LOGINAURORA VALE POV:
Mahigpit kong hawak ang lumang family picture habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama.
Bata pa ako roon.
Nasa gitna nina Mama at Papa habang mahigpit nila akong yakap at parehong nakangiti sa camera.
Masaya at buo.
Isang pamilyang wala pang bahid ng lungkot.
Ngunit ngayon tanging larawan na lang ang natitira sa alaala ng gabing iyon.
Dahan-dahang pumatak ang luha ko sa ibabaw ng litrato habang nanginginig ang mga daliri kong humahawak dito.
Minsan iniisip ko pa rin…Ano kaya ang pakiramdam ng normal na buhay?
Iyong hindi kailangang makakita ng dugo.
Hindi kailangang marinig ang mga sigaw ng mga patay.
Hindi kailangang pasanin ang sakit ng ibang tao.
Napapikit ako nang mariin.
At sa katahimikan ng kwartong iyon isang mahinang katok ang narinig ko mula sa pinto.
“Bakit?” mahina kong tanong habang mabilis na pinupunasan ang luha ko.
Dahan-dahan kong ibinalik ang family picture sa ibabaw ng lamisita bago tumingin sa pinto.
Pagkabukas no’n bumungad si Rodney na may hawak na first aid kit.
Bahagya itong napabuntong-hininga habang nakatingin sa akin.
“Hindi mo na naman gagamutin ’yang sugat mo sa kamay.”
Napababa ang tingin ko sa sarili kong mga kamay.
Doon ko lang muling napansin ang mahahabang kalmot na iniwan ni Aling Mercy sa balat ko.
Namumula pa ang ilan at may bakas pa ng dugo sa gilid.
Tahimik akong napasandal sa headboard.
Hindi na bago sa akin ang ganitong sugat.
Maraming beses na itong nangyari.
Sa tuwing may mga client akong sobrang emosyonal habang nakikita nila ang mga huling sandali ng mahal nila sa buhay.
Madalas hindi nila namamalayang nasasaktan na nila ako.
May ilan na napapahigpit ang hawak.
May ilan din na napapakalmot.
At may ilan ding halos mawalan ng ulirat habang nakikita kung paano walang awang pinaslang ang taong mahal nila.
Dahil hindi madaling makita ang katotohanan.
Lalo na kung dugo at sigaw ang laman no’n.
“Sige,” mahina kong sabi habang iniiwas ang tingin kay Rodney. “Iwan mo na lang diyan.”
Hindi na ito nagsalita pa.
Tahimik nitong inilapag ang first aid kit sa ibabaw ng lamisita bago ako sandaling tiningnan.
Parang gusto pa nitong magsalita.
Pero pinili na lang nitong manahimik.
Hanggang sa tuluyan itong lumabas ng kwarto.
At muli na namang nilamon ng katahimikan ang paligid.
Napabuntong-hininga ako bago muling napatingin sa family picture.
Unti-unti kong hinaplos ang mukha nina Mama at Papa sa litrato.
At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon pakiramdam ko napapagod na rin ako.
Pero kahit gano’n…
Alam kong wala na akong paraan para umatras pa sa mundong ito.
Darius POV:
Mabigat ang katahimikan sa loob ng Velasco residence.
Mula sa mataas na kisame, mamahaling chandelier, hanggang sa malalawak na dingding ng mansyon at mga mamahaling mga gamit na halatang mayaman ang pamilya ni Adrian Velasco.
Pero sa gabing iyon ay walang halaga ang pera sa loob ng bahay na nawalan ng anak.
Tahimik akong nakaupo sa sala habang nasa harapan ko sina Mr. Gabriel at Mrs. Elena Velasco.
Namumugto ang mga mata ni Mrs. Velasco. Halos hindi na nito mabitawan ang panyo habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha niya.
Samantalang si Mr. Velasco naman ay tahimik lang.
Pero halata sa mahigpit niyang pagkakakuyom ng kamao ang pagpipigil.
“Hindi ko matanggap…” basag ang boses ni Elena. “Hindi ganoon ang anak ko…”
Napabuntong-hininga ako nang marahan.
Ilang taon na akong nasa serbisyo.
At halos pare-pareho na ang mga eksenang nakikita ko.
Pero may mga pagkakataong kahit bihasa ka na sa kamatayan
May mga kasong mararamdaman mong may mali.
At isa ito doon.
“Mrs. Velasco,” mahinahon kong sabi, “kailangan ko pong maintindihan ang routine ni Adrian.”
Dahan-dahan siyang tumango kahit nanginginig pa rin.
“Ano po ang mga ginagawa niya nitong mga nakaraang buwan?”
