LOGIN“Don't touch me!” bulyaw sa kaniya ni Harry nang makasakay sila ng sasakyan.
Hindi na nagulat si Nimfa—alam niya na ang ipinakita nito sa kaniya sa loob ng ospital kanina ay pagpapanggap lamang, sapagkat pinalaki ni Claire si Harry bilang isang spoiled brat. “Salbahe kang bata ka!” asik niya rito bago binalingan si Manong Viktor. “Tara na po, manong, umalis na po tayo.” “Saan tayo, Ma'am Nimfa? Sa mansyon ba ng mga Delacroix o sa bahay niyo ni Sir. Marcus?” “Sa bahay po namin.” Tumango ang matanda bago tuluyang pinaandar ang kotse. Tahimik lang si Nimfa habang nakatingin sa labas ng bintana. Pero naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya nang sandaling iyon. Nang balingan niya si Harry, hindi na siya nagulat nang makitang matalim ang tingin nito sa kaniya, nakanguso pa habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. “Bakit gan'yan ka makatingin sa ‘kin?” walang emosyong tanong niya rito. “Hindi ka na dapat pinakasalan ni Tito Marcus. You're bad!” Napa-amang si Nimfa sa sinabi ng bata. “Ako pa ngayon ang bad? Ang galing mo rin, ‘no, Harry? Matapos akong pumayag sa pabor ni Marcus sa ‘kin, ‘yan ang isusukli mo?” Ngumisi ito. “I don't owe you anything. Sabi ni mommy, you're a witch.” “Baka ang mommy mo ang witch. Puwede bang tumigil ka na, Harry? Ang bata-bata mo pa, gan'yan ka na. Palibhasa anak ka ng kabit.” “Kabit? What is that?” “Wala.” “Loser.” Napairap na lang si Nimfa sa inis kay Harry. Mas minabuti na lang niyang ituon ang atensyon sa labas buong byahe kaysa makita ang batang akala mo naman kung sino. Matagal na silang ganito ni Harry. Mag-iisang taon na rin yata simula ng maging ganito ang relasyon nilang dalawa, at malakas ang kutob niya na inuutusan ito ng magaling nitong ina. Lumipas ang ilang araw, nailibing na rin si Harrison. Ngunit bago iyon, nagkaroon pa ng gulo sa mismong burol nito. Nagwala ang ina nito, hindi matanggap ang sinapit ng anak, at ibinuhos ang galit kay Claire na itinuring nitong may kasalanan sa sinapit ni Harrison. Hindi na rin ito pinabisita sa lamay, pero dahil kay Marcus, nagkaroon ng pagkakataong si Claire na makita ang sariling asawa. Palagi na lang si Marcus. Sabagay, mahal naman niya ang babaeng iyon, samantalang siya ay pawang palamuti lamang. “Ano? Seryoso ka ba, Marcus?” bulalas ni Nimfa sa asawa nang ibalita nito na pansamantalang titira ang mag-inang Claire at Harry sa bahay nila. “Yes. Pinalayas na kasi sila ni mommy sa bahay. Wala silang pupuntahan kaya—” “Kaya dito sila titira? Gano'n ba?” “May bakante pang isang kuwarto sa taas, puwede nilang ga—” “Tito Marcus, we're here!” Naantala bigla ang ibang sasabihin ni Marcus nang dumagundong sa living area nila ang isang tinig. Nang sabay nilang balingan iyon, nagulantang na lang si Nimfa nang makita si Claire kasama ang anak sa may pinto habang may dalang mga bag. Nagtatakbo si Harry palapit sa kanila at agad nakipagbeso sa asawa niya. Napangiwi siya sa inis. Imbes na salubungin sila, tumalikod siya bago tinungo ang kuwarto nila sa ikalawang palapag. Napakakapal naman talaga ng mukha ni Claire. Namatay lang ang asawa, dito na gustong tumira. Para ano? Para mas madali silang makapaglampungan ng asawa niya? Nasusuka na lang si Nimfa. Gusto na niyang kalimutan ang mga nasa utak niya, ngunit hindi niya magawa sa hindi niya malamang dahilan. Nang papasok na siya sa silid nilang mag-asawa, natigilan na lang siya nang may humawak ng braso niya. Nang balingan niya ito, nakita niya si Marcus, bahagyang matalim ang tingin sa kaniya. “Ano ba'ng ginagawa mo, Marcus?” Sabay bawi niya sa braso niya. “Hindi ka gan'yan, Nimfa. Hindi ko alam ang nangyayari sa ‘yo ngayon. Umalis ka, may bisita ta—” “Bisita? O bwisita? Alam mo, Marcus, nakakainis ka. Pinatira mo sila rito na hindi nagsasabi sa ‘kin. Ni hindi mo man lang ako kinonsulta.” “Why are you mad? I bought this house, nakakalimutan mo na ba? This house is mine… only mine!” wika ni Marcus, galit na galit. Napatitig na lamang si Nimfa sa mga mata ng asawa. Hindi na niya ito makilala pa. Hindi ito ang Marcus na pinakasalan niya noon. Oo, aminado pa rin siya sa sarili niya na mahal niya pa rin si Marcus sa kabila nang nalaman niya. Pero base sa mga pananalita nito at kung paano siya nito tratuhin, hindi na nga siya nito mahal. Wala na nga siyang saysay sa lalaking bumihag ng puso niya. Imbes na magsalita pa, umiling na lang siya bago pumasok sa loob. Nang masiguro niyang hindi sumunod ang asawa, dumiretso siya sa kama bago roon tahimik na umiyak—iniisip kung ano ang naging pagkukulang niya rito. Dahil sa matinding pag-iyak, nakatulog si Nimfa. Nang magising siya, gabi na. Bumaba siya sa kama bago lumabas ng silid. Bababa sana siya para uminom dahil nakaramdam siya ng pagkauhaw nang mapansin niyang naka-awang ang pinto ng opisina ni Marcus. Napuno ng kuryosidad ang buong pagkatao niya kaya lumapit siya roon bago sumilip sa pinto. At ganoon na lamang ang gulat niya nang makitang nagma-mástúrbâte ito habang nakatitig sa isang picture frame. Kita niya sa ekspresyon ng mukha ng asawa kung gaano ito nasasarapan habang titig na titig sa hawak nitong larawan. Nang matapos ito, itinago nito ang picture frame sa drawer bago dumiretso sa kama upang matulog. Isang ideya ang biglang nabuo sa utak ni Nimfa nang sandaling iyon. Sinigurado niya munang mahimbing ang tulog ni Marcus bago siya tahimik na pumasok sa loob ng opisina nito. Lumapit siya sa drawer kung saan nito inilagay ang picture frame. Binuksan niya iyon at nakita niyang nakataob iyon. Mariin muna siyang lumunok bago itinihaya iyon. At nagngalit agad siya nang makita niya kung sino ang nasa larawan—si Claire. Mangiyak-ngiyak na ibinalik ni Nimfa ang picture frame sa drawer bago bumalik sa silid nilang mag-asawa. Kinuha niya ang kaniyang cellphone bago tinawagan ang isang numero. “Atty. Mendoza, kailangan ko po ng tulong ninyo. Gusto ko pong mag-file ng annulment...” diretsahan at walang pangingiming sambit ni Nimfa sa nasa kabilang linya. Desperada na siya ngayon dahil hindi na niya makaya ang panloloko ng asawa niya. Hindi niya matanggap na habang nagma-mástúrbâte ito, tinitingnan nito ang larawan ng sarili nitong hipag.“Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong
Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku
Hindi makakibo si Nimfa. Hinayaan niya lang na nakayakap sa kaniya ang dating asawa hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa kaniya.Mariin siyang napalunok bago bahagyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi niya alam ang sasabihin, halos hindi siya mapakali sa harap ng asawa.“Is there a problem, Nimfa?” mayamaya pa'y tanong nito sa kaniya.Mapakla siyang ngumiti bago umiling. “W-Wala naman, Marcus. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos nang nangyari sa atin noon, heto't maayos na tayong nagkakausap.”“Hindi ba maganda ‘yon, na maayos na tayo after what happened? Now that Claire’s gone, I think it's time to reconcile. I mean, alam kong hindi ko na maibabalik ang relasyon natin noon because I cheated on you with my sister-in-law. Ang gusto ko, sana maging magkaibigan ta—”“Hindi pa ako sigurado sa ngayon, Marcus. Binaon ko sa hukay ang nangyari noon, hindi ko na ‘yon tangan sa akin, pero kasi, hindi biro ‘yong ginawa mo. Mahirap nang magtiwala, sapagkat sinira mo na
Mabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression. Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan. Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire. Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito. Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara r
“Anak, you don't have to do this. May bahay naman ako, I can stay there with Tonette.”“‘Nay naman, sa tingin niyo po ba hahayaan kong malayo kayo sa akin? At isa pa, pumayag naman po si Zachary,” tugon ni Nimfa sa ina habang tulak-tulak niya ito sa wheelchair. “May mga personal kayong buhay rito sa bahay niyo. At baka makasagabal lang kami ni Tonette.”Marahas na lang siyang napabuntong-hininga nang sandaling iyon bago ipinagpatuloy ang pagtulak sa ina. Nang makarating sila sa living area, huminto siya bago nakangiting umupo sa harap ng ina niya.“‘Nay, kahit kailan ay hindi po kayo makakasagabal sa amin. Mas matutuwa pa nga po kami, eh. Kasama ka po namin, h-hindi na po namin kailangang mag-alala dahil nasa iisang bubong lang po tayo. At isa pa, ‘nay…” Kinuha niya ang isa nitong kamay bago masuyong pinisil iyon. “Gusto ko rin po kayong alagaan. Gusto ko pong bumawi sa inyo.”Ngumiti ito bago sinapo ang pisngi niya. “Salamat, anak. Akala ko magagalit ka kapag nalaman mo ang totoo, b
Ngumisi si Everly bago dahan-dahang lumapit sa kaniya. Pero habang papalapit ang babae, pakembot-kembot pa ito. Pagkalapit, mariin nitong hinawakan ang necktie niya.“Na-miss mo ba ako, Marcus?” tanong pa nito.Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa, at isa lang ang masasabi ni Marcus—nagbago na ito. Hindi ito ganito noon. Pakiramdam tuloy niya'y ibang Everly ang nasa harap niya.“What are you doing here, Everly? Why did you come back? Wala ng rason para bumalik—”“Meron, Marcus!” madiin nitong sambit bago sinunggaban siya ng halik.Mabilis siyang naalerto, naiiwas niya agad ang ulo niya.“Umalis ka na, Everly. Wala akong panahon para makipag-usap sa iyo. Isama mo na rin ang batang kasama mo!”Pagkasabi niyon, nilapitan na niya ang lamesa niya. Ngunit nang uupo na siya, biglang humalakhak si Everly.“Ipinagtatabuyan mo ba kami ng anak mo? ‘Yong batang sinasabi mo, anak mo!” asik nito na ikinamulagat niya.“What… what did you say?” Ngumisi ang dating sekretarya bago luma
“S-Snîper? Snîper ang pumatay kay Dona?” tanong ni Nimfa nang marinig ang tinuran ng isa sa mga pulis na agad nagtungo sa bahay ni Zachary upang mag-imbestiga sa kalunos-lunos na pagkasawi ni Dona.Tumango ito. “Posible, ma'am. Pero under investigation pa rin ang kasong ‘to at babalitaan po namin k
“Ayos ka lang, Ma'am Nimfa?” Nilingon ni Nimfa ang nagsalita bago tumango. “Oo naman, Benjie. Bakit mo naman natanong?” Pero ang totoo, simula nang umuwi siya rito sa bahay ni Zachary galing sa kumpanya nito, hindi na siya maayos dahil naalala na naman niya ang natanggap niya kahapon. Hindi niya
“Hala, Ma'am Nimfa, kayo na ni Sir. Zachary?” gulat na tanong ni Benjie. Nakangiting humiwalay si Nimfa kay Zachary bago nilingon ito. “Hindi.” “B-Bakit mo siya hinalikan?” gulat pa ring tanong ni Benjie. Natawa siya. “Wala lang, trip ko lang,” tugon niya sabay baling kay Zachary, pero halos m
“Annulled na kayo ni Nimfa?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Lance kay Marcus nang bumisita ito sa kumpanya kasama si Bryes.Tumungga muna si Marcus sa hawak na baso bago nilingon si Lance. “Yeah, no'ng nakaraang araw lang.”Bumakas ang gulat sa mukha ng kaibigan. “Teka, bakit ngayon ko lang na







