag ang kalooban ko, at nang makapagdesisyon ako ng tama." Mahina kong usal sa sarili saka mariin akong napapikit.Muli na namang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng ilang beses nang gumugulo sa mga panaginip ko nitong mga nakaraang araw.Isang babaeng umiiyak.Isang babaeng nakangiti.Isang babaeng paulit-ulit na tumatawag sa pangalan ko."Huxley..."Bigla akong napamulat.Kasabay no'n ang mabilis na pagtibok ng puso ko."Jenine..." Bulong ko sa sarili.Bakit parang siya ang nakikita ko sa aking panaginip? Bakit nasasaktan ako kapag naalala ko ang pag-iyak niya at ang pagmamakaawa niyang paniwalaan ko siya."Hindi kita ipinagpalit sa pera."Mariin kong kinuyom ang aking kamao.Bak

  • Challenging Hearts   CHAPTER 108

    JENINESa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong naramdaman ang bigat sa dibdib ko, habang papalapit ang nakatakdang kasal ni Huxley kay Bianca.Parang bawat pag-ikot ng orasan ay unti-unting sumasakal sa akin.Ilang araw nalang ang natitira, bago tuluyan siyang maging asawa ng ibang babae.Madalas akong umiiyak habang tinitingnan ang mga pictures namin sa gallery ng cellphone ko. Mga kuha noong mga panahong wala kaming ibang iniisip kundi ang mga pangarap namin para sa isa't isa."Kapag nakagraduate ako, papakasalan kita."Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang pangakong iyon ni Huxley.Napapapikit na lamang ako sa tuwing naaalala ko iyon.Dahil ngayon, ibang babae na ang pakakasalan niya.At ang mas masakit, hindi man lang niya maalala na minsan, ako ang pinakamahalagang tao sa buhay niya."Ate?"Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Anna.Nakatayo siya sa may pintuan ng kwarto habang may hawak na tray ng pagkain."Kumain ka naman. Halos buong araw ka nang hindi lumalabas dito.

  • Challenging Hearts   CHAPTER 107

    JENINE"Mom, Dad. What's wrong?" tanong ni Huxley habang papalapit sa amin.Nagtama ang aming paningin at nababasa ko sa mga mata niya ang pag-alala ngunit mabilis ding naglaho 'yon at napalitan ng isang malamig na ekspresyon."What are you doing here?" "Huxley, gusto ko lang makausap ka."Biglang kumunot ang noo niya. "For what?"Nakakapanibago ang tono ng kanyang pananalita. Tama nga si Marco, nakumbinsi na rin si Huxley sa sinabi ng mga magulang niya. "Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan. Katulad ka rin ng iba, mukhang pera." Matigas niyang sabi."Huxley—""Narinig mo na ang sinabi ng anak ko." Putol ni Mrs. Baltimore. "Umalis ka na at h'wag ka ng pumunta pa rito. Ikakasal na si Huxley in two weeks kaya h'wag mo na siyang guluhin pa."Hindi ko na napigil ang muling pag-agos ng aking mga luha. Walang katapusang pag-iyak."Huxley, please pakinggan mo muna ako. Hindi kita ipinagpalit sa pera. Hindi ko magagawa 'yon kahit kailan. Kahit hindi mo ako naalala, pero alam ng Diy

  • Challenging Hearts   CHAPTER 106

    JENINE Dalawang araw ang nakalipas bago muling tumawag sa akin si Marco."Ma'am Jenine, maayos na ang kalagayan ni Bro Huxley. Pero gano'n pa rin, wala pa rin siyang maalala.""Lord, thank you po." Mahina kong wika. Sa ngayon, sapat na sa akin ang marinig na okay siya."Pero Ma'am...m-may problema eh."Muli na namang bumangon ang kaba sa puso ko. "A-anong problema, Marco?""Ma'am, ayaw ko sanang sabihin 'to eh, pero I think kailangan mong malaman. Pero Ma'am, you need to be strong.""Marco, pls sabihin mo na.""Teka lang Ma'am at may ise-send akong picture sa 'yo sa messenger."Ilang segundo ang lumipas at may nagpop up na notification. Dali-dali kong tiningnan 'yon.Napamulagat ako nang makita ang sarili ko sa picture habang nakatitig sa briefcase na may lamang pera. Yong pangalawang picture naman, yong pagsarado ko sa briefcase."Marco anong ibig sabhin nito?""Ma'am, may nagpadala nito sa kanila ni Tita Sylvia. Kaya iniisip nila tinanggap mo talaga ang pera at 'yon din ang pinapan

