Share

CHAPTER 2

Author: Jenniexhan
last update publish date: 2026-07-11 16:06:20

“Mama… bakit mo pinagsasama-sama ang mga clothes mo?”

Napahinto ako sa pagtupi nang marinig ko ang malambing na boses na iyon. Lumingon ako at nakita si Aiden na nakasandal sa hamba ng p***o. Nakahawak ang maliliit niyang kamay roon habang ang malalaki niyang mga mata ay nagtatakang nakatingin sa mga gamit na inilalagay ko sa loob ng lumang maleta.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang bahagya habang pinagmamasdan siya. Kahit apat na taong gulang pa lang ay kitang-kita na ang kagandahan ng kaniyang mukha. Ang maputi niyang balat na parang hindi nasusunog kahit laging nasa labas ng bahay. Ang matambok at mapupulang pisngi niya na gustong-gusto kong pisilin tuwing tumatawa siya. Ang kaniyang mga mata ay bilog at maiitim, na lalong nagiging kaakit-akit dahil sa mahahaba niyang pilikmata at makapal na kilay na nagbibigay ng napakainosenteng tingin. Matangos din ang kaniyang ilong at may maliliit ngunit magandang labi na madalas nakakurba sa ngiti. Sa tuwing tinititigan ko siya ay lagi akong napapaisip kung saan niya ba namana ang mga katangiang iyon, pero agad ko ring itinulak ang kaisipang iyon palayo dahil hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga ganoong bagay.

Lumapit ako sa kanya at yumuko para pantayan ang kanyang tangkad. “Wala lang, baby. Nag-aayos lang si Mama ng ilang gamit.”

Umungot siya nang bahagya at humakbang palapit, nakayuko nang kaunti na parang nahihiya. “Aalis ka po ba, Mama? Iiwan mo na ba ako? Nagpapasaway po ba ako kaya ka aalis? Promise po, magiging good boy na lang po ako palagi. Hindi na po ako magtatapon ng pagkain, hindi na po ako tatakbo sa putikan, makikinig na po ako sa lahat ng sasabihin mo… huwag mo lang po akong iwan dito, ha?”

Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko at parang may humigpit sa lalamunan ko nang marinig ang mga salitang iyon. Agad ko siyang binuhat at pinaupo sa aking hita, niyakap nang mahigpit habang nagsisimulang mamuo ang mga luha sa aking mga mata. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na buhok at hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo bago sumagot para pakalmahin siya.

“Huwag kang mag-isip ng ganyan, baby. Hindi ka naman nagpapasaway at higit sa lahat ay hindi ka iiwan ni Mama, naiintindihan mo?” Pinalis ko ang munting luha na tumulo mula sa gilid ng kanyang mata gamit ang dulo ng aking daliri. “Kailangan lang umalis ni Mama sandali para magtrabaho. Malaki ang kailangan nating gawin para hindi satin kunin yung bahay at para may pambili tayo ng mga gusto mo, di ba?”

Umangat ang tingin niya sa akin, ang mga labi ay nanginginig pa rin habang pinipigilan ang pag-iyak. “Bakit po kailangan mo umalis? Bakit hindi ka na lang dito lang mag-work? Sama na lang po ako sa’yo, Mama. Tutulong ako sa’yo. Kaya ko naman po magligpit ng mga toys ko, tsaka magpapunas ng lamesa… huwag mo na lang akong iwan dito, please?”

Napabuntong-hininga ako nang malalim, habang ang puso ko ay tila ba pinipiga nang dahan-dahan. Ang hirap ipaliwanag sa isang batang kasing-edad niya kung bakit kailangan kong lumayo para magtrabaho. Paano ko sasabihin sa kaniya na pupunta ako sa lugar ng taong dati kong minahal at may kondisyong pumasok sa buhay niya ulit kapalit ng aming kabuhayan?

“Pasensya ka na, anak… pero bawal ang mga bata sa lugar kung saan ako magtatrabaho,” paliwanag ko nang dahan-dahan. “Ang amo ko kasi doon ay masungit, mahigpit, at ayaw ng maingay. Kapag may kasama akong bata, baka magalit siya at baka paalisin pa ako agad. Ayaw naman nating mawalan ng trabaho si Mama, 'di ba? Kapag nawalan ako ng trabaho, mawawala rin sa atin ang bahay natin.”

