LOGIN[The Man In His Ferrari]
LALONG hinigpitan ni Celine ang pagkakahawak sa bintana ng sasakyan nang tumahimik ang nakasakay roon. Madilim sa loob kaya hindi niya maaninag ang mukha nito. Kahit na maawtoridad ang boses nito, baka sakaling may puso itong maamo na makakaramdam ng awa sa kanya. ''Arnold, ano pang ginagawa mo? Get in!'' ''Yes, sir!'' Hindi niya inalis ang mga kamay sa bintana kahit isinasara na iyon. Napapikit siya. Nakahanda na siyang maipit at muling masaktan. Pero tumigil ang pag-angat niyon. ''Hindi ka ba bibitiw, ha?'' ''Sir, nakikiusap po ako. Magbabayad po ako.'' ''Huh? Do you know how expensive this car is? This is Ferrari. The high-end one.'' ''Hindi ko naman po bibilhin. Makikisakay lang ako.'' ''It's the same thing!'' ''Gagawin ko po lahat nang gusto niyo. Basta ilayo niyo lang po ako sa lugar na ito.'' ''If your life is in danger, huwag mo akong idamay. Let go!'' ''Please?'' Sinabayan ng taimtim na panalangin ni Celine ang muling pananahimik ng kausap. Hindi man solusyon ang kanyang paglayo, pero iyon lang ang naiisip niyang paraan upang maibsan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ng kanyang kalooban. ''Kapag nagtagal pa ako rito, baka lalo lang masira ang buhay ko nang dahil sa kanya.'' ''Get in!'' ''Sir- '' ''Sasakay ka ba o hindi?'' Lumapit si Arnold sa may bintana. ''Sino po sa amin, Sir?'' ''Gusto mong ikaw ang maiwan?'' Binalingan nito si Celine. ''Sumakay ka na. Ako nang maglalagay sa likod ng maleta mo.'' ''Salamat po.'' Hinintay muna ni Celine na mahawakan ng driver ang maleta niya bago niya patakbong tinungo ang kabilang direksyon na pinto. ''Hey!'' Napatigil si Celine na akto na sanang papasok sa sasakyan. ''At bakit tatabi ka sa akin? Nakisakay ka na nga at nang-abala, you still want more privileges?" Hindi naintindihan ni Celine ang nais ipahiwatig ng kausap sa sinabi nito. Pero inisip na lang niya na baka ayaw nito nang may katabi o dahil siguro basa ang damit niya dahil sa ulan na tumila na rin. ''Take the front seat.'' ''Opo, sir.'' Sinulyapan muna ni Celine ang driver. Papasok na ito kaya binilisan niya ang pagtungo sa passenger's seat. Kailangan niyang makasiguro na hindi siya iiwan ng dalawa. ''Maglagay ka ng seatbelt.'' Tumalima siya sa utos ng driver. At saka lang siya nakahinga ng maluwang nang umusad na ang sasakyan. ''Nilalamig ka ba?'' Tumango siya. ''Naiinitan ako!'' Napahinto ang kamay ni Arnold sa ere na akto na sanang hihinaan ang aircon nang marinig ang tinig ng amo. ''And this is my car,'' madiin pang dagdag ni Noel sa naunang sinabi. ''Okay lang po ako, Manong.'' ''Kuya Arnold na lang.'' ''Salamat po, Kuya Arnold.'' ''Is this your car?'' Bahagyang napapitlag si Celine nang maulinigan ang pagsipa ng lalaki sa likuran ng upuan ng driver. ''Magpasalamat ka sa kanya,'' utos ni Arnold sa dalaga. ''Maraming salamat po, sir.'' Nang lumingon si Celine, tumigil ang kanyang pagkurap. Gusto sana niyang aninagin ulit ang mukha ng lalaki. Pero madilim pa rin sa puwesto nito kahit sa anggulo niyang iyon kaysa kanina sa labas ng bintana. ''What are you looking at? I hate people when they look at me.'' ''Sorry po, sir.'' ''Bilisan mo, Arnold. Marami nang oras ang sinayang mo.'' ''Opo, sir.'' Parehong natuon ang tingin nina Arnold at Celine sa nagliwanag na cellphone na nakaipit sa holder niyon. Rumihestro roon ang isang pangalan. ''Sir, tumatawag po si Ma'am Delia.'' ''Sasagutin mo ba?'' ''Hindi po.'' ''Alam mo pala, bakit sinasabi mo pa?'' Muling napapitlag si Celine nang maulinigan na naman ang pagsipa ng lalaki sa likuran ng upuan ng driver. ''Sorry po, sir.'' ''Keep driving.'' ''Yes, sir.'' Nagkatinginan sina Arnold at Celine. Humihingi ng pang-unawa ang una na marahan namang tinanguan ng dalaga. ''Magkakilala ba kayo?'' Mabilis na umiwas ng tingin ang dalawa na piping nagsesenyasan sa pamamagitan ng kanilang mata. ''Mag-focus ka sa pagmamaneho. At bilisan mo.'' ''Yes, sir.'' Sandaling nabalot ng katahimikan ang paligid. Kaya pakiramdam ni Celine ay lalo tuloy siyang nilamig. Napayakap siya sa sarili. ''Ipunas mo muna ito...'' Natuon ang tingin niya sa inilahad ni Arnold. ''Malinis