MasukNalaman ni Marian Navarro na niloloko siya ng asawa niyang si Arturo Mendoza. May relasyon ito sa isang babaeng estudyante sa kolehiyo. Ngunit hindi niya inakalang ang kapatid niyang si Jessica pala ang babaeng iyon, at sa pamilya nila, siya lang ang walang alam. Noon, sikat na couple sina Arturo Mendoza at Jessica Navarro. Alam ng lahat na si Jessica ang pinakamamahal ni Arturo. Ngunit tatlong taon na ang nakalipas, isang aksidente sa kotse ang nag-iwan kay Arturo na coma, at biglang nawala si Jessica sa panahong iyon. Dahil dito, kinuha siya ng pamilya Navarro mula sa probinsya at pinilit na pakasalan si Arturo—sa halip na si Jessica dahil daw wala nang silbi ang taong comatose. Matagal nang minahal ni Marian si Arturo, kaya nang malaman niya ang sitwasyon, pumayag siyang pakasalan siya kahit wala itong malay. Tatlong taon siyang nag-alaga kay Arturo habang comatose, nanatili sa bahay, iniiwasan ang lipunan, at ibinuhos ang lahat ng oras sa pagpapagaling sa kaniya. Naging housewife siya na umiikot ang mundo sa asawa niya… hanggang sa tuluyang magising si Arturo. Pero si Jessica pa rin ang pinili. Tatlong taon ng sariling awa at lungkot ang naiwang alaala kay Marian. Hindi siya minahal ni Arturo, ngunit siya ay nagmahal ng totoo. Pagod na siyang maging sunud-sunuran kaya nagpasya siyang makipaghiwalay sa araw ng birthday ni Arturo. Binago niya ang sarili niya. Pinakita sa lahat na hindi siya isang babaeng basta na lang tapak-tapakan. Handa na ba si Marian na ilagay sa alanganin ang buong mundo ng isang bilyonaryong lalaki… at ibaliktad ang lahat ng alam niya tungkol sa kapangyarihan, pera, at pag-ibig?
Lihat lebih banyakKabanata 1
Nalaman ni Marian Navarro na niloloko siya ng asawa niyang si Arturo Mendoza. May relasyon ito sa isang babaeng estudyante sa kolehiyo.
Birthday ni Arturo Mendoza ngayon, at maaga pa lang, naghanda na si Marian ng mesa na puno ng pagkain. Biglang tumunog ang telepono ni Arturo, na naiwan niya sa bahay. Nakita ni Marian ang text mula sa babaeng estudyante. Nanlumo siya ng makita ang mensahe.
“I bumped my head habang kumukuha ng cake. Nanunuot ang sakit sa ulo ko.”
May kasama pa itong selfie ng babae.
Hindi lumalabas ang mukha niya sa litrato, kundi ang mga binti niya. Naka-high white socks at black round-toed leather shoes ang babae, at nakataas ang blue-and-white skirt niya, na naglalantad ng maayos, manipis, at magagandang binti. Namumula ang kaniyang tuhod dahil sa tama. Ang dalagang puno ng sigla at may pa-cute na text, ay nagbigay ng isang ipinagbabawal na alindog.
Ganitong tipo ng babae ang hinahanap ng mga CEO bilang mistress.
Hawak ni Marian ang telepono nang mahigpit hanggang namuti ang mga daliri niya.
Tumunog muli ang telepono ng kaniyang asawa.
“Mr. Mendoza, see you at the Seda Hotel. I’m celebrating your birthday tonight.”
Birthday ni Arturo Mendoza ngayon, at ang kaniyang kabit ang magdiriwang nito kasama siya kesa sa asawa niyang si Marian.
Agad na kinuha ni Marian ang kaniyang bag at tumakbo patungo sa Seda Hotel. Gusto niyang makita sa sariling mata ang mangyayari. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng estudyanteng kalaguyo ng asawa niya.
•••
Pagdating ni Marian sa hotel, handa na siyang pumasok, pero nakita niya ang kanyang mga magulang na sina Christopher Navarro at Ruby Lopez-Navarro. Gulat siyang napatingin sa kanila.
“Dad, Mom, anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marian.
Nagkatinginan sina Christopher at Ruby, halatang nagulat rin nang nakita ang kanilang anak.
“Marian, your sister has returned to the country. We brought her here. Bata pa ang kapatid mo. Hindi namin pwedeng pabayaan si Jessica rito,” sagot ni Ruby.
Tumingin si Marian sa loob sa makintab na bintana at namutla.
Naka-blue-and-white dress ang nakitang babae—pareho ng sa litrato ng babaeng estudyanteng nakita niya sa cellphone ng asawa kanina.
Ang babaeng estudyante sa larawan ay ang kapatid niyang si Jessica Navarro.
Si Jessica ay kilala bilang may pinakamagandang mukha sa Maynila. Maraming lalaki ang nabighani sa kaniya. At ngayon, ginagamit ng kaniyang minamahal na kapatid ang mukha nito para akitin ang kaniyang bayaw.
Napatawa si Marian. Hindi siya makapaniwalang ang kabit ng asawa niya ay ang nakababatang kapatid niya. Tumingin siya sa mga magulang niya. “Looks like I’m the last one to find out. Alam nniyo na pala ang tungkol sa kanila.”
“Marian, Arturo doesn’t like you at all,” sabi ni Christopher, halatang kinakabahan.
“Oo, Marian. Alam mo ba kung ilan sa Maynila ang humahanga kay Arturo Mendoza? Sa halip na mapunta siya sa iba, ibigay mo na lang sa kapatid mo para wala ng problema,” dagdag ni Ruby.
Hindi makapaniwala si Marian sa narinig niya. “Mom, Dad—I’m your daughter too! Bakit ganito niyo akong tratuhin? Palagi na lang si Jessica ang iniisip niyo! Paano naman ako?”
Tumalikod na si Marian at umalis. Hindi niya kayang manatili pa roon ng matagal dahil pinagkakaisahan siya ng sariling pamilya.
“Marian!” biglang tawag ni Ruby mula sa likuran. “Tell me—did President Mendoza ever touch you?”
Huminto si Marian sandali.
“Marian, don’t think we owe you anything,” matalim na sabi ni Christopher. “Noon, alam mong couple sina Arturo at Jessica. Pero noong naaksidente si Arturo at naging mahina na lang ang katawan niya, ikinasal ka sa kaniya bilang kapalit ni Jessica.”
Tumingin si Ruby kay Marian na may panghuhusga. “Marian, look at yourself. Tatlong taon ka nang housewife, umiikot lang sa asawa mo, habang si Jessica, principal ballet dancer na. Isang magaling na mananayaw—ano ba ang puwede mong ikumpara sa kaniya? Wala ka naman ibang kayang gawin kundi ang maging ulirang asawa. Wala kang alam! Wala kang talent! Give Arturo back to her, Marian!”
Parang tinusok ng mga salita ang puso ni Marian sa pang-iinsulto ng sarili niyang magulang. Umalis siya na pulang-pula ang mga mata. Hindi niya na kayang pakinggan ang sasabihin nila.
•••
Bumalik si Marian Navarro sa villa. Madilim na, tahimik, at mag-isa siya. Binigyan niya si Belen ng day off, kaya wala talagang kasama sa bahay. Walang ilawnang buong lugar kaya para itong abandonado.
Umupo siya sa dining table sa dilim.
Lumamig na ang lahat ng pagkain sa mesa, pati ang cake na siya mismo ang gumawa, na may nakasulat na: "Happy Birthday, Husband."
Parang biro ang lahat ng iyon. Parang siya rin—isang biro.
Sikat na couple sa industriya sina Arturo Mendoza at Jessica Navarro. Alam ng lahat na si Jessica ang pinakamamahal ni Arturo. Ngunit tatlong taon na ang nakalipas, isang aksidente sa kotse ang nag-iwan kay Arturo. Na-comatose siya at biglang nawala si Jessica sa panahong iyon.
Dahil dito, kinuha siya ng pamilya Navarro mula sa probinsya at pinilit na pakasalan si Arturo sa halip ni Jessica dahil wala na raw silbi ang taong unconscious.
At dahil matagal ng minahal ni Marian si Arturo, matapos niyang malaman ang sitwasyon, pumayag siyang pakasalan siya kahit wala itong malay.
Tatlong taon siyang nag-alaga kay Arturo noong wala pa itong malay, nanatili sa bahay, iniiwasan ang lipunan, at ibinuhos ang lahat ng oras sa pagpapagaling sa kaniya. Naging housewife siya na umiikot ang mundo sa asawa niya hanggang sa tuluyang nagising si Arturo.
Kinuha ni Marian ang lighter at sinindihan ang kandila.
Sa tatlong taong iyon, naging batang principal ballet dancer si Jessica Navarro.
Si Marian ang walang silbi at walang talento. Habang si Jessica ang naman ang magaling at maraming talento.
Noong nagising si Arturo, pinili niya ang magaling at maraming talentong si Jessica at iniwan si Marian na sa mata niya ay walang silbi.
Tatlong taon ng sariling awa at lungkot ang naiwang alaala kay Marian. Hindi siya minahal ni Arturo, ngunit siya ay nagmahal ng totoo.
May kasabihan, ang unang umibig ay palaging talo. At ngayon, talo siya.
Biglang tumulo ang luha ni Marian habang tinitigan niya ang kandila.
Muling nabalot ng dilim ang buong villa.
Biglang sumilay ang dalawang maliliwanag na headlights sa labas, at dumating ang mamahaling kotse ni Arturo sa harap ng lawn.
Akala niya, hindi na siya uuwi ngayong gabi ang asawa niya dahil masaya iutonsa piling ni Jessica.
Bumukas ang gate ng villa at pumasok ang isang matangkad at guwapong lalaki sa malamig na hangin ng gabi. Si Arturo Mendoza ay bumalik sa bahay.
Mula pagkabata, mayaman ang Mendoza sa Maynila. Bilang tagapagmana, ipinakita ni Arturo ang pambihirang talento sa negosyo. Dalawang master’s degree sa Harvard sa edad na labing-anim, ang unang kompanya ay nasa listahan agad ng tinatangkilik, at halos agad siyang nakilala sa tagumpay. Pagbalik sa Pilipinas, siya ang opisyal na namuno sa Mendoza Group at naging pinakamayamang lalaki sa Maynila.
Pumasok si Arturo, malalim ang boses nang nagsalita siya. “Bakit walang ilaw?” Iniabot niya ang kamay at binuksan ang wall lamp.
Kumislap ang liwanag, napilitan si Marian na pumikit sandali. Nang muling tumingin, nakaharap niya si Arturo.
Naka-custom black suit siya kaya kitang-kita ang guwapo nitong mukha. Perfect ang sukat ng katawan, may natural na aloofness at karangyaan, bagay na pinapangarap ng maraming socialite.
Tumingin si Marian sa asawa niya. “Birthday mo ngayon, Arturo.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ni Arturo. Malamig niyang tinignan lang ang mesa. “Don’t waste your time next time. Alam mong hindi ko gusto ang maghanda sa birthday ko.”
Ngumiti si Marian nang bahagya, “Is it that you don’t celebrate these things, or you just don’t want to celebrate with me?”
Tinitigan siya ni Arturo na parang wala lang siya sa mundo niya. “Think what you want, Marian. Wala akong pakialam.”
Pagkatapos, umakyat siya sa itaas. Naiwan si Marian.
Palaging ganito si Arturo. Hindi kailanman mararamdaman ang init ng kaniyang puso.
Tumayo si Marian, tumitig sa matangkad at malamig na likod niya. “Birthday mo ngayon. I wanted to give you a birthday present.”
Huminto si Arturo, pero hindi siya lumingon. “I don't need it.”
Ngumiti si Marian nang dahan-dahan. “Arturo, maghiwalay na tayo.”
Biglang huminto si Arturo sa hagdan. Lumiko siya at pinatingin si Marian ng malalim na itim na mata.
Kabanata 208 Lumipas ang ilang linggo mula nang isilang ni Marian ang kanilang anak. Unti-unti nang nasanay sina Arturo at Marian sa bagong yugto ng buhay nila bilang mga magulang. Hindi man madali ang pag-aalaga sa isang bagong silang na sanggol, pareho nilang ginagawa ang lahat upang hindi maramdaman ng isa ang sobrang pagod. Maagang nagising si Arturo nang marinig niya ang mahinang pag-ungol ng anak nila. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama upang hindi magising si Marian. Napansin niyang mahimbing pa ang tulog ng asawa. May bahagyang bakas pa rin ng pagod sa mukha nito dahil ilang beses din itong nagising kagabi para magpasuso. Ngumiti si Arturo. "Ako na muna ang bahala sa anak natin," pabulong niyang sabi habang marahang hinahaplos ang buhok ni Marian. Yumuko siya at hinalikan ang noo nito. "Sleep some more, Wife." “Magluluto na lang ako ng pagkain natin,” sabi ni Marian bago lumabas ng silid. Lumapit si Arturo sa crib. "Good morning, Baby Max." Nakangiti niyang kinar
Kabanata 207 "Arturo!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Marian sa loob ng delivery room habang napapahawak siya sa tiyan niya. Halos mawalan siya ng hininga sa sunod-sunod na labor contractions na ilang oras nang nagpapahirap sa kaniya. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ng asawa. "A-Ang sakit..." Nanginginig ang boses niya habang napapapikit. Halos madurog naman ang kamay ni Arturo sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Marian, pero wala siyang pakialam. Kung maaari lang, gusto niyang siya na lang ang makaramdam ng lahat ng sakit. "Nandito lang ako, Wife. Nandito ako," paulit-ulit niyang bulong habang pinupunasan ang pawis sa noo ng asawa. Mas maputla pa ang mukha ni Arturo kaysa sa mismong manganganak. Halos hindi siya mapakali. Kanina pa siya naglalakad sa loob ng delivery room bago muling bumabalik sa tabi ni Marian. Napailing ang head midwife habang pinagmamasdan ang lalaki. "Sir," natatawa ngunit kalmadong sabi nito, "si Ma'am po ang manganganak. Hindi po kayo." Na
Kabanata 206 Taimtim na nakaluhod si Arturo sa loob ng lumang simbahan. Magkahawak ang mga kamay niya habang nakayuko sa harap ng altar. Tahimik ang paligid, tanging mahihinang yabag lamang ng ilang nagsisimba ang maririnig. "Lord," mahina niyang bulong, "isang pagkakataon lang ang hinihiling ko. Gusto kong maibigay kay Marian ang kasalang nararapat para sa kaniya. Iyong walang sakit, walang kasinungalingan, at walang luha. Sana maging masaya siya habang buhay sa piling ko." Napangiti siya habang naiisip ang babaeng nagbago ng buong pagkatao niya. Limang buwan nang buntis si Marian. Sa loob ng mga nakaraang buwan, wala nang ibang laman ang isip ni Arturo kundi kung paano niya mapapasaya ang asawa. Lahat ng cravings nito ay siya mismo ang bumibili. Kapag madaling-araw gusto nitong kumain ng halo-halo o mangga na may bagoong, hindi siya nagdadalawang-isip na lumabas ng bahay. Ngayong araw naman ang pinakahihintay niya. Ilang buwan niya iyong pinagplanuhan. Hindi ito simpleng prop
Kabanata 205 Naging masigla ang buong lumang mansiyon ng mga Mendoza nang tuluyan nang ma-discharge si Arturo mula sa ospital. Mula pa lamang sa pagpasok ng sasakyan sa malawak na bakuran, nakasilip na sa bintana si Lola Amore. Nang makita niyang magkahawak-kamay na bumababa sina Arturo at Marian, hindi na niya napigilan ang saya. Halos maiyak ang matanda habang nagmamadaling sinalubong ang dalawa sa pintuan. "Salamat naman at magkasama na ulit kayong umuwi," emosyonal niyang sabi habang mahigpit na niyayakap ang apo at si Marian. "Ito na yata ang pinakamatagal kong ipinagdasal." Napangiti si Marian. Ilang buwan na ang nakalipas, imposible niyang maisip na darating ang araw na ito. Dati, sa bahay na iyon ay pakiramdam niya isa lamang siyang estranghero. Ngayon, ramdam na ramdam niya ang init ng pagtanggap ng bawat taong naroon. Mahigpit namang nakahawak si Arturo sa kamay ng asawa. Ayaw niya itong bitiwan kahit sandali. Para bang kapag binitawan niya ito ay muli na naman itong mawa
Kabanata 4 Pagkatapos ng mahabang shopping spree sa mall, hindi na pinahinga ni Sam si Marian Navarro at diretso niya itong hinila papunta sa The Velvet Hour Bar sa BGC. Plano niyang ipagdiwang ang “freedom night” ng kaibigan—isang bachelorette party para sa bagong simula.Hindi inakala ni Marian
Kabanata 3 “Marian Navarro, get back here right now.” Pinagdikit ni Arturo Mendoza ang manipis niyang labi, malamig at matalim ang tono.Tumawa si Marian sa kabilang linya, walang bahid ng pag-aalangan. “You think babalik ako just because you told me to? Tapos na tayo. Sino pa bang magtitiis sa ug
Kabanata 2 Tumingin si Marian Navarro sa asawa, malumanay ngunit matatag, at inuulit ang sinabi. "Arturo, maghiwalay na tayo. Ganitong regalo ang gusto mo, ‘di ba?”Hindi gumalaw ang makapal na kilay ni Arturo. “Wait, because I didn’t celebrate your birthday, you’re thinking of breaking up with m
Kabanata 1Nalaman ni Marian Navarro na niloloko siya ng asawa niyang si Arturo Mendoza. May relasyon ito sa isang babaeng estudyante sa kolehiyo.Birthday ni Arturo Mendoza ngayon, at maaga pa lang, naghanda na si Marian ng mesa na puno ng pagkain. Biglang tumunog ang telepono ni Arturo, na naiwan


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Peringkat
Ulasan-ulasanLebih banyak