  • Challenging Hearts   CHAPTER 105

    JENINETinawagan ko ang cellphone ni Marco ngunit hindi ko siya makontak. Nakailang dial na ako pero wala pa ring sumasagot.Napatingin ako sa brief case na nasa ibabaw ng mesa.Hindi ko alam kung magkano ang laman no'n basta ko nalang isinarado ngunit bigla nalang may tumabi sa akin at parang may itinutok sa tagiliran ko."Akin na ang brief case mo," matigas na wika ng lalaki. Nakasuot ito ng maong na jacket at itim na bonnet kaya hindi ko makita ang mukha niya."Uhm, Mister. H-hindi sa akin 'to," sabi ko sa isang garalgal na tinig."Wala akong pakialam, sa yo man o hindi ang pera na 'yan. Basta ibigay mo kung ayaw mong may masamang mangyari sa 'yo." Mariing saad ng lalaki at mas lalo pang dniinan ang pagtutok ng baril sa tagiliran.Bigla akong pinagpawisan kasabay ng panginginig ng aking katawan.Napalinga ako sa paligid. Umaasang may makakatulong sa akin, pero wala. Abala ang mga waiters at waitress sa pag-aasikaso sa mga customers.Wala akong nagawa kundi ang iabot sa kanya ang br

  • Challenging Hearts   CHAPTER 104

    JENINENagkasundo kaming magkita ni Huxley sa isang tagong restaurant sa Makati. Nauna akong dumating sa nasabing lugar at agad akong pum'westo sa mesa kung saan nakikita ko ang bawat customer na pumapasok.Kinakabahan ako habang naghihintay sa kanya. Marahil dala na rin siguro ng sobrang excitement.Tatlumpung minuto...Hanggang sa isang oras ang inabot ko sa paghihintay, ngunit hindi siya dumating.Muli akong napatingin sa entrance ng restaurant at gayon na lamang ang pagkagulat ko nang bumungad sa aking paningin ang elegante ngunit nakakatakot na awra ni Mrs. Sylvia Baltimore, ang Mommy ni Huxley. Nakasunod naman sa kanya ang isang lalaki na may bitbit na brief case.Hindi na ako makaiwas pa, nakita na niya ako."So, dito pala kayo balak na magkita ng anak ko." Matigas niyang sabi nang makalapit sa akin."M-magandang araw po Ma'am." Mahina kong bati habang nakayuko ang ulo."H'wag ka ng umasa pang darating si Huxley. At p'wede ba kalimutan mo na ang anak ko, dahil ikakasal na siya.

  • Challenging Hearts   CHAPTER 76

    JENINEHindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at 4:30 na ng hapon ako nagising. Ang sarap pa sanang matulog, eh kaso may usapan kami ni Huxley na mamamasyal sa dalampasigan.Mayamaya, bumukas ang pinto at pumasok siya. "Hi babe, gising ka na pala.""Oo nga eh, hindi ko alam na nakatulog pala ako.

  • Challenging Hearts   CHAPTER 75

    JENINEMahigit isang oras ang flight namin and now we're here in Boracay. First time kong makapunta rito kaya excited ako lalo na't kasama ko ang mga dati kong estudyante and of course, ang boyfriend ko. Ipinagpaalam nga niya talaga ako kina Nanay kanina. Buti naman at pinayagan ako kasi first time

  • Challenging Hearts   CHAPTER 74

    HUXLEY"Babe, what's wrong?" tanong ni Jenine sa akin matapos kaming kumain." Siguro napansin niya na parang may bumabagabag sa akin. Hindi kasi maalis sa isip ko ang desisyon nila Mommy na sa Amerika na ako papag-aralin ng College."Babe, may problema ba? Please tell me. Kagabi ka pa ganyan eh," an

  • Challenging Hearts   CHAPTER 73

    JENINEDahil malapit na rin ang pasukan, nagkaroon kami ng faculty meeting sa SH Department. Ayaw ko pa sanang magpunta ng school at parang hindi ko pa nasusulit ang bakasyon pero hindi rin naman ako sanay na umabsent sa mga meetings namin. "Hay, parang ayaw ko pang umatend, beshie," wika ni Lesli

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status