Share

Chapter 3

Author: PILOSOPOTASYO
last update publish date: 2026-04-22 23:36:21

Nagulat si Atty. Mendoza sa biglaang desisyon ni Nimfa. “Ano'ng sabi mo, Nimfa? Annulment? Are you sure about that?” paninigurado nito.

Bumuntong-hininga si Nimfa bago pabagsak na umupo sa kama. “Desidido na po ako, Atty. Mendoza. Niloloko lang ako ni Marcus. May relasyon siya kay Claire, sa asawa ng kapatid niya…”

“Puwede kitang tulungang mag-file ng annulment, Nimfa. Pero sigurado ka ba talaga?”

Lumunok siya bago sinapo ang noo. “Sigura—”

“Sino'ng kausap mo?” putol sa kaniya ng isang tinig.

Nang bumaling siya sa pinto, nakita niya si Marcus na hubo't-hubad. Dali-dali niyang pinatay ang tawag bago tinuyo ang magkabilang pisnging balot na ng luha.

“W-Wala.”

Umiling ang asawa bago naglakad palapit sa kaniya. “Ginagawa mo ba ‘kong tanga, Nimfa? Hindi ako bingi. Nakita at narinig kitang may kausap ka.”

“Wala ‘yon, Marcus…” pagpupumilit niya.

“Give me your phone, now!” maawtaridad nitong sambit bago inilahad ang kamay sa harap niya.

Nagsimulang manginig si Nimfa nang sandaling iyon dahil sa matalim na tingin ng asawa niya sa kaniya. Gustuhin man niyang hindi sundin ang nais nito, pero sa takot, wala na siyang nagawa kundi ang ipatong ang cellphone niya sa palad nito.

Sandali iyong kinalikot ni Marcus bago ibinalik ang tingin sa kaniya. “Si Atty. Mendoza ang kausap mo? Your lawyer? Bakit mo siya kausap?”

“May tinanong lang ako sa kan—”

Napasinghap na lang si Nimfa nang biglang hawakan ni Marcus ang braso niya. Bahagya pa siyang napadaing dahil sa higpit nang pagkakahawak nito sa kaniya.

“Nakikipaglandian ka ba sa kaniya, ha?” tiim na tanong ni Marcus sa kaniya.

“Hindi, Marcus, hindi,” agad niyang sagot bago sinubukang bawiin ang braso niya, ngunit hindi iyon binitiwan ng asawa kaya muli siyang nagsalita, “Bitiwan mo ‘ko, Marcus, nasasak—”

“Dapat lang na masaktan ka dahil hindi tama ‘tong ginagawa mo. ‘Wag na ‘wag mo nang kakausapin ang lalaking ‘yon dahil kung hindi, ikukulong kita rito.” At pabagsak siya nitong binitiwan bago inihagis ang cellphone niya sa pader dahilan para mawasak iyon.

“Marcus, ano'ng ginawa mo? Regalo ‘yan sa ‘kin ni tatay.” At nilapitan niya ang cellphone niya. Subalit nang makita niya ang estado noon, napaiyak na lang siya. “Regalo ‘to sa ‘kin ni tatay bago siya mawala. Ano'ng ginawa mo, Mar—”

“Parusa mo ‘yan sa pakikipag-usap mo sa lawyer mo!” walang emosyong anas ni Marcus bago ito tuluyang lumabas ng silid.

Napayukom na lamang si Nimfa. Nagngalit siya. Ito pa talaga ang may lakas ng loob na pagbintangan siya, eh sa kanilang dalawa, ito naman ang tunay na manloloko.

Sariling hipag, ginagapang.

Sariling hipag, pinagnanasahan.

Nakakasuka.

Dahil sa ginawa ni Marcus, magdamag nang gising si Nimfa. Wala na ang kaisa-isang alaala ng tatay niya sa kaniya bago ito mamaalam sa mundo.

Ang totoo, mag-isa na lang sa buhay si Nimfa dahil ang nanay niya ay namatay habang ipinapanganak siya.

Kaya ngayong may kinakaharap siyang matinding sitwasyon, wala siyang ibang mapaglapitan kundi ang sarili lang niya.

Kinabukasan, nang magising siya, bumaba agad siya sa unang palapag, subalit tila mapapatid siya sa kinatatayuan nang makitang magulo ang bahay.

Nagkalat ang mga unan sa sahig, may mga basag na vase, at mga indoor plants na tila pilit na binungkal, dahilan upang kumalat ang lupa sa marmol na sahig. Idagdag pa rito ang mga dekorasyon sa dingding—mga painting na pinaghirapan pa niyang ayusin—na ngayon ay sira at nagkalat na rin.

Dahan-dahang naglakad si Nimfa upang hanapin ang may sala, at sa isang sulok, nakita niya si Harry, ginuguhitan ang isang pamilyar na painting—ang painting na binili niya sa malaking halaga.

“Harry, ano'ng ginagawa mo? Akin ‘yan, bakit mo ginuguhitan?” Sabay bawi niya noon, subalit huli na dahil halos mapuno na ng marker iyon. “Bakit mo ‘to ginuhitan, Harry? Bakit?” tanong niya pa, bahagya nang mataas ang boses niya dahil sa galit.

“So?” Nguso sa kaniya ng bata na ikinanlaki ng mga mata niya. “Sabi ni mommy, bahay na namin ‘to, and I can do whatever I want.”

Pikang-pika na si Nimfa kay Harry, kulang na lang ay saktan na niya ito dahil sa ugali nito. Pero pinipigilan lang niya ang sarili dahil hindi siya nabuhay upang manakit ng bata. Pero sobra na talaga ito kaya hindi na niya napigilan na hawakan ang braso nito.

“Hindi niyo ‘to bahay, Harry. Wala kayong lugar sa bahay na ‘to dahil kay sa asawa ko ‘to, kay Marcus. Hindi porke nakatira kayo rito ng ina mo, ibig-sabihin ay may karapatan ka nang manira. Wala, Harry, wala—”

“Ouch!” daing nito.

Napaatras si Nimfa sa gulat. Wala naman siyang ginawa para dumaing ito. Pero ang mga sumunod na nangyari, hindi na niya kinaya pa.

Kinurot ni Harry ang sariling braso hanggang sa magsugat at magdugo iyon, na agad nitong ikinaatungal.

“Mommy! Mommy! Mommy! She hurt me, mommy, she hurt me…” Patuloy nito sa pag-atungal.

“‘Wag kang gumawa ng kuwento, Harry, hindi—”

“Ano'ng nagyayari rito? Oh my God, Harry, what happened?” gulat na saad ni Claire na bigla na lang sumulpot kung saan.

“Kinurot ako ni Tita N, mommy. Look, it's bleeding,” sumbong ni Harry sa ina na lalong ikinagulat ni Nimfa.

Nang humarap si Claire sa kaniya, nakita niya agad ang matinding galit nito sa mukha. “Sinaktan mo si Harry? Sinaktan mo ang anak ko?!” hiyaw nito.

Sa lakas, umalingawngaw iyon sa buong bahay.

“Walang katotohanan ‘yan, Claire. Hindi ko kinurot si Harry, at lalong hindi ko siya sinaktan. Kinakausap ko lang siya kasi ginulo niya ang bahay, lalo na ‘tong painting na ‘to tapos bigla na lang niyang kinurot ang sarili—”

“Hindi nagsisinungaling ang bata!” palahaw ni Claire bago siya sinampal nang malakas.

Dahil mabilis ang nangyari, hindi naiwasan ni Nimfa ang palad nito. Natumba siya sa lakas nang pagtama noon sa pisngi niya.

“Hindi ko sinasaktan ang anak ko, Nimfa. Kahit kailan, hindi ko inilapat ang kamay ko sa kaniya. ‘Wag ka nang magmalinis, sinaktan mo ang anak ko.”

Susugurin na sana siya ni Claire nang biglang dumating si Marcus mula sa pagjo-jogging. Pawisan ito, pero mas kapansin-pansin ang reaksyon nito sa mukha.

“Anong nangyayari rito? Bakit magulo? Bakit ka naiyak, Harry? Ano'ng nangyayari sa inyong dalawa?” sunod-sunod na tanong ng asawa.

“Tito Marcus!” At humahagulgol na lumapit si Harry kay Marcus. “Kinurot ako ni Tita N. Look, my arm is bleeding…” At ipinakita pa nito ang balat nito.

Tiningnan iyon ni Marcus bago gulat na bumaling sa kaniya. “Sinaktan mo si Harry? Sinaktan mo ang bata?” tanong nito na ikinalaglag ng panga ni Nimfa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Maribel Saldivar
maykatulad ang kwento,,,,,pareho ibang mga pangalan
goodnovel comment avatar
Mia Lorenzo
sa hipag pa tlga Marcus
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 148

