LOGINTUCKER GELLER / SNOW ANTONIO STORY A Doctor. A businessman. A multi-billionaire. At syempre, binansagan ding babaero. Sino ba ang hindi mahuhumaling sa isang napakaguwapong Geller. Sa kan'yang kulay berdeng mga mata, talaga naman, bibigay ang kababaihan. Hindi basta-basta ang mga babaeng nagkakgusto sa doctor na ito, dahil mga mayayaman ito. Pero sino ba ako para mapansin niya. Ni wala nga ako sa kalingkingan ng mga babaeng pumipila kay Doc.Geller. Isang nursing student lang ako. Kapos pa nga lagi sa pang-araw-araw namin ng ate ko. Pero aaminin ko sa aking sarili, sobrang ambisyosa ako. Nangangarap makabingwit ng isang mayaman. Hanggang gumawa ako ng paraan na akitin si Doc.Tucker Geller kahit alam kong ako pa rin ang talo. Dahil bumalik ang babaeng nagmamay-ari sa guwapong bilyonaryo.
View MoreSNOW ANTONIO
PANAY ang hinga ko ng malalim. Sino ba naman ang hindi mamangha sa ganitong mamahaling university. Kahit sobrang hirap ni Ate Kath, dugo't pawis niyang itinaguyod ang pag-aaral ko. Kasalukuyan kumukuha ako ng kursong Nursing. "Gosh! Sobrang ganda," mahinang saad ko. Laking pasasalamat ko na nakapasa ako sa exam para sa scholarship. Pinapansin ko kay Ate Kath na mag-aaral ako nga mabuti. Gusto ko ibalik sa kan'ya ang lahat ng kan'yang sakripisyo. "Hi. Ako pala si Yolly. Scholar ka rin ba?" Nakangiting tanong sa akin ng isang babaeng nakasalamin. Maganda siya. Actually maganda ang mga mata niya na nakatago sa makapal na salamin. "Oo. Ikaw?" Nakangiting tanong ko rin kay Yolly. "Oo. Nagkataon rin na nagtatrabaho ang parents ko sa pamilya ng Alcantara, kaya ayun, tinulungan nila ako paaralin," kagat-labing saad ni Yolly. "Totoo? 'Di ba si Sir Kenjie Alcantara ang may-ari ng Crimson University?!" namamanghang tanong ko. "Oo. Siya nga," nakangiting sagot sa akin ni Yolly. Napag-alaman ko rin na magkapareho kami ng kurso ni Yolly. At may balak din ito maging medisina. Napakabait ni Yolly. Mahinhin rin ito. Katulad ko, labing-pitong taon lang ito Kaming dalawa lagi ang magkasama. Kahit kumain sa canteen. Halos araw-araw, hindi talaga kami naghihiwalay. "Ang yaman nila no? Tayo kaya, kailan kaya maging mayaman?" saad ko naman. Nasa canteen kami ngayon at kumakain ng tanghalian. "Syempre, dapat mag-aaral muna tayo ng mabuti. At kapag nakatapos na tayo, magtatrabaho na tayo. Mag-iipon ng pera. Walang imposible basta, think positive lang tayo," nakangiting sagot naman ni Yolly. "Yes! Think positive dapat!" Natatawang saad ko at nakipag-apir rito. TUWING uwian, iisang traysikel ang sinasakyan namin ni Yolly. Mas nauna akong bumaba rito dahil nasa kabilang kanto pa ang kan'yang bahay. "Bye, Yolly!" "Bye, Snow. Bukas ulit," natatawang saad niya sa akin. Mahina naman akong napatawa. Pagpasok ko sa loob ng bahay, nadatnan ko si Ate Kath na nagkukwenta na naman ng bayarin. "Ate, nandito na po ako." "Magbihis ka at kumain na. May binili akong pansit at tinapay," aniya ni hindi man lang sumulyap sa akin. "Ate, may bibilhin po akong project bukas," mahinang saad ko rito. Nakanguso naman itong napatingin sa akin. "Bwesit talaga si Aling Bebang, ayaw pumayag na kalahati muna ang babayaran natin sa apartment. Ang pangit-pangit na nga, masama pa ang ugali!" Napangiti naman ako. Literal na mapanglait talaga si Ate Kath. "Iyong alkansya ko na lang po ang buksan ko para makabili ako ng project. Bayaran niyo lang po si Aling Bebang." "Hayaan mo kapag mayaman na tayo, ipa-demolish natin ang pangit niyang apartment!" gigil na saad ni Ate Kath. Napapailing naman ako. Iniwan ko muna ito at nagbihis. Kinain ko na rin ang pansit na binili ni Ate Kath. Ang swerte ko na nagkaroon ako ng napakabait na ate. Si ate Kath ang tumatayong nanay at tatay ko. Parehong namatay sa sakit na komplikasyon sina nanay at tatay. Kahit hirap na hirap si Ate, binigay niya pa rin ang mga gusto ko. "Matulog ka ng maaga, Snow. Sumabay ka na bukas sa akin sa traysikel para makatipid ng pamasahe!" "Opo, ate." Minsan nag-wi-wish din ako na sana paggising ko mayaman na kami. Or puwede rin na makapag-asawa si Ate Kath ng Amerikano. Kaso sabi ni ate malaki daw ang ahas nila, at baka iyan daw ang ikamatay niya. KINABUKASAN, ang aga-aga, abot na sa kabilang baranggay ang boses ni Ate Kath. "Snow?! Ano ba, ang bagal-bagal kumilos!" Napasimangot naman ako. "Sandali po!" Mabilisan lagi ang pagligo ko dahil lagi nagmamadali si Ate Kath. "Ang bagal mo talaga! Ma-late na ako sa trabaho ko." "Ate naman eh, naliligo pa lang ako!" nakangusong sagot ko naman. Inirapan naman ako ni Ate. Sinukbit ko naman ang bag ko at lumabas na kami. "Kath Antonio?" tanong ng malaking lalaki na marami itong tattoo. Bigla naman akong kinabahan. "Ate, ikaw ang hinahanap," mahinang bulong ko naman. "Y-Yes. Bakit po?" sagot nama ni Ate na parang kinakabahan. "Sumama ka sa amin." maawtoridad na saad ng lalaking may tattoo. "B-Bakit naman ako sasama!" galit na sagot ni Ate. Nanlalaki naman ang mga mata ko nang bumunot ito ng baril. "A-Ate." Napakapit naman ako sa braso ni Ate Kath. "H-Huwag! S-Sasama na ako. P-Pero ang kapatid ko, huwag niyo idamay." nanginginig na saad ni Ate. "Ate!" Mangiyak-ngiyak naman ako. Natatakot ako, baka kung anong gawin nila sa ate ko. Humarap naman si Ate Kath sa akin. "Sige na, pumasok ka na. Hindi naman nila ako sasaktan. Baka isa ito sa mga tauhan na inutangan ko." "B-Basta Ate, umuwi ka ha." Pinasakay naman ako ni Ate sa taxi. Maghapon na blangko ang isip ko. Iniisip ko si Ate Kath. "Nag-aalala ako sa ate ko," mangiyak-ngiyak na saad ko kay Yolly. "Pray ka lang na ilayo sa kapahamakan ang ate mo," naaawang saad ni Yolly. Nawalan na rin ako ng gana kumain ng tanghalian. Nagpaalam na lang ako kay Yolly na uuwi na lang ako. Naglalakad-lakad na lang ako pauwi. Napatigil naman ako na nakatingin sa kotse sa gilid ng daan. Napansin ko ang matipunong katawan ng isang lalaki na nagpapalit ng gulong. Sa sobrang kuryusidad, nilapitan ko ito. Nakatayo lang ako sa kan'yang likuran. Ang tangkad niya sobra. Ang puti rin niya. Talaga naman humihitik ang muscle sa katawan. Nagulat naman ako ng humarap ito sa akin. "A…-.. H-Hi po," nahihiyang saad ko. Sobrang guwapo! Agad ko napansin ang kulay luntian niyang mga mata. Sobrang tangos ng ilong at ang pula sobra ng labi. Ang mukha niya na namumula ito at ang kinis sobra. "Yes? What can I do for you?" aniya na nakakunot ang kan'yang noo. Ay inglesiro! Foreigner pala ito. Baka ito na ang binigay sa akin ni Lord para umangat ang buhay namin ni Ate Kath. Napangibit naman ako sa aking iniisip. "Ahm...n-napadaan lang po. Naglalakad kasi ako, a-at nakita kita,"nahihiyang sagot ko naman. "Yeah. Nasiraan ako ng gulong." Napakagat-labi naman ako. Sobrang pormal niya magsalita at talaga naman sobrang yaman ang kilos at pananalita niya. "G-Ganoon po ba," nahihiyang saad ko naman. Kapag malaman ni Ate na may kinakausap ako na lalaki, papagalitan niya ako. Ayaw na ayaw ni ate na kumikiringking ako. Study first daw muna. "What's your name?" nakangiting tanong niya sa akin. "Ahhmm...S-Snow po." "Wow. Hi, Snow. I'm Tucker. May I know your age?" "H-Ha...a..eh ...se-... twenty five! I-Ikaw?!" natatarantang saad ko kay Tucker. Mahina naman itong napatawa. "Thirty four. So, may pupuntahan ka ba? Oh, by the way. Nag-aaral ka ba? Or nagtatrabaho na?" "I'm working! Yes, nagwowork na ako!" Ate ko, patawad! Buti na lang hindi ako nakasuot ng uniporme. "Sakay ka na, Snow. Hatid na kita sa inyo. Or you want na sumama ka sa akin sa bar ng kapatid ko," aniya na kumindat pa ito sa akin. Wala sa sariling tumango naman ako. Basta nabura had sa isip ko ang nangyari kay Ate Kath. Dinala ako ni Tucker sa Casa bar. Iyong kasi ang nakalagay na pangalan sa harap. Hindi ko akalain, kahit tanghaling tapat, maraming tao sa loob ng bar. Hawak-hawak naman ni Tucker ang kamay ko at doon kami umupo sa sulok. "Umiinom ka ba ng alak?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Ilang kasinungalingan pa ang gagawin ko?! Bahala na! Inabutan naman ako ni Tucker ng alak. Inaamoy-amoy ko muna ito. Napangibit naman ako sa tapang ng alcohol na nalanghap ko. "So, do you have a boyfriend?" seryosong tanong niya sa akin. "W-Wala." "Oh. You're so pretty." Napangibit na naman ako. Paano ba naman ako magkakaroon ng boyfriend, kung lagi na lang hinahabol ni ate ng itak ang mga manliligaw ko.l "I-Ikaw? May girlfriend ka ba?" balik tanong ko naman. "Nope. I preferred to be single." Agad ko naman nilagok ang alak na binigay sa akin ni Tucker. Medyo nadismaya lang ako sa sagot niya. Halos sunod-sunod ang pagtungga ko at nahihilo na rin ako. "B-Ba-Ba-kit umiikot ang p-paligid?" tanong ko. "Lasing ka na. Nasaan ang bahay niyo? Or sa condo ko muna ikaw matulog,"aniya at inalalayan ako patayo. "S-Sir, b-bata pa...A-Ako…-," saad ko na lalo ako nahilo kakasalita. "Hindi ko alam ang bahay mo. Sa condo ko muna kita dadalhin, okay?" aniya at binuhat na niya ako. Unti-unti pinikit ko ang aking mga mata. Langhap na langhap ko ang mabangong amoy ni Tucker. Ate, patawad po! Nagsisigaw ang utak ko. Bahala na! "Snow……?" Ang huling narinig ko bago nilamon na ako ng kadiliman.SNOWHINDI ko alam kung ano ang unang i-impake ko. May pera pa na cash dito galing Kayi Tucker at Tristan. Mabuti na lang may mga maleta si Ate Kath. Kinuha ko ito at sinimulan ko na ilagay ang mga mahalagang gamit ko at pati na rin ang kay Ate Kath.Naka dalawang maleta lang ako at hindi ko na dinala ang ibang gamit ko. Sabi naman kasi ni Jenny, may magbabantay naman daw sa bahay habang wala ako. Mamaya pa naman alas sais ako susundin, alas kwatro pa lang kaya nagluto muna ako dahil kanina pa ako nakaramdam ng gutom. Habang abala ako sa aking pagkain, narinig ko naman sa labas ng pinto na parang pinipilit itong buksan. Nagtaka naman ako dahil ito kumatok, sa halip pinupuwersa ang bawat pagpihit ng doorknob. Naka doble locked ang pinto ko at sinadya ko ito para na rin sa safety ko.Ang bilis ng kabog ng aking dibdib. Iba ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa pintuan. May ginawa akong maliit na butas na puwede ko silipin kung sino man ang nasa labas. Napatakip naman
SNOW ANTONIO “ANO?! Bakit naman bigla-bigla ka lilipat ng tirahan?” nagulat pang tanong ni Yolly sa akin.“Basta! Tulungan mo na lang ako. Pero kailangan ko pa rin tapusin ang pag-aaral ko. Maybe this sem na lang muna.”“Ano bang nangyari sa'yo, Snow? May gusto bang pumatay sa'yo? May naniningil ba sa'yo?”“Ehhh..Yolly naman eh. Basta tulungan mo na lang ako. Maybe this week, kailangan nakalipat na ako.”“Okay. Okay. Kamusta naman ang pakiramdam mo? Magpa-check up ka ba?”“O-okay naman ako. Yes.”“So, anong sakit mo?” “U-ulcer,” pagsisinungaling ko naman. Hindi muna sa ngayon. Aaminin ko rin ito sa kanya.“Ayan kasi! Huwag ka magpalipas ng kain. Parang nangangayat ka na nga eh!”“Oo na. Tara na, baka mahuli pa tayo sa klase.Kahit wala ako sa mood at inaantok, tinapod ko pa rin ang buong maghapon. Pakiramdam ko, sobrang pagod ako na nag over-time sa trabaho. Lantang-lanta ako dumating sa bahay. Kahit wala akong ganang kumain, pinilit ko pa rin ang sarili ko. Pero talaga, iba ang pa
SNOW ANTONIO “ARE you okay?” nag-aalalang tanong ni Yolly.“Y-yeah. Ahmm..Yolly, half day lang siguro muna ako.”“Gusto mo hatid na kita sa inyo? At pumunta na tayo sa hospital, girl.”“H-hindi na. Kaya ko naman ang sarili ko. Tatawag na lang ako kapag need ko ng tulong mo,” pilit ang ngiti ni binigay ko dito.“Mag-ingat ka ha. Dumiretso ka na sa hospital, okay. Baka ulcer na yan at lumala pa.”Tumango na lang ako at nagpaalam na rito. Pumara agad ako ng traysikel.“Manong, sa APH hospital po.” Panay naman ang paghinga ko ng malalim. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Wala pang sampung minuto, nakarating na agad kami sa hospital. Binigyan ko ng dalawang daan ang driver at dali-daling bumaba.Huminga muna ako ng malalim at pumasok sa loob. Pumunta muna ako sa information at nagtanong.“Nurse, pwede ba ako magpa-check up? P-pero wala pa akong appointment.”“Yes, ma'am. Anong ipa-check up niyo? Paki-fill up muna ito,” nakangiting sagot ng nurse. Mabuti na lang mabait ito.“T-thank yo
SNOW ANTONIO “READY na ang dinner.”Naabutan ko ito na nakahilata. Bukas ang telebisyon pero nakapikit naman. Hindi pa rin ito gumagalaw. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.“T-Tucker?” Mabagal ang bawat paghinga ng niya. Huminga naman ako ng malalim. Nakatulog siguro ito sa naghihintay habang nagluluto ako. Tiningnan ko naman ang pinaka gwapong mukha ng binata. Napakatangos ng kanyang ilong. Mamula-mulang labi. At napakakinis ng kanyang mukha.“May lahi ka bang bampira?” mahinang sambit ko naman. “Why?” biglang sumagot ito at nakatitig na ito sa akin.“A-ahhmm..k-kain na tayo!” tumayo naman ako at dali-daling pumunta sa kusina. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Nasa likuran ko na rin ito at dumiretso na umupo. Kumuha ako ng dalawang plato at nilagyan ko ito ng pagkain. Adobong baboy lang ang niluto ko at mabilis lang ito ihanda.“Saan kayo galing ni Gold? Tanong niya na magsimula na itong kumain.“S-sa mansion nila. Kumain ng dinner with his family.”“Pinakilala ka bang girlfrie
SNOW ANTONIO “BYE, YOLLY!” Iniwan ko na ang kaibigan ko sa library dahil may group activity pa daw ito. Paglabas ko sa gate may sumalubong agad sa akin na isang napakaguwapong nilalang. Parang may kamukha ito. Pero nawaglit ito sa isipan ko kung sino ang kamukha niya dahil mabilis itong nakalap
SNOW ANTONIO MAAGA akong gumising at gumayak. Nagluto ako ng almusal at sinobrahan ko pa ito para kay Ate Kath. Kahit hindi ako sigurado na uuwi ito. Tapos na ako magbihis at naghanda na ako ng pagkain ko para baunin sa school nang may kumatok ng napakalakas.“Sandali!” patakbong pumunta ako sa pi
SNOW ANTONIO OH MY GOD! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakapasok sa ganitong napakalaking bahay. Hindi naman talaga bahay, it's a mansion! Napakaganda. Napaka-elegante. As in, masasabing bilyonaryo ang may-ari.“We're here,” anito na inalalayan pa ako papasok sa loob. Lalo ako namangha sa law
SNOW ANTONIO “INHALE. EXHALE,” panay naman ang salita ko habang naglalakad. Kagabi pa ako hindi mapakali. Halos hindi ako makatulog dahil nga sa offer na binibigay sa akin ni Tucker. Bakit naman hindi ko tatanggapin? Imagine that, fifty thousand monthly ko tapos may bonus pa daw. Wala akong gagawi


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore