Share

CHAPTER ONE

last update publish date: 2026-05-29 14:45:50

                                               "ANG LIHIM NG SILID ARALAN"

▪️▪️▪️✨✨✨ UNANG ARAW: ANG SIMULA NG IMBESTIGASYON✨✨✨▪️▪️▪️

THIRD PERSON:

Bumukas ang pinto ng sasakyan.

Dahan-dahang bumaba ang isang lalaki, matangkad, matikas, at may presensyang agad nagpapatahimik sa paligid. Malamig ang kanyang aura, at sa paraan pa lang ng paglakad niya, halatang hindi siya basta-bastang imbestigador.

Si Chief Inspector Darius Alcantara.

Huminto siya sandali, pinagmasdan ang paligid, ang eskwelahang kanina’y puno ng buhay, ngayo’y tila pinigil ang paghinga.

“Anong initial report?” tanong niya agad, diretso ang tingin sa scene.

Lumapit ang isang pulis at bahagyang yumuko bilang paggalang.

“Sir, ang biktima po ay isang estudyante, nakilala bilang si Adrian Velasco. Natagpuan siya kaninang umaga ng isang utility staff sa likod ng campus.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Darius.

“Cause?”

“Sa ngayon, sir… pinaghihinalaang self-inflicted. May naiwan pong sulat sa loob ng bag niya.” sagot ng pulis, iniabot ang isang transparent evidence bag.

Hindi agad kinuha ni Darius.

Sa halip, tumingin muna siya sa paligid, sa mga estudyanteng nagbubulungan, sa takot na pilit tinatakpan ng tsismis, at sa hangin na tila may itinatagong kwento.

“Motibo?”

“Base po sa mga kaklase niya… may kinalaman daw sa hiwalayan nila ng dating nobya. Si Collen Santiago.”

Sandaling natahimik si Darius.

“Collen Santiago…” ulit niya, mababa ang boses.

“Siya rin po ang huling nakausap ng biktima kagabi, sir.”

Dahan-dahang kinuha ni Darius ang ebidensya.

~~~~~

Dinala si Collen sa isang bakanteng silid sa loob ng eskwelahan, ginawang pansamantalang interview room. Tahimik ang paligid ramdam ang tensyon ng paligid.

Nanatiling nakatungo siya.

Namumugto ang mga mata, nanginginig ang mga daliri habang mahigpit na hawak ang panyo.

Hindi pa rin niya matanggap na ganon ang nangyari kay Adrian.

Pumasok si Chief Inspector Darius Alcantara, kasunod ang isang babaeng pulis na may hawak na notebook.

Huminto siya sa tapat ni Collen.

Pinagmasdan muna niya ito, hindi bilang suspek, kundi bilang isang taong may pinagdadaanan.

“Collen…” mahinahon pero diretso niyang tawag.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang dalaga. Halatang pagod na sa kakaiyak.

“Alam kong mahirap ito,” dagdag niya, “pero kailangan naming maintindihan ang nangyari.”

Tahimik na tumango si Collen.

“Kelan mo huling nakausap si Adrian?” tanong ni Darius.

Napapikit si Collen sandali, parang binabalikan ang alaala.

“Kagabi po…” paos niyang sagot.

“Anong nangyari sa pagkikita niyo?”

Napahigpit ang hawak niya sa panyo.

“Pauwi na po sana ako noon…” nanginginig ang boses niya, “pero bigla siyang nag-text… gusto niya raw po akong makasama… kahit sandali lang.”

Tahimik lang si Darius, nakikinig.

"At nung nagkita kayo, ano sumunod na nangyari?"

“Inaaya niya po ako gusto niya po sana… kumain kami sa labas.” Bahagyang napailing si Collen, kasabay ng pagpatak ng luha. “Pero tumanggi po ako.”

“Bakit?”

“Dahil ayaw na po ng mga magulang namin na magkita pa kami…” sagot niya, halos pabulong. “Simula nung naghiwalay kami… pinagbawal na po.”

Saglit na katahimikan.

“Paano ang tono niya kagabi?” tanong muli ni Darius, mas seryoso na ang boses. “May kakaiba ba?”

Napaisip si Collen.

“Hindi po siya galit…” mahinang sagot niya. “Pero… parang ang lungkot niya. Hindi ko lang po inakala na…” naputol ang salita niya, napayuko ulit habang umiiyak.

“Collen,” muling tawag ni Darius, mas malalim ang boses, “sa tingin mo ba… kaya niyang gawin iyon sa sarili niya?”

Mabilis siyang umiling.

“Hindi po!” agad niyang sagot, halos napalakas. “Kilala ko po si Adrian… kahit nasasaktan siya, hindi siya ganung klase ng tao.”

Napatingin si Darius sa kanya, masinsinan.

“Sigurado ka?”

“Sigurado po ako…” nanginginig niyang sagot. “Kaya nga po… hindi ako naniniwala na ganoon lang iyon.”

Tahimik ang buong silid.

“At kung may alam ka pang kahit maliit na detalye-” dagdag ni Darius.

Biglang tumingin si Collen sa kanya, puno ng pagmamakaawa ang mga mata.

“Sir… pakiusap po…” halos pabulong niyang sabi, pero ramdam ang desperasyon. “Alamin niyo po ang totoo.”

Huminga siya nang malalim.

“Hindi po siya ganun… hindi siya basta susuko.”

Saglit na natahimik si Darius.

Pagkatapos ay tumango siya, bahagya, pero may bigat.

“Gagawin namin ang lahat para malaman iyon.”

Tumayo siya, pero bago tuluyang umalis.

Muling tumingin kay Collen.

At sa paraan ng pagtingin niya ay parang mas lalo lang tumibay ang hinala niya.

Na may kulang sa kwentong ito.

At ang sagot…

Maaaring nagsisimula pa lang lumitaw.

Tinitigan niya ang sulat sa loob ng plastic, parang may hinahanap sa pagitan ng mga salitang hindi pa niya nababasa.

Pagkatapos ay nagsalita siya, malamig at sigurado:

“Secure the area. Walang lalabas, walang papasok.”

Napatingin sa kanya ang mga pulis.

“Sir… mukhang malinaw naman po—”

“Walang malinaw,” putol niya, matalim ang tingin.

Saglit na natahimik ang lahat.

“Ang mga ganitong kaso,” dagdag niya, “madalas may tinatagong kwento sa likod ng ‘mukhang obvious.’”

Muli niyang sinulyapan ang lugar.

At sa unang pagkakataon parang may mali.

At sigurado siyang hindi ito magtatapos sa isang simpleng kwento ng kabiguan sa pag-ibig.

~~~~~

Lumipas ang ilang oras.

Sinuyod ng mga imbestigador ang buong campus, mula sa likod ng gusali hanggang sa bawat sulok na posibleng may makitang ebidensya.

CCTV footage ay malinis.

Walang kahina-hinalang galaw.

Ang suicide note, maayos ang sulat, tugma sa handwriting ni Adrian ayon sa initial comparison.

Mga kaklase , iisa ang sinasabi.

“Malungkot siya.”

“Hindi pa siya nakaka-move on.”

“Madalas siyang uminom nitong mga nakaraan.”

"Pumapasok pa nga ng amoy alak."

Lahat tila nagtuturo sa iisang direksyon.

~~~~~

Nakatayo si Chief Inspector Darius Alcantara sa may bintana ng hallway, nakatanaw sa madilim na bahagi ng campus kung saan natagpuan ang katawan.

Lumapit ang isang pulis.

“Sir… wala po talaga kaming nakitang kahit anong sign ng foul play.”

Hindi siya agad sumagot.

“Even the note, sir,” dagdag pa nito. “Mukhang authentic naman po.”

Tahimik.

Masyadong tahimik.

“Sir… mukhang malinaw na po talaga—”

“Hindi,” putol ni Darius.

Bahagya siyang lumingon, malamig ang mga mata.

“Masyadong malinis.”

Napakunot ang noo ng pulis.

“Sir?”

“Walang kahit isang inconsistency?” tanong niya, mababa ang boses. “Walang kahit isang detalye na sumasalungat?”

“Wala po, sir. Lahat… nagtutugma.”

Doon bahagyang napangiti si Darius, isang ngiting hindi umaabot sa mata.

“At doon ako mas kinakabahan.”

Natahimik ang pulis.

“Minsan,” dagdag niya, “kapag ang isang kwento ay perpektong-perpekto…”

Dahan-dahan siyang humarap muli sa bintana.

“Ibig sabihin, may nag-ayos.”

~~~~~

Sa kabilang banda, mag isang nakaupo si Collen sa labas ng silid.

Tahimik.

Pero hindi mapakali.

Paulit-ulit niyang binabalikan ang huling mensahe ni Adrian sa kanya.

“Kahit saglit lang…”

Napapikit siya, kasabay ng pagtulo ng luha.

“Hindi ka ganun…” bulong niya sa sarili. “Hindi mo kayang iwanan ako nang ganito…”

⚠️⚠️⚠️⚠️

AUTHOR'S NOTE

Babala sa mga Mambabasa

Ang kuwentong ito ay naglalaman ng mga sensitibong tema tulad ng krimen, karahasan, panlilinlang, pagtataksil, emosyonal na trauma, at iba pang sitwasyong maaaring hindi angkop sa mas batang mambabasa.

Ang lahat ng tauhan, lugar, organisasyon, at pangyayari sa kuwentong ito ay kathang-isip lamang at bunga ng malikhaing imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa totoong tao, buhay man o pumanaw na, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang at walang intensyong manakit, manira, o magbigay ng maling impormasyon.

Ang mga aksyon, desisyon, at gawaing ipinapakita ng mga tauhan sa kuwentong ito ay hindi dapat tularan, gayahin, o isabuhay sa totoong buhay. Ang layunin ng nobelang ito ay magbigay ng aliw, misteryo, at aral sa mga mambabasa, hindi upang hikayatin ang anumang ilegal, mapanganib, o marahas na gawain.

Pinapayuhan ang mga mambabasa na magpatuloy lamang kung komportable sila sa mga temang tatalakayin sa kuwento.

Maraming salamat sa inyong suporta.

— Ms. Yaen

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER THIRTEEN

    THIRD PERSON:Si Darius naman ay nanatiling tahimik lang sa kanyang kinatatayuan.Bilang isang imbestigador, hindi nakaligtas sa kanyang mapanuring mga mata ang bawat kilos nina Aurora at Collen.Nakapikit pa rin si Collen habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Aurora. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha, kasabay ng putol-putol na mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.Ngunit nang mabanggit nito ang pangalang "Calex," bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Darius.Bahagya siyang napakunot-noo.Tahimik niyang inulit sa isip ang pangalang iyon.Calex...Hindi iyon nabanggit ni Collen sa kanyang naging pahayag noong imbestigasyon.At sa pagkakaalam niya, wala ring pangalang ganoon sa mga impormasyong nakalap nila tungkol sa kaso ni Adrian.Mula sa simpleng pagmamasid, unti-unting napalitan ng matinding pag-uusisa ang kanyang mga tingin.Bilang isang Chief Inspector, alam niyang hindi maaaring balewalain ang anumang bagong pangalan na biglang lumilitaw sa gitna ng isang kaso.T

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER TWELVE

    COLLEN POV:Patuloy na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang alaalang iyon.Akala ko iyon na ang pinakamasakit na bahaging makikita ko.Nagkamali ako.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko si Adrian.Nakatayo siya sa gilid ng rooftop, nakatalikod sa akin.Mahigpit ang pagkakahawak ng kanyang dalawang kamay sa bakal na railing. Halos mamuti ang kanyang mga daliri sa sobrang higpit.Hindi siya gumagalaw.Ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga balikat.Para bang pilit niyang nilalabanan ang lahat ng sakit na bumabalot sa kanya.Maya-maya, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mukha sa madilim na kalangitan.Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, puno ng lungkot, takot, at matinding panghihinayang."Adrian..." mahina kong tawag habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha.Hindi ko na kaya pang panoorin siya ganon.."Adrian..." kahit mabigat ang mga paa ko pinilit kong humakbang para lumapit pa sa kanya.Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang niyakap na

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER ELEVEN

    COLLEN POV:Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang alaala sa harapan ko.Ang multo ng nakaraan.Isang tunay na sugat na sa isang iglap ay mabubuksan.Sa harapan ko, naroon parin ang isang ako.At si Adrian.Nakatingin parin sa alalang ako, luhaan, desperado, at halos lumuhod na sa harapan ko habang mahigpit na hawak ang kamay ko.Pulang-pula na ang kanyang mga mata sa kakaiyak at nanginginig ang kanyang buong katawan na para bang natatakot siyang marinig ang sagot na di niya kayang matanggap.“Please, Collen...” nanginginig niyang sambit. “Kahit isa na lang na pagkakataon.”Unti-unting umiling ang alaalang ako.Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko.Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.Dahil ako ang babaeng kausap niya.Ako ang babaeng hinihiling niyang huwag siyang iwan.At ako rin ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura niya noong gabing iyon. Ang sakit...parang sinasakal na ako na nakikita kung pagdudusa ni Adrian nung gabing iyon..Gusto kong lapitan si Adrian.

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER TEN

    COLLEN POV:"Pumikit ka na, Collen," mahinahong utos ni Ate Aurora.Tahimik akong tumango bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.Mahigpit kong hawak ang kamay ni Ate Aurora habang tahimik na nakikiramdam sa loob ng silid. Sa una, tila wala namang kakaiba. Naririnig ko pa ang mahinang ugong ng malaking elisi sa kisame, at ang malamig na hangin ay marahang dumadampi sa aking balat.Ngunit maya-maya, parang may nagbago.Unti-unting lumalim ang katahimikan. Maging ang ugong ng elisi ay tila naglaho.May kakaibang pakiramdam na unti-unting bumalot sa akin. Bigla na lang akong kinilabutan, kahit wala naman akong nakikitang kakaiba.Nagsimula iyon bilang isang malamig na sensasyon sa aking palad kung saan magkadikit ang kamay namin ni Ate Aurora. Sa una ay mahina lamang iyon, halos hindi ko mapansin, ngunit mabilis itong lumalim at gumapang paitaas sa aking mga braso.Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.Unti-unting umabot ang lamig sa aking dibdib hanggang sa tila tuluyan na ni

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER NINE

    THIRD PERSON:Tahimik ang paligid, ngunit ang hanging dumadaloy sa loob ng silid ay tila puno ng mga bagay na ayaw pang sabihin ng katotohanan.Si Calex ay nakatayo sa gitna ng kwarto, nakapalibot sa kanya ang mga dingding na puno ng litrato ni Adrian.Bawat larawan ay parang may sariling tinig, bawat isa ay may bitbit na alaala na ayaw na sanang balikan, ngunit hindi niya maiwasan.Dahan-dahan siyang lumapit sa pader na puno ng mga litrato. Naroon ang mga larawan nila ni Adrian, mga simpleng kuha ng kanilang mga ngiti at tawanan.Sa iba, ordinaryong pagkakaibigan lamang ang makikita sa mga iyon.Ngunit si Calex lang ang nakaaalam ng tunay na kuwento sa likod ng bawat larawan. Ang bawat ngiti ni Adrian ay minsang naging dahilan ng kanyang saya, at ang bawat larawang nakapaskil sa pader ay saksi sa relasyong pinili nilang itago.Sa bawat hakbang niya, bumibigat ang kanyang paghinga.Para bang ang buong silid ay humihigop ng lakas niya.“Adrian…” mahina niyang banggit, ngunit walang sag

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER EIGHT

    ▪️▪️▪️✨✨✨PANGATLONG ARAW: ANINO NG PAGDUDUDA✨✨✨▪️▪️▪️THIRD PERSON:“Nanggaling na rin kami kagabi sa bahay ni Adrian para maghanap ng iba pang impormasyon,” sabi ni Darius kasabay ng isang mabigat na buntong-hininga. Bahagya niyang inayos ang hawak na folder bago muling tumingin kay Collen.“At may ilang bagay kaming gustong malinawan, Collen,” dugtong pa niya habang seryosong nakatingin sa dalaga.Hindi agad nakapagsalita si Collen. Bahagya siyang napayuko habang pilit na inihahanda ang sarili sa kung anumang sasabihin ng imbestigador. Makalipas ang ilang segundo ay marahan siyang tumango bilang hudyat na handa siyang makinig.Dahan-dahang binuksan ni Darius ang folder na dala niya at isa-isang sinilip ang mga dokumentong nasa loob nito.“May lumabas na findings sa autopsy ni Adrian.”Agad na napatingin si Collen sa kanya.Naramdaman niyang biglang bumigat ang kanyang dibdib habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.“At base sa toxicology report,” diretsong saad ni Darius

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER SEVEN

    THIRD PERSON:Binalot ng katahimikan ang rooftop ng campus. Habang unti-unting nilalamon ng gabi ang buong eskwelahan, tanging malamig na hangin lamang ang marahang dumaraan sa paligid, tila sumasabay sa bigat ng damdaming bumabalot sa gabing iyon.Sa gilid ng rooftop, malapit sa bakal na railings,

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER FIVE

    DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER FOUR

    AURORA VALE POV:Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.Bata pa ako roon.Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.Masaya at buo.Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.Ngunit ngayon tangin

  • ECHOES OF THE CRIME   CHAPTER THREE

    AURORA VALE POV:Pagkasakay ko sa loob ng sasakyan, agad kong isinandal ang likod ko sa upuan habang tahimik na nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas.Tahimik ang paligid.Tanging mahinang ugong ng makina ang maririnig habang dahan-dahang umaandar ang sasakyan palayo sa presinto.Pero sa isip ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status