Home / Romance / DYING TO HOLD YOU / HOLD YOU TEN: RUSH

Share

HOLD YOU TEN: RUSH

Author: Iza Wan
last update publish date: 2026-06-08 12:00:33

“Do you know what you did in there, Claudine Reign?” Seryoso ang tingin ni Rinoah sa anak na babaeng nakatungo ang ulo habang nakaupo sa gilid ng kama kaharap siya. At kapag ganoong tinawag niya sa kumpletong pangalan ang mga anak, ibig sabihin ay may nagawang kasalanan ang mga ito. “And you know that I don't like what you did.” Saka lang niya nalaman ang nangyari sa opisina ni Joaquin matapos ang dinner nila kasama si Alma. Hindi agad iyon sinabi sa kaniya ng kaibigan dahil ayaw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Darling Lelis
hay naku na lng...load lng ang kulang para laging update sa mga chapter....
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Kainis nga hihi
goodnovel comment avatar
Norma Cadalso Rodriguez
Oh no... Ayan na magkalapit na Naman Sila muli Ng childhood friend Niya...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY-ONE: PAMPERED

    FridayInaya ni Alma ang mga bata na mag-swimming, kaya tuwang-tuwa naman ang dalawa habang tinatapos ang agahan.Hindi alam ni Rinoah kung ano'ng oras darating si Joaquin dahil wala naman itong sinabi. Basta dadalaw raw ito. Siguro magpapaiwan na lang siya para hintayin ang pagdating nito, at susunod na lang sila.Nakabihis na ang kambal ng damit pang-swimming at pinatungan na lang ng towel robe. Nasa sala na sila at hinihintay na lang si Alma na may kinuha sa kwarto nito nang may mag-doorbell.Bumuntonghininga muna si Rinoah nang makita mula sa peephole kung sino ang nasa labas. Ang aga naman ng lalaking 'to. Binuksan niya ang pinto.“Good morning,” naunang bati ni Joaquin saka siya tinulalaan.“Morning. Sorry, I didn't expect you this early. Magsi-swimming ang mga bata kasama si Alma,” naaligaga niyang sagot. Hindi pa man din siya nakakapagpalit ng maayos na damit, mabuti na lang at nakapagsuot siya ng bra!Maluwag niyang binuksan ang pintuan para papasukin ang tatlo.“Good morning

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU THIRTY: BREAKDOWN

    Malalim na ang gabi ngunit hindi makatulog si Rinoah. Kanina pa niya iniisip kung paanong kakausapin si Joaquin kinabukasan. Pupunta ito. Ang paalam nito, dadalaw ito. Dadalawin nito ang mga bata. Hindi pa rin siya sigurado kung tama nga ang hinala nila ni Alma—na si Joaquin nga ang lalaking naka-one-nightstand niya at siyang ama ng mga anak niya. But the way he acted with the twins from being confused to being so sure, umaakto na itong ama ng mga bata. Bumuntonghininga siya. Nilingon niya ang kambal na malalim nang natutulog sa tabi niya. Paniguradong napagod ang mga ito sa maghapong nasa labas kasama si Joaquin. Si Joaquin... Si Claudio Joaquin Alonzo Rivero. Kung ito nga ang ama ng mga anak niya—hindi ito basta isang gigolo lang. Walang gigolo na kayang magpasara ng amusement park para lang malayang makapaglaro ang mga anak niya kasama ito nang hindi pinuputakti ng fans nito. At kung kukunin nito ang custody ng mga bata... may posibilidad na ilayo nito ang mga anak niya. Is

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWENTY-NINE: ARM ON HER WAIST

    “Sows, happy wife 'yarn?” Nakangisi si Alma habang papalapit sa kaniya si Rinoah. “There, may family picture na kayo. Pa-billboard natin?” nang-aasar na ipinakita niya ang mga picture na kuha sa cellphone niya. Wala siyang pinalampas habang walang kamalay-malay ang kaibigan niya sa mga pakulo ni Joaquin makuhanan lang niyang nakangiti si Rinoah, at kinikilig siya, my ghad! Nakalabing inisa-isa ni Rinoah ang mga kuha nila. Wala namang kakaiba. Obvious nga ang pagkailang niya, naninigas siya sa kinatatayuan. Pero sa mga sumunod na litrato, bahagya nang napaawang ang mga labi niya. Kuha iyon kung saan tumingin siya kay Joaquin na nakatingin din sa kaniya. That was when Joaquin jokingly asked who's better for Alma, was it Billy or Rocky. Pero hindi iyong tinginan nila ni Joaquin ang napansin niya, kundi ang kaliwang kamay nito na nasa baywang niya. Did he just... hold her on her waist? Hindi niya iyon naramdaman. Inilipat niya ang litrato para tingnan ang sumunod.

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWENTY-EIGHT: FAMILY PICTURE

    Buong akala ni Rinoah, pagkatapos nilang kumain sa fastfood na may iconic giant bee ay makakauwi na sila. Pero hayun at naroon sila sa amusement park sa isang mall sa Ortigas. Nasa Mary-Go-Round Carousel sina Joaquin at ang kambal, habang nakabantay sa tatlo si Rocky. T'wing tatapat sa kinatatayuan nila ni Alma ang carousel na sinasakyan ng apat ay kumakaway sa kanila ang dalawang bata. “Umamin ka nga, Mii, ano'ng nangyari kanina?” tanong ni Alma habang nasa harapan ang tingin. “Walang nangyari sa 'min.” Napalingon si Alma kay Rinoah dahil ang defensive ng sagot ng kaibigan. Naniningkit ang mga mata niya habang pinag-aaralan ang mukha nito. At lalo siyang nagduda nang mamula ang buong mukha ni Rinoah pati ang kanang tainga nito. “Bakit pulang-pula ka?” kastigo niya rito. “Mainit.” Iwas na iwas si Rinoah na lingunin si Alma. “Leshe, iyan din sinagot ni Joaquin kanina.” “E, sa mainit naman talaga.” “Whateveh!” Umirap si Alma. Ibinalik niya ang t

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWENTY-SEVEN: CLAIMED

    “Where's my mom?” Nahimasmasan si Rinoah sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon ni Claude na hinahanap siya. And knowing her son hadn't seen her after Joaquin left her in this room... nagmamadali niyang inayos ang sarili. Sinapo niya ang magkabilang pisngi dahil pakiramdam niya ay nangangamatis ang mga iyon. Hinagod niya ng mga daliri ang buhok saka siya bumuga ng hangin bago niya nilapitan ang pinto. Paglabas niya, agad niyang nasalubong ang nag-aalalang tingin ng anak niyang lalaki na akala mo ay na-murder siya kahit naroon lang ang mga ito sa labas. Nilampasan lang nito si Joaquin na yapos-yapos ang babae niyang anak at tumakbo palapit sa kaniya. “Mommy!” bulalas nito sabay yapos sa baywang niya. “Hey, what's wrong?” “Did he make you cry?” balik tanong ng paslit. “Hmmm, no. Why would he?” “Why is your face so red then?” “Maybe your mom feels hot,” si Joaquin ang sumagot na ikinanlaki ng mga mata ni Rinoah dahil iba ang dating ng sagot ni

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU TWENTY-SIX: OH, SH*T, NOAH...

    Wala nang maatrasan si Rinoah, pero panay pa rin ang hakbang ni Joaquin palapit sa kaniya. Isang huling hakbang, halos magdikit na ang mga katawan nila. Nandidilat ang mga mata niya at halos hilingin niyang tumagos na lang siya sa pader na kinasasandalan habang ginigitgit pa ang sakong makalayo lang sa lalaking gusto na yatang okupahin ang personal space niya.“Do you want me to do something for you to remember it, Noah?” Mula sa mariing boses ni Joaquin kanina, bigla naman iyong lumambing na may halong babala.Itinaas na ni Rinoah ang mga kamay hanggang dibdib para ipangharang iyon sa katawan nang mas lumapit pa ang binata. “J-Joaquin,” nanginginig ang boses na awat niya rito.“Say my name properly, Noah.”“Ano bang problema mo?”“My problem? You are my problem, Rinoah Margarette Elizalde.”Iniiwasan niyang magtaas ng mukha para iwasang magdaiti ang mga mukha nila, kaya ang nandidilat niyang mga mata ay nasa leeg nito nakatingin. Panay ang galaw ng adam's apple ni Joaquin, habang siy

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU ELEVEN: BAD MORNING

    “BAKIT lilipat pa kayo ng tirahan? Malaki ang silid mo. Kung hindi ka pa rin sanay na may kasama, marami pang bakanteng kwarto sa itaas na p'wede mong ipagamit sa mga anak mo.” Saglit na tinapunan ng tingin ni Rinoah ang amang nakaupo sa kabesera ng dining table bago ibinalik ang

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU NINE: FATHERLESS

    HOLD YOU NINE: FATHERLESS “WHERE is she?” tanong ni Joaquin sa dalawang bodyguard matapos pasadahan ang pasilyo at hini na makita si Rinoah. Itinuro ni Rocky ang malinis na pasilyo, at kapwa pa sila natigilan nang biglang bumulalas ang babaeng paslit na galing sa bumuka

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU EIGHT: DADDY

    “What brings you here?” Hindi inaasahan ni Rinoah ang tanong na iyon ni Joaquin, akala niya may ideya na ito kung bakit siya naroon. Napalunok muna siya para lang alisin ang tila namumuong bara sa lalamunan niya bago sumagot. “About my s

  • DYING TO HOLD YOU   HOLD YOU FOUR: SPECIAL ABILITY

    “Miii! OMG, you're back for reaaaal!” Napangisi si Rinoah sa lakas ng boses ni Alma nang mabungaran sila pagbukas nito ng pinto ng condo unit nito. Agad siyang dinamba ng kaibigan para yakapin. Nang bitiwan ay inikot-ikot siya na para bang hindi kapani-paniwala na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status