เข้าสู่ระบบ
SHAIRA
Nakatayo ako dito sa labas ng ICU at hindi ako mapakali pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Para bang sa oras na ito sobrang bigat na sa dibdib ko. Sa likod ng salaming pinto ay nakahiga ang ate kong si Helen. Nakakabit sa kanya ang iba’t ibang tubo at makikita kung gaano kalala ang kalagayan niya. Kanina lang namin nalaman ang lahat tungkol sa sakit niya, ilang buwan rin niya itinago sa amin. Kahit bihira lang kami magkita ng ate ko dahil sa puro ako barkada matapos kong maka-graduate ng college. Dahil gusto ko munang mag-enjoy bago pumasok sa isang seryoso na buhay ang negosyo na naisip ko. Nalaman ko rin na hindi rin alam ng kaniyang mapapangasawa ang kalagayan niya, lahat kami ay nabigla sa biglaan na pangyayari kay Ate. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bag ko ng lumabas na ang doktor. “Pwede mo na siyang makita,” sabi nito. Parang pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko habang naglalakad papasok sa loob, nang makita ko ang maputlang mukha ng ate ko, hindi ko napigilang umiyak. “Ate…” mahinang tawag ko at dahan-dahan na dumilat ang mata niya at bahagyang siyang ngumiti. “Sha-Shaira.” Napapikit ako dahil pati sa pagtawag niya sa pangalan ko hirap na siya, agad kong hinawakan ang kamay niya. “Ate, bakit mo ginawa ‘to? Bakit hindi mo sinabi agad sa amin?” Panay patak ng luha ko at napapikit siya. “A-ayokong m-ag-aala-la kayo a-at mapunta lahat ng aten-syon niyo sa a-akin, isa pa a-ayokong ma-makita na naaawa ka-kayo sa akin.” Mas lalo akong napaiyak at napayuko dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Hindi ko matanggap ang masiyahin kong Ate na never akong sinermunan dahil sa mga kamalian ko. At ang matapang kong ate na ganito na ngayon. “Shaira…” Napaangat ako ng tingin sa kaniya at gamit ang palad ko ‘yun ang ginawa kong pamunas sa luha ko. Ngunit hindi pa rin iyon tumitigil. “M-May hihilingin ako sa-sa’yo bawal tu-tumanggi.” ngiti niyang sabi sa kabila ng nararamdaman niya. Natigilan naman ako. “Bakit ano ‘yon ate?” Taka kong tanong at muling akong nagpunas ng luha. “W-wala kang kara-karapatang tumanggi.” Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero tumango ako dahil para sa kanya gagawin ko. “I-Ituloy mo ang kasal.” Hindi ako nakasagot para bang hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin. “Pakasalan mo si Sebastian Falcon.” Tuwid na pagkakasabi ni Ate. Dito naman nanlaki na ang mata ko dahil naunwaan ko na. “A-ano?” Tanging nabigkas ko. “I-Ikaw ang pumalit sa akin, pa-pakasalan mo siya.” Pakiramdam ko ang buong paligid huminto dahil sa sinabi ni ate. Pakasal ko raw si Sebastian Falcon, ang bilyonaryong negosyanteng dapat sana’y magiging asawa ng ate ko. Isang beses ko lang nakita si Sebastian ngunit hindi ko na matandaan ang itsura niya dahil nga lagi akong wala. “Ate, seryoso ka ba? Wala pa akong balak na mag-asawa. Pwde bang iba na lang ang hilingin mo?” Saad ko sa nanghihinang pakiramdam. “Please, sa-sabi ko bawal tumanggi at su-sumangayon ka.” Hindi ako nakapagsalita dahil yun na nga sumangayon ako kanina. “Shaira, ma-malalaman mo ang dahilan ko.” “Bakit ano ‘yon?” Curious kong tanong. “Limang buwan.” Pag-iiba niyang sagot imbes na sagutin ang tanong ko. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang limang buwan. “Kapag h-hindi kayo mahulog sa… isa’t isa sa loob ng li-limang buwan… pwede ma kayong maghiwalay.” Dalawnag beses na kumarap ang mata ko dahil sa mga sinabi ni ate. “Pero ate…” bigkas ko. “Come on, just do it.” Kinapitan niya ang kamay ko at may kung anong nakita ako sa mata niya, kaya naman wala akong nagawa dahil iyon ang hiling niya dahil handa na raw siya. “Okay.” Sagot ko lang. Nakita ko naman ang isang matamis na ngiti kay ate at biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ngiti niya na ‘yon. __ Tatlong araw matapos kong mangako kay ate na tutuparin ko ang kaniyang huling kahilingan at tuluyan niya na kaming iniwan. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at hawak ko ang kamay niya, nandito pa rin ang sakit dahil yung maramdaman ko na bumitaw na ang kamay niya sa kamay ko. Nakatayo ako rito sa puntod, tahimik na nakatitig sa nakaukit niyang pangalan. Tulala malayo ang iniisip. Si mama na panay pa rin ang iyak tuwing gabi at si papa hindi ko man nakita na umiiyak siya pero ang pananahimik niya sapat na para maramdaman kong sobrang sakit rin para sa kanya. Napalingin ako sa gilid ko dahil naramdaman ko na parang may taong nakatingin sa akin mula rito. Isang matangkad na lalaki ang nakita ko nakasuot na itim na salamin at tuwid na nakatayo. Suot niya itim na suit, tahimik siyang nakatayo sa ‘di kalayuan. Wala kang makikitang emosyon pero dama mo ang mabigat na presensiya. Para bang kahit hindi siya magsalita alam mo na apektado rin siya. Nalaman ko kay mama at papa na walang malinaw tungkol sa relasyon nila nalaman nalang nila. Sabi ni Ate may nobyo na siya at magpapakasal na, nabigla sila lalo pa ang lalaking pakakasalan nito ay isang bilyonaryo. “Shaira, halika ba mainit na.” Aya ni mama na hindi ko naramdaman na lumapit sa akin dahil naka-focus ako kay Sebastian. “Nakausap namin ang abogado ng pamilya Falcon.” Kinabahan naman ako at hindi pa man sinasabi ni mama alam ko na agad. “Gusto nilang pag-usapan ang hiling ng ate mo dahil tinatanong nila ang kasal na nakaayos na at handa na. Ayoko man mag-isip pero parang sinisisi nika ang Ate mo bakit hindi sinabi na may sakit ito kung kailan ikakasal na.” Nakaramdam naman ako ng inis dahil nawala na nga ang ate ko yun pa yung mararamdaman ng ate ko. Nako hindi lang hiling ng ate ko hindi ko talaga to gagawin, bahala silang mapahiya. __ Kinabukasan, nasa loob ako ng isang napakalaking building ang Falcon holdings. Sa bawat hakbang ko ay lalo akong kinakabahan, pakiramdam ko ay hindi ako nababagay rito. Oo kahit paano may kaya ang pamilya namin pero hindi katulad ng ganito. Naka-fiffted na maong na pantalon ako at puting blouse na naka-tack in at heels ang terno ko. Sukbit ko ang sling bag ko, kung titingnan simple lang ang suot ko pero kung kasama ako sa titingnan. Iisipin mo na modelo ako, dahil sa height ko na 5’6 mas matangkad ako sa ate ko at sa totoo lang maraming nagsasabi na mas maganda ako. Pagkalabas ko ng elevator napahugot ako ng malalim na buntong hininga, narito ako para pag-usapan namin ni Sebastian ang tungkol sa kasal dito sa opisana niya. Ilang minuto akong naghintay ng papasukin na ako ng secretary niya, sumalubong agad sa akin ang masarap na amoy ng kape. At sunod ang malaking glass window, mga mamahaling kagamitan. Sa pinaka-gitna. Si Sebastian, nakatalikod siya sa akin habang nakapamulsa na nakatingin sa malaking glass window. Napahinto ako sa paghakbang ng dahan-dahan siyang humarap. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at masasabi ko na napakagwapo talaga niya sa tingin ko mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Maitim ang alon-alon niyang buhok at may kakapalan na kilay, ang ilong na halos perpekto ang hulma. Gayun rin ang mga mata nito na kung tumingin parang may sinasabi sa’yo. Pangahan at may Clift chin na nakadagdag lakas ng dating at ang labi na natural lang ang kulay na hindi ganun kapula. Napapalibutan ng manipis na bigote at balbas. Malapad ang balikat at straight body, ang height niya siguro six footer? “Pasado ba ako sa looks?” Lihim na napalunok ako at nakaramdam ng pagkapahiya pero pinakita kong hindi ako apektado. “Yeah, hindi naman masama.” Sagot ko na hindi siya tinitingnan dahil binaling ko sa ibang direksyon. Napansin ko pa ang ngisi sa gilid ng labi niya, pagharap ko sa kanya nakatingin lang siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkailang. “Mas maganda pala sa personal.” Diretsong sabi niya. Ewan ko ba pero bakit ganun parang may kakaibang epekto yon sa akin. “Thanks.” Tipid kong sagot at naupo siya sa swivel chair. “Okay, dahil nandito ka na at alam kong alam mo na kung bakit narito ka.” “Yes, ano pa bang pag-uusapan natin? Hindi ba nakahanda na lahat?” Sabi ko at pinahalata ko na hindi na ako interesado. “Hindi ako sang-ayon.” Nagulat ako sa sinabi niya at parang may bigat sa dibdib ko. Gusto ko sanang sabihin na ako rin naman hindi sang-ayon. “Mr. Falcon-” sambit ko pero naputol agad. “Sebastian.” Bigkas niya. “Okay.” Tango ko at naupo ako dahil mukhang wala siyang balak na alukin akong maupo. “Kapag kasal na tayo hindi mo ako tatawagin na Mr. Falcon.” Natigilan ako at naisip na tama naman siya. Pero sandali? Ibig sabihin matutuloy? “Pero gagawin ko.” Dito nakahinga ako ng maluwag at mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. “Gagawin ko hindi dahil sa gusto ko.” Saad niya at muling tumayo. “Tutuparin ko lang ang hiling ng kapatid mo,” Natahimik lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napansin ko na may kinuha siya mula sa drawer sa may lamesa niya at hawak niya ang isang folder. Nilapag niya sa harapan ko. Marriage contract?SHAIRA“Shaira anak?” Napalingon ako sa pintuan at mabilis kong nilagay sa libro ang picture at pinatong ko lang ‘yon sa ibabaw sa tabi ng picture namin ni ate.“Akala ko nakatulog ka, na-miss mo ba ang room mo?” Nakangiting sabi ni mama.“Oo ma sobra.” Sagot ko.“Aa… Shaira.” “Bakit ma?” Tanong ko at parang nagdadalawang isip siyang magsalita.“Si Sebastian nandito.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni mama, talagang puntahan pa niya ako dito.“Sabihin mo ma umuwi na siya, bukas na ako uuwi.” Sagot ko.“Anak mag-usap kayo kung ano man ang pinag-awayan niyo. Hindi naman pupunta yang asawa mo kung hindi ka niya susuyuin.” “Ma, alam naman nating hindi ko siya totoong asawa dahil pagtapos ng kontrata wala na kami.” Sagot ko.“Kahit na asawa mo pa rin siya, sige na bumaba ka na sabay-sabay tayong kakain. Hindi rin naman daw siya aalis kung hindi ka kasama.” What?Kahit naiinis ay wala akong nagawa bumaba ako at hindi ako nag-ayos terno na pajama lang ang suot ko at tinaas ko
SEBASTIAN Kadarating lang namin dito sa opisina ko at tambak ang mga folder sa lamesa ko na iniwan ng secretary ko."Sebastian.”"Sir." Pagtatama ko at saglit ko lang siya nilingon, my wife Shaira.“Fine sir, ano bang gagawin ko dito?” Tanong niya.Umangat ang mukha ko tiningnan ko siya halata sa mukha niya na naboboring na siya, sabagay sanay ‘to sa kasiyahan lagi."This is my schedule." Iniabot ko ang tablet sa kanya "Basahin mo."Napabuntong-hininga siya ng abutin ang tablet halatang gusto na niyang umangal hindi niya lang ginagawa at hindi ko mapigilang mapangiti."Sir."Mayamaya ay muli siyang lumapit sa akin at tiningnan ko siya."Nasa conference room na SIR ang mga investor." May diin ang pagkakasabi niya sa sir.Tumango ako na pinipigilan mapangiti."Coffee.” Sabi ko na hindi siya tinitingnan."Ha?" Sambit niya."Coffee please.” Ulit na sagot ko na hindi siya tinitingnan."May coffee machine naman diyan ikaw na.” Sagot niya na halatang inis."I’m your boss now, did you forget
SHAIRANagising ako dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw, paglingon ko sa katabi ko ay tulog na tulog na siya nakadapa. Napatingin ako sa ibang direksyon dahil walang takip na kumot ang pang-upo niya. May nakita akong towel na nakasabit sa sandalan ng kama at yun ang ginawa kong panatakip sa katawan ko.Tatayo na sana ako ng biglang may kumirot kaya napabagsak ako sa kama. Bigla naman nagising si Sebastian at napatayo sabay lapit sa akin. “What happened? Are you ok?” Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya at sarap lang sa pakiramdam pero nawala agad yun dahil sa natigilan akong nakatigin sa ibaba niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil unti-unti yon tumatayo.“Na-uuhaw a-ako.” Bigkas ko dahil parang mas lalong nanuyo ang lalamunan ko.Bigla naman niya akong binuhat na parang ikakasal.“Bakit mo ako binuhat? Ka-kaya ko naman ibaba mo na ako.” Sabi ko at isa pa nakahubo’t hubad pa naman siya. Hindi siya sumasagot at ako naman tinitingnan ko siya, hanggang sa makababa na kami sa hagd
SHAIRA Pinaupo niya ako at pumasok na rin siya sa loob, pinaandar agad ang kotse at napansin ko hindi sa mansion ang punta namin.“Wait, saan mo ako dadalhin?” Tanong ko na panay ang lingon.“Sinabi ko na sa’yo ipapaliwanag ko.” Sagot niya lang na nasa daan ang tingin.“What? Nababaliw ka na ba, puwede ba doon tayo sa mansyon.” Mariin kong sabi.“No, dito walang makakarinig sa’yo kahit sumigaw at umungol ka ng malakas.”.Natigilan ako sa sinabi niya lalo na sinabi niya na umungol, balak ko sanang magsalita pero napansin ko na lang na pumasok kami doon sa tumaas ang gate ng kusa. Pagpasok sa loob may bahay doon at hindi ganun kalaki pero maganda, napansin ko nalang na nandito na siya sa kabila at binuksan ang pinto.Nakatitig siya sa akin at ganun rin ako, napansin ko nawala na siyang suot na neck tie. Nakabukas ang ilang butones ng polo niya na panloob kaya naman nakita ko ang dibdib niya.Titig na titig ako sa kanya dahil ang hot niya lang tingnan kahit mukha siyang stress.Lumapit
SHAIRAPagkatapos ng gabi na ‘yon ay hindi ko magawang gumising agad kahit kanina pa ako gising. Naramdaman kong gising na si Sebastian at lumabas ito ng pinto.Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin grabe yung hiya ko. Dilat na dilat ang mata ko na nakatitig sa kisame dahil parang hanggang ngayon damang-dama ko ang lahat. Gumalaw ako pero napangiwi ako dahil may kirot akong naramdaman sa pagitan ng hita ko.Napahawak ako doon at biglang bumukas ang pinto at hindi ko nagawang matago na."I'll be there." Dinig kong sabi niya may kausap pala siya sa cellphone kaya nakahinga ako.Napansin ko na parang biglang na bad mood ang gwapo niyang mukha.“May problema ba?” takang tanong at napalingon siya sa akin na para bang ngayon lang niya napansin ang presensiya ko.“"We need to go back." Seryosong sagot niya at inayos ang laptop niya ipinasok sa bag.“Sa kompanya ba?” Tanong ko pa habang inaayos ang sarili ko.“Yes.” Sagot niya lang na hindi ako tinitingnan.Habang inaayos ko rin an
SHAIRA“S-Sebastian.” Tanging nasambit ko ng mag-sink in na sa isip ko ang sinabi niya at bahagyang napakagat labi ako.“Do you want me to go inside?"Tanong niya at mas lalo akong nakaramdam ng init sa buong katawan at bago pa ako sumagot. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa leeg at sinakop ang labi ko.Kusang pumikit ang mata ko at bunga ang bibig ko at naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa likuran ko.“Stop me, or else.” Hinto niya sa paghalik sa akin at pagdilat ng mata ko nagsalubo ang mga mata namin at para akong nanlalambot sa mga mata niya. “Sebastian.” Mahina kong sambit at ilang beses gumalaw ang ulo ko at yumuko, mariiin na napapikit. Pagangat ko ng mukha ko seryoso ang mata niya na naghihitany.“Continue.” Pagkasabi ko bigla niya akong hinalikan and this time mas mapusok at ganun rin ako.Hanggang sa kargahin niya ako at sinara ang pinto, habag naglalakakad siya walang tigil ang halik at ang palitan namin ng dila. Mas lalong tuminidi ang init ng buo







