LOGINLumipas ang isang buong linggo mula noong pumirma ako sa kontrata. Pitong araw na pananatili sa loob ng mansyon, pitong araw na pagsunod sa mga utos ni Ethan at pitong gabing pagnanais na makauwi na lang ulit. Ngayong Sabado, sa wakas ay pwede na akong umuwi gaya ng pangako ko kay Aiden na dadalhin ko siya sa amusement park na matagal na niyang hinihiling.
Habang papalapit ako sa aming bahay, hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping makikita ko na agad ang anak ko. Pero nang buksan ko ang p***o at pumasok, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang bagay na inaasahan kong hindi mangyari, iyon pa ang sumalubong sa paningin ko. Nakaupo si Ethan sa aming wooden sofa at sa kanyang kandungan ay nakaupo at masayang-masaya si Aiden. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ng dalawa habang may hawak na laruan ang bata na tila ibinigay pa ng lalaking iyon. Agad na napalingon sa akin si Ethan. Ang kislap ng saya sa kaniyang mga mata habang kausap ang bata ay dahan-dahang napalitan ng seryosong titig, pero nanatili siyang nakaupo. Sa kabilang banda, nang makita naman ako ni Aiden ay bakas ang labis na tuwa sa kaniyang mukha. Mabilis siyang bumaba mula sa kandungan ni Ethan at tumakbo palapit sa akin para yakapin nang mahigpit ang aking mga binti. “Mama! Mama!” masayang sigaw niya habang namumula ang mga pisngi sa excitement. “Namiss po kita nang sobra! Ang tagal mo po nawala, akala ko hindi ka na uuwi! Kanina pa po ako naghihintay sa labas, sabi nina Lolo darating ka na raw!” Lumuhod ako para yakapin siya nang mahigpit at hinalikan ko ang kaniyang noo. Pero pag-angat ng tingin ko ay muli kong nasalubong ang malalim na titig ni Ethan na nanatili lang na nakaupo. Bahagya kong binitawan si Aiden nang muli itong magsalita na parang nagniningning ang mga mata sa saya. “Mama… sabi po ni Papa Ethan, pupunta raw po tayo sa malaking amusement park ngayon! Totoo po ba ang sinabi niya? Pwede na ba tayong umalis?” Ngumiti ako sa bata kahit ang loob ko ay puno ng pagtataka at inis. “Oo naman, anak. Bakit hindi ka muna mag-ayos ng sarili mo at magsuot ng magandang damit? Bilisan mo ha, baka maabutan tayo ng ulan.” Tumango siya nang mabilis at tumakbo papasok sa kanyang kwarto habang sumisigaw sa tuwa. Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ay agad akong humarap kay Ethan. Tumayo siya nang dahan-dahan, nakasuot ng plain polo shirt na tila handa na rin sa paglabas. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin bago ako mabilis na lumapit sa kaniya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito? Sino ang nagsabing pwede kang pumunta dito nang walang paalam? Hindi mo ba alam kung paano magtanong?” Nanatiling kalmado si Ethan kahit halatang ramdam niya ang galit sa boses ko. “Atasha, you must have forgotten something. Who gave me permission to come here? I don’t need your permission, because I own this land and everything around it.” Isang mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi nang sabihin niya iyon. "Wala akong pak-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang p***o ng kwarto at lumabas si Aiden na nakasuot na ng kanyang paboritong damit at hawak hawak pa ang kanyang maliit na sombrero. “Papa Ethan! Tapos na po ako! Pwede na ba tayong umalis?” sigaw niya sabay takbo ulit palapit sa lalaki. Walang pag-aalinlangang binuhat siya ni Ethan nang mataas dahilan upang tumawa nang malakas ang bata. “Of course, baby. Well… if your mother permits us, that is.” Sabay nilang ibinaling ang tingin sa akin. Nakanguso si Aiden habang nakatingin nang may pagmamakaawa sa kanyang mga bilugang mata. “Mama, please po? Payag ka na po, ha? Gusto ko na pong mag-ride sa sasakyan at kabayo, eh!” Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at pilit na ngumiti. “Sige na, sige na. Tara na.” Sa loob ng sasakyan ay tahimik lang ako habang ang dalawa ay magkausap. Pagdating namin sa amusement park ay lila lalong sumigla si Aiden. Halos lahat ng makikita niyang rides ay gusto niyang sakyan. Habang naglalakad kami ay nakamasid lang ako sa kanila, kitang-kita ko kung paano hawakan ni Ethan ang kamay ng bata, kung paano niya ito alalayan, at kung paano sila magtatawanan nang sabay. Una nilang sinakyan ang Carousel kung saan ay masayang kumakaway si Aiden habang umiikot. Sumunod naman ay ang Bumper Cars kung saan nagtutulakan pa sila nang mahina habang tumatawa nang malakas. Sinubukan din nila ang Mini Viking Ship, Kiddie Ferris Wheel, at ang Frosty Train na umiikot sa buong park. Pumasok pa sila sa malawak na Kids Playland kung saan maraming slide at malalambot na bola. Kitang-kita ko sa mukha ni Aiden ang labis na kasiyahan, isang bagay na bihira kong makita nang ganito noong kami lang dalawa. Nang mapagod na sila sa paglalaro ay dumiretso kami sa isang restaurant para kumain. Masayang ikinuwento ni Aiden ang lahat ng kaniyang naranasan habang kumakain. Pagkatapos ng tanghalian ay lumipat naman kami sa sikat na ice cream parlor kung saan bumili si Ethan ng malalaking baso ng ice cream na punong-puno ng toppings. “Happy ka ba, anak?” tanong ko habang pinupunasan ang gilid ng labi niyang nabahiran ng tsokolate. Tumango siya nang mabilis habang sumusubo. “Opo, Mama! Sobrang saya! Marami po kaming sinakyan, lalo na 'yung umiikot nang mabilis! Pwede pa po ba akong maglaro ulit bago tayo umuwi?” “Oo naman, basta huwag ka lang masyadong magpagod—” Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay biglang lumingon si Aiden kay Ethan na nakaupo sa kabilang tabi niya. Tumingala siya nang may matamis na ngiti at naglambing sa kaniya. “Papa Ethan… pwede po ba kayo na lang ang maging tunay kong Papa? Gusto ko po makasama ko kayo palagi!” Natigilan ako sa kinauupuan ko. Halos mabitawan ko ang hawak kong kutsara sa tindi ng gulat. Mabilis akong tumingin kay Ethan upang makita ang kaniyang reaksyon. Sa halip na magulat o tumanggi, ngumiti lang siya nang malawak at marahang kinurot ang matambok na pisngi ng bata. “Of course, baby. If that’s what you want, then I’ll be your Papa.” “Yehey! Salamat po, Papa!” masayang sigaw ni Aiden sabay yakap sa braso ni Ethan. Sa sandaling iyon, nagkatitigan kaming dalawa ni Ethan. May kakaibang kislap sa kaniyang mga mata, isang bagay na hindi ko maintindihan kung nagbibiro lang ba o may ibang ibig sabihin. Mabilis ko namang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon at pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso ko. Marami pa kaming sinakyan at pinuntahan. Hanggang sa lumubog ang araw at sumindi ang mga ilaw sa buong park ay nanatili kaming tatlo. Nang huli na ang gabi at pagod na talaga si Aiden ay nagpasya na kaming umuwi ngunit hindi sa aming bahay, kundi sa mansyon ni Ethan. “You’re staying here tonight,” seryoso niyang sabi noong iminungkahi ko na iuwi na lang namin ang bata sa bahay namin. “He’s already exhausted. I don’t want him being disturbed on a long drive back to your place. Just let him rest comfortably here.” Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. Pagdating sa mansyon, dinala namin si Aiden sa mismong kwarto ko. Marahang inihiga ni Ethan ang bata sa malambot na kama, habang ako naman ay tinatakpan ito ng kumot. Pagkatapos asikasuhin ang anak ay tiningnan ko siya habang nag-aalangan. “S-salamat nga pala sa araw na ito. At saka… pasensya ka na ulit sa sinabi ni Aiden sa ice cream parlor. Huwag mo na lang sanang seryosohin 'yon. Alam mo naman ang mga bata kung ano-ano lang ang nasasabi. Kakausapin ko na lang siya bukas para hindi na niya ulitin.” Agad na umiling si Ethan sa malamig na boses. “No need to do that, Atasha.” Kumunot ang noo ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “I mean, you don’t have to correct him. Can’t you see how happy the kid is when he calls me his father? He’s been smiling and laughing more today than I’ve ever seen him in just a few hours. Why take that away from him?” Natameme ako sandali. Hindi ko agad makasagot. Tama naman siya, nakita ko rin ang tuwa sa mukha ni Aiden, pero paano ko ipapaliwanag ang katotohanan sa hinaharap? Tumalikod ako sa kaniya para itago ang gulo ng isip ko na siguradong bakas sa aking mukha. “G-ganoon ba? Good night, Ethan.” Bago ko pa man balikan ulit si Aiden ay tinawag niya ang pangalan ko. “Atasha.” Mabilis akong lumingon sa kaniya, ngunit sa halip na salita ay ang kaniyang mga labi ang marahang dumampi sa akin. Nanigas ako sa gulat at hindi agad nakagalaw. Nanlaki ang aking mga mata, ngunit ilang sandali ang lumipas ay dahan-dahan ko ring ipinikit ang mga ito at nagsimula akong tumugon sa kaniyang halik. Kusang kumapit ang aking mga kamay sa kaniyang mga balikat, habang ang kaniyang mga braso naman ay marahang pumulupot sa aking bewang at hinila ako palapit sa kaniya. Parang tumigil ang oras sa paligid namin. Nakalimutan ko ang gulo ng isip ko kanina at maging ang lugar kung nasaan kami, tanging ang kaniyang labi lang ang nararamdaman ko. Ngunit bago pa man tuluyang lumalim ang sandaling iyon ay agad kaming natigilan nang marinig ang mahina at inaantok na boses ni Aiden mula sa kama. “Mama… Papa… bakit po kayo nagki-kiss?”Mula noong nag-usap kami kagabi ay ibang‑iba ang trato niya sakin ngayon. Naging maayos at magaan ang pakikitungo ni Ethan sakin. Hindi siya nagbigay ng maraming gawain at hindi rin siya naghanap ng mali sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay parang mas mabait siya sa akin ngayong araw. Nakaupo ako sa table ko sa loob ng opisina nang biglang may malakas na katok sa pinto ang narinig ko. Dali-dali akong tumayo agad at lumabas para buksan ito. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo roon. Matangkad siya kaunti sakin, dahil siguro nakasuot siya ng mataas na heels. Nakasuot siya ng red sleeveless mini-dress na sobrang hapit sa kurba ng katawan niya at halos luluwa na ang dibdib niya sa pagkahapit ng dress. Siya ‘yung babaeng nakabangga sakin noon sa loob ng office ni Ethan. “Where’s Ethan? Let me see him.” Wika niya at umambang papasok.“Excuse me, Miss. Bawal pumasok dito kung walang appointment,” sabi ko
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita si Ethan na nakatayo sa likuran namin. Hindi ko alam kung gaano katagal na siya roon at kung ano ang eksaktong narinig niya sa usapan namin ni Melva. Bago pa man ako makabuo ng kahit isang salita para sumagot, biglang tumayo si Aiden sa kinauupuan niya at mabilis na tumakbo palapit sa kanya habang sumigaw nang malakas at masaya. “Papa! Papa!” Agad siyang yumuko at binuhat ang bata nang dahan‑dahan. Kahit kanina ay seryoso at matalim ang tingin niya sa amin, biglang lumambot ang buong mukha niya nang makita si Aiden. Hindi niya napigilang mapangiti nang totoo habang nakatingin kay Aiden. “Did you miss me that much, little one?” tanong niya nang malumanay habang hinahaplos nang dahan‑dahan ang buhok ni Aiden. “Opo! Sobrang sobra po!” sagot agad ni Aiden sabay yakap nang mahigpit sa leeg niya. Pagkatapos ay hinalikan niya nang malakas ang pisngi ni Ethan. “Papa… nami‑miss
Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,
Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa
Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin
Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi







