Share

Chapter 7

Author: PILOSOPOTASYO
last update publish date: 2026-04-29 19:51:38

Sa kabilang dako, luhaang bumagsak si Nimfa sa kama dahil sa sinaad ni Marcus sa kaniya. May ibang babae na ito, ngunit bakit tila ayaw pa siya nitong pakawalan?

Ano'ng gagawin niya sa pamamahay na ito? Habang-buhay magbulag-bulagan habang nakikita kung gaano kasaya ang asawa niya sa ibang babae?

Parang mawawala na si Nimfa sa sarili nang mga oras na iyon. Kahit luhaan, ipinikit na lamang niya ang mga mata hanggang sa lamunin siya ng kadiliman.

Nang sumapit ang kinaumagahan, agad siyang bumaba sa kusina nang maramdaman niyang kumukulo ang tiyan niya. Kahapon pa siya walang kain kaya naman halos magwala ang mga bulate niya sa tiyan.

Ngunit malayo pa lang sa kusina, nakaamoy agad siya ng mabango na lalong nagpagutom sa kaniya. Amoy bacon, na isa sa mga paborito niyang umagahan.

Dali-dali niyang dinako ang kusina subalit mabilis na naglaho ang saya niya nang makita si Claire na nagluluto. Pakanta-kanta at pasayaw-sayaw pa ito habang suot ang nightgown nito, waring kakagising lang.

Lumunok siya ng laway bago sunod-sunod na napailing. Napagpasyahan na lang niyang bumalik sa silid at tiisin ang gutom kaysa makita ang bruhang kinaiinisan niya.

Ngunit saktong pagtalikod ni Nimfa, napasinghap na lang siya nang tawagin ni Claire ang pangalan niya.

“Nimfa, gising ka na?”

Napakunot-noo siya nang marinig ang tinig nito. Masaya ito, parang walang itinatagong galit sa kaniya. Hindi katulad kahapon na sa galit, nasaktan na siya nito.

Muli siyang lumunok bago humarap dito. At hindi na siya nagulat nang makitang nakangiti ito habang nakatingin sa direksyon niya.

“K-Kakagising ko lang…” walang emosyon niyang tugon kay Claire.

Mas lalong lumapad ang ngiti nito. “Tamang-tama, tapos na ‘ko rito sa pagluluto. Wala na kasi si Dona kaya napagpasyahan kong maghanda ng almusal ni Marcus, I mean, almusal natin. Pero wait lang, ha, tatawagin ko—”

“Ako na, ako na ang tatawag sa kanila,” putol niya sa babae.

Naninibago tuloy siya dahil hindi ito ang Claire na nakaharap niya kahapon. Ibang-iba ito ngayon, mabait ito. Pero malakas ang kutob niya na nagpapanggap lang ito.

“Sigurado ka?” paninigurado pa nito sa kaniya.

“Oo, babalik din naman ako sa taas kaya ako na ang tatawag kina Marcus at Harry.”

“Sige, kung gusto mo, wala na ‘kong magagawa.”

Tinanguan lang ni Nimfa si Claire bago tumalikod dito. Hindi niya alam kung ano ang nakain ng babaeng iyon para bumait talaga ito. Gayunpaman, mabigat ang nararamdaman niya rito—hindi bukal sa loob ng bruha ang pagiging mabait nito. Halatang pilit lang.

Nang pumanhik siya sa ikalawang palapag, dinako niya ang opisina ng asawa, ngunit agad siyang nagtaka nang hindi ito makita sa loob. Umiling siya, inisip na lang niya na ginagawa nito ang araw-araw nitong routine—ang pagjo-jogging bago pumasok sa trabaho.

Tinungo na lang niya ang isa pang silid na nagsisilbing kuwarto nang mag-inang Claire at Harry. Napansin niya agad na nakaawang ang pinto. Nang lumapit siya roon, nakarinig siya nang mahinang pag-uusap.

“Totoo po ba ‘yong sinabi sa ‘kin ni mommy, Tito Marcus? Na ikaw na raw po ang magiging daddy ko?” Si Harry.

“Harry, ayokong puwersahin ka, okay? Kung ano'ng gusto mong itawag sa ‘kin, it's fine. Pero alam mo, wala na si Kuya Harrison—ang daddy mo. Wala ka ng daddy, right? Sino na lang ang magiging daddy mo? Sino ang sasama sa ‘yo kapag may school program ka? Sino ang poprotekta sa mga nambu-bully sa ‘yo?” Si Marcus naman.

Nanumbalik na naman sa puso ni Nimfa ang sakit nang marinig ang masinsinang pag-uusap ng magtiyuhin. Pakiramdam niya'y unti-unti siyang nagkakapira-piraso nang sandaling iyon.

“Wala, Tito Marcus.”

“See? Kaya yeah, totoo ‘yong sinabi ng mommy mo. From now on, ako na ang magiging daddy mo. I will protect you no matter what. Mas hihigitan ko pa ang pagmamahal na ibinigay sa ‘yo ni Kuya Harrison.”

“Yehey! Thank you, daddy…”

At mula sa maliit na siwang sa may pinto, nakita ni Nimfa ang mahigpit na pagyakap ni Harry sa kaniyang asawa. Tahimik lang siyang napaiyak nang mga oras na iyon habang kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya.

Kaya niyang bigyan ng sariling anak si Marcus—anak na matatawag nitong sariling dugo at laman—hindi anak na galing sa kabit nito.

Ngunit paano mangyayari iyon kung ayaw man lang siya nitong hawakan? Akala niya iyong nangyari kagabi ang muling magdudugtong sa kanilang dalawa, subalit nagkamali siya. Nagalit lang si Marcus sa kaniya dahil sa ginawa niya.

“Nimfa, hindi ka mahina. Bakit ka ba nagkakagan’yan?”

Naestatwa bigla si Nimfa nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Dahan-dahan niya itong hinarap at nagulantang siya nang makita niya ang ama niya, prenteng nakatayo sa harap niya.

“‘Tay? I-Ikaw ba ‘yan? Buhay ka? ‘Tay?”

“Anak, kung nabubuhay lang ang nanay mo, hindi niya magugustuhan ang nangyayari sa buhay mo. Katulad ka niya, palaban, pero bakit mo hinahayaang gamitin ng mga taong nakakasama mo ang kahinaan mo?”

“Mahina ako, ‘tay. H-Hindi ako palaban katulad ni nanay. Ayoko na, ‘tay, isama mo na ‘ko. Ayoko nang mabuhay pa. Simula nang mawala ka, simula nang piliin ko ang landas na ‘to, naging impyerno na ang buhay ko. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar, ‘tay…”

“Nimfa, may panahon para maghiganti. Ibigay mo ang nararapat para sa kanila dahil hindi habang-buhay ay maaari ka nilang gamitin.”

“Maghiganti? Ano'ng mag—”

Hindi na natapos ni Nimfa ang ibang sasabihin nang biglang may kumalabog. Sa gulat, napatalon siya. Tumuon agad ang atensyon niya sa harap ng pinto, kung saan nakita niyang bukas na iyon habang nakatayo roon si Marcus, kasama si Harry na inaayos ang nahulog nitong laruan sa lapag.

“Sino'ng kausap mo, Nimfa?” naguguluhang tanong ni Marcus sa kaniya.

“Si—” Nagulantang na lang siya nang pagharap niya, hindi na niya nakita ang ama niya. “Si tatay, nandito siya kanina. Kausap ko siya, Marcus. Oo, si tatay—”

“Hey, he's dead, remember?” At lumapit ito sa kaniya.

Doon lang tuluyang nagising si Nimfa sa reyalidad. Agad na namalisbis ang luha sa mga mata niya nang mapagtanto niya ang sinabi ng asawa.

Nang makita siya ni Marcus na nasa ganoong estado, bigla na lang siya nitong niyakap nang mahigpit. Tinanggap niya iyon at tahimik na umiyak sa dibdib ng asawa.

“You're seeing things, Nimfa. I think mas mabuti kung magpahinga ka muna. But first, kailangan mo munang kumain. Claire prepared us breakfast. Let's go…”

Wala sa sarili siyang napatango. Nang humiwalay si Marcus sa kaniya, inakbayan siya nito bago siya inaya pababa sa kusina.

Naninibago talaga siya, hindi ganitong Marcus at Claire ang inaasahan niyang makikita niya ngayong umaga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mia Lorenzo
weh paekeng asawa Marcus
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 148

    “H-How’s Zacharias, Tita N?” tanong ni Harry.Napamulagat si Nimfa. Hindi siya agad nakapagsalita habang nakatitig sa mga mata ng binata. Habang pinagmamasdan niya ito, biglang rumihistro sa isip niya ang nangyari noon—ang panahong malayo ang loob nila sa isa't-isa. Tandang-tanda pa niya kung paano ito gumawa ng kuwento para magalit si Marcus sa kaniya. Nagsinungaling itong kinurot niya raw ito kahit hindi naman totoo. Pero ngayon, sa hitsura ni Harry, para itong hindi makabasag-pinggan. Ibang-iba na rin ito. Guwapo at matipuno na, malayong-malayo sa batang dati niyang kilala.Mariing napalunok si Nimfa bago sunod-sunod na umiling. “Si Zacharias?”Tumango si Harry. “How is he? Is he okay?”“O-Oo, okay lang naman siya. Natutulog na siya. Teka—bakit mo natanong? Naparito ka ba para lang tanungin kung maayos ang anak ko? Naguguluhan ako, Ha—”“Just remember, Tita N... the day will come when you will know the truth.”Pagkasabi niyon ni Harry, tumalikod na ito at agad na tumakbo palayo.“

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 147

    “So you and Zachary aren't okay?” rinig niyang tanong ni Wesker habang nakatanaw siya malayo.Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Nimfa bago binalingan ang kaibigan. Kasama nito ang asawa nitong si Olivia, na karga ang bunso nilang anak. Kasalukuyan silang nasa pool area ng bahay nila, at naibahagi na niya sa mag-asawa ang nangyari sa pagitan nila ni Zachary.“Mali ba ako na mas pinili kong maging maayos ang lahat kaysa habang-buhay kong ibaon sa sarili ko ang galit na matagal ko nang kinikimkim?” seryoso niyang tanong.“Look, Ningning, ‘wag mo sanang masamain ang sasabihin ko. Masisisi mo ba ako kung mas kakampihan ko si Zachary kaysa sa iyo? Your husband only wants what's best for you. He's just protecting you from your bástard ex-husband. Kaya naiintindihan ko kung bakit siya galit sa ginawa mo,” wika ni Wesker.“Past is past, babe. Why does Zachary need to react that way? Nimfa just wanted peace, and peace starts by letting go of the past,” sambit naman ni Olivia.“Nandoo

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 146

    “Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 145

    Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 144

    Hindi makakibo si Nimfa. Hinayaan niya lang na nakayakap sa kaniya ang dating asawa hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa kaniya.Mariin siyang napalunok bago bahagyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi niya alam ang sasabihin, halos hindi siya mapakali sa harap ng asawa.“Is there a problem, Nimfa?” mayamaya pa'y tanong nito sa kaniya.Mapakla siyang ngumiti bago umiling. “W-Wala naman, Marcus. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos nang nangyari sa atin noon, heto't maayos na tayong nagkakausap.”“Hindi ba maganda ‘yon, na maayos na tayo after what happened? Now that Claire’s gone, I think it's time to reconcile. I mean, alam kong hindi ko na maibabalik ang relasyon natin noon because I cheated on you with my sister-in-law. Ang gusto ko, sana maging magkaibigan ta—”“Hindi pa ako sigurado sa ngayon, Marcus. Binaon ko sa hukay ang nangyari noon, hindi ko na ‘yon tangan sa akin, pero kasi, hindi biro ‘yong ginawa mo. Mahirap nang magtiwala, sapagkat sinira mo na

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 143

    Mabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression. Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan. Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire. Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito. Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara r

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 37

    “Zachary, t-teka, a-ano’ng ginagawa mo rito?” naguguluhang tanong ni Nimfa sa lalaki.Imbes na sumagot, lumingon lang ito sa driver. “Paandarin mo na ang sasakyan, Benjie. Ihatid natin siya sa bahay nila,” utos pa nito.Mabilis na tumango si Benjie bago tuluyang minaniobra ang sasakyan palayo. Mas

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 36

    “S-Salamat, Bryes…” nahihiyang tugon ni Nimfa sa lalaki bago muling napayuko nang maalala niya ang nangyari noong nakaraan.Mahinang tumawa si Bryes. “Iniisip mo ba ang nangyari no'ng nakaraan? You pünched me, right?” Halos isang minuto siyang walang kibo bago tumingala rito. “Ginawa ko ‘yon dahil

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 2

    “Don't touch me!” bulyaw sa kaniya ni Harry nang makasakay sila ng sasakyan.Hindi na nagulat si Nimfa—alam niya na ang ipinakita nito sa kaniya sa loob ng ospital kanina ay pagpapanggap lamang, sapagkat pinalaki ni Claire si Harry bilang isang spoiled brat.“Salbahe kang bata ka!” asik niya rito b

  • Divorced Overnight, Claimed by a Billionaire the Next Day   Chapter 1

    “I never touched my wife—never in our three years of marriage.” Umalingawngaw agad sa magkabilang tainga ni Nimfa ang narinig mula sa loob ng VIP room. Pamilyar ang boses, malalim iyon—walang iba kundi ang asawa niyang si Marcus. Mabilis niyang ibinaba ang kamay na sana'y gagamitin niya upang buk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status