Compartir

Chapter 203

Autor: Michellara
last update Fecha de publicación: 2026-07-10 21:13:30

EVORIE EVE

“Ayos ka lang?” tanong ni Alistair noong napapahilot ako sa mga binti ko.

Katatapos lamang ng party nang sumapit ang alas-onse ng gabi. Tahimik na ang buong mansiyon, at ngayon ay nasa loob na kami ng kaniyang silid.

Tumabi siya sa akin sa kama. Naka-tuxedo pa siya at hindi pa nakakapagpalit dahil may inasikaso pa siyang mga bisita sa baba at nahuli na siyang umakyat rito.

“I am fine, baby. Medyo nangalay lang ang mga binti ko kakalakad dahil panay ang ihi ko tapos marami rin akong i
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 224

    Bago pa man tuluyang bumaon ang patalim sa dibdib ko, mabilis kong nasalo ang magkabilang pulso ni Hannah. Napasigaw ako sa tindi ng pwersang ibinibigay niya habang pilit kong itinutulak paitaas ang mga kamay niya.“Mamatay ka na, Evorie!” sigaw niya, nanlilisik ang mga mata. Buong bigat ng katawan niya ang ipinang-iipit sa akin sa makitid na hallway.“H-Hannah, itigil mo na 'to!” sigaw ko habang pilit iniiwas ang mukha ko sa patalim na ilang pulgada na lang ang layo.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Paula. Nakatulala lang siya sa tabi, nanginginig at hindi alam kung paano kami aawatin.“Paula! Help me!” sigaw ko habang buong lakas na pilit itinutulak palayo ang mga kamay ni Hannah. Pero mas malakas siya.Bago pa man makagalaw si Paula, malakas akong naitulak ni Hannah sa hagdan. Doon ako nawalan ng balanse.Hindi ko napigilan ang paggulong sa hagdan. Naririnig ko ang lagutok ng katawan ko sa bawat pagbagsak hanggang sa mala

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 223

    Inilapag ko ang folder sa babasaging mesa, mismo sa harap ni Paula. Napatitig lang siya rito at hindi man lang ako matingnan nang diretso sa mga mata.Halata ang puyat at matinding stress sa mukha niya. Namumutla rin siya at bakas ang pangingitim sa ilalim ng kaniyang mga mata.“Hindi ko tatanggapin ang resignation mo,” walang paligoy-ligoy kong saad bago sumandal sa sofa at pinagkrus ang mga binti.Pag-angat ng mukha niya, nagtama ang aming paningin. Direkta ko siyang tinitigan nang seryoso, pero nanatili akong kalmado.“Umalis ka sa mansiyon noong isang gabi nang hindi nagpapaalam sa amin ni Alistair. Binlock mo kaming lahat—hindi lang kami, pati sina Ness, Bianca, Lindsey, at Elaine—kaya hindi ka namin ma-contact. Pinuntahan pa namin ang bahay ninyo pero wala ka roon. Tapos pagpasok ko kanina sa opisina, resignation letter mo agad ang bumungad sa akin. Kaya pinahanap kita, at nang malaman kong narito ka sa subdivision na ito, agad akong pumunta

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 222

    Nakatayo pa rin ako sa porch ng mansiyon habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Paula. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang malamig na hangin ng gabi, kasabay ng bigat na bumabalot sa dibdib ko.“Baby? What happened?”Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng mga palad ni Alistair sa baywang ko. Mula sa likod, niyakap niya ako nang mahigpit at isinandal ang baba sa balikat ko.“'Di ba kotse iyon ni Paula? Bakit siya umalis nang ganito kaaga?” tanong niya sa malumanay ngunit nag-aalalang boses.Huminga ako nang malalim at isinandal ang ulo ko sa dibdib niya.“Alistair... bumalik na tayo sa pavilion. May sasabihin ako sa lahat.”Hindi na siya nagtanong. Hinawakan niya ang kamay ko at magkahawak-kamay kaming bumalik sa poolside pavilion kung saan naghihintay ang apat.Paglapit namin, napatingin agad sa amin sina Bianca, Lindsey, Ness, at Elaine. Napansin nilang kaming dalawa lang ang bumalik.“Nasaan na si Pau

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 221

    Napatingin sa akin si Paula sa repleksyon ko sa salamin pagpasok ko ng banyo. Naabutan ko siyang naghuhugas ng kamay. Tinabihan ko siya.Kumuha ako ng kaunting sabon mula sa dispenser at naghugas din ng kamay sa katabing sink. Tahimik ang buong banyo. Tanging ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa gripo ang namamagitan sa aming dalawa.“Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo,” panimula ko.Inilipat ko ang tingin ko sa kaniya sa pamamagitan ng salamin. Doon ko mas malinaw na nakita ang kaniyang mukha. Namumutla siya, at kahit pilit siyang ngumingiti, hindi maitatago ng kaniyang mga mata ang matinding kaba.Pinatay ko ang gripo at kumuha ng tissue para patuyuin ang mga kamay ko. Nanatili akong kalmado.“Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pagnanakaw ng design at paglabag sa intellectual property rights?” malumanay kong sabi. “Gusto mo bang sirain ang sarili mo sa harap ng maraming tao? Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong pinagtataksilan ako

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 220

    EVORIE EVEPagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa mansiyon, sumalubong na agad sa amin ang mga bata, halatang kanina pa sila naghihintay sa pagdating namin.“Mommy! Daddy!”Sabay-sabay silang tumakbo palapit sa amin ni Alistair. Mabilis akong lumuhod para saluhin sila at agad nila akong pinag-agawang yakapin sa leeg bago sumunod na yumakap sa daddy nila.“Mommy, we saw you on TV! You looked like a princess!” masayang tili ni Yvander. Marahang ginulo ni Alistair ang buhok ng bata.“Your Mommy is not just a princess, Yvander,” nakangiting saad ni Alistair habang nakatitig sa akin. “She’s the Queen.”Napakibit-balikat na lang ako sa sinabi ng asawa ko.“Lalaki ulo ko kakapuri mo, Alistair,” saad ko habang sabay-sabay kaming umaakyat sa hagdan. Dalawang bata ang karga niya habang sa akin naman ang isa.“May bayad ang bawat puri ko, my love,” aniya.“Ano naman?” natatawa kong tanong.“A

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 219

    Nang matapos ang event at tuluyang makaalis ang mga VIP guests, bumalik ako sa private holding room. Pagkapasok na pagkapasok ko, agad akong sinalubong nina Paula at Jessica ng mahigpit na yakap habang halos nagtatalon sila sa tuwa.Binati ako ng lahat ng nasa loob ng silid, maliban sa asawa ko na tahimik lang na nakatayo sa gilid. Nakatitig lang siya sa akin, pero halatang nag-uumapaw ang pagmamalaki sa kanyang mga mata. Ilang minuto ring naging maingay ang buong silid dahil sa tagumpay ng event. Maya-maya, isa-isa na ring lumabas ang mga staff para magligpit at asikasuhin ang iba pang mga gamit.Pagkalabas ng lahat, kaming dalawa na lang ni Alistair ang naiwan sa loob.Nagkatinginan kami habang pareho kaming nakangiti, kahit may kaunting distansya pa rin sa pagitan namin.“I am so proud of you, baby,” sabi niya. Halos hindi maipinta ang saya sa mga mata niya.Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. Mabilis akong lumapit at mahigpit siyang niyakap.“Nagawa ko,

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 031

    Evorie Eve12:45 AM. Nagising akong wala na sa kama si Ali. Kanina lang, bandang 11:00, nasilayan ko pa siyang mahimbing na natutulog. Bakit bigla siyang naglaho?Tumungo ako sa banyo para tingnan kung naroon siya, pero dahil hindi naka-lock ang pinto, siguradong walang tao sa loob. Pumasok na lang

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 030

    Evorie Eve Napatayo ako mula sa bleachers nang matanaw ko sa unahan si Alistair kasama ang kanyang mga tauhan. Naghintay ako rito sa lobby nang fifteen minutes kasama sina Clara, Janna, at ang mga bodyguards na pinasama sa amin ni Alistair. “Ma’am Evorie... wala na po kaming babalikang trabaho buk

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 029

    “Puntahan niyo na po siya, Sir. Baka magkabalikan pa sila kapag hindi mo napigilan. Mukha pa namang labis na kayong tinamaan kay Evorie. Halatang selos na selos ka na riyan,” hirit ni Xander, ramdam ko ang mapanukso niyang ngiti.“Hindi ako nagseselos, Xander,” kontra ko agad gamit ang isang mabiga

  • Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle   Chapter 027

    Pagkaupo ko, agad ding sumunod si Xander at tumabi sa akin.“Hindi ko matansya ang sukat niya,” aniya sa halos pabulong na tinig.“Pero ang sukat ni Cynthia, na isang beses mo pa lang nakita, ay alam mo kaagad sa isang tingin lang,” sagot ko, bago ko pinaikli ang staff at inilapag iyon sa ibabaw ng

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status