تسجيل الدخول
May ngiti sa labing nagmulat ng mata si Claire nang maalala ang masarap na pag-iisa ng katawan nila ni Manson kagabi. Hindi lang iisa kundi ilang beses na may nangyari sa kanila. Bukod sa kama ay may nangyari sa kanila ng asawa sa banyo, sa terrace habang nanonood ng kabilugan ng buwan, sa kusina nang bumaba si Claire para uminom ng tubig at sa hagdan habang nakaluhod siya at binabayo ni Manson mula sa likuran.
It was a wild night, but Claire felt all the consequences when she woke up. Nananakit ang buong katawan niya na parang inararo ng sasakyan. Marahan siyang nag-inat ng katawan upang hindi magising ang katabi na mahimbing pa rin ang tulog. Alam niyang tulad niya ay pagod din ito. Mula nang ikasal sila ni Manson, tatlong taon na ang nakakaraan, ay isang beses lang na may mangyari sa kanila kaya tuwang-tuwa si Claire na kagabi ay muling pinagnasaan ng asawa ang katawan niya. Ang buong akala niya ay hindi siya nito gusto kaya ayaw nitong makipagtalik. Contract marriage lang ang nangyari sa kanila ni Manson at iilan lang din ang nakakaalam niyon. Si Nana, ang lola ni Manson ang pumili kay Claire na maging asawa nito habang lumpo pa si Manson at nakaupo lang sa wheelchair. He was very hot-headed. Kahit konting pagkakamali ay mabilis na uminit ang ulo at maraming gamit na rin ang binasag nito. Pero kahit ganoon ay naging matiyaga si Claire sa pag-aalaga sa asawa hanggang sa tuluyan itong gumaling at makalipas ang tatlong taon ay nakakalakad na ito nang maayos. “Baka matunaw na ako niyan kapag matagal mo pa akong tinitigan.” “Kapag matunaw ka ay momoldehin kita upang maging solid ulit,” nangingiting sagot ni Claire saka itinaas ang kumot hanggang sa dibdib upang itago ang kahubdan sa asawa. May nangyari man sa kanila ay nahihiya pa rin siyang ibalandra rito ang hubad na katawan. Maya-maya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Manson na kaagad napansin ni Claire. “Bakit? May problema ba?” Hinaplos niya ang mukha ng asawa. Lingid sa kaalaman nito ay natutunan na niya itong mahalin. Pero hindi sigurado si Claire kung tulad niya ay nagugustuhan na rin siya ni Manson. Alam niyang hindi magtatagal ang kasal nila ayon sa nakasaad sa kontrata pero umaasa siyang magbago ang damdamin ni Manson at magugustuhan din siya. “I received news at dawn. Bumalik na ng Pilipinas si Veena, Claire. Napagpasyahan kong ito na ang tamang panahon para mag-file ng divorce.” Claire’s smile froze and her heart beat erratically. Hindi niya alam kung tama ba ang narinig niya o ilusyon lang. “D-divorce?” Nauutal na tanong niya. Mahina ang boses niya at hindi siya sigurado kung narinig siya ni Manson. Napahigpit ang paghawak niya sa kumot at pinigilan niya ang sarili na huwag lumuha kahit pa parang gustong sumabog ng dibdib niya sa balita. Hindi siya dapat umiyak sa harapan ni Manson dahil wala siyang karapatan na pigilan ito sa magiging desisyon nito. Nakasaad sa kontrata na anumang oras na nanaisin nitong makipaghiwalay ay papayag si Claire. At dahil sa ibang bansa sila ikinasal ay kailangan nila ng mahabang proseso upang maasikaso ang dapat na asikasuhin. At gustong sulitin ni Claire ang mga panahong iyon na makasama pa si Manson. Hindi na niya kailangang ipaalam dito ang tunay niyang nararamdaman at baka lalo lang nitong bibilisan ang ang pag-process ng divorce. “Yes. Let’s get a divorce. Alam kong naghihintay na sa akin si Veena upang magkasama kaming muli.” “You would get back at her even if she left you? Iniwan ka niya nang mga panahong kailangan mo siya, Manson,” mapait na sambit niya. Nag-init ang sulok ng kanyang mata kaya tinalikuran niya ito. “Hindi naman niya kasalanan kung bakit siya umalis, Claire. Her mother forced her to leave. Isa pa, nasa panganib ang buhay niya ngayon dahil nagkaroon siya ng depresyon. Ilang beses na siyang nagtangka na kitlin ang sarili at ang lahat ng iyon ang dahilan ay ako.” Bumaba ng kama si Claire at ginamit ang kumot upang balutin ang kahubdan niya. Naglakad siya sa patungo sa banyo upang magbihis. Ngayong nagdesisyon na si Manson na magdi-divorce sila ay wala nang dahilan upang manatili pa siya rito. Ngunit bago siya makapasok ay mahigpit siyang niyakap ni Manson mula sa likuran. “Huwag kang mag-alala, Claire. Kahit wala nang bisa ang kasal natin ay susuportahan pa rin kita, okay?” Bulong ni Manson sa kanyang tainga. Mapait na ngumiti si Claire at sinubukan na sumagot kahit pa may bikig sa lalamunan niya at gustong-gusto na niyang umiyak. “Sige. If you’ll excuse me, maliligo muna ako bago magsimulang mag-empake.” Binitawan siya ni Manson matapos siyang halikan sa batok. Nagpaalam din ito na maliligo ito sa banyo sa kabilang kuwarto dahil may pupuntahan din ito. Pagkapasok sa banyo ay walang ibang ginawa si Claire kundi ang umiyak upang ibuhos ang sama ng loob. Hindi kasalanan ni Manson kung bakit nasasaktan siya kundi ang sarili niya mismo dahil inibig niya si Manson kahit alam niyang may limit ang kanilang kasal. Hindi na naabutan ni Claire si Manson sa apartment kaya hila-hila ang maleta ay bumaba siya at nagtawag ng taxi saka nagpahatid sa bahay ng kanyang ina na hindi naman kalayuan. “Oh! Ano’ng nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan ang ayos mo? Pinalayas ka ng asawa mo?” Tumango si Claire saka muling bumuhos ang luha. Nang mahimasmasan siya kahit papaano ay saka lang niya sinabi sa ina ang plano ni Manson tungkol sa divorce. Alam ng kanyang ina na nasasaktan siya kaya hinayaan siya nitong magmukmok pero makalipas ang isang linggo ay hinila siya nito palabas ng kuwarto at inayusan. Kapagkuwan ay dinala sa dati niyang pinagtatrabahuan, ang maging isang alahera. Pumayag naman si Claire upang kahit papaano ay may mapaglilibangan. Isa pa, isa ito sa talento na tinatago-tago niya. Isang linggo matapos siyang magsimula sa pagiging alahera, at dalawang linggo mula nang umalis siya sa apartment nila ni Manson ay muli siyang binisita ng asawa. “May kailangan ka ba, Manson? Kung wala ay huwag mo muna akong abalahin dahil marami pa akong ginagawa,” pagtataboy niya. Muli na namang bumalik ang sakit nang makita niya ito. “Pinapatawag ka ni Nana.”A few months later…Matapos ilabas sa hospital si Equinox, ay isang simple pero maggarbong kasal ang inabangan ng tao matapos ang ilang buwan. Ginanap ang pagdiriwang na ito sa isang private resort na pagmamay-ari ni Austin. Hindi lang pamilya nina Equinox at Lucas ang dumalo kundi pati na rin ang kasamahan ni Equinox sa racing na umaasa pa rin sa pagbabalik niya sa karera. Tuluyan nang gumaling ang kanyang sugat at hindi na naging sagabal sa suot niyang gown. Walang pagsidlan ng tuwa si Equinox habang naglalakad sa makeshift aisle, kung saan naghihintay sa altar si Lucas. Nasa tabing-dagat ang aisle na ginawa ng kumpanya ni mismo ni Lucas. Nababalot iyon ng nagagandahang bulaklak habang magkabilaan ang upuan para sa mga bisita. Hindi maitatanggi ni Equinox na naging mabilis ang pangyayari sa kanila ni Lucas, pero tanggap na tanggap niya dahil pareho nilang mahal ang isa't isa. Alam niya rin, na hindi kayang sukatin ng panahon ang tunay na pagmamahal. “Masaya ako para sa ‘yo, anak.
Next:Dahil sa dugo ni Lucas ay naging matagumpay ang operasyon ni Equinox. Bagama’t hindi agad ito nagising dahil sa kritikal pa rin ang lagay nito, ay hindi ito iniwanan ng binata. Araw-araw niyang binisita ang kasintahan habang nasa ICU ito hanggang sa ilabas ito sa private room. Ang una nilang bisita ay si Manson at Claire kung saan nasa parehong ospital rin dahil malapit ng manganak ang huli, na labis na ikinatuwa ni Lucas. Sa wakas ay makikita niya na rin ang pamangkin niya. Natutuwa siya at naging maayos na ang lahat. Tanggap na rin ng kanyang ina ang relasyon niya kay Equinox at ito rin ang laging nagbabantay kay Equinox kung kinakailangan si Lucas sa opisina. Kahit ang kanyang ama, ang ama na umampon sa kanya na siyang kinikilala niyang ama ay lagi ring binibisita ang kasintahan niya. Iniwan nito ang negosyo sa Canada para samahan siya kahit pa nagpumilit si Lucas na hindi na ito mag-abala. “Ang sabihin mo lang, anak. Ay ayaw mong masolo si Equinox. Iyon talaga ang totoong
Next“Equinox?” malakas at puno ng pag-aalala na sigaw ni Lucas nang makitang natamaan ang kasintahan. Hindi siya nag-atubiling takbuhin ang pagitan nilang dalawa habang ang kamay ay walang tigil sa pagbaril sa kalaban na nakaharang sa daanan niya. They were outnumbered, but Lucas’s priority is his girlfriend. Hindi siya nakitaan ng takot, bagkus ay malamig ang ekspresyon na pinagbabaril ang tauhan ni Quinny. Nang makalapit sa kasintahan ay agad niya itong dinaluhan. “Equinox! Baby. Are you okay?”“Lucas…” mahinang bulong ni Equinox saka mapait na ngumiti. “Ayos lang ako. My father… Please check on him.” Sa mga sandaling nag-uusap ang dalawa ay tuluyan nang naubos ni Austin at ng iba pa nitong kasama ang mga tauhan ni Quinny, maliban sa dalaga na ngayon ay nakaposas na habang nakaluhod sa sahig. Mabilis na umiling si Lucas. “No, hindi kita kayang iwan. Baby, let’s go. Your father will be safe with my team’s hands.” Equinox groaned when a slight pain triggered her left waist. Nang
Next:“Quinny!” Agad na sigaw ng kanyang ama ng haklitin ito ng tauhan ni Quinny. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, anak? Bakit ka nagkakaganito?”Mabilis namang kumilos si Equinox at iniharang ang katawan sa harapan ng ama para pigilan ang tauhan na kunin ang kanyang ama. Pero hindi niya napigilan ang magtaas ng boses nang marinig ang huling sinabi nito. “Pa, stop calling her ‘anak’ dahil hindi mo siya anak!” mariing saad dito ni Equinox. Labis na gulat ang namayani sa mukha ng kanyang ama. Ito ang pangalawang beses na sinabi iyon ng kanyang anak at hindi lang siya nagkamali ng pandinig. “Ano ang ibig mong sabihin, Equinox?” Dumilim ang mukha ni Equinox at nilingon ang ama na nasa kanyang likuran pa rin. “Pa, hindi siya ang tunay mong anak. Hindi siya ang tunay na Quinny, dahil ang tunay na Quinny ay matagal nang patay!” “A-ano? Ano’ng patay? Hindi ba—” “Ang babaeng ‘yan ay anak ng taong nakalaban mo sa negosyo. Ipinagpalit nila ang sanggol na si Quinny sa sarili nilang anak para
“Mag-iingat ka, Equinox. Hindi biro ang backer ng babaeng ‘yun!” babala ni Lucas bago siya bumaba sa kotse. Minaneho nito ang sasakyan palapit sa harapan ng gate upang ibaba si Equinox at hindi maghinala ang mga guwardiya na nakabantay sa labas ng gate na mayroon siyang ibang kasama. Bagama’t malakas na kumakabog ang dibdib dahil sa kaba ay pilit niyang pinatatag ang sarili. Kailangan niyang sagipin ang ama sa kamay ni Quinny nang hindi naghihinala ang kinilala niyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Lucas hindi porket nasa panganib ang buhay ng aking ama ay hahayaan ko na si Quinny na pati ako ay tatakutin niya. Hindi ko siya hayaang magtagumpay. Isa pa, ay alam kong nandiyan ka lang at hindi ako pababayaan.” Bago siya pakawalan ni Lucas ay mahigpit siya nitong niyakap. “Alam mong kapag nasa panganib ang buhay mo, ay nasa panganib na rin ang buhay ko. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa ‘yo. Tama ka, kahit anong mangyari nandito lang ako sa likod mo at laging nakaantabay
“Sigurado ka ba na kaya mong mag-isa?” Tumango si Equinox. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang tinanong ni Lucas magmula nang umalis sila sa bahay nito. Narito sila ngayon sa malapit ng mansion ng kanyang ama upang komprontahin si Quinny, ngunit para makasiguro, ay lihim na pinasok ng ibang kasamahan ni Lucas ang mansion upang malaman kung may iba pa silang kalaban sa loob. Nantili sila sa kotse habang nagmamanman at naghihintay sa report ng mga kasamahan nito. “Ayos lang ako, Lucas. Gusto ko rin pagbayarin ang kapatid ko, ngunit kailangan ko munang makasiguro na nasa maayos na lagay ang aking ama. Kilala ko si daddy, Lucas. Kapag hindi ako nagbibigay sa kanya ng updates kahit sa loob lamang ng isang araw ay magpapadala na iyon ng mensahe sa akin. Pero, magmula nang nangyari ang pagdukot sa akin, hanggang makauwi ako sa bahay mo ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag o mensahe man lang mula sa kanya.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Equinox habang nakatingin sa mata
“Claire, paano mo nasabi ‘yan? Kung ang pagkawala ng baby natin ang dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay. Puwede pa nating ayusin ‘to. Magkaka-baby ulit tayo, ‘wag ka lang makipaghiwalay, please…”Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi saka naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng kumot at nam
Dalawang araw ang lumipas mula nang maaksidente si Claire ay saka lang siya nagising. Nananakit pa ang buo niyang katawan at halos hindi niya iyon maigalaw. Nang magmulat siya ng mata ay amoy ng medisina ang nanuot sa ilong niya at dahil konting liwanag lang ang umiilaw malapit sa kinahihigaan niya
Matagal na naghintay sa labas ng operating room si Manson. Ni hindi siya nakaramdam ng gutom kahit hindi siya nakapaghapunan. Kung hindi pa siya inabutan ni Robert ng bote ng tubig ay hindi pa niya ramdam ang pagkauhaw. “Boss, nakarating na si Mrs. Domingo,” pagbabalita ni Robert matapos nitong iab
Sa sandaling nakalapag ang eroplanong sinasakyan ni Manson isang tawag mula kay Claire ang natanggap niya. Labis ang tuwang kanyang naramdaman pero ganoon na lang ang pagtataka niya nang imbes na boses ng asawa ang marinig ay boses ng lalaki ang bumungad. Salitang karay-a ang sinasabi nito kaya hind




![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


