LOGIN“Sandy...anong ginawa mo?” tanong ni Tonyo na hindi makapaniwala sa nakikita. Natigil kasi ang pakikipagbasag niya ng bungo dahil sa hiyaw at sigaw ng lalaking natapunan ng kumukulong mantika. Feeling ko nagka-third degree burn siya sa ginawa ko. Serves him right.
Paika-ikang naglakad papalapit sa’kin si Tonyo. Ang kaninang sugat niya ay nadagdagan na. May black eye na siya sa kaliwang mata niya. Ang sugat niya kanina sa gilid ng labi ay nadagdagan. Napailing na lang ako sa estado niya ngayon. Hindi nga ako nagkamali. Mabubugbog siya ngayon.
“Tinapon ko sa kaniya ang mantika sa kawali. Hindi ko naman alam na kumukulo na pala iyon,” inosenteng sabi ko na may halo ng pagsisinungaling. Aware naman ako na kumukulo talaga iyon. Gusto ko lang siya turuan ng leksyon.
Nilapitan nila ang lalaki na hindi magkamayaw kung anong gagawin. Sinunggaban na niya ang mga palamig sa isang bangketa at binuhos sa sarili ang mga cube ice sa thermoches.
“Ang tanga mo pre. Babae lang nakaharap mo pero ikaw pa ang napuruhan. Matanong nga kita. Lalaki ka ba talaga?”
“LALAKI AKO!” galit na sigaw ng lalaki at tumingin sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya na parang sinapian siya ng masamang espiritu. Geez, kung alam ko lang na ganito ito nakakatakot magalit, hindi ko na sana tinuloy ang binabalak ko. “AT PAPATUNAYAN KO IYAN SA BABAENG ‘YAN!” nanggagalaiting sabi niya sabay turo sa akin.
Napaatras ako ng kaunti kaya bumunggo ako kay Tonyo na nasa tabi ko. Anak ng pating. Kailangan na naming tumakas. Baka maaga kaming sunduin ni San Pedro.
“Sandy, umalis ka na. Iligtas mo ang sarili mo. Hindi ko sila kaya ng mag-isa. Baka hindi kita maipagtanggol ngayon,” bulong ni Tonyo pero hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya at tiningnan siya ng seryoso.
“Kung aalis ako, dapat kasama kita.”
Napabuntong hininga na lang si Tonyo sa sinabi ko. Seryoso naman talaga ako, eh. Kaibigan ko siya. Hindi ko siya iiwan sa kamay nila, kahit na mas malaki ang laban nila kumpara sa amin.
“Ang babagal niyo naman. Dalawa lang sila oh, hindi niyo pa makuha-kuha.”
Nilingon ko ang bagong dating at napataas na lang ang kilay nang makilala kung sino ito. It’s Eva, ang obsessed admirer ni Rico. Nagawa pa niya talaga kaming ipabugbog at ipapatay ako. Ang babaw talaga ng babaeng ito. Hello, si Rico lang ba ang lalaki sa mundo?
“Eva, bakit mo ito ginagawa? Alam mo kung paano magalit si Rico,” sabi ni Tonyo. Nakuha niya ang atensyon ni Eva kaya sa amin na siya nakatingin ngayon.
Ibang-iba siya sa Eva na nakilala ko noong unang araw ko pa lang sa Compound. Mas palaban ang Eva na kaharap ko ngayon. Mukhang maalam pa sa pakikipaglaban. Lugi yata ako sa lagay ko.
“Huwag kang mag-alala, Tonyo. Hindi kita gagalawin. Si Sandy lang ang pakay ko. Kaya huwag kang humarang sa daan ko,” sabi ni Eva at sumenyas sa mga kasama niya na kunin si Tonyo.
Nanlaban so Tonyo para hindi sila makalapit sa akin. Pero nakorner pa rin siya at inilayo sa akin. Ngayon, mag-isa na lang akong nakaharap kay Eva. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Gusto kong makita kung paano niya ako kalabanin.
“Scared now, Sandy?”
Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita ng Ingles. Akala ko hindi siya marunong magsalita no’n. Pero anong akala niya sa akin? Hindi rin marunong? Hinahamon niya ba ako ng Ingles?
“If I were you, just run if you don’t want to get hurt. Leave the Compound. Leave this place for once.”
Tsk...gusto niya lang masolo si Rico kaya niya ako pinapaalis. Pero sorry siya, walang pagtingin sa kaniya ang lalaking pinapantasya niya.
“If I were you, I’d stop that delusion. Because no matter what, the man you like will never notice you. Rico will never love you...not ever,” sagot ko at pinagkrus ang mga braso, pagkatapos ay nginitian siya.
Pero bigla niya na lang ako sinugod at sinabunutan. Natumba kami sa ginawa niya kaya nasa ibabaw ko siya ngayon. Walang tigil siya sa pagsabunot sa akin at pinagsasampal ako. Pilit ko naman siyang pinipigilan pero napapatigil din ako dahil kinakalmot niya rin ako.
Anak ng pating! Kapag ako nakabangon dito, ipiprito ko rin siya gaya ng ginawa ko sa lalaking iyon. Ang sakit ng pagsabunot niya ha. Mahapdi na rin ang mga braso ko dahil sa mga kalmot na natamo ko.
“Hindi ikaw ang nababagay kay Rico! Hindi ako papayag na sa iyo siya mapupunta! Not you, b*tch!” nanggigigil niyang sabi.
“Mas lalong hindi ka nararapat sa kaniya! Hindi bagay kay Rico ang babaeng eskandalosa at baliw!” ganti ko ring sigaw at sinuntok siya sa tiyan. Natigil siya sa ginawa ko kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para itulak siya palayo sa akin.
“Sandy...tumakas ka na!” rinig kong sigaw ni Tonyo.
Kaagad akong bumangon para tumakas na sana, pero bigla na lang akong bumagsak. Sa pagkakataong ito, namilipit na ako sa sakit. Parang nahulog ako galing sa taas sa sobrang sakit ng likod ko.
“Sandy! P*tangina niyo! Huwag niyong gagalawin si Sandy! Eva, itigil mo na itong kahibangan mo!”
“Hindi, Tonyo. Nagsisimula pa lang kami. ‘Di ba, Sandy?” sabi ni Eva at sinipa ang tiyan ako.
Lalo akong namilipit sa sakit dahil dala-dalawa ang sakit na nararamdaman ko. Hinampas niya ako sa likuran ng matigas na bagay. Ngayon naman, sinipa niya ako sa tiyan. Natatakot ako baka magsuka na lang ako ng dugo. Ayoko pa mamatay.
“Ano na, Sandy? Nasaan na ang tapang mo? Tinakasan ka na ba ng tapang mo?” tanong niya at sinipa na naman ako pero sa mga paa ko na.
Rico...nasaan ka na? Sabi mo poprotektahan mo ako mula kay Eva. Kailangan kita ngayon...
Lumapit sa akin si Eva at hinawakan ako sa buhok ko. Hinila niya ako paupo kaya napangiwi ako sa sakit. ‘Wag naman sana ang buhok ko, ang sakit!
“Hindi ka na sana nakilala ni Rico pa. Mukhang mababalo siya nang maaga,” sabi niya at humalakhak na parang natutuwa sa sinapit ko.
Asa naman siyang papatulan siya ni Rico. Managinip siya hanggang gusto niya. Kahit kailan hindi siya mapapansin ni Rico.
“Sinong nagsabi na mababalo kaagad ako?” sabi ng baritonong boses na galing sa pamilyar na tao.
“Rico!” tawag ni Tonyo, na ngayon ay nakawala na sa mga kamay ng kasama ni Eva.
Lumayo si Eva sa akin na tila natakot sa biglang pagdating ni Rico. Pero hindi ko na siya pinansin at nilingon na lang si Rico na seryosong nakatingin sa akin. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya o kung ano ang nararamdaman niya nang makita akong binubugbog. Pero sapat na sa akin na dumating siya. He saved me again.
“Rico...dumating ka.” Unti-unting nanlabo ang paningin ko, hanggang sa nawalan na ako ng malay. Pero bago ako mawalan ng ulirat narinig ko pa ang mga sinabi niya.
“Sino ang lapastangan na nanakit sa misis ko?”
“Ma’am Cassandra, ito na po ang egg pie na gusto niyo,” sabi ni Manang, saka nilapag sa table ang ni-request kong pagkain. Kuminang ang mga mata ko sa pagkaing nakahain sa akin.Finally, meron nang egg pie. Kahapon pa ako naghahanap nito kasi sobrang natatakam ako sa amoy nito. Mabuti na lang at ginawan ako ni Manang ngayon. “Thank you, Manang.”Kaagad kong nilantakan ang egg pie hanggang sa maubos ko ito. Medyo kulang pa nga. “Manang! Puwede po pahingi ulit ng egg pie?” malakas kong tanong. Narinig ko namang sumagot si Manang. Medyo natawa pa siya.Habang hinihintay ko ang egg pie ko, in-open ko na lang ang phone ko. Pero hindi ko inasahan ang bubungad sa akin. “Sandy, nasaan ka na? Nagwawala na rito ang asawa mo!” “Ate Cassie, umuwi ka na, please. Pinapabayaan na ni kuya ang sarili niya.” “Anak, Sandy. Puwede bang umuwi ka na rito? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa anak ko.” “Ma’am Cassandra, may lalaki pong nagwawala sa labas ng mansion. Asawa niyo raw po siya sabi ni
That night, umalis kami ni Dad na hindi nagpaalam. Hindi nila alam na lumayo na kami. Ayokong makita muna si Rico. Kapag nakikita ko kasi ang pagmumukha niya, naaalala ko lang ang kababuyan nila ni Ria.Wala nang dapat pang pag-usapan. Pinatunayan niya lang sa akin na mahal pa niya ang ex niya at ginawa niya lang akong rebound. Mabuti na lang at hindi ako buntis. Kasi kung oo, baka mas nahirapan akong umalis sa poder niya.Tatlong araw na kaming narito sa secret house.Malayo ito sa syudad. Presko ang hangin dito at malapit pa kami sa dagat. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito, kaya nang dumating kami ng madaling araw rito, sa bangin kaagad ako pumunta para magpahangin.Kasama kong pumunta rito ang family doctor namin, personal bodyguard ni Dad, at ang mga butlers. Hindi ko na ipinaalam sa mga kapatid ni Dad ang nangyari dahil ayokong lumaki ang isyu. Ang alam nila, nag-out-of-town kami ni Dad. “Miss pa rin kita, Rico, kahit na sinaktan mo ako,” sabi ko habang tulalang nakatayo sa ve
Nasa table kaming lahat ngayon, kumakain. Katabi ko si Tonyo na abalang kumain, samantalang ang fiancé ko ay katabi ang ex niya. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagreklamo dahil ayokong isipin ni Ria na threatened ako.Kumain lang ako nang tahimik. Pero iba ang atmosphere na ibinibigay sa akin ng pagkakataon. Parang may namumuong rivalry sa pagitan namin ni Ria. “Rico, kainin mo ito. ‘Di ba favorite mo ito?” ani Ria, saka naglagay ng tinolang manok sa pagkain niya. Wala pa ngang sinasabi si Rico, pero pabida ang ex niya.Naramdaman ko ang pagsiko ni Tonyo. Kahit busy siya, alam kong pinakikinggan niya kaming tatlo.Ngumiti lang ako, saka kinuha ang mangkok na puno ng mga hipon. “Baby, ito, try mo itong hipon. MAS masarap ito,” sabi ko at nilagay ko sa plato niya ang mga hipon.Nakita kong umiba ang ekspresyon ng mukha ni Rico. Mukhang tatanggi pa, kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.Ano, mas papaboran niya ang ex niya kaysa sa akin? Hindi naman yata tama iyon.Walang nagawa si Ric
“Sasabihin mo ba kay Rico, Sandy?” tanong ni Tonyo. Umiling lang ako, saka kinuha ko sa kaniya ang camera at ang picture.“Bakit ayaw mong sabihin, Sandy? Ayaw mo bang malaman niya ang totoo?”Nilagay ko sa bulsa ang picture at nilapag sa tabi ko ang camera.“Hindi pa sa ngayon, Tonyo. Saka ko na sasabihin ang totoo kapag tapos na ang problema nating lahat,” sagot ko, at ngumiti nang tipid.Pero deep inside, gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya. Kaya lang, natatakot ako sa consequences na naghihintay. I'm too afraid to change the truth about his childhood.“Sige. Ikaw ang bahala, Sandy. Basta, masaya akong malaman na ikaw ang totoong childhood sweetheart niya. Pero hindi naman ako nagagalit kay Ria. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ito ginawa.”Siguro nga kung walang Ria na nagpakita, baka ako nga ang childhood sweetheart ni Rico. Pero hindi. Maybe it was planned that we would part our ways. But in the end, we will find our way back home.“Ria was my friend, too.”Nagulat si
Hindi ko sinabi kay Rico ang mga natuklasan ko. Hindi ko alam kung paano ko sa kaniya ipapaliwanag ang lahat. Kapag sinabi kong ako talaga ang nakilala niya noon, baka hindi siya maniwala.Pero bakit ba kasi napagkamalan niyang ako si Ria?Hindi ba niya maalala ang hitsura ko kahit half lang ang nakikita sa akin?Bakit naman kasi inako ni Ria na siya ay ako?Bakit niya inangkin ang childhood memories namin ni Rico?Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko. Pero kahit isa ay hindi ko masagot. Kung nabubuhay lang sana siya ngayon, baka malaman ko kung ano ang dahilan niya. “Sandy, okay ka lang?” tanong ni Tonyo. Siya ang kasama ko ngayon kasi umalis si Rico.Bumuntong-hininga ako. Kahit kay Tonyo ay hindi ko masabi ang pinoproblema ko.Alam kong hindi ko na dapat problemahin iyon. Pero binabagabag ako ng old memories namin ni Rico. Ayoko kasing inaagaw ng iba ang akin. “I’m okay, Tonyo. You don’t have to worry about me,” sagot ko, saka humigop na lang ng kape. “May gusto ka bang
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang mabawi ko si Dad. Nagising na rin siya, pero mahina pa. Though nakakausap ko na siya.Nagsisisi siya kung bakit pa niya ako ipinagkasundo kay Leo. Dapat daw ay hindi siya pumayag at mas pinili ang freedom ko.Nalaman ko rin na kaya pala siya inatake sa puso ay dahil kagagawan din iyon ni Leo. Lalo akong nagalit sa kaniya. Saktan na niya ako; huwag lang ang ama ko.Speaking of Leo, wala na siyang paramdam. Well, expect nang wala kasi hindi na niya ako makontak. Pero may kutob akong hinahanap niya kami ngayon. “Ate Cassie, aalis ka?” tanong ni Clara.Tinakpan ko ang bibig niya para hindi marinig ni Rico. Ayoko lang kasi na mag-alala siya. Isa pa, wala namang nakakaalam kung saan ako pupunta. Kaya imposibleng mapahamak ako. “Bibisitahin ko lang si Ria, Clara.”Tumango naman siya, tapos ay ngumiti. “Sama ako, Ate Cassie. Matagal na rin akong hindi nabibisita ang puntod niya.” “Sige na nga. Pero saglit lang tayo roon kasi baka magtaka si Rico na w
“Sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo si Cassandra? Huwag kang mangarap, Varela. Dahil kahit kailan ay hind imo siya makukuha sa akin.”Matapos iyon sabihin ni Leo ay lumapit siya sa akin at kinalagan ako. Pero hindi niya kinuha ang tali na nakagapos sa mga kamay ko. Pagkatapos ay pinatayo niya ak
Dalawang araw na akong bihag ni Vito pero wala pang tulong na dumadating galing kay dad o kay Rico man. Medyo dismayado ako ro’n. Siguro nga hindi ako mahalaga sa kanila. Nagagawa nilang tiisin ako rito. Well, in fact, nadamay lang ako sa kanila. Hindi ako hangal para hindi maniwalang hindi kalaban
“Kuman ka na.”Kitang-kita ko sa peripheral view ko na tinapunan niya ako ng tingin. Pero hindi ako kumibo. Kasalukuyan kaming nasa kusina at kumakain. Actually, hindi ko pa naigagalaw ang pagkain ko. Nakatitig lang talaga ako rito na para bang hindi ko alam kung anong gagawin sa kaharap na pagkain
Humahangos na pumasok ng kuwarto ko sina Mrs. Varela at Clara habang ako ay nakatakip na ng bibig. Ayaw mag-sink in sa utak ko na wala na ako sa rooftop. Akala ko ba patay na ako? Anong nangyari?Anong ginagawa ko rito sa kuwarto? Bakit ako nilagay rito? “Sandy, ayos ka lang?” alalang tanong ni M

![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