iyan. At bagong laba.'' ''Hey!'' singit ni Noel. ''Is that the one I use to wipe my shoes.'' ''Basa po kasi siya Sir kaya nilalamig siya. Baka magkasakit pa siya.'' ''Do you have a dying wish?'' asik nito. ''Alam mong hindi ko ipinapagamit sa iba ang mga personal kong gamit. Even that cloth for cleaning my shoes.'' ''Okay lang po ako, Kuya Arnold. Malakas ang resistensiya ko kaya hindi ako madaling magkasakit. Salamat po dahil mas may puso kayo kaysa sa iba riyan na mukhang napipilitan lang na tumulong sa iba.'' ''Nagpaparinig ka ba?'' ''Hindi po, sir.'' Sumulyap lang siya sa likuran. ''Marami po kasi akong kakilala na ganoong tao. Masuwerte po kayo na may tauhan kayong tulad ni Kuya Arnold. Kaya huwag niyo po sana siyang aabusuhin?'' ''I don't need your lecture. Just get down the moment we reach the border of Manila. You hear that?'' ''Bababa na lang po ako kung saan po ang punta niyo.'' ''Bakit ikaw pa ang nagdedesisyon? Is this your car?'' ''Pasensiya na po, sir...'' Nilingon niya ang lalaki. ''Pero hindi po kaya masyado na kayong rude?'' ''What?'' Hindi niya pinansin ang pagkalabit sa kanya ni Arnold. Napuno na talaga siya sa masamang pag-uugali ng taong nasa likuran. ''Nakakayaman ba ang pagsasalita mo nang hindi maganda sa kapwa mo?'' ''Wow! The audicity!'' Binalingan niya ang driver na makikita na sa mukha ang pag-aalala dahil sa pagsagot niya sa arogante nitong amo. ''Kuya Arnold, pakibaba na lang po ako sa oras na dumikit na ang unahang mga gulong ng mamahaling sasakyan na ito sa mismong border ng Manila.'' ''Bakit hindi ka pa ngayon bumaba?'' asik ni Noel. ''Dahil iyon ang sinabi mo kanina.'' ''Then, babaguhin ko. Ihinto mo ang sasakyan, Arnold. Pababain mo siya.'' ''Oo, bababa na ako. Mas lalo kasi akong nilalamig sa pag-uugali mo na dinaig pa ang yelo na isang daang taon nang nasa ref.'' ''There is no such fridge with that life's span!'' ''Ikaw iyon!'' ''Hey! Hindi mo ba ako kilala?'' ''Tingnan ko nga ang mukha mo...'' Lumingon ulit siya, ''Baka sakali ngang kilala kita. Pero kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas, mas gugustuhin ko na lang siguro na mag-migrate sa ibang bansa kaysa makasama ang katulad mo sa iisang teritoryo.'' ''Huh! Hindi ka nga nakasakay ng bus, eroplano pa kaya?'' ''Kaya kong lumipad dahil dati akong manananggal!'' Parehong napasubsob ang dalawa sa unahan nang biglang tapakan ni Arnold ang preno. ''Huwag mong sabihin na naniwala ka?'' wika niya sa driver habang sapo ang noo na tumama sa dashboard. ''Walang manananggal sa lahi namin.'' ''Miss, bumaba ka na lang.'' Bahagya nitong inilapit ang mukha sa dalaga at bumulong, ''Hindi mo siya kilala kapag nagagalit. Baka matanggal pa ako sa trabaho kasama ng ikatlong henerasyon ng pamilya ko.'' ''Pasensiya na po.'' ''May mga jeep at tricycle nang dumaraan dito.'' ''Sige. Bababa na ako.'' Lumingon siya. ''Salamat.'' Hindi umimik si Noel. ''Celine nga po pala ang pangalan ko,'' wika niya kay Arnold. ''Celine Cervantes. Kaya kapag may tumawag sa inyong pulis o ospital, kilala niyo na ako. Irereklamo ko ang pagne-neglect niyo sa responsabilidad niyo sa akin.'' ''Ha?'' ''Haist! Muntikan na akong mamatay kanina. Hindi ba dapat pananagutan niyo iyon? Pero ang simpleng tela na pamunas lang naman ng sapatos ay ipinagkait pa sa akin ng may-ari ng FERRARI na ito?'' ''Arnold, kick that ungrateful woman out of the car.'' ''Sir- '' ''Kick her!'' ''Hindi na kailangan! Lalabas ako nang kusa!'' Nang makababa si Celine ay marahas niyang isinira ang pinto. At siniguro niyang malakas iyon. ''Drive.'' ''Teka, sir. Ibababa ko lang ang maleta niya sa likod.'' ''Drive!'' sigaw ni Noel. Wala nang nagawa si Arnold kundi ang patakbuhin ang sasakyan. ''Hoy! Ang maleta ko!''[The Third-Wheel]DERE-DERETSO nang lumabas ng restaurant si Celine. Hindi na siya lumingon pa upang alamin sana kung sumunod sa kanya si Noel.Binilisan na lang niya ang mga hakbang. Hindi muna siya nagpara ng taxi. Wala pa siyang balak umuwi. She really needed time to think.Maganda ang proposal ni Noel. At mas mapapanatag siya kung ito ang tumayo o kilalanin na ama ni Noah. Because he is indeed the real father.But the adoption is a different thing. Natatakot siya na baka mawalan siya nang karapatan sa anak kapag nalaman nito ang totoo.Mayaman si Noel. Kilala at maimpluwensiya ang pamilya nito. Kayang-kaya nitong manipulahin ang batas para makuha ang kustodiya ni Noah. And she won't let that happen. Her son is the only treasure she have.Naguguluhan nga lang siya. Napapaisip. Kung patuloy na walang kikilalanin na ama ang anak niya, hindi titigil ang mga bata sa pambu-bully rito.Her son will grow up with an awful memories of bullying na maaaring makaapekto sa pagkatao nito.Kapag
[The Proposal]PANAKAW-NAKAW ng sulyap si Noel kay Celine na lalo lang binabagalan ang pagkain matapos niya itong sitahin. She is obviously wants to annoy him. But he really missed it. Just like the first time when they've met on that crazy one night.Matagal din niya itong hinanap at ipinahanap sa kanyang mga tauhan. Nahirapan sila. Siguro dahil naghanap sila sa malayo. Malapit lang pala ito. Almost within his reach.Kung sinubukan lang niyang makipaglapit kay Andrea, baka sakaling napaaga ang pagkikita nila ni Celine. Baka siya pa ang naging ama ni Noah.Though destiny brought them again together after six years, dismayado pa rin siya. Because it's too late for him to pursue her.Celine may be separated from her old love. But the fact was that she's already committed, it is enough reason for him to stop thinking her tulad sa nagdaan na anim na taon. Besides, mukha namang walang halaga rito ang nangyari sa kanila sa nakaraan. At siguradong alam na nito ang tungkol sa kanyang kakulang
[LolaLo]NAPASULYAP si Andrea sa rearview mirror. Nahihimbing pa rin si Noah sa backseat. Mabuti nang nakatulog ito sa biyahe dahil alam niya na marami na naman itong tanong tungkol sa kanilang pupuntahan.He is curious about everything. At kapag hindi ito masasagot, he'll definitely find a way to answer those questions that even most of the adults forgot already. Like how do butterflies got their wings? What are the things that made the ships float? Where is the smallest insect can be found? Why the worm crawls? And who comes first, the chicken or the egg?Napangiti si Andrea. Sigurado na magsasawa agad ang lola niya rito. Because her grandma does not like noisy and nosy people. Ang gusto lang nitong balita na naririnig ay tungkol kay Noel. If it's not about his favourite grandson, then it is considered as trash and nonsense."Let me see who'll give up first?"Habang hinihintay ni Andrea ang tuluyang pagbubukas ng automatic gate, natanaw na niya ang kaliwanagan ng buong bahay.And it
[Second Wasted Chance]HINDI alam nina Celine at Noel kung ilang segundo o minuto ba silang nagkatitigan. Kung hindi dahil sa paglipad ng puting ibon sa pagitan mismo ng kanilang distansiya sa isa't isa ay hindi sila matatauhan sa pagkatulalang iyon.''So, ikaw ang kaibigan ni Andrea?''Hindi agad nakasagot si Celine. Sinusuri pa kasi niya sa reaksiyon ni Noel kung nakilala ba siya nito. At mukhang hindi. Kaya nakahinga siya nang maluwang.Mahigit anim na taon na rin naman kasi ang lumipas. Their encounter was just brief and crazy. Hindi siya mahalaga rito para maalala o alalahanin pa."Masyado ba akong late?''''No. Napaaga lang ako. Excited lang siguro ako na makita at makilala ka. Have a seat.''''Salamat,'' wika niya nang ipaghila siya ng upuan ni Noel.At muling nagkatitigan ang dalawa nang magbanggaan ang kanilang mga braso. Unang nagbaba ng tingin si Celine. His warmth is still familiar to her na para bang kahapon lamang nangyari ang namagitan sa kanilang init sa kama.She coul
[Fated Hearts]''KAILANGAN ko pa ba talagang magbihis nang ganito?''''Mukhang hindi iyan bagay sa iyo.'' Binalingan ni Andrea ang dalawang staff na umaasikaso sa kanila. ''Dalhin ninyo rito ang iba pang mga damit. The more expensive, the better.''''Yes, Ma'am.''Kasalukuyang nasa isang kilalang boutique ang magkaibigan. Dinala roon ni Andrea si Celine upang mamili ng mga damit at ilan pang kailangan para sa pagkikita nila ni Noel.''Are you bragging now?''''Ha?''''Not all expensive clothes are better. Minsan nga mas magaganda pa iyong nasa ukay-ukