LOGINBagamat mahapdi pa rin ang sampal ni Claire, tumayo pa rin si Nimfa upang depensahan ang kaniyang sarili.
“Nagsisinungaling si Harry, Marcus. Hindi ko siya kinurot. Siya ang kumurot sa sarili niya. Oo, hinawakan ko siya kasi pinagsabihan ko siya, pero hindi ko siya sinaktan. Hindi ko magagawang saktan ang isang bata,” paliwanag niya habang namamasa ang mga mata. “No, Tito Marcus, nagsisinungaling siya. Sinaktan niya ‘ko kasi sinira ko ‘yong mga painting.” “‘Wag kang sinungaling, Harry. Bata ka pa. Pinagsabihan lang kita dahil bukod sa mga painting, sinira mo rin ‘yong ibang gamit dito sa bahay. ‘Yong mga base, mga halaman, sinira—” “Oh my God, Marcus. Ganito ba talaga si Nimfa? Masyado namang papansin, eh bata lang naman si Harry,” wika ni Claire bago lumapit sa asawa niya. “Pagsabihan mo nga ang asawa mo,” anito pa. Sandaling walang kibo ang asawa niya bago ito nakatagis pangang lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya at puwersahan siyang hinila patungo sa kuwarto nilang mag-asawa. “Nasasaktan ako, Marcus.” Sabay bawi niya sa braso niya. “‘Wag mong sabihin sa ‘kin na kakampihan mo ‘yong mag-inang ‘yon? Please, Marcus, maniwala ka naman sa ‘kin. Asawa mo ‘ko. Tatlong taon na tayong magkasama, sa ‘kin ka pumanig.” “Gusto mo ‘kong pumanig sa ‘yo? Really? Pagkatapos mong saktan ang pitong taong gulang na bata? My God, Nimfa. 20 years ang agwat ng edad niya sa ‘yo. Bata ‘yon, walang muwang.” “Bata man pero sinungaling naman. Ako, hindi. Alam ko ang ginagawa ko, ‘yong batang ‘yon, hin—” “Bakit ka ba nagkakaganito, Nimfa? Dumating lang sina Claire at Harry rito sa bahay, naging gan'yan ka na. You're acting like—” “Sige na, ako na ang masama. Ako na ang mali. Ako na ang tanga. Kailan ba ‘ko naging importante sa ‘yo, Marcus? May halaga pa ba ako sa ‘yo? Kasi kung wala na, sabihin mo lang.” Umiling si Marcus, pinipigilang magalit. “‘Yan, ‘yan ka na naman. You're acting like a kid. Sa inyo ni Harry, mas ikaw pa ‘yong bata.” “Bakit mo ‘ko inihahambing sa kaniya? Bakit ba palaging sila na lang? Pa'no ako, Marcus? Asawa—” “Asawa lang kita.” Pagkatapos, tumalikod na si Marcus bago lumisan. Naiwang tigalgal si Nimfa sa narinig. Lang? Ganoon ba kababa ang tingin nito sa kaniya para tawagin siyang asawa lang? Mangiyak-ngiyak siyang lumapit sa kama bago umupo. Paulit-ulit na rumirihistro sa kaniyang utak ang sinabi ni Marcus. Parang nanliit tuloy siya sa sarili niya. Pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Akala niya masuwerte siya kay Marcus—hindi dahil sa pera nito—kundi dahil sa kabaitan nito sa kaniya noong mga panahong maayos at masaya pa sila. Ngayon, tatlong taon na silang kasal, ngunit kahit isang beses ay hindi man lang nito ibinigay ang pangangailangan niya bilang asawa. Mas ginugusto nitong magsarili o kaya naman ay tumikim ng ibang babae. Kaya naman hanggang ngayon, vîrgin pa rin siya kahit ilang taon na silang magkasama sa iisang bubong bilang mag-asawa. Lumipas ang buong araw, hindi lumabas si Nimfa sa kuwarto nilang mag-asawa. Kung tutuusin, kuwarto lang niya dahil bilang lang sa daliri niya ang mga gabing nakasama niya ang asawa sa silid sa ilang taong pagsasama nila. Palagi lang itong nasa opisina nito, at doon na rin natutulog. Nang sumapit ang kinagabihan, bumaba na siya upang maggabihan. Sakto namang malakas ang ulan kaya malamig. Patungo na sana siya sa kusina nang marinig niya niya ang malakas na pag-iyak ni Harry. Hinanap niya ang bata, at nakita niyang nasa living area ito. Kahit galit dito, lumapit pa rin si Nimfa. “Harry? Bakit ka umiiyak?” tanong niya rito. Nag-angat ito ng mukha sa kaniya bago halos patalon nang bumaba mula sa sofa. “Tita N, help mo si mommy, please…” pakiusap nito. Napakunot-noo siya. “Help? Nasa'n ba siya?” Imbes na sumagot, hinawakan lang ni Harry ang kamay niya at hinila siya. Walang nagawa si Nimfa kundi ang magpaubaya. Dinala siya ng bata sa harap ng garden ng bahay nila. At dahil gawa sa salamin ang pader, kita niya ang nasa labas. Napamulagat na lang siya nang makita si Claire sa labas habang nakaluhod sa damuhan. Babad na ito sa ulan habang umiiyak. “Ano’ng ginagawa ng mommy mo sa labas?” tanong niya kay Harry. “Dahil sa kaniya!” sigaw ni Harry bago may kung sinong itinuro. Sinundan ng mga mata niya ang direksyon ng daliri nito, at agad siyang natigilan nang makita si Arturo—ang mayordomo ng pamilya Delacroix. Suot nito ang uniporme nitong itim mula ulo hanggang paa habang nakatago sa likod nito ang mga kamay. Lumunok si Nimfa bago lumapit dito. “Ano'ng ginagawa ni Claire sa labas? Bakit ikaw ang itinuro ni Harry?” tanong niya. “Utos sa ‘kin ni Madame Isadora,” malamig na sagot ni Arturo sa kaniya. Si Madame Isadora ay ang ina ng asawa niya. “Dahil ba sa nangyari kay Harrison?” Pagtataka niya. Umiling ang mayordomo. “Sa pagiging iresponsable niyang ina. Nakarating sa amo ko ang ginawa ng anak niya, kaya pinarusahan niya.” Nawalan na ng sasabihin si Nimfa nang malaman ang totoo. Dapat lang na parusahan ang babaeng iyon. Sa katunayan, kulang na kulang pa iyon. Subalit mayamaya pa, natanaw na lang niya ang biglang pagdating ni Marcus. Nagulat ito nang makita si Claire sa ganoong estado. Hinawakan pa nito ang kamay ng babae bago inayang pumasok sa loob. Pagkapasok ng dalawa, tumuon agad ang tingin ni Marcus sa kanilang dalawa ni Arturo. Lumapit ito na bakas ang galit sa mukha. “Sino'ng gumawa no'n kay Claire? Kaninong plano ‘yon?” asik ni Marcus habang nakatagis ang panga. “Ni Madame Isadora, Sir. Marcus. Inutusan—” “Fûck you!” bulyaw ni Marcus kay Arturo bago ito sinuntok na nagpatumba rito sa lapag. “Inutusan ka ni mom? For what? Hindi pa rin ba siya nakaka-move on sa nangyari kay Kuya Harrison? Sabihin mo kay mom na namatay si kuya dahil naaksidente siya. Walang kasalanan si Claire!” “Hindi ‘yan ang rason, Sir. Marcus. Nakarating sa amo ko ang ginawa ni Sir. Harry sa bahay mo, kaya pinupunta niya ‘ko rito para parusahan si Ma'am Claire.” “At nakinig sa ‘yo si Claire? How? At sinong hangal ang nagsabi kay mom sa nangyari?” At pumameywang si Marcus. “Pinasabi sa ‘kin ni Madame Isadora na kapag hindi gagawin ni Ma'am Claire ang parusa, kukunin niya si Sir. Harry. At si Dona ang nagsabi sa kaniya ng nangyari…” pahayag ni Arturo na ikinatigalgal ni Nimfa. Si Dona? Ang kasambahay nila? Sakto namang biglang lumabas ito sa kusina kaya tinawag ito ni Marcus. Diretsahan at walang pagdadalawang-isip, tinanggal nito si Dona sa trabaho nito. “Mag-impake ka na, hindi na kita kailangan!” Hindi na mabilang ni Nimfa kung ilan na ang naging kasambahay nila dahil sa ugali ni Marcus. Kung susumahin, mga nasa bente na. Masakit man, walang nagawa si Dona kundi ang sundin ang nais ni Marcus. Habang si Nimfa naman ay tumalikod na sa asawa. Pero nakakatatlong hakbang pa lang siya, bigla siya nitong hinawakan sa kaniyang braso. Hinila siya nito at puwersahang hinarap. “At ikaw, Nimfa. Nandito ka na, bakit hindi mo man lang tinulungan si Claire? Anong klase kang asawa?” sambit nito. Natigalgal si Nimfa sa narinig, gulat na gulat sa sinabi ng asawa.“H-How’s Zacharias, Tita N?” tanong ni Harry.Napamulagat si Nimfa. Hindi siya agad nakapagsalita habang nakatitig sa mga mata ng binata. Habang pinagmamasdan niya ito, biglang rumihistro sa isip niya ang nangyari noon—ang panahong malayo ang loob nila sa isa't-isa. Tandang-tanda pa niya kung paano ito gumawa ng kuwento para magalit si Marcus sa kaniya. Nagsinungaling itong kinurot niya raw ito kahit hindi naman totoo. Pero ngayon, sa hitsura ni Harry, para itong hindi makabasag-pinggan. Ibang-iba na rin ito. Guwapo at matipuno na, malayong-malayo sa batang dati niyang kilala.Mariing napalunok si Nimfa bago sunod-sunod na umiling. “Si Zacharias?”Tumango si Harry. “How is he? Is he okay?”“O-Oo, okay lang naman siya. Natutulog na siya. Teka—bakit mo natanong? Naparito ka ba para lang tanungin kung maayos ang anak ko? Naguguluhan ako, Ha—”“Just remember, Tita N... the day will come when you will know the truth.”Pagkasabi niyon ni Harry, tumalikod na ito at agad na tumakbo palayo.“
“So you and Zachary aren't okay?” rinig niyang tanong ni Wesker habang nakatanaw siya malayo.Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Nimfa bago binalingan ang kaibigan. Kasama nito ang asawa nitong si Olivia, na karga ang bunso nilang anak. Kasalukuyan silang nasa pool area ng bahay nila, at naibahagi na niya sa mag-asawa ang nangyari sa pagitan nila ni Zachary.“Mali ba ako na mas pinili kong maging maayos ang lahat kaysa habang-buhay kong ibaon sa sarili ko ang galit na matagal ko nang kinikimkim?” seryoso niyang tanong.“Look, Ningning, ‘wag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Masisisi mo ba ako kung mas kakampihan ko si Zachary kaysa sa iyo? Your husband only wants what's best for you. He's just protecting you from your bástard ex-husband. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya galit sa ginawa mo,” wika ni Wesker.“Past is past, babe. Why does Zachary need to react that way? Nimfa just wanted peace, and peace starts by letting go of the past,” sambit naman ni Olivia.“Nandoo
“Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong
Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku
Hindi makakibo si Nimfa. Hinayaan niya lang na nakayakap sa kaniya ang dating asawa hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa kaniya.Mariin siyang napalunok bago bahagyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi niya alam ang sasabihin, halos hindi siya mapakali sa harap ng asawa.“Is there a problem, Nimfa?” mayamaya pa'y tanong nito sa kaniya.Mapakla siyang ngumiti bago umiling. “W-Wala naman, Marcus. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos nang nangyari sa atin noon, heto't maayos na tayong nagkakausap.”“Hindi ba maganda ‘yon, na maayos na tayo after what happened? Now that Claire’s gone, I think it's time to reconcile. I mean, alam kong hindi ko na maibabalik ang relasyon natin noon because I cheated on you with my sister-in-law. Ang gusto ko, sana maging magkaibigan ta—”“Hindi pa ako sigurado sa ngayon, Marcus. Binaon ko sa hukay ang nangyari noon, hindi ko na ‘yon tangan sa akin, pero kasi, hindi biro ‘yong ginawa mo. Mahirap nang magtiwala, sapagkat sinira mo na
Mabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression. Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan. Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire. Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito. Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara r
“Zachary, t-teka, a-ano’ng ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong ni Nimfa sa lalaki.Imbes na sumagot, lumingon lang ito sa driver. “Paandarin mo na ang sasakyan, Benjie. Ihatid natin siya sa bahay nila,” utos pa nito.Mabilis na tumango si Benjie bago tuluyang minaniobra ang sasakyan palayo. Mas
“A-Annulment?” naguguluhang sambit ni Nimfa sa asawa.Tumango si Marcus. “Ito naman ‘yong gusto mo, ‘di ba? Ang makipaghiwalay sa—”“Ngayon pa na maayos na tayo?” putol niya sa asawa bago nagsimulang mamasa ang mga mata. “Ayoko, Marcus. Please… ayoko.” Sabay hawak niya sa braso nito.Pero mabilis i
“Don't touch me!” bulyaw sa kaniya ni Harry nang makasakay sila ng sasakyan.Hindi na nagulat si Nimfa—alam niya na ang ipinakita nito sa kaniya sa loob ng ospital kanina ay pagpapanggap lamang, sapagkat pinalaki ni Claire si Harry bilang isang spoiled brat.“Salbahe kang bata ka!” asik niya rito b
“I never touched my wife—never in our three years of marriage.” Umalingawngaw agad sa magkabilang tainga ni Nimfa ang narinig mula sa loob ng VIP room. Pamilyar ang boses, malalim iyon—walang iba kundi ang asawa niyang si Marcus. Mabilis niyang ibinaba ang kamay na sana'y gagamitin niya upang buk







