LOGIN
“Sir Xavier, delikado pa ang lugar ng aksidente. Hindi po kayo puwedeng pumasok! Nakipag-ugnayan na po kami sa rescue team. Darating na ang ambulansya anumang sandali.”
“Sir Xavier…” “Umalis kayo sa harapan ko! Kapag may nangyari sa kanya dahil sa pagkaantala, sisiguraduhin kong mananagot kayong lahat!” ***** Sa gitna ng nag-uumapaw na ingay, isang galit na sigaw ang dahan-dahang gumigising kay Mayumi Santillan mula sa kawalan ng malay dulot ng car accident na kanyang kinasasangkutan. Pinilit niyang imulat ang mga mata at nakita ang isang pamilyar na pigura na tumatakbo palapit sa kanya, para itong diyos na bumababa mula sa kalangitan. Napuno ng luha ang kanyang mga mata dahil sa galak. Naipit siya sa nakataob na sasakyan, hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang naroon. Akala niya ay hindi na darating si Xavier. Bago ang aksidente, nagkaroon sila ng pagtatalo. May plano sana silang magkita sa kumpanya noong gabing iyon, pero biglang kinansela iyon ni Xavier matapos makatanggap ng tawag sa telepono kinaumagahan, at simula noon ay hindi na nito sinasagot ang lahat ng tawag niya. Nang mangyari ang aksidente, ginamit niya ang huling natitirang baterya ng kanyang cellphone upang ipaalam kay Xavier ang nangyari sa kanya. Inakala niya, gaya ng dati, na babalewalain na naman nito ang message niya… but he is here now, ready to save him. “Hang on, baby. Daddy is here…” sabi niya habang hinihimas ang umbok sa kanyang tiyan. Napatingin siya sa dugong patuloy na umaagos sa mga binti niya. She is scared, of course, pero konting panahon na lang ay mare-rescue na siya. Nahihilo na siya sa pagkawala ng maraming dugo sa kanyang katawan, pero konting minuto na lang ang hihintayin niya. Gusto niyang sumigaw at tawagin ang pangalan ni Xavier, pero natuyot na ang kanyang lalamunan kaya’t walang tunog na lumalabas.Pero hindi na iyon mahalaga, ang importante ay natagpuan na siya ni Xavier. Marahan niyang inangat ang braso at pilit na kumaway… Ngunit sa kanyang pagkabigla ay nilampasan siya ni Xavier. Ni hindi man lang ito huminto at nagpatuloy sa paglalakad. Naguluhan siya, napagkamalan ba ni Xavier na ibang tao siya? Hindi niya kasi minamaneho ang kotseng pag-aari ng pamilyang Valerio sa araw na iyon. Ginamit iyon ng hipag niya. Ang kotseng dala niya ay regalo ng kanyang ina. Bihira niya iyong gamitin kaya normal lang na hindi ito nakilala ni Xavier. Wala na siyang oras para mag-isip ng kung ano-ano. She tried calling his name to get his attention… pero wala. At dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo sa kanyang binti, naubos na ang kanyang lakas. Maging ang pagsasalita ay hindi na niya magawa. Hindi siya narinig ni Xavier. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa marating ang puting kotse na naging sanhi ng aksidente. Bago pa man siya makapag-react, binuksan nito ang pinto at kinarga ang isang nanginginig na babae. Ang babae ay nakasuot ng mahabang coat, payat at sopistikada, may nakakabighaning ganda na agad na makukuha ang atensyon ninuman. Nang makita niya ang mukha nito, pakiramdam niya ay nahulog sya sa isang nagyeyelong bangin. The girl is no other than Xavier’s first love… Ysabel Cortez! Bigla niyang naalala kung paano biglang lumiko ang kotseng sakay nito kanina. Hinahabol siya na parang baliw. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makaiwas. Ang kotse nito ay nasa gilid ng kalsada, samantalang ang sa kanya ay nakataob. Pero bakit parang ito pa ang mukhang kawawa? At ang sarili niyang asawa ay yakap-yakap ang ibang babae, samantalang siya ay halos nag-aagaw-buhay na! Hindi nya lubos maisip kung bakit biglang umuwi ng bansa si Ysabel, ang alam niya ay nasa abroad ang dalaga. At bakit tila nagkataon naman na si Ysabel pa ang bumangga sa sasakyan niya? Iwinaksi niya ang mga naisip. Ang mahalaga ngayon ay ma-rescue siya at ang kanyang anak. Habang pilit niyang kinakatok ang bintana, napansin ng isa sa mga bodyguard ni Xavier ang paggalaw sa loob ng sasakyan niya. Mukhang nakilala nito ang kotseng gamit niya. Muli siyang sumigaw, pero wala pa ring boses na lumalabas sa bibig niya. “Sir, may tao pa po sa loob ng sasakyang iyon!” narinig niyang sigaw ng bodyguard ni Xavier. ***** Napalingon si Xavier Luis Valerio sa kotse na itinuro ng kanyang bodyguard. Ang babaeng nasa loob ay puno ng dugo at patuloy pa sa pagdurugo. Pero sa kabila ng dugong bumabalot sa mukha nito ay tila pamilyar ang babae sa kanya. Natigilan siya, akmang lalapitan ang kabilang kotse, nang biglang umungol sa sakit ang babaeng hawak-hawak niya… si Ysabel Cortez. Bigla siyang nataranta. “Nasugatan si Ysabel! Dalhin natin siya sa ospital!” sigaw niya sa kanyang mga bodyguard. “Pero, sir… paano ang babae sa kabilang kotse?” Hindi na nito tinuloy ang sasabihin dahil sa takot sa kanyang mga titig. Wala itong nagawa kundi sumunod sa utos nya. “Sige po, sir… tara na po sa ospital…” sambit nito. **** Walang habas na tumutulo ang mga luha ni Mayumi. Wala siyang nagawa kundi panoorin si Xavier na sinulyapan lang siya bago muling naglakad pabalik sa kotse nito at buhat-buhat si Ysabel. “Xavier! Iligtas mo ako! Iligtas mo ang anak natin!…” Inubos niya ang buong lakas sa pagsigaw, pero hindi pa rin iyon sapat. Walang kahit sinong pumansin sa kanya. Mabilis na umarangkada ang sasakyan ni Xavier, karga si Ysabel sa loob. Wala na siyang nagawa kundi panoorin habang unti-unting naglalaho ang kotse papunta sa malayo. Pilit niyang nilalabanan ang pag-pikit ng mga mata kahit pa matinding sakit at kirot na ang nararamdaman sa buo niyang katawan. Nang hindi na niya nakayanan, dumilim ang lahat sa paligid at muli siyang nawalan ng malay.Hindi na niya kailanman mababayaran ang lahat ng ginawa ni Christian para sa kanya. Paulit-ulit siyang iniligtas nito. Paulit-ulit nitong isinugal ang sariling buhay. At ngayon... ito naman ang mamamatay dahil sa kanya.Kung may susunod mang buhay, ipagdarasal niyang muli silang magkita. At sa pagkakataong iyon... siya naman ang magpoprotekta rito, siya naman ang magbabayad sa lahat ng kabutihang natanggap niya.Ngunit bago pa tuluyang makalabit ni Steven ang gatilyo... isang malamig ngunit nagmamadaling boses ang biglang umalingawngaw sa buong lugar."Hindi siya patay! Buhay pa si Monica."Biglang natigilan ang lahat. Kasabay ng paglamig ng hangin sa paligid, napahinto ang daliri ni Steven sa gatilyo.Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mayumi. Dahan-dahan siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng poste, dalawang pamilyar na pigura ang mabilis na naglalakad palapit... Si Kiel Blaze kasama si Miranda Sager.Pareho silang hinihingal na tila nagmada
Unti-unting namula ang kanyang mga mata. Mahigpit niyang kinuyom ang kamay sa loob ng bulsa. Doon... naroon ang malamig na bakal na ibinigay ni Christian... ang huling alas, ang huling pag-asa."Nasaan si Monica?" Mababa, malamig at mapanganib na tanong ni StevenMariing nagtagpo ang kanilang mga mata. Huminga nang malalim si Mayumi. Mahigpit niyang itinikom ang kanyang mga labi bago tuluyang nagsalita."Patay na siya."Isang iglap. Biglang nanigas ang mukha ni Steven."Kung hindi ka naniniwala..." Dahan-dahang isinuksok ni Mayumi ang kanyang kamay sa bulsa. "May ebidensya ako ng pagkamatay niya."Hindi niya inalis ang tingin kay Steven. Hindi siya kumurap, hindi rin siya nagpahalata. Sa unang pagkakataon... nakita niyang nabasag ang malamig na ekspresyon nito.Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Monica, laging nawawala ang pagiging maingat ni Steven... at iyon mismo ang hinihintay niya."Ano'ng ebidensya---"Hindi na niya hinayaang matapos pa ito. Sa isang mabilis na galaw... binun
Malakas na bumagsak ang kanyang katawan sa malamig na sahig. Napangiwi siya sa sakit, ngunit wala siyang pakialam. Ang mga mata niya ay nakapako lang kay Christian.Samantala, dahan-dahang ikinuyom ni Christian ang kanyang mga kamao. Kumikirot ang bawat ugat sa kanyang katawan. Isang suntok lang... alam niyang kaya niyang gumanti, ngunit nang marinig niya ang sigaw ni Mayumi at makita itong nakaluhod sa sahig, unti-unti niyang niluwagan ang kanyang mga kamao.Hindi siya maaaring magsimula ng laban ngayon... hindi habang nasa panganib pa si Mayumi. Bahagya siyang ngumiti kahit may dugo na ang kanyang mga labi."Steven..." paos niyang sambit. "Matagal na tayong hindi nagkita. Kailangan ba talagang sa dahas agad magsimula?"Walang anumang emosyon ang mukha ni Steven. Hindi ito sumagot, sa halip isa na namang napakalakas na suntok ang dumiretso sa mukha ni Christian... mas mabigat, mas malupit at puno ng galit.Tuluyang nawalan ng balanse si Christian. Napasuray siya paurong bago bumagsak