Nagkatinginan ang mag-asawa. Parang parehong nag-aalangan.
Hanggang sa si MR. Gabriel na ang unang nagsalita.
“Hindi na siya katulad dati.”
Diretso ang tingin ko sa kanya.
“Anong ibig niyong sabihin?”
Huminga siya nang malalim bago sumandal sa sofa.
“Dating honor student si Adrian,” mabigat niyang sabi. “Responsible. Tahimik pero mabuting bata.”
Saglit siyang natigilan.
“Pero simula nang makilala niya si Collen Santiago…”
Napapikit si Elena kasabay ng muling pagtulo ng luha.
“Unti-unti siyang nagbago,” dugtong nito.
Tahimik akong nakikinig.
“Madalas na siyang umuwi nang gabi,” sabi ni Gabriel. “May mga pagkakataong hindi na siya umuuwi agad.”
“Kapag tinatanong namin siya kung nasaan siya…” mahinang sabi ni Elena, “iisa lang lagi ang sagot niya.”
“Kasama ko si Collen.”
Bahagya akong natahimik.
“Madalas ba siyang wala sa bahay?” tanong ko.
“Opo,” mabilis na sagot ni Elena. “At palagi naming pinag-aawayan iyon.”
“May mga bagsak na rin siya,” dagdag ni Gabriel, halatang nasasaktan habang sinasabi iyon. “Minsan nga tinatawagan na kami ng school dahil hindi siya pumapasok.”
Napakunot ang noo ko.
“Hindi pumapasok?”
Tumango si Gabriel.
“At hindi iyon normal kay Adrian,” madiing sabi niya. “Hindi siya pabaya.”
“Pero simula nang naging sila ng babaeng iyon…” napailing siya. “Parang nawalan siya ng direksyon.”
Tahimik akong sumandal sa upuan.
Pinagmasdan ko silang dalawa.
Hindi ko agad pinapansin ang emosyon ng mga tao.
Mas mahalaga sa akin ang inconsistencies.
Mga bagay na hindi nila namamalayan na naibubunyag habang nagsasalita sila.
“At sigurado kayong si Collen ang lagi niyang kasama?” tanong ko.
“Opo,” sagot ni Elena. “Iyon ang lagi niyang dahilan.”
Bahagya akong tumango.
Pero sa loob-loob ko may kung anong hindi maayos sa kwento.
Hindi ko pa alam kung ano.
Pero nararamdaman ko na.
“Inspector…” mahina akong napatingin kay Elena.
Tuluyan nang bumagsak ang luha niya.
“Hindi kayang gawin iyon ng anak ko…”
Nanginginig ang boses niya.
“Kilala ko si Adrian.”
Tahimik akong nakatingin sa kanya.
“At bilang isang ina…” umiiyak niyang dugtong, “ramdam kong may mali.”
Mabigat ang katahimikan.
Hanggang sa biglang nagsalita si Gabriel.
Mas mababa ang boses nito ngayon.
Pero mas mabigat.
“Chief Inspector…”
Napatingin ako sa kanya.
“Kung may taong may kasalanan sa nangyari sa anak ko…”
Mahigpit niyang nakuyom ang kamao.
“Pakiusap.”
Halos mabasag ang boses niya.
“Hanapin niyo.”
Saglit siyang napayuko bago muling nagsalita.
“At siguraduhin niyong magbabayad siya.”
Tahimik akong tumango.
▪️▪️▪️✨✨✨PANGALAWANG ARAW NA PAG IIMBISTIGA✨✨✨▪️▪️▪️
Kinabukasan pagpasok ko sa opisina ni Hepe.
Agad kong napansin ang kakaibang katahimikan sa loob.
Parang biglang bumigat ang hangin.
At doon ko na naman siya nakita.
Nakatayo sa harap ng mesa ni Hepe si Aurora Vale.
Mahigpit nitong hawak ang isang envelope, at hindi ko na kailangang lumapit pa para makilala kung anong kaso ang laman no’n.
Ang kaso ni Adrian.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.
'Bakit nasa kaniya ang files na iyon?'
At ganon ulit ang suot niya naka coat na kulay itim, naka gloves at natatakpan ng sombrero at naka face mask na itim ang kalahati ng mukha nito.
Pero kahit gano’n ay kapansin-pansin pa rin ang malamig niyang mga mata.
Mga matang tila may alam na hindi namin alam.
AT mukhang seryoso ang usapan nila ni Hepe.
Halos hindi gumagalaw ang dalawa habang mababa ang mga boses na nag-uusap.
At habang pinagmamasdan ko si Aurora.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may mabigat na aura ang babaeng ito.
