เข้าสู่ระบบAlas nuebe na ng gabi nang dumating sila sa mansion. Galit na galit si Don Ramon dahil wala siyang nagawa para malaman kung sino ang kumuha sa kanyang anak. He felt depeated. Iyon ang mas ikinagalit niya nang mamatay ang matandang lalaki.
“Wala kayong utak! Hinayaan niyo lang silang makatakas.” Sabay hampas nito sa ibabaw ng lamesa. Bakas pa rin ang galos at ilang dugong nagmarka sa kanya. “Honey . . .” malambing na tawag ng kanyang asawa. “Ang mahalaga ay nakaligtas tayo sa mga taong ʼyon. Pʼwede pa naman tayong gumawa ng paraan para mahanap siya.” Mistulang sarado ang isip ni Don Ramon. Hindi siya makapapayag na basta na lang mawala ang kanyang anak. Mabilis niyang hinawi ang mga kamay ng kanyang asawa. “Pinahiya niya tayo, Papa. Lalo na ngayon patay na ang matandang ʼyon. Matapos ang lahat ng ginawa ninyo para sa kanya, ganito pa ang isinukli niya. Hindi dapat siya hinahayang makalayo.” Lalong nagdilim ang mukha ni Don Ramon sa mga narinig. Mabilis niyang dinampot ang baso ng alak sa ibabaw ng mesa at mahigpit itong hinawakan. Isang lagok pa lang ay tila hindi pa rin sapat upang mapawi ang nag-aalab na galit sa kanyang dibdib. Kitang-kita ang pagpipigil niya, habang nakatitig sa kawalan. “Ako ang batas sa pamilyang ito. Hanapin ninyo siya . . . buhay man o patay!” Sumilay ang tuwa sa mga mata ni Irish nang sabihin iyon ng kanyang ama. “Hanapin ninyo si Kesha. Huwag kayong babalik hanggaʼt hindi niyo siya nakikita!” sang-ayon ni Irish sa kanyang ama. “Hindi ako papayag na magpatuloy ang katigasan ng ulo ng batang iyon,” sagot ng ina. Muling naalala sa isipan ni Irish ang lalaking hindi niya inaasahang makita, dahil doon unang tumibok ang puso niya. Walang iba kundi si Ninong Gustavio niya. Nabanggit niya ito sa kanyang ama. At saglit na natahimik ang buong mansion. Pagkatapos ay dahan-dahang ibinaba ni Don Ramon ang hawak na baso, bago itinuon ang malamig na tingin sa kanyang anak. “Gustavio?” ulit ni Don Ramon sa kanyang anak. “Yes, Papa. Nakita ko si Ninong Gustavio na bumaba ng kanyang sasakyan. H-hindi niyo po ba alam na darating siya?” pagtatakang tanong ni Irish sa kanyang ama. “Matagal na kaming walang koneksʼyon sa isaʼt isa.” “Pero, Papa. Mas makakabuti kung hihingi tayo ng tulong sa kanya.” “Hindi mo alam ang sinasabi mo Irish!” Bahagyang nag-igting ang panga ni Don Ramon. “Kapag si Gustavio ang humanap sa kapatid mo, walang makakapigil sa kanya.” “Ano bang mayroon kay Ninong Gustavio? Matagal na ring panahon ang pagkawala niya buhat nang bumalik siya sa America. Mas mapapadali kung sa kanya tayo hihingi ng tulong.” “Ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya. Naiintindihan mo ba ako!” Sa inis ng kanyang anak ay agad itong lumabas ng mansion. Isang kilalang tao ang tinawagan ni Irish, para alamin kung nasaan ang Ninong Gustavio niya. “Gawin mo ang lahat upang makausap ko si Ninong Gustavio!” galit na wika ni Irish sa kabilang linya ng telepono. Mahigpit niyang ibinaba ang telepono at humugot ng malalim na hininga. Hindi maalis sa kanyang isip ang lalaking minsan ay lihim din niyang pinangarap mahalin noon. Siguro dahil na rin sa pagiging mayaman nito, kagwapuhan at matipuno nitong pangangatawan. Matalik na magkaibigan ang kanyang ama at Ninong Gustavio niya. Dumating sa punto na hindi na niya ito muling nakita pa at nabalitaan na lang niya na nag-migrate na ito patungong America. Kaya ganoon na lamang ang saya niya, nang muli niya itong nakita. At makalipas ang ilang minuto ay muling tumunog ang kanyang telepono. Agad niya itong sinagot. “Maʼam Irish . . .” “Ano?” Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya ng telepono, bago ulit ito nagsalita. “Alam ko na po kung nasaan si Mr. Gustavio.” “Eh, ano pang ginagawa mo? Sabihin mo na sa kanya na gusto ko siyang makausap.” “Maʼam Irish, hindi po namin siya malapitan. Mahigpit po ang seguridad sa paligid niya.” Halos magdilim ang mukha ni Irish sa kanyang mga narinig. “Tandaan mo na malaki ang ibinayad ko sa ʼyo para lang mahanap ang Ninong Gustavio ko. Tapos, ito lang ang resulta na ibibigay mo sa akin. Baliw ka na ba talaga?!” “Pero, Maʼam Irish—” “Gumawa ka ng paraan, huwag kang tanga! Dahil hindi naman ako bumabayad sa ʼyo para lang bigyan mo ako ng dahilan!” galit niyang saad bago ini-off ang telepono. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kahirap lapitan ang Ninong Gustavio niya. Kung tutuusin, ninong niya ito. Ngunit tila mahirap itong abutin. Nang makabalik siya ng mansion ay dahan-dahan siyang lumapit sa balkonaheng kanyang nasisilayan. At pinagmasdan ang madilim na kalangitan. “Kailangan kitang makausap Ninong Gustavio,” mahina ngunit mariin niyang bulong. “At kapag nalaman mo ang tungkol kay Kesha, sigurado akong kikilos ka.” Habang unti-unting sumilay ang isang ngiting puno ng lihim na plano mula sa kanyang mga labi. At mga matang magdidikta para sa kapatid niyang si Kesha. “Tingnan natin kung hanggang saan ka makakatakbo, Kesha,” sambit niya.Muli niyang ibinaling ang tingin sa madilim na kalangitan. At sa kanyang isip ay isa lamang ang sigurado—hindi niya hahayaang manatiling malaya si Kesha. Dahil sa oras na makausap niya si Gustavio ay tiyak na magbabago ang lahat. Lahat na nararapat at hinahangad niya noon pa.
Bigla siyang nagulat nang pumasok sa loob ng silid ang kanyang ama. “Irish. Nahanap mo na ba ang kapatid mo?!” “Bakit hindi na lang natin siya pabayaan? Or else, humingi tayo ng tulong kay Ninong Gustavio?” “Kumilos ka! Hindi iyong nandito ka lang sa kʼwarto mo para magkulong lang. Alalahanin mong kay Kesha nakasalalay ang lahat!” “Bakit palagi na lang siya? Paano naman ako, papa? Mas mapapadali ang gusto niyo kung ako na lang ang ipagkasundo niyo?” “Nag-iisip ka ba? Hindi ka pʼwede sa mga bastang lalaki lang!” “Papa, bakit hindi niyo na lang ako ipagkasundo kay Ninong Gustavio? Ni minsan hindi siya pumupunta rito para bisitahin tayo.” “Mag-isip ka ng ibang paraan,” inis na sambit ng kanyang ama. “Si Ninong Gustavio lang ang makakahanap kay Kesha. Marami siyang kilala rito. At makapagsasalba ng ating kompanya.” “Bahala ka! Bastaʼt siguraduhin mong mahahanap ang kapatid mo!” Malakas na pagkalabog ng pinto, nang lumabas ng silid ang kanyang ama. Tila napakuyom naman ng kamao si Irish. “K-Kesha! Kapag nagkita ulit tayo, magsisisi ka talaga.” Sa isang iglap, marahas niyang hinawi ang lahat ng nasa ibabaw ng kanyang vanity table. Halos lumipad ang ilang mga gamit niyang pabango at pampaganda bago ito bumagsak sa marmol na sahig. Nasilayan niya ang mga basag na gamit na nagkalat sa kanyang silid. Ngunit ni isa ay hindi niya ito pinansin. Naroon pa rin ang galit na tila gumuguhit sa kanyang mukha. “Damn it!” gigil niyang sambit. “Nasaan ka na ba Kesha!”Dalawang Linggo na ang lumipas, buhat nang dalhin siya ni Gustavio sa mansion. Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak siya sa walk-in closet na malapit lang sa kanyang kama. Ngunit, mas lalo pang lumala ang kanyang nararamdam, nang matinding pagduduwal ang hindi niya napigilan. Patakbo siyang nagtungo sa banyo. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili. Alam niyang hindi ito tama. Tanging kaba ng dibdib ang bumabalot sa kanya. Bahagya siyang napatingin sa salaming na sa kanyang harapan. Pinagpapawisan at may pamumutla ng kanyang mga labi. Agad niyang kinuha ang puting towel na nakalagay sa maliit na kabinet. Hanggang sa maingat niyang pinunasan ang kanyang basang mukha.“Ano ba itong nararamdaman ko? Sobrang sakit ng sikmura ko,” bulong ni Kesha sa sarili.Ilang minuto rin siya sa banyo, bago siya lumabas. Ngunit, sumalubong sa kanya ang lalaking ayaw na niyang makita pa.“Are you sick?” tanong ni Gustavio.Subalit, isang matalim na tingin lamang ang kanyang
Doble ang naging kaba ng dalaga. Nang makita niya ang paglapit ng binata. Isa-isa niyang isinara ang lahat ng bintana, pati na rin ang pinto ng balkonahe sa kanyang silid.“Kailan ba ako titigilan ng taong ‘yon? Nakakainis na!” sambit niya.Ngunit, narinig niya ang pagsigaw ni Gustavio. “Kesha! Buksan mo itong pinto.” Sunod-sunod na pagkatok ng binata. Napaismid ito na may nakakahalong ngiti.Kahit isang beses pa lamang ang nangyari sa kanila, para kay Gustavio ay hinahanp-hanap niya ang aroma ng katawan ng dalaga. Ang natural nitong amoy na nagpapagising sa kanyang katawang lupa. Sinadya niya talagang dalhin sa kanyang isla ang dalaga. Upang hindi ito makita ni Don Ramon. Ilang beses na rin siyang lihim na nag-uutos sa kanyang mga tauhan, para mabantay ang bawat kilos ng ama ni Kesha. Kaya ngayon pa lang ay inuunahan na niya, nasa harap ng pinto mula sa likod ng silid ng balkonahe si Gustavio. Pinagmamasdan ang kurtinang sumasangga sa glass sliding door nito.“Balang-araw pasasalamata
Pigil ang hiningang pinakawalan ng dalaga ang sagutang nangyari sa pagitan nila ni Gustavio. Ngunit, isang tanong ang bumabagabag sa kanyang isipan. Ano nga ba ang kasalanan ng kanyang pamilya sa lalaking kinakailangan niyang bayaran? Isa ba itong utang tungkol sa naluluging kompanya. Napapikit ang mga mata ni Kesha. Humarap siya sa salamin at tinitigan ang suot niyang puting bistida. May kurting simpleng bulaklak sa gilid at putting ribbon sa likuran ng kanyang damit. Umikot siya ng bahagya at napangiti.“Maganda rin naman pala siyang pumili ng damit,” wika ni Kesha.Hindi alam ni Kesha na kanina pa siyang pinagmamasdan ng matanda sa kanyang silid. Lumapit ito at iniabot ang pagkaing niluto nito.“Bagay na bagay sa ‘yo ang damit na ‘yan, hija.”“Salamat po, Aling Tasing. Nakita ko na lang po ito sa gilid ng sofa, kaya naman ay kinuha ko na. Kanino po ba ito? Ito ba ay bagong bili ng amo ninyong masungit?”“Naku, hija. Hindi ba nabanggit sa ‘yo ni Señorito, na galing pa iyan kay Miss E
Nakaupong pinagmamasdan ni Gustavio ang basag na bote. Bakas pa rin sa kanyang isipan ang mukha ni Kesha, nang makita niya ang pagluha nito sa kanyang harapan.“Señorito. Ano pong problema?” tanong sa kanya ni Aling Tasing.“Ikaw na ang bahalang maglinis nito. At sabihin mo r’yan kay Kesha na huwag siyang aalis sa silid niya. Nagkakaintindihan ba tayo?” Tumayo si Gustavio at kinuha ang susi nito sa ibabaw ng lamesa. Saka niya ini-off ang sasakyan sa labas ng mansion.“Saan ka pupunta, Señorito? Masyado ng delikado kung aalis ka pa.”“Gawin niyo na lang ang trabaho rito sa mansion.”Hindi na nakasagot pa ang mayordoma. Tanging kibit-balikat na lamang ang kanyang naging tugon sa binata.Kinabukasan ay agad namang tinawagan ni Gustavio ang kanyang sekretarya. At sa lalong madaling panahon, kailangan na niyang simulan ang nais niya sa pamilyang Matienzo.“Are you really sure, bro?” tanong ng matalik na kaibigan ni Gustavio. Nakaupo silang pareho sa wooden chair mula sa hardin ng mga Delga
KESHA POVHindi maiwasang pagmasdan ni Kesha ang ma-muscle na katawan ng binata. Naroon pa rin ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Bahagya siyang napalunok, nang bumaling ng tingin si Gustavio sa kanya.“Donʼt fall in love with me, Kesha . . . kung ayaw mong masira ang buhay mo,” walang pusong sambit sa kanya ni Gustavio. Mahigpit namang niyakap ng dalaga ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan. Ang punit na damit na inihagis sa kanya ng binata ay tila basahang nagmarka sa gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Hindi niya napigilan ang luhang pumatak sa kanyang mga kamay. Tahimik. Walang ingay. Hindi man takot, ngunit ayaw niyang ipakitang mahina siya. “Hindi mangyayari ʼyon!” matapang niyang sagot kay Gustavio. “At kailanman hindi ako iibig sa isang katulad mong hangal!” Napataas ang gilid ng labi ng binata. Humarap siya sa dalaga. At mahigpit niyang hinawakan ang ibabang mukha nito. “Hangal?” Humigpit ang hawak niya, napadaing ito sa sakit. “Last night, you were begging for m
(R-18)Ilang sandali lang ang nakalipas, ngunit bakas ang marka sa kanang leeg ni Kesha. Pinipigilan niya ang takot at panghihina na kanyang nararamdaman. Alam niya sa sarili na hindi dapat iyon nangyari. Parang puno ng sabik ang mga labing bahagya niyang kinagat. Nang maalala ang namagitan sa kanila ni Gustavio. Hanggang ngayon ay gising siyang binabangungot ng mga halik na iyon. “Your mine, Kesha . . .” salitang muling nag-uulit sa kanyang isipan. Sa katabing bahagi niya, naroon si Gustavio. Mahimbing na natutulog. Pero, bakit may kirot siyang naramdaman, nang titigan niya ang buong mukha nito. Ang malantik na pilik mata, matangos na ilong at magandang labi na kanyang nakikita. Subalit, napakunot-noo siya. Nang tawagin siya nito na inaanak, habang binabangungot. Paano nga ba mangyayari iyon, kung ni minsan sa kanyang pagkabata ay hindi man lang niya ito nakilala? Dahan-dahan siyang umalis sa pagkakatabi nito. Hindi para tumakas, kundi para pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang.
“From now on! Magpapakasal ka sa lalaking ʼyon sa lalong madaling panahon,” galit na sambit ni Don Ramon sa kanyang anak. Tila sakluban ng langit at lupa naman si Kesha sa bawat salitang narinig niya sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwala na ipagkakasundo siya sa lalaking ni minsan ay hindi man l
GUSTAVIO POVTahimik na nakamasid sa kapirasong papel si Gustavio. Ilang dokumento na rin ang mga iniayos niya bago mabuo ang kanyang mga plano. Ang kompanyang sa matagal na panahon na niyang iniingatan. Nakayukong pumasok ang kanyang sekretarya na si Lucy, habang dala ang ilang mga papeles na kail
Malakas na buhos ng ulan ang nagpagising kay Kesha. Habang ang hampas ng puting kurtina mula sa pinto ng balkonahe ng silid niya ang saksi sa malamig na hanging dumadampi sa kanya. Bahagya siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Suot niya ang manipis na asul na bistida na bumagay sa kanya
“Bitawan niyo ako!” “Hanggang kailan ka ba magiging matigas ang ulo, Kesha?!” “Please, ayokong ikasal sa kanya. Lahat gagawin ko para sa inyo papa.”Malakas muling sampal ang natanggap ni Kesha sa kanyang ama. Habang nakatitig lang ang kanyang inang tila may ngiti sa mga mata nito. “Kesha. Kung




![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