Sa halip na tumigil ay lalo lang bumuhos ang kaniyang mga luha at isinubsob niya ang kaniyang mukha sa dibdib ko habang humahagulgol nang mahina. “Ayoko po… gusto ko laging katabi si Mama. Baka malungkot ka doon, baka may mang-away sa’yo… Sama na lang ako, Mama, please?”

Niyakap ko siya nang mas mahigpit, ramdam ko ang panginginig ng kaniyang maliit na katawan habang umiiyak. “Shhh… huwag kang umiyak, baby. Hindi ako magtatagal, promise. Kada Sabado at Linggo uuwi ako agad dito para makasama ka. At may dagdag pa akong pangako—kapag nakaipon na nang kaunti si Mama, dadalhin kita sa malaking amusement park sa bayan. Doon sa maraming rides, maraming sasakyan, at pwede tayong kumain ng maraming ice cream at chocolate. Gusto mo ba ‘yon?”

Unti-unting humina ang kaniyang pag-iyak. Dahan-dahan niyang inalis ang mukha sa dibdib ko at pinunasan ang luha gamit ang likod ng kaniyang palad habang nakatingin sa akin. Ang kaniyang mga bilog na mata ay namumula na ngayon, pero tila nagniningning muli nang marinig ang sinabi ko.

“Talaga po, Mama? Dadalhin mo ako doon? Hindi mo makakalimutan ang promise mo?

Ngumiti ako sa kaniya at madiin kong hinalikan ang kaniyang noo, ang kaniyang pisngi, at maging ang dulo ng kaniyang ilong. “Pangako, anak. Hindi makakalimutan ni Mama. Huwag kang magpapasaway dito kasama nina Lolo at Lola, ha?”

Tumango siya nang dahan-dahan, kahit may bakas pa ng lungkot sa kaniyang mukha. “Sige po… magwa-wait po ako. Pero uuwi ka talaga sa Sabado, Mama, ha?”

“Oo naman,” sagot ko nang panatag. “Hinding-hindi iyon makakalimutan ni Mama.”

Makalipas ang halos isang oras ay narinig ko ang yabag ng mga paa sa labas ng aming maliit na bahay. Lumabas ako bitbit ang aking maleta, habang si Aiden ay mahigpit na nakahawak sa laylayan ng aking damit. Doon ay naghihintay na sina Mama Ester at Papa Alvin, ang aking mga magulang.

Lumapit agad si Mama at tinulungan akong buhatin ang isang bagahe ng gamit ko, ngunit sa kaniyang mga mata ay nababasa ko ang pag-aalala at lungkot. “Anak… sigurado ka na ba talaga rito? Wala na ba talaga tayong ibang paraan? Mabigat ang kondisyong ibinigay niya at kilala mo naman ang mga ganiyang tao, hindi magiging madali ang pupuntahan mo.”

Hinawakan ko ang isang kamay niya at pinisil ito nang mahigpit bilang pagpapakalma sa kaniya. “Wala na po tayong ibang pagpipilian, Ma. Kung tatanggi ako, siguradong kukunin niya agad ang lupa sa atin. Huwag po kayong mag-alala, kaya ko naman po ito. At tinitiyak ko sa inyo na hinding-hindi ko hahayaang mawala ang lupang ito sa pamilya natin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maibalik din ito sa atin balang araw."

Sumunod naman si Papa at ang kaniyang balikat ay nakalaylay nang kaunti at puno ng hiya ang kaniyang mukha. “Pasensya ka na, anak, ha? Dapat ako ang gumagawa ng paraan bilang padre de pamilya, dapat ako ang humaharap sa ganitong pagsubok, hindi ikaw. Pakiramdam ko ay nabigo kita bilang ama.”

Umiling ako agad at lumapit sa kaniya para yakapin siya. “Huwag ninyong isipin iyan, Pa. Pamilya tayo rito, 'di ba? Sa oras ng pangangailangan, kailangang magtulungan at magbuhat ng problema nang sabay-sabay. Huwag ninyong isiping may pagkukulang kayo. Ang mahalaga, ginawa natin ang lahat para manatiling buo ang bahay natin.”

