Home / Romance / Chasing The Wife He Threw Away / Chapter 52: The Woman I will never Let Go

Share

Chapter 52: The Woman I will never Let Go

Author: mnwrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-30 23:53:28
Conor

Hindi ko agad sinundan ang programa matapos ang opening remarks. Habang nagsasalita ang host sa entablado at abala ang mga bisita sa pagkuha ng litrato sa gitna ng lobby ng Aurelius Cove, iba ang laman ng isip ko. Hindi ang investors, hindi ang media, at hindi ang tagumpay ng grand opening na ito ang nagpapatakbo sa utak ko ngayon. Kundi ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas sa reception area.

Bakit ganoon tumingin si Mom kay Krystal? Hindi iyon simpleng pagkagulat ng isang busi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 52: The Woman I will never Let Go

    Conor Hindi ko agad sinundan ang programa matapos ang opening remarks. Habang nagsasalita ang host sa entablado at abala ang mga bisita sa pagkuha ng litrato sa gitna ng lobby ng Aurelius Cove, iba ang laman ng isip ko. Hindi ang investors, hindi ang media, at hindi ang tagumpay ng grand opening na ito ang nagpapatakbo sa utak ko ngayon. Kundi ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas sa reception area. Bakit ganoon tumingin si Mom kay Krystal? Hindi iyon simpleng pagkagulat ng isang business chairwoman. Hindi rin iyon tingin ng isang taong nagkamali lang ng pagkilala sa dami ng tao. It was something else. It was dark, heavy, and full of unspoken tension. Parang may malalim silang pinagsamahan o lihim na ako lang ang hindi alam. Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa private lounge na nakalaan para sa board members, malayo sa nagniningningang mga ilaw ng ballroom. Pagbukas ko ng pinto, naroon na siya. Tahimik na nakatayo si Mom sa harap ng floor-to-ceiling glass

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 51: Cracks Behind the Smile

    KrystalHindi ko inalis ang tingin ko kay Valeria Del Valle. Tahimik lang kaming magkaharap sa gitna ng napakalawak na lobby ng Aurelius Cove habang patuloy ang pagpitik ng mga camera sa paligid. Ngunit sa pagitan naming dalawa, parang biglang naglaho ang ingay. Parang wala nang ibang tao. Kami lang. Ako, at ang babaeng minsang sumira sa buong buhay ko.Nanatili ang pormal kong ngiti habang nakatingin sa kaniya, kahit na sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko na siyang saktan. "I'm sorry, Ma'am..." mahinahon kong ulit, pinapanatili ang boses ko na kaswal at kalmado. "May kailangan po ba kayo sa registration table ng design team natin?"Hindi siya agad nakasagot. Kitang-kita ko kung paano nanginginig ang kaniyang mga daliri habang mahigpit na hawak ang kaniyang mamahaling designer clutch. Hindi ito ang reaksiyong inaasahan niya. Akala niya siguro kapag nagkita kami ay magpapanic ako, iiyak, o kaya'y gagawa ng gulo sa harap ng maraming tao. Pero hindi. Sa pitong taon na itinago ako sa kas

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 50: The Woman Behind Everything

    KrystalDumating din ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang grand opening ng Aurelius Cove, ang proyektong halos ilang linggo rin naming puyatan at pinaghandaan ng buong team.Mula pa lang madaling araw, punong-puno na ng tao at sunod-sunod na ang dating ng mga luxury vehicles sa main entrance ng resort. Napakaraming malalaking pangalan ang imbitado mga kilalang negosyante, foreign investors, sikat na celebrities, pati na rin government officials at influencers. Siyempre, hindi rin mawawala ang iba't ibang media companies para sa live coverage at press conference ng event.Sa bawat sulok na lingunin mo, may mga camera, reporters, at photographers. Sobrang ganda ng kinalabasan ng resort na ako mismo ang tumulong magdisenyo, pero sa likod ng karangyaang iyon, ramdam ko ang unt-unting paggiba sa katahimikan ng puso ko.Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa VIP reception area. Suot ko ang isang simpleng champagne-colored formal dress na ako mismo ang nagdisenyo, maayos ang pagkaka

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 49.2: Silent Changes

    Krystal Naupo ako sa isang bakanteng sementadong bench sa ilalim ng malaking puno. Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong-hininga upang bawasan ang bigat ng aking sistema, hanggang sa isang pamilyar at mababang boses ng lalaki ang biglang sumulpot mula sa likuran ko."Alam ko na sa huli ay maaalala mo rin ang lahat, Krystal. Hindi ganoon kahina ang utak mo."Napatigil ako sa aking pwesto, ngunit hindi ko na binalak pang lumingon nang marahas. Kilalang-kilala ng puso at ng pandinig ko ang seryosong boses na iyon ng panganay na Del Valle."Kuya Zoren," mahina kong sambit sa kaniyang pangalan.Dahan-dahan siyang humakbang pautay-utay papalapit sa bench at tumayo sa harapan ko. Suot niya ang kaniyang pormal na suit, at ang kaniyang mukha ay nananatiling walang emosyon, pormal, at seryoso gaya ng nakagawian ko nang makita pitong taon na ang nakararaan."Ang tagal kitang hindi nakita. Masyado kang naging busy sa pag-aasikaso ng resort property," panimula niya habang inaayos ang ka

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 49.1: Silent Changes

    Krystal Lumipas ang halos tatlong linggo, patuloy pa rin ang pagkukunwari ko. Tatlong linggong araw-araw kong kinakaharap at kinakausap si Conor para sa mga huling detalye ng proyekto. Tatlong linggo ring araw-araw kong tinititigan ang mukha ng lalaking minsan kong minahal nang buong-buo, ang lalaking naging sentro ng aking uniberso bago ang pitong taon ng kadiliman. At sa loob ng tatlong linggong iyon, araw-araw kong pinipilit at pinahihirapan ang sarili ko na huwag ipakita o ipahalata na bumalik na ang bawat piraso ng aking alaala.Hindi naging madali ang bawat segundong lumipas. Doon ko napatunayan na mas matindi at mas nakapapagod pala ang magkunwari at magtago ng katotohanan kaysa ang mabuhay na walang maalala. Noong wala akong memorya ng aking kahapon, natural ang bawat tanong ko sa kaniya. Natural ang bawat ngiti na ipinapakita ko, at natural ang bawat pagtingin ko sa kaniyang mga brown na mata dahil wala akong alam na bigat. Pero ngayon... alam ko na ang lahat. Alam kong

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 48.2: Familiar Memory

    KrystalNapakagat ako sa aking ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang pait. Kung alam mo lang, Conor... kung alam mo lang ang tindi ng galit na nararamdaman ko sa 'yo ngayon at kung anong gusto kong gawin sa 'yo sa mga sandaling ito, hinding-hindi mo hahangarin na mapalapit sa akin."I'm fine, Conor. Huwag mo nang isipin 'yan.""Where exactly are you right now? Pupuntahan kita."Agad akong tumutol nang walang pag-aalinlangan. "No. Huwag kang pumunta."Napatigil siya nang ilang segundo sa kabilang linya, tila nagulat sa tindi at lamig ng pagtanggi ko. "Bakit naman?"Huminga ako nang napakalalim, pilit kong ibinabalik ang aking pamilyar na awra sa Atelier upang hindi niya mahalata ang pagbabago ng memorya ko. "Huwag na, Conor. May tinapos lang akong kape rito, at ako na lang mismo ang lalakad at pupunta dyan sa condominium mo para sa mga huling adjustments ng Aurelius Cove.""Sure ka ba sa desisyon mo? Pwede naman kitang hintayin—""Yeah, I'm sure, Conor. Jan na tayo mag-usap sa unit

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status