แชร์

Chapter 2. UNEXPECTED

ผู้เขียน: J.Mades
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-20 00:10:05

“Bitawan niyo ako!”

“Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!”

“Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”

Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito.

“Kesha. Kung marunong ka lang makinig. Hindi ka sana masasaktan ng ganyan. Dinamay mo pa ang salot mong kaibigan,” galit na sambit ni Irish.

“Baliw ka na ba? Best friend ko sʼya. Wala siyang kasalanan dito.”

“Pasalamat ka pa nga at buhay pa siya.”

“Papa, please. Mahal niyo naman ako ʼdi ba?”

“Ngunit, kailangan kong gawin ito para sa ʼyo. Sige na. Dalhin niyo na siya. At sumunod ka na lang para hindi ka nasasaktan.”

Ipaglaban man ng dalaga ang sarili niya ay wala siyang magagawa. Sa tapat ng pinto ng simbahan ay unti-unti itong bumukas sa kanyang harapan. Ngunit, bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya, nang walang kahit na sinong lalaki sa dulo ng altar. Tanging mga nakaitim na tauhan at kanyang ama ang naroroon. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi niya. Kahit saan siya magpalinga-linga ng tingin, hindi niya makita ang lalaking ipinagkasundo para sa kanya. Hanggang sa isang matandang naka-swivel chair ang kanyang nasilayan, habang papalapit ito sa harap ng altar.

“Kahit kailan talaga, Don Ramon ay hindi mo ako binigo sa gusto ko.”

“Kailan ko ba hindi ginawa ang nais mo? Mas maganda talaga kung naka-merge ang ating kompanya, mas malaking oportunidad.”

“Pag-usapan na lang natin iyan pagkatapos ng aming kasal.”

Lumapit nang bahagya ang kaniyang ama at maingat na inayos ang puting belo sa kaniya. Ngunit hindi mapigilan ni Kesha ang pagluha, dahil sa bakas ng kalungkutang dumudurog sa kaniyang pagkatao.

“Huwag na huwag kang gagawa ng pagkakamali, Kesha. Hawakan mo na ang kamay niya at humarap ka sa altar. Huwag mong paghintayin ang pari sa harap mo.”

Nanginginig ang mga labi ni Kesha. Matapos sumang-ayon ng kasal ang matandang lalaki.

“Kesha Matienzo, tinatanggap mo ba si Javier Galio bilang iyong kabiyak sa buhay, sa hirap at ginhawa,” sambit ng pari sa kanya.

Magsasalita na sana ang dalaga nang biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril. Ilang tauhang nagbabantay sa labas ang bigla na lamang bumalagta. Napasigaw si Kesha at dali-dali siyang tumakbo patungo sa gilid ng mataas na pader.

“Mga hangal! Paputukan ninyo sila!” malakas na sigaw ng ama ni Kesha habang hawak ang baril nito.

At sa bawat gatilyo ng baril mula sa ama ni Kesha. Isang bala naman ang tumama sa dibdib ni Mr. Galio na agad ikinamatay nito.

“Bw*sit! Habulin niyo!”

“Masyado na po silang marami, kung susugod pa po tayo Don Ramon. Halos napalibutan na nila ang buong labas ng simbahan.”

“Sino ba siya, at anong kailangan nʼya?”

Nabaling ang tingin ni Don Ramon sa kanyang anak na si Kesha. Nang makita niya ang pagtakas ng dalaga.

“Habulin mo ang anak ko, at huwag mong hahayaang makatakas!” utos niya sa kanyang tauhan.

Samantala, halos hindi magkaintindihan sa pagtatago si Irish, na ʼdi naman kalayuan sa simbahan. Nakita niya ang lalaking lumabas ng itim na sasakyan na nakahinto sa tapat ng kaniyang kapatid. Ang matikas na tindig nito ang tila nagkaroon ng kuryusidad para kay Irish. At ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita noon pa.

“Ninong Gustavio . . . a-anong ginagawa niya rito?”

Ngunit ang pagkakatitig na iyon ay napalitan ng inis at galit. Nang makita niya ang kapatid na palayong tumatakas.

“Kahit kailan, hindi ka talaga marunong madala!”

Malakas na putok ng baril ang tumama sa kinaroroonan ni Kesha.

“Ay!” sigaw ng dalaga, nang dumaplis ang bala sa pag-iwas niya.

“Hello, kapatid. Tumakbo ka lang. Tingnan natin kung hanggang saan ka aabot!”

“Itigil mo na ito, Irish!” malakas na sigaw ni Kesha.

“Dapat sa ʼyo mamatay!”

“Irish. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Bitawan mo na ʼyan, please!”

“Walang sinoman ang makakapagligtas sa ʼyo!” natatawang sambit niya. “Isa . . . dalawa . . . t-tat—”

Napahinto siya sa pagbibilang nang maramdaman niya ang pagtutok ng baril ng lalaking hindi niya kilala.

“Ibaba mo na ʼyan, kung ayaw mong masaktan, ” saad ng lalaking nakasuot ng itim na uniporme.

Alam ni Irish na hindi ito ang tauhan ng kanyang ama. At sa pagpigil na iyon sa kanya ay unti-unti namang nakatakas ang kanyang kapatid. Subalit, napahinto si Kesha, nang isang lalaki ang bumungad sa kanyang harapan. Bagamaʼt pamilyar ito sa dalaga. Hindi niya matandaan kung saan niya ito huling nakita. Dahan-dahang umatras ang kanyang mga paa habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harapan niya. Hanggang sa ibaba ng lalaki ang hawak nitong baril. Sabay iniabot ang kamay nito sa kanya.

“Youʼre safe now . . .” seryosong sambit ni Gustavio. Pero ang mga mata niya ay hindi nangangako ng kaligtasan. Kundi nangangako ng pag-aari.

Walang pag-aalinlangan na tinanggap ng dalaga ang kamay nito. Oras na rin ang kailangan niyang pagtuunan para sa kanyang kaligtasan. Hindi man niya ito ganap nakilala. Masasabi niyang ito na ang pagkakataon upang makalayo siya sa kanyang pamilya.

“Tulungan mo ako . . . Ilayo mo ako sa lugar na ʼto,” pagmamakaawang sambit ni Kesha, na halos hinahabol ng kanyang hininga.

Malakas namang sumigaw ang binata sa kanyang mga tauhan.

“Thatʼs enough. Pull back and get out of here. Now!”

Nagulat ang dalaga sa baritonong boses na kanyang narinig sa binata. Kinakabahan. Iyon ang nagrehistro sa kanyang damdamin. Tila ang bawat salita na binibigkas nito ay tumatagos sa kanyang dibdib na may takot at kabang nararamdaman. Halos pakatitigan niya ang walang bakas na emosyon sa mukha ng lalaking nasa kanyang harapan.

“Get inside the car, kung ayaw mong mamatay rito!”

Mabilis na pinaharurot ng takbo ni Gustavio ang kanyang itim na sasakyan. Hindi naman maiwasan ni Kesha ang tumingin sa ma-muscle na katawan ng binata. Dahan-dahan niyang pinagmasdan ang mga ugat na naglitawan sa mga kamay nito dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa manibela.

“Stop staring at me.”

Napayuko ang dalaga sa kanyang pagkagulat sa sinabi ng binata. At agad niyang inilipat ang tingin sa labas ng bintana ng kotse.

“Being shy doesn't suit you,” seryosong sambit ni Gustavio.

“Thank you . . . for saving me,” mahinang wika ni Kesha.

“Everything comes with a price.”

Tila ang huling salita na binigkas ng binata ay mas lalong nagpakaba sa dalaga. Alam niyang lahat ay may kapalit. Lalo naʼt hindi niya kilala ang lalaking na sa kanyang tabi.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 11. COLLAPSE

    Dalawang Linggo na ang lumipas, buhat nang dalhin siya ni Gustavio sa mansion. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa walk-in closet na malapit lang sa kanyang kama. Ngunit, mas lalo pang lumala ang kanyang nararamdam, nang matinding pagduduwal ang hindi niya napigilan. Patakbo siyang nagtungo sa banyo. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili. Alam niyang hindi ito tama. Tanging kaba ng dibdib ang bumabalot sa kanya. Bahagya siyang napatingin sa salaming na sa kanyang harapan. Pinagpapawisan at may pamumutla ng kanyang mga labi. Agad niyang kinuha ang puting towel na nakalagay sa maliit na kabinet. Hanggang sa maingat niyang pinunasan ang kanyang basang mukha.“Ano ba itong nararamdaman ko? Sobrang sakit ng sikmura ko,” bulong ni Kesha sa sarili.Ilang minuto rin siya sa banyo, bago siya lumabas. Ngunit, sumalubong sa kanya ang lalaking ayaw na niyang makita pa.“Are you sick?” tanong ni Gustavio.Subalit, isang matalim na tingin lamang ang kanyang

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 10. TRAPPED

    Doble ang naging kaba ng dalaga. Nang makita niya ang paglapit ng binata. Isa-isa niyang isinara ang lahat ng bintana, pati na rin ang pinto ng balkonahe sa kanyang silid.“Kailan ba ako titigilan ng taong ‘yon? Nakakainis na!” sambit niya.Ngunit, narinig niya ang pagsigaw ni Gustavio. “Kesha! Buksan mo itong pinto.” Sunod-sunod na pagkatok ng binata. Napaismid ito na may nakakahalong ngiti.Kahit isang beses pa lamang ang nangyari sa kanila, para kay Gustavio ay hinahanp-hanap niya ang aroma ng katawan ng dalaga. Ang natural nitong amoy na nagpapagising sa kanyang katawang lupa. Sinadya niya talagang dalhin sa kanyang isla ang dalaga. Upang hindi ito makita ni Don Ramon. Ilang beses na rin siyang lihim na nag-uutos sa kanyang mga tauhan, para mabantay ang bawat kilos ng ama ni Kesha. Kaya ngayon pa lang ay inuunahan na niya, nasa harap ng pinto mula sa likod ng silid ng balkonahe si Gustavio. Pinagmamasdan ang kurtinang sumasangga sa glass sliding door nito.“Balang-araw pasasalamata

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 9. KESHA MATIENZO

    Pigil ang hiningang pinakawalan ng dalaga ang sagutang nangyari sa pagitan nila ni Gustavio. Ngunit, isang tanong ang bumabagabag sa kanyang isipan. Ano nga ba ang kasalanan ng kanyang pamilya sa lalaking kinakailangan niyang bayaran? Isa ba itong utang tungkol sa naluluging kompanya. Napapikit ang mga mata ni Kesha. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang suot niyang puting bistida. May kurting simpleng bulaklak sa gilid at putting ribbon sa likuran ng kanyang damit. Umikot siya ng bahagya at napangiti.“Maganda rin naman pala siyang pumili ng damit,” wika ni Kesha.Hindi alam ni Kesha na kanina pa siyang pinagmamasdan ng matanda sa kanyang silid. Lumapit ito at iniabot ang pagkaing niluto nito.“Bagay na bagay sa ‘yo ang damit na ‘yan, hija.”“Salamat po, Aling Tasing. Nakita ko na lang po ito sa gilid ng sofa, kaya naman ay kinuha ko na. Kanino po ba ito? Ito ba ay bagong bili ng amo ninyong masungit?”“Naku, hija. Hindi ba nabanggit sa ‘yo ni Señorito, na galing pa iyan kay Miss E

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 8. GUSTAVIO SEBASTIAN

    Nakaupong pinagmamasdan ni Gustavio ang basag na bote. Bakas pa rin sa kanyang isipan ang mukha ni Kesha, nang makita niya ang pagluha nito sa kanyang harapan.“Señorito. Ano pong problema?” tanong sa kanya ni Aling Tasing.“Ikaw na ang bahalang maglinis nito. At sabihin mo r’yan kay Kesha na huwag siyang aalis sa silid niya. Nagkakaintindihan ba tayo?” Tumayo si Gustavio at kinuha ang susi nito sa ibabaw ng lamesa. Saka niya ini-off ang sasakyan sa labas ng mansion.“Saan ka pupunta, Señorito? Masyado ng delikado kung aalis ka pa.”“Gawin niyo na lang ang trabaho rito sa mansion.”Hindi na nakasagot pa ang mayordoma. Tanging kibit-balikat na lamang ang kanyang naging tugon sa binata.Kinabukasan ay agad namang tinawagan ni Gustavio ang kanyang sekretarya. At sa lalong madaling panahon, kailangan na niyang simulan ang nais niya sa pamilyang Matienzo.“Are you really sure, bro?” tanong ng matalik na kaibigan ni Gustavio. Nakaupo silang pareho sa wooden chair mula sa hardin ng mga Delga

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 7. RUINED

    KESHA POVHindi maiwasang pagmasdan ni Kesha ang ma-muscle na katawan ng binata. Naroon pa rin ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Bahagya siyang napalunok, nang bumaling ng tingin si Gustavio sa kanya.“Donʼt fall in love with me, Kesha . . . kung ayaw mong masira ang buhay mo,” walang pusong sambit sa kanya ni Gustavio. Mahigpit namang niyakap ng dalaga ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Ang punit na damit na inihagis sa kanya ng binata ay tila basahang nagmarka sa gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga kamay. Tahimik. Walang ingay. Hindi man takot, ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya. “Hindi mangyayari ʼyon!” matapang niyang sagot kay Gustavio. “At kailanman hindi ako iibig sa isang katulad mong hangal!” Napataas ang gilid ng labi ng binata. Humarap siya sa dalaga. At mahigpit niyang hinawakan ang ibabang mukha nito. “Hangal?” Humigpit ang hawak niya, napadaing ito sa sakit. “Last night, you were begging for m

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 6. Control

    (R-18)Ilang sandali lang ang nakalipas, ngunit bakas ang marka sa kanang leeg ni Kesha. Pinipigilan niya ang takot at panghihina na kanyang nararamdaman. Alam niya sa sarili na hindi dapat iyon nangyari. Parang puno ng sabik ang mga labing bahagya niyang kinagat. Nang maalala ang namagitan sa kanila ni Gustavio. Hanggang ngayon ay gising siyang binabangungot ng mga halik na iyon. “Your mine, Kesha . . .” salitang muling nag-uulit sa kanyang isipan. Sa katabing bahagi niya, naroon si Gustavio. Mahimbing na natutulog. Pero, bakit may kirot siyang naramdaman, nang titigan niya ang buong mukha nito. Ang malantik na pilik mata, matangos na ilong at magandang labi na kanyang nakikita. Subalit, napakunot-noo siya. Nang tawagin siya nito na inaanak, habang binabangungot. Paano nga ba mangyayari iyon, kung ni minsan sa kanyang pagkabata ay hindi man lang niya ito nakilala? Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakatabi nito. Hindi para tumakas, kundi para pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang.

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 1. ESCAPE

    “From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 5. OWNED

    GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kail

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 4. CAPTIVE

    Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanya

  • Claimed by the Billionaire Godfather   Chapter 3. HUNTED

    Alas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki. “Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status