Nang bumitaw ako kay Papa ay naramdaman ko ang muling paghila sa aking damit. Si Aiden na naman na muling nangingilid ang luha habang nakatingin sa akin. Lumuhod ako sa harap niya upang magkapantay kami at pinunasan ang kaniyang pisngi gamit ang aking palad.

“Naku, huwag ka na namang umiyak ulit, baby. Sabi ko naman sa’yo, uuwi si Mama agad pagdating ng Sabado. Bibilhan pa kita ng paborito mong kendi at kwento tayo bago ka matulog, di ba?”

Tumingin siya sa akin at nanginginig pa rin ang boses. “Mama, huwag ka pong magtatagal, ha? Hihintayin po kita sa may gate tuwing hapon.”

“Promise, uuwi si Mama,” sagot ko nang malambing.

Niyakap ko pa si Aiden nang matagal at mahigpit bago ko hinarap ang aking mga magulang at hinawakan ang kanilang kamay. Bahagya akong ngumiti kahit mabigat ang loob. “Sige na po, Ma, Pa… aalis na ako. Ingat po kayo rito at bantayan ninyo nang mabuti si Aiden para sa akin.”

“Mag-iingat ka rin diyan, anak. Huwag kang matakot, nandito lang kami palagi,” paalala ni Mama habang pinupunasan ang sarili niyang luha.

Binitawan ko ang pagkahawak ko sa kamay nila upang kunin ang mga gamit ngunit bago ko pa man makuha ang aking maleta, ay bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses na tumawag sa akin mula sa kalsada.

“Atasha.”

Nanlaki ang aking mga mata at biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa isang iglap. Mabilis akong lumingon at doon ay nakita ko si Ethan na nakasandal sa gilid ng isang mamahaling itim na sasakyan, nakatitig nang diretso sa akin na parang kanina pa naghihintay. Hindi ko inaasahang siya pa ang pupunta mismo rito para sunduin ako.

Pero bago pa man ako makabawi sa gulat o makasagot sa kaniya ay narinig ko ang malakas at malinaw na tanong na lumabas mula sa malambing na bibig ng aking anak habang nakatingin nang matagal kay Ethan na may halong pagkamangha at kuryosidad sa kaniyang mukha.

“Mama… siya po ba ang Papa ko?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 8

    Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 7

    Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 6

    Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 5

    Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 4

    Lumipas ang isang buong linggo mula noong pumirma ako sa kontrata. Pitong araw na pananatili sa loob ng mansyon, pitong araw na pagsunod sa mga utos ni Ethan at pitong gabing pagnanais na makauwi na lang ulit. Ngayong Sabado, sa wakas ay pwede na akong umuwi gaya ng pangako ko kay Aiden na dadalhin ko siya sa amusement park na matagal na niyang hinihiling.Habang papalapit ako sa aming bahay, hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping makikita ko na agad ang anak ko. Pero nang buksan ko ang pinto at pumasok, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang bagay na inaasahan kong hindi mangyari, iyon pa ang sumalubong sa paningin ko.Nakaupo si Ethan sa aming wooden sofa at sa kanyang kandungan ay nakaupo at masayang-masaya si Aiden. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ng dalawa habang may hawak na laruan ang bata na tila ibinigay pa ng lalaking iyon.Agad na napalingon sa akin si Ethan. Ang kislap ng saya sa kaniyang mga mata habang kausap ang bata ay dahan-dahang napalitan ng seryosong titig, per

  • DEAL WITH THE BILLIONAIRE   CHAPTER 3

    Nakaupo ako sa passenger seat ng mamahaling sasakyan ni Ethan, katabi ko siya na tahimik na nagmamaneho. Sa unang ilang minuto ng biyahe ay balot na balot kami ng katahimikan at tanging ang sarili ko na lang na paghinga ang naririnig ko sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Kahit sa kalsada lang siya nakatingin, hindi ko pa rin mapigilang mabalisa.Huminga ako nang malalim at pinipilit na pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang tanong ni Aiden kanina bago kami umalis. Ang inosenteng boses ng aking anak na tinanong kung si Ethan ba ang kaniyang ama. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at hiya sa harap ng lalaking kasama ko ngayon.Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya para kausapin siya. "Ethan..." panimula ko at nakita kong bahagya siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Pasensya ka na sa sinabi ni Aiden kanina... alam mo na bata, uh madalas magtanong ng kung ano-ano. Huwag mo na lang sanang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status