    “H-How’s Zacharias, Tita N?” tanong ni Harry.Napamulagat si Nimfa. Hindi siya agad nakapagsalita habang nakatitig sa mga mata ng binata. Habang pinagmamasdan niya ito, biglang rumihistro sa isip niya ang nangyari noon—ang panahong malayo ang loob nila sa isa't-isa. Tandang-tanda pa niya kung paano ito gumawa ng kuwento para magalit si Marcus sa kaniya. Nagsinungaling itong kinurot niya raw ito kahit hindi naman totoo. Pero ngayon, sa hitsura ni Harry, para itong hindi makabasag-pinggan. Ibang-iba na rin ito. Guwapo at matipuno na, malayong-malayo sa batang dati niyang kilala.Mariing napalunok si Nimfa bago sunod-sunod na umiling. “Si Zacharias?”Tumango si Harry. “How is he? Is he okay?”“O-Oo, okay lang naman siya. Natutulog na siya. Teka—bakit mo natanong? Naparito ka ba para lang tanungin kung maayos ang anak ko? Naguguluhan ako, Ha—”“Just remember, Tita N... the day will come when you will know the truth.”Pagkasabi niyon ni Harry, tumalikod na ito at agad na tumakbo palayo.“

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 147

    “So you and Zachary aren't okay?” rinig niyang tanong ni Wesker habang nakatanaw siya malayo.Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Nimfa bago binalingan ang kaibigan. Kasama nito ang asawa nitong si Olivia, na karga ang bunso nilang anak. Kasalukuyan silang nasa pool area ng bahay nila, at naibahagi na niya sa mag-asawa ang nangyari sa pagitan nila ni Zachary.“Mali ba ako na mas pinili kong maging maayos ang lahat kaysa habang-buhay kong ibaon sa sarili ko ang galit na matagal ko nang kinikimkim?” seryoso niyang tanong.“Look, Ningning, ‘wag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Masisisi mo ba ako kung mas kakampihan ko si Zachary kaysa sa iyo? Your husband only wants what's best for you. He's just protecting you from your bástard ex-husband. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya galit sa ginawa mo,” wika ni Wesker.“Past is past, babe. Why does Zachary need to react that way? Nimfa just wanted peace, and peace starts by letting go of the past,” sambit naman ni Olivia.“Nandoo

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 146

    “Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 145

    Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 144

    Hindi makakibo si Nimfa. Hinayaan niya lang na nakayakap sa kaniya ang dating asawa hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa kaniya.Mariin siyang napalunok bago bahagyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi niya alam ang sasabihin, halos hindi siya mapakali sa harap ng asawa.“Is there a problem, Nimfa?” mayamaya pa'y tanong nito sa kaniya.Mapakla siyang ngumiti bago umiling. “W-Wala naman, Marcus. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos nang nangyari sa atin noon, heto't maayos na tayong nagkakausap.”“Hindi ba maganda ‘yon, na maayos na tayo after what happened? Now that Claire’s gone, I think it's time to reconcile. I mean, alam kong hindi ko na maibabalik ang relasyon natin noon because I cheated on you with my sister-in-law. Ang gusto ko, sana maging magkaibigan ta—”“Hindi pa ako sigurado sa ngayon, Marcus. Binaon ko sa hukay ang nangyari noon, hindi ko na ‘yon tangan sa akin, pero kasi, hindi biro ‘yong ginawa mo. Mahirap nang magtiwala, sapagkat sinira mo na

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 143

    Mabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression. Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan. Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire. Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito. Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara r

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 7

    Sa kabilang dako, luhaang bumagsak si Nimfa sa kama dahil sa sinaad ni Marcus sa kaniya. May ibang babae na ito, ngunit bakit tila ayaw pa siya nitong pakawalan? Ano'ng gagawin niya sa pamamahay na ito? Habang-buhay magbulag-bulagan habang nakikita kung gaano kasaya ang asawa niya sa ibang babae?

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 6

    Mayamaya pa, nang maramdaman ni Nimfa na bahagyang gumalaw ang asawa, humiwalay na siya rito. Napansin niya agad ang pamamasa ng mga mata nito habang matamang nakatingin sa kaniya.“Umiiyak ka ba, Marcus?” tanong niya sa asawa.Marahang umiling si Marcus bago ngumiti. “N-No…” tanggi nito bago hinaw

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 5

    “A-Ako, Marcus? Kinukuwestyon mo ang pagiging asawa ko? B-Bakit?” naguguluhang wika ni Nimfa habang gulat pa ring nakatingin sa asawa.Umiling si Marcus bago hinilot ang magkabilang sentido. “Arturo, dalhin mo si Harry sa kuwarto nila sa itaas,” utos nito sa mayordomo na kakatayo lang.Tumango ito

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 4

    Bagamat mahapdi pa rin ang sampal ni Claire, tumayo pa rin si Nimfa upang depensahan ang kaniyang sarili.“Nagsisinungaling si Harry, Marcus. Hindi ko siya kinurot. Siya ang kumurot sa sarili niya. Oo, hinawakan ko siya kasi pinagsabihan ko siya, pero hindi ko siya sinaktan. Hindi ko magagawang sak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status