Hindi siya nakakatakot.
Pero may kakaiba sa presensya niya.
Parang bawat titig niya… may kayang hukayin na sikreto.
Nang mapansin ni Hepe ang pagdating ko, bahagya itong tumikhim bago tumingin kay Aurora.
“Sige na, Aurora,” sabi ni Hepe. “May pag-uusapan pa kami ni Daruis.”
Dahan-dahang napalingon sa akin si Aurora.
At sa ilang segundong pagtatama ng mga mata namin.
Pakiramdam ko parang may sinusubukan siyang basahin sa akin.
Bahagya siyang tumango bago tahimik na naglakad palabas ng opisina.
Ngunit habang papalayo siya.
Hindi ko maalis sa isip ko ang isang bagay.
Pakiramdam ko ay hindi ordinaryong babae si Aurora Vale.
THIRD PERSON:Si Darius naman ay nanatiling tahimik lang sa kanyang kinatatayuan.Bilang isang imbestigador, hindi nakaligtas sa kanyang mapanuring mga mata ang bawat kilos nina Aurora at Collen.Nakapikit pa rin si Collen habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Aurora. Walang tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha, kasabay ng putol-putol na mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.Ngunit nang mabanggit nito ang pangalang "Calex," bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Darius.Bahagya siyang napakunot-noo.Tahimik niyang inulit sa isip ang pangalang iyon.Calex...Hindi iyon nabanggit ni Collen sa kanyang naging pahayag noong imbestigasyon.At sa pagkakaalam niya, wala ring pangalang ganoon sa mga impormasyong nakalap nila tungkol sa kaso ni Adrian.Mula sa simpleng pagmamasid, unti-unting napalitan ng matinding pag-uusisa ang kanyang mga tingin.Bilang isang Chief Inspector, alam niyang hindi maaaring balewalain ang anumang bagong pangalan na biglang lumilitaw sa gitna ng isang kaso.T
COLLEN POV:Patuloy na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang alaalang iyon.Akala ko iyon na ang pinakamasakit na bahaging makikita ko.Nagkamali ako.Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko si Adrian.Nakatayo siya sa gilid ng rooftop, nakatalikod sa akin.Mahigpit ang pagkakahawak ng kanyang dalawang kamay sa bakal na railing. Halos mamuti ang kanyang mga daliri sa sobrang higpit.Hindi siya gumagalaw.Ngunit kitang-kita ko ang panginginig ng kanyang mga balikat.Para bang pilit niyang nilalabanan ang lahat ng sakit na bumabalot sa kanya.Maya-maya, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mukha sa madilim na kalangitan.Patuloy na umaagos ang kanyang mga luha, puno ng lungkot, takot, at matinding panghihinayang."Adrian..." mahina kong tawag habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha.Hindi ko na kaya pang panoorin siya ganon.."Adrian..." kahit mabigat ang mga paa ko pinilit kong humakbang para lumapit pa sa kanya.Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang niyakap na
COLLEN POV:Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan ang alaala sa harapan ko.Ang multo ng nakaraan.Isang tunay na sugat na sa isang iglap ay mabubuksan.Sa harapan ko, naroon parin ang isang ako.At si Adrian.Nakatingin parin sa alalang ako, luhaan, desperado, at halos lumuhod na sa harapan ko habang mahigpit na hawak ang kamay ko.Pulang-pula na ang kanyang mga mata sa kakaiyak at nanginginig ang kanyang buong katawan na para bang natatakot siyang marinig ang sagot na di niya kayang matanggap.“Please, Collen...” nanginginig niyang sambit. “Kahit isa na lang na pagkakataon.”Unti-unting umiling ang alaalang ako.Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko.Alam ko na ang susunod niyang sasabihin.Dahil ako ang babaeng kausap niya.Ako ang babaeng hinihiling niyang huwag siyang iwan.At ako rin ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura niya noong gabing iyon. Ang sakit...parang sinasakal na ako na nakikita kung pagdudusa ni Adrian nung gabing iyon..Gusto kong lapitan si Adrian.
COLLEN POV:"Pumikit ka na, Collen," mahinahong utos ni Ate Aurora.Tahimik akong tumango bago dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata.Mahigpit kong hawak ang kamay ni Ate Aurora habang tahimik na nakikiramdam sa loob ng silid. Sa una, tila wala namang kakaiba. Naririnig ko pa ang mahinang ugong ng malaking elisi sa kisame, at ang malamig na hangin ay marahang dumadampi sa aking balat.Ngunit maya-maya, parang may nagbago.Unti-unting lumalim ang katahimikan. Maging ang ugong ng elisi ay tila naglaho.May kakaibang pakiramdam na unti-unting bumalot sa akin. Bigla na lang akong kinilabutan, kahit wala naman akong nakikitang kakaiba.Nagsimula iyon bilang isang malamig na sensasyon sa aking palad kung saan magkadikit ang kamay namin ni Ate Aurora. Sa una ay mahina lamang iyon, halos hindi ko mapansin, ngunit mabilis itong lumalim at gumapang paitaas sa aking mga braso.Napahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay.Unti-unting umabot ang lamig sa aking dibdib hanggang sa tila tuluyan na ni
THIRD PERSON:Tahimik ang paligid, ngunit ang hanging dumadaloy sa loob ng silid ay tila puno ng mga bagay na ayaw pang sabihin ng katotohanan.Si Calex ay nakatayo sa gitna ng kwarto, nakapalibot sa kanya ang mga dingding na puno ng litrato ni Adrian.Bawat larawan ay parang may sariling tinig, bawat isa ay may bitbit na alaala na ayaw na sanang balikan, ngunit hindi niya maiwasan.Dahan-dahan siyang lumapit sa pader na puno ng mga litrato. Naroon ang mga larawan nila ni Adrian, mga simpleng kuha ng kanilang mga ngiti at tawanan.Sa iba, ordinaryong pagkakaibigan lamang ang makikita sa mga iyon.Ngunit si Calex lang ang nakaaalam ng tunay na kuwento sa likod ng bawat larawan. Ang bawat ngiti ni Adrian ay minsang naging dahilan ng kanyang saya, at ang bawat larawang nakapaskil sa pader ay saksi sa relasyong pinili nilang itago.Sa bawat hakbang niya, bumibigat ang kanyang paghinga.Para bang ang buong silid ay humihigop ng lakas niya.“Adrian…” mahina niyang banggit, ngunit walang sag
▪️▪️▪️✨✨✨PANGATLONG ARAW: ANINO NG PAGDUDUDA✨✨✨▪️▪️▪️THIRD PERSON:“Nanggaling na rin kami kagabi sa bahay ni Adrian para maghanap ng iba pang impormasyon,” sabi ni Darius kasabay ng isang mabigat na buntong-hininga. Bahagya niyang inayos ang hawak na folder bago muling tumingin kay Collen.“At may ilang bagay kaming gustong malinawan, Collen,” dugtong pa niya habang seryosong nakatingin sa dalaga.Hindi agad nakapagsalita si Collen. Bahagya siyang napayuko habang pilit na inihahanda ang sarili sa kung anumang sasabihin ng imbestigador. Makalipas ang ilang segundo ay marahan siyang tumango bilang hudyat na handa siyang makinig.Dahan-dahang binuksan ni Darius ang folder na dala niya at isa-isang sinilip ang mga dokumentong nasa loob nito.“May lumabas na findings sa autopsy ni Adrian.”Agad na napatingin si Collen sa kanya.Naramdaman niyang biglang bumigat ang kanyang dibdib habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.“At base sa toxicology report,” diretsong saad ni Darius
DARUIS POV:“Sir.”Napalingon ako sa isa sa mga kasamahan ko.Si Forensic Officer Miguel Ramos.May hawak itong ilang papeles at seryoso ang mukha.“May initial report na po mula sa medico-legal.”Agad akong tumayo.“Lumabas na po ang initial toxicology screening.”Tahimik kong binuklat ang papel.
THIRD PERSON:Binalot ng katahimikan ang rooftop ng campus. Habang unti-unting nilalamon ng gabi ang buong eskwelahan, tanging malamig na hangin lamang ang marahang dumaraan sa paligid, tila sumasabay sa bigat ng damdaming bumabalot sa gabing iyon.Sa gilid ng rooftop, malapit sa bakal na railings,
"ANG LIHIM NG SILID ARALAN"▪️▪️▪️✨✨✨ UNANG ARAW: ANG SIMULA NG IMBESTIGASYON✨✨✨▪️▪️▪️THIRD PERSON:Bumukas ang pinto ng sasakyan.Dahan-dahang bumaba ang isang lalaki, matangkad, matikas, at may presensyang agad nagpapatahimik sa paligid. Malamig ang kanyang aura, at sa paraan pa lang ng paglakad
***MGA ANINO NG KRIMEN***Hindi lahat ng krimen ay nag-iiwan ng bakas sa lupa.May mga krimen na nananatiling nakabaon sa katahimikan walang saksi, walang ebidensya, at walang hustisya. Tanging ang mga naiwan na lamang ang patuloy na nabubuhay sa tanong na hindi kailanman nasasagot.Hanggang sa dum