Mag-log inTinakbuhan ni Cassandra ang sariling kasal para makatakas sa arranged marriage na ginawa ng kaniyang ama. Sa kaniyang pagtakas, makikilala niya si Rico Varela na nakatira sa teritoryo ng mga low class. Dahil anak siya ng isang tycoon, kinailangan niyang magpanggap na isang ordinaryong babae. "Ako si Sandy at hindi isang diyamanteng kumikinang." Sinakyan naman ito ni Rico at naniwala sa kasinungalingan niya. "Mukha ngang mababa ang estado mo sa buhay. Wala kang matinong tsinelas." Bubuweltahan niya sana ang binata ngunit naalala niyang nagpapanggap nga pala siyang mahirap. Kahit inis na inis na siya ay kailangan niyang magtiis. Lalo na't kinamumuhian ng binata ang mga katulad niyang lumaki na may ginto sa higaan.
view more“Cassandra! Don’t do this!” sigaw ng fiance ko na naka-black na tuxedo. Sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay mukhang umabot pa iyon sa kabilang kanto.
Pero wala akong pakialam kung marami pa ang makarinig. Nilingon ko siya habang tumatakbo. Kitang-kita ko sa mukha niya na galit siya sa ginawa kong pagtakas. Pero anong magagawa ko? Hindi ko naman ginusto na maikasal sa kaniya. Ipinagkasundo lang ako ni dad sa kaniya. Hindi ko siya mahal at kahit kailan hindi ko siya magugustuhan. Ang layo niya sa qualification na hinahanap ko. “Pero nagawa ko na!” ganti kong sigaw at tinapon sa gilid ang bouquet na gawa sa puting rosas. Sayang sana ang mga bulaklak pero hindi pa talaga ngayon ang araw na matatali ako sa isang tao. I just felt that the right person is somewhere out there. Waiting for me to come. “Kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita!” sigaw na naman ni Leo. Tsk. Nagmumukha na siyang obsessed. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit gano’n na lang ang naging desisyon ni dad. Bakit niya ako kailangan ipagkasundo sa iba? Sa anong dahilan? Hindi naman siguro anak ng mafia ‘tong si Leo. Bakit siya natatakot sa ungas na ‘yon? He’s too powerful para banggain siya ng kung sino-sino lang. Kilalang tycoon pero takot sa mga Corvera. “Hanapin mo ako kung kaya mo!” pasigaw ko ring sabi at hinubad ang heels at tinapon sa kung saan dahil kanina pa ito sumasagabal sa’kin sa pagtakbo. Bahala na kung masugatan ang paa ko. Ang mahalaga ay makatakas ako kay Leo. Sa ngayon ay ligtas pa ako sa men in black ni dad dahil hindi niya alam na tumakas ako. Nag-out of the country siya ngayon kaya paniguradong makakatakas talaga ako. “Kahit ang daga ay nahahanap pa rin ng pusa. Anong laban mo sa’kin?!” Anak ng pating. Hinigop niya yata lahat ng hangin, ang yabang! “Kahit ang pusa ay nauutakan din ng daga!” ganti ko at nilingon siya ulit. Kitang-kita kong nawawalan na siya ng pasensya sa’kin. Ang sama ng tingin niya, na akala mo’y ninakawan ng ari-arian. Kasunod naman niya ang mga butler niya na ang babagal tumakbo. Kahit yata isabak ang mga ‘to sa marathon, hindi makakarating ng finish line. Ilang minuto na kaming nagtatakbuhan pero hindi pa rin nila ako nilulubayan. Napapagod na rin ang mga paa ko at ramdam ko ang hapdi. Mukhang nasugatan pa ako. Kailangan ko nang makawala sa paningin nila para hindi na ako masundan pa. “I’ll call Mr. Morgan kung hindi ka titigil, Cassandra!” Sh*t. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko, na hihingi siya ng tulong kay dad. Kailangan ko na talagang makalayo dahil kapag hindi pa ako nakalayo paniguradong hindi ako magtatagumpay sa pagtakas ko. Mag-isip ka ng paraan, Cassandra. Hindi puwedeng pumalpak ang plano mong ‘to. Mapapahiya ka rin sa maraming tao dahil malalaman nilang naging runaway bride ka tapos nahuli lang din ng fiance. “Ayon!” sabi ko nang makita ang traffic light na naka green. Ilang segundo na lang ang natitira bago ito mag-switch ng color. Ahhh! Kailangan ko iyong mahabol! Cassandra, bilisan mo pa! Hindi ko na nilingon si Leo at dire-diretsong tumakbo sa pedestrial lane. 5… 4… 3… Sh*t. Hindi yata ako aabot. 2… Ayoko na! Masagasaan na lang sana ako ng sasakyan! 1… “Cassandra, NO!” Hindi ako nakinig kay Leo at pinilit pa rin na tumawid. “Whoa! Easy man!” angal ko at nag-stop sign. Mabuti na lang at hindi nagalit sa’kin ang driver. Pero muntik na akong mahagip ng kotse! Katakot! Nang makatawid ako ay napahawak na lang ako sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog nito, akala mo sasabog. Pero nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ako naabutan nina Leo. Nasa kabilang side sila at hinihintay na tumigil ang mga sasakyan. Nginitian ko siya nang matamis at nag-wave pa, na lalo niyang ikinainis. “Finally, nakatakas din.” Naglakad lang ako habang binabantayan ang paligid dahil hindi pa ako puwedeng magpakampante. Maaari pa akong mahanap at maabutan ni Leo dito. Sa ngayon kailangan kong maghanap ng matataguan at ng damit na rin dahil hanggang ngayon naka-wedding dress pa ako. Pinagtitinginan din kasi ako ng mga tao. Siguro nasa isip nila na isa akong runaway bride which is true. “Saan nga dito ‘yong… ano nga ‘yon? Uk-Uk?” Mukhang wala naman akong mahanap na Uk-Uk dito sa paligid. Saan ko ba kasi mahahanap ‘yon? Nalilito rin ako sa lugar na ito dahil hindi ako pamilyar. Paano ba naman may limistayon ‘yong lugar na pinupuntahan ko palagi. Natatakot kasi si dad na baka makidnap ako. Eh, malaki na ako. Paano ako makikidnap? Bata lang naman ang kinukuha. “Ang sabi ni G****e mura ang mga paninda sa Uk-Uk. At well, magaganda. Pero saan nga ako makakahanap ng gano’n?” sabi ko sa sarili at inikot ang tingin. Bahagya akong napatitig sa mga lalaki na magkakasama, mukhang may hinahanap din. Dumako ang tingin nila sa’kin at tinuro ako ng isa sa kanila kaya nanlaki ang mga mata ko. That uniform! Nalintikan na. "Tauhan ni dad!” — “Miss Morgan! ‘Wag mo kaming takbuhan.” Geez. Saan na ako pupunta? Hindi ko na alam ang pasikot-sikot dito. Ayokong mahuli nila! Somebody help me! Tinaas ko ang laylayan ng wedding gown ko at binilisan pa ang pagtakbo. Unlike Leo’s butlers, mas mabilis at mas maliksi ang kay dad. Kaya puwedeng-puwede nila akong mahabol, na siyang kinatatakutan ko naman. Kapag nangyari ‘yon, wala na talaga akong kawala kay dad, lalo na kay Leo. “Hindi para sa’yo ang huling halakhak, Leo. Nasa akin pa rin.” Lumiko ako sa eskinita, at kahit natatakot ay tumakbo pa rin ako. At sa awa ng Diyos, nakalampas ako ng eskinita. Pero nadapa ako at muntik nang masubsob. Ang masaklap nga lang nagkasugat ako sa mga tuhod. Naman oh! Umiral pa ang pagiging lampa ko. Bakit ngayon pa? Masakit na nga ang paa ko, nadapa pa ako. Lumingon-lingon ako sa paligid at nahagip ang isang pares ng tsinelas. Medyo madumi nga lang. Pero kailangan ko pa rin kasi masyado nang mahapdi ang mga talampakan ko. Matapos ko itong suotin ay nagsimula na akong maglakad kahit paika-ika. Nang biglang dumaan ang isang motor. Dahilan kaya napaupo ako sa semento. Sino naman ang naka-motor na ‘yon? Hindi ba niya nakita na may dadaan? Bulag ba siya? Inis kong pinahid ang mga kamay ko sa suot ko at tatayo na sana nang bumungad sa’kin ang isang kamay. Malapad ang palad na parang sanay humawak ng manibela. Mahahaba ang mga daliri… Kitang-kita ang ugat sa ilalim ng balat… Mukhang sanay na sanay magtrabaho ng mabibigat. Pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang malilinis na kuko… Parang hindi napasukan ng dumi. Kamay pa ba ‘yon? “Tayo na diyan.” Natigil ang pagkahumaling ko sa kamay na iyon dahil sa sinabi ng lalaki. Kumunot ang noo ko sa paraan ng pagsalita niya. Para siyang boss na naiinip kakahintay sa empleyado niya. Aba’t… inuutusan niya ako? Siya kaya ‘tong muntik nang bumangga sa’kin. Sa inis ko ay masama ko siyang tiningnan. Pero natameme lang din sa nakita. Who is this man? “Ano pang tinutunganga mo diyan, miss? Bulag ka ba?” inip na niyang sabi, kaya lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Walang modo! Akala mo naman gentleman. Hindi ko pinansin ang kamay niya at tumayo nang mag-isa. Bakit ba? Hindi ko kailangan ang tulong niya. Hindi ko siya kilala kaya ayokong lumapit sa kaniya. Mukha pa naman siyang siga. ‘Yong typical na gangster sa kalsada pero may dating. “Thank you ha,” sarkastikong sabi ko at pinagpag ang sarili. Ang dumi na ng kasuotan ko. “Galing ka sa kasal? Nasaan ang mister mo?” “May nakikita ka bang mister sa tabi ko, kuya?” inis kong sabi at tinalikuran na lang siya. Hindi ko siya kailangang kausapin. Baka mamaya mapahamak pa ako. Muntik na nga niya akong masagasaan eh. “Kita mo ‘to. Siya na ngang tinutulungan, siya pa ‘tong galit,” rinig kong sabi niya kaya hinarap ko siya. Nakakainis din ang isang ‘to eh. Ang ganda na sana ng bungad niya sa’kin eh. Pero ang sama pala ng ugali. Ugaling squatter. “Bakit tinulungan mo ba ako? ‘Di ba hindi? Muntik mo pa akong patayin.” “Kung binalak ko nga iyon, hindi ka na dapat humihinga ngayon,” sagot niya kaya lalong uminit ang ulo ko. “Alam mo, wala kang kuwentang kausap. Diyan ka na nga,” pikon kong sabi at tinalikuran siya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita sa hindi kalayuan ang tauhan ni dad at si Leo na patuloy akong hinahanap. Nalintikan na.“Ma’am Cassandra, ito na po ang egg pie na gusto niyo,” sabi ni Manang, saka nilapag sa table ang ni-request kong pagkain. Kuminang ang mga mata ko sa pagkaing nakahain sa akin.Finally, meron nang egg pie. Kahapon pa ako naghahanap nito kasi sobrang natatakam ako sa amoy nito. Mabuti na lang at ginawan ako ni Manang ngayon. “Thank you, Manang.”Kaagad kong nilantakan ang egg pie hanggang sa maubos ko ito. Medyo kulang pa nga. “Manang! Puwede po pahingi ulit ng egg pie?” malakas kong tanong. Narinig ko namang sumagot si Manang. Medyo natawa pa siya.Habang hinihintay ko ang egg pie ko, in-open ko na lang ang phone ko. Pero hindi ko inasahan ang bubungad sa akin. “Sandy, nasaan ka na? Nagwawala na rito ang asawa mo!” “Ate Cassie, umuwi ka na, please. Pinapabayaan na ni kuya ang sarili niya.” “Anak, Sandy. Puwede bang umuwi ka na rito? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa anak ko.” “Ma’am Cassandra, may lalaki pong nagwawala sa labas ng mansion. Asawa niyo raw po siya sabi ni
That night, umalis kami ni Dad na hindi nagpaalam. Hindi nila alam na lumayo na kami. Ayokong makita muna si Rico. Kapag nakikita ko kasi ang pagmumukha niya, naaalala ko lang ang kababuyan nila ni Ria.Wala nang dapat pang pag-usapan. Pinatunayan niya lang sa akin na mahal pa niya ang ex niya at ginawa niya lang akong rebound. Mabuti na lang at hindi ako buntis. Kasi kung oo, baka mas nahirapan akong umalis sa poder niya.Tatlong araw na kaming narito sa secret house.Malayo ito sa syudad. Presko ang hangin dito at malapit pa kami sa dagat. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito, kaya nang dumating kami ng madaling araw rito, sa bangin kaagad ako pumunta para magpahangin.Kasama kong pumunta rito ang family doctor namin, personal bodyguard ni Dad, at ang mga butlers. Hindi ko na ipinaalam sa mga kapatid ni Dad ang nangyari dahil ayokong lumaki ang isyu. Ang alam nila, nag-out-of-town kami ni Dad. “Miss pa rin kita, Rico, kahit na sinaktan mo ako,” sabi ko habang tulalang nakatayo sa ve
Nasa table kaming lahat ngayon, kumakain. Katabi ko si Tonyo na abalang kumain, samantalang ang fiancé ko ay katabi ang ex niya. Hindi ako nagsalita. Hindi ako nagreklamo dahil ayokong isipin ni Ria na threatened ako.Kumain lang ako nang tahimik. Pero iba ang atmosphere na ibinibigay sa akin ng pagkakataon. Parang may namumuong rivalry sa pagitan namin ni Ria. “Rico, kainin mo ito. ‘Di ba favorite mo ito?” ani Ria, saka naglagay ng tinolang manok sa pagkain niya. Wala pa ngang sinasabi si Rico, pero pabida ang ex niya.Naramdaman ko ang pagsiko ni Tonyo. Kahit busy siya, alam kong pinakikinggan niya kaming tatlo.Ngumiti lang ako, saka kinuha ang mangkok na puno ng mga hipon. “Baby, ito, try mo itong hipon. MAS masarap ito,” sabi ko at nilagay ko sa plato niya ang mga hipon.Nakita kong umiba ang ekspresyon ng mukha ni Rico. Mukhang tatanggi pa, kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata.Ano, mas papaboran niya ang ex niya kaysa sa akin? Hindi naman yata tama iyon.Walang nagawa si Ric
“Sasabihin mo ba kay Rico, Sandy?” tanong ni Tonyo. Umiling lang ako, saka kinuha ko sa kaniya ang camera at ang picture.“Bakit ayaw mong sabihin, Sandy? Ayaw mo bang malaman niya ang totoo?”Nilagay ko sa bulsa ang picture at nilapag sa tabi ko ang camera.“Hindi pa sa ngayon, Tonyo. Saka ko na sasabihin ang totoo kapag tapos na ang problema nating lahat,” sagot ko, at ngumiti nang tipid.Pero deep inside, gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya. Kaya lang, natatakot ako sa consequences na naghihintay. I'm too afraid to change the truth about his childhood.“Sige. Ikaw ang bahala, Sandy. Basta, masaya akong malaman na ikaw ang totoong childhood sweetheart niya. Pero hindi naman ako nagagalit kay Ria. Siguro may dahilan siya kung bakit niya ito ginawa.”Siguro nga kung walang Ria na nagpakita, baka ako nga ang childhood sweetheart ni Rico. Pero hindi. Maybe it was planned that we would part our ways. But in the end, we will find our way back home.“Ria was my friend, too.”Nagulat si
Buong araw akong nagkulong sa mansion. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagpakita kay Leo.Pero hindi ibig sabihin niyon ay natatakot ako at tumatago sa kaniya. Gusto ko lang maging maingat sa mga hakbang ko. Ayokong maisahan ako ni Leo.Hindi ko ibibigay sa kaniya ang halakhak na inaasam niya dahil si
“You have to decide now, Cassie. It’s now or never.”Nilukot ko ang papel at itinapon ko ito. Tinalikuran ko si Leo dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Ayokong makita ang mukha ng lalaking pilit na itatali sa akin.Kapag nakikita ko ang masayang mukha niya, naiisip ko rin ang magiging reaksy
Hindi ko na alam kung anong oras kami nakarating ng bahay. Hindi ko kasi suot ang smart watch ko kaya wala akong mapagtingnan. Wala namang wall clock sina Rico para matingnan ko ang oras. Ganito na siguro karamihan ngayon. Sapat na ang relos at mga gadgets para tingnan ang oras.Walang imik si Rico
“Ate Sandy!” tawag sa akin ni Clara habang patakbo itong lumapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Naramdaman ko ang saya niya nang makita ako. Kaya natutuwa ako dahil may isang tulad niya na may malasakit sa akin. “Sandy.” Nilingon ko si Mrs. Varela na sinalubong din ako ng masaya












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.