Noong mga panahong namalagi sila sa mansion, siya mismo ang nagturo kay Mayumi kung paano humawak ng baril.Una, tamang paghawak, pagkatapos, tamang pagtayo, paano kontrolin ang paghinga, paano pigilan ang panginginig ng kamay. At higit sa lahat, paano umasinta nang hindi nagpapaalipin sa takot.Hindi siya kailanman gumamit ng totoong baril sa mga unang ensayo, puro training pistol lang. Hindi dahil duda siya sa kakayahan ni Mayumi, kundi dahil ayaw niyang mabigla o matrauma ito sa lakas ng putok at bigat ng responsibilidad na kaakibat ng isang tunay na armas.Ngunit mabilis matuto si Mayumi, mas mabilis pa kaysa sa inaasahan niya. Matalino ito. Kalmado kapag nag-aaral. At kapag naituro na ang isang bagay, minsan lang kailangang ulitin. Kaya naniwala siyang darating ang araw na kaya na nitong humawak ng totoong baril.Hindi niya lang inakalang ang araw na iyon ay darating sa ganitong sitwasyon, sa mismong pagkakataong nakataya ang kanilang mga buhay.Nanatiling kalmado ang boses ni Ch
Ilang beses na niyang narinig ang mga bulung-bulungan na si Steven ay isang baliw, na kaya nitong pumatay nang hindi kumukurap, na mas gugustuhin pa nitong sirain ang isang tao nang dahan-dahan kaysa bigyan ito ng mabilis na kamatayan, na ang sinumang nagtaksil dito ay mas mabuting mamatay na lang kaysa mapunta sa mga kamay nito.Narinig na ni Christian ang lahat ng iyon. Ngunit ni minsan hindi niya naranasan ang kilabot na sinasabi ng lahat.Hanggang sa gabing iyon... sa mismong sandaling bumaba si Steven mula sa sasakyan. May ibang bagay ang naramdaman ni Christian... Isang bahagyang panginginig. Hindi mula sa sarili niya, kundi mula sa kamay na mahigpit na nakakapit sa kanyang palad.Unti-unti niyang ibinaba ang kanyang tingin, at doon niya nakita si Mayumi... namutla ang mukha nito na tila nawalan ng dugo. Manipis na manipis ang pagkakakuyom ng kanyang mga labi. Hindi man lang ito kumukurap, nakapako lang ang mga mata nito kay Steven.Mula nang lumitaw ang lalaki, parang naging al
Unti-unting sumikip ang dibdib ni Mayumi. Alam niyang naroon lang ang dalawang babae dahil sa pakiusap ni Christian na bantayan siya.Subalit sa mga sandaling iyon, hindi na obligasyon ang nakita niya sa kanilang mga mata kundi tunay na pag-aalala. Sa loob ng maraming taon niyang pananatili sa Maynila, sanay na siya sa mga taong nangmamaliit at nangungutya sa kanya. Itinakwil siya ng pamilya Santillan, tinanggihan siya ng lalaking minsan niyang pinakamamahal... si Xavier Valerio.Sa mundong ginagalawan niya, ang halaga ng tao ay nakabase lang sa pangalan, kapangyarihan, at estado sa lipunan. Ngunit sina Grace at Patricia... iba sila. Hindi nila siya hinusgahan. hindi nila siya ginamit. Tinanggap nila siya bilang isang tunay na kaibigan.Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata. At sa dilim... isang mukha ang malinaw na lumitaw... Si Christian Sager.Naalala niya ang araw na walang pag-aalinlangan itong tumalon sa bangin upang sundan siya. Naalala niya ang gabing nilalagnat it
Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah
Sinuri siya ni Ysabel mula ulo hanggang paa at napaismid. “Mayumi, nakita mo naman noong nakaraan sa mansion kung paano ka ipinagtabuyan ni Xavier. Hindi ka pa nadadala? Wala ka na sa puso ni Xavier. Hindi ko inasahang susubukan mo pa ring gumamit ng kung anu-anong paraan para mapalapit sa kanya. H
“Nabalitaan mong magbabakasyon kami at sinundan mo kami rito nang sadya, hindi ba?” inis na sabi ni Stephanie sa kanya. Maaaring wala na itong maisip na dahilan kung bakit naroon rin siya sa airport.Sa loob ng maraming taong nanirahan siya sa bahay ng Valerio na parang ibong nakakulong sa hawla. W
DONYA CORAZON POV:Pagkaalis ni Mayumi ay maingat niyang binuksan ang regalo nito sa kanya. Sa loob nun ay isang lumbar pillow.Napangiti siya nang makita ang regalo ni Mayumi, matagal nang masakit ang kanyang likod, marahil dahil na din sa katandaan. Madalas niya itong hilutin lalo na kung matagal







