MasukMga Anino ng Krimen Buong buhay ni Aurora Vale ay itinago niya ang isang mapanganib na kapangyarihan. Sa tuwing hahawakan niya ang isang taong may kaugnayan sa namatay, para siyang hinihila pabalik sa nakaraan, napipilitang masaksihan ang huling sandali ng isang krimen. Para sa mga pamilyang nagluluksa, siya ang kanilang huling pag-asa upang malaman ang katotohanan. Ngunit para sa mga mamamatay-tao, siya ang saksing hindi nila kailanman inaasahan. Ngunit sa bawat pagbabalik ni Aurora sa nakaraan, lalo pang nagiging madilim at mapanganib ang mga pangitain na kanyang nakikita… dahil may isang taong nagsisimula nang makapansin sa kanyang kakaibang kakayahan. At ang susunod na krimen na kanyang masisilayan… maaaring siya na mismo ang magiging biktima.
Lihat lebih banyak***MGA ANINO NG KRIMEN***
Hindi lahat ng krimen ay nag-iiwan ng bakas sa lupa.
May mga krimen na nananatiling nakabaon sa katahimikan walang saksi, walang ebidensya, at walang hustisya. Tanging ang mga naiwan na lamang ang patuloy na nabubuhay sa tanong na hindi kailanman nasasagot.
Hanggang sa dumating si Aurora Vale.
Sa unang tingin, isa lamang siyang ordinaryong dalaga na tahimik ang buhay, maingat sa kilos, at sanay umiwas sa atensyon ng iba. Ngunit sa likod ng kanyang tahimik na mga mata ay may kakayahang hindi dapat umiral sa mundong ito.
Isang sumpang hindi niya kailanman hiniling.
Kapag nahawakan niya ang isang taong may kaugnayan sa isang namatay kahit pa ito’y isang simpleng bagay na minsang hinawakan ng biktima, may bigla siyang hinihila pabalik sa nakaraan. Hindi bilang tagamasid, kundi bilang isang saksi.
Nakikita niya ang huling hininga.
Naririnig niya ang mga sigaw na matagal nang nawala sa mundo.
Nararamdaman niya ang takot na hindi kanya, ngunit tila tumitimo sa kanyang dibdib na parang sariling alaala.
At sa bawat pagbabalik niya, may isang katotohanang paulit-ulit na bumabalik sa kanya:
Hindi lahat ng krimen ay gustong maresolba.
May mga katotohanang sadyang itinago… dahil may isang taong ayaw na mabunyag ang lahat.
Sa una, ginagamit siya ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, isang huling pag-asa sa mga kasong matagal nang isinara ng panahon at kapulisan. Unti-unti, ang kanyang pangalan ay bumubulong sa mga pasilyo ng mga imbestigasyon na walang direksyon, mga kasong tinawag nang “cold” at “unsolved.”
Ngunit habang dumarami ang mga hinuhukay niyang alaala, mas lalo ring dumarami ang mga aninong sumusunod sa kanya.
May mga mata na nagsisimulang mapansin ang kanyang kakayahan.
May mga taong hindi na interesado sa mga patay… kundi sa kanya.
At sa bawat krimeng kanyang binubuksan, parang may isang kamay na unti-unting humihila sa kanya palapit sa isang mas madilim na lihim isang pattern sa likod ng lahat ng kasong ito, isang koneksyon na hindi pa niya lubos na nakikita.
Hanggang sa isang araw, sa isang kasong dapat sana’y simpleng “unresolved murder,” may nakita siyang hindi dapat naroon.
Isang detalye lang. Isang presensya. Isang pamilyar na aninong hindi niya kayang balewalain.
At sa unang pagkakataon, hindi ang nakaraan ang humila sa kanya…
kundi may isang bagay mula sa kasalukuyan ang tumingin pabalik sa kanya.
Mabagal ngunit sigurado, na parang matagal na siyang hinihintay nito.
At doon niya napagtanto hindi siya basta saksi ng mga krimen.
Isa na rin siyang bahagi ng mga ito.
******
******
AUTHOR’S NOTE
Maraming salamat sa paglaan ng oras upang basahin ang kuwentong ito.
Ang “ECHOES OF THE CRIME” ay isang orihinal na akda ng may-akda at tanging bunga lamang ng imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa pangalan, pangyayari, lugar, o sitwasyon ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang.
Ang bawat karakter at pangyayari ay ginawa para sa layuning magbahagi ng kwento, emosyon, at kathang-isip na karanasan.
PAALALA / BABALA⚠️⚠️⚠️
Ang kuwentong ito ay hindi maaaring kopyahin, gayahin, i-repost, o gamitin nang walang pahintulot ng may-akda. Ang anumang hindi awtorisadong paggamit ng nilalaman ay itinuturing na paglabag sa karapatan ng orihinal na lumikha.
Sa mga makakabasa ng kwento, maraming salamat po sa suporta! 💛
Enjoy reading, and thank you for respecting original works! ✨
THIRD PERSON:Si Darius naman ay nanatiling tahimik lang sa kanyang kinatatayuan.Bilang isang imbestigador, hindi nakaligtas sa kanyang mapanuring mga mata ang bawat kilos nina Aurora at Collen.Nakapikit pa rin si Collen habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Aurora. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha, kasabay ng putol-putol na mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.Ngunit nang mabanggit nito ang pangalang "Calex," bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Darius.Bahagya siyang napakunot-noo.Tahimik niyang inulit sa isip ang pangalang iyon.Calex...Hindi iyon nabanggit ni Collen sa kanyang naging pahayag noong imbestigasyon.At sa pagkakaalam niya, wala ring pangalang ganoon sa mga impormasyong nakalap nila tungkol sa kaso ni Adrian.Mula sa simpleng pagmamasid, unti-unting napalitan ng matinding pag-uusisa ang kanyang mga tingin.Bilang isang Chief Inspector, alam niyang hindi maaaring balewalain ang anumang bagong pangalan na biglang lumilitaw sa gitna ng isang kaso.T
COLLEN POV:Patuloy na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang alaalang iyon.Akala ko iyon na ang pinakamasakit na bahaging makikita ko.Nagkamali ako.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko si Adrian.Nakatayo siya sa gilid ng rooftop, nakatalikod sa akin.Mahigpit ang pagkakahawak ng kanyang dalawang kamay sa bakal na railing. Halos mamuti ang kanyang mga daliri sa sobrang higpit.Hindi siya gumagalaw.Ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga balikat.Para bang pilit niyang nilalabanan ang lahat ng sakit na bumabalot sa kanya.Maya-maya, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mukha sa madilim na kalangitan.Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, puno ng lungkot, takot, at matinding panghihinayang."Adrian..." mahina kong tawag habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha.Hindi ko na kaya pang panoorin siya ganon.."Adrian..." kahit mabigat ang mga paa ko pinilit kong humakbang para lumapit pa sa kanya.Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang niyakap na
COLLEN POV:Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang alaala sa harapan ko.Ang multo ng nakaraan.Isang tunay na sugat na sa isang iglap ay mabubuksan.Sa harapan ko, naroon parin ang isang ako.At si Adrian.Nakatingin parin sa alalang ako, luhaan, desperado, at halos lumuhod na sa harapan ko habang mahigpit na hawak ang kamay ko.Pulang-pula na ang kanyang mga mata sa kakaiyak at nanginginig ang kanyang buong katawan na para bang natatakot siyang marinig ang sagot na di niya kayang matanggap.“Please, Collen...” nanginginig niyang sambit. “Kahit isa na lang na pagkakataon.”Unti-unting umiling ang alaalang ako.Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko.Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.Dahil ako ang babaeng kausap niya.Ako ang babaeng hinihiling niyang huwag siyang iwan.At ako rin ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura niya noong gabing iyon. Ang sakit...parang sinasakal na ako na nakikita kung pagdudusa ni Adrian nung gabing iyon..Gusto kong lapitan si Adrian.
COLLEN POV:"Pumikit ka na, Collen," mahinahong utos ni Ate Aurora.Tahimik akong tumango bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.Mahigpit kong hawak ang kamay ni Ate Aurora habang tahimik na nakikiramdam sa loob ng silid. Sa una, tila wala namang kakaiba. Naririnig ko pa ang mahinang ugong ng malaking elisi sa kisame, at ang malamig na hangin ay marahang dumadampi sa aking balat.Ngunit maya-maya, parang may nagbago.Unti-unting lumalim ang katahimikan. Maging ang ugong ng elisi ay tila naglaho.May kakaibang pakiramdam na unti-unting bumalot sa akin. Bigla na lang akong kinilabutan, kahit wala naman akong nakikitang kakaiba.Nagsimula iyon bilang isang malamig na sensasyon sa aking palad kung saan magkadikit ang kamay namin ni Ate Aurora. Sa una ay mahina lamang iyon, halos hindi ko mapansin, ngunit mabilis itong lumalim at gumapang paitaas sa aking mga braso.Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.Unti-unting umabot ang lamig sa aking dibdib hanggang sa tila tuluyan na ni
"ANG LIHIM NG SILID ARALAN"▪️▪️▪️✨✨✨ UNANG ARAW: ANG SIMULA NG IMBESTIGASYON✨✨✨▪️▪️▪️THIRD PERSON:Bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba ang isang lalaki, matangkad, matikas, at may presensyang agad nagpapatahimik sa paligid. Malamig ang kanyang aura, at sa paraan pa lang ng paglakad
***MGA ANINO NG KRIMEN***Hindi lahat ng krimen ay nag-iiwan ng bakas sa lupa.May mga krimen na nananatiling nakabaon sa katahimikan walang saksi, walang ebidensya, at walang hustisya. Tanging ang mga naiwan na lamang ang patuloy na nabubuhay sa tanong na hindi kailanman nasasagot.Hanggang sa dum
DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.
AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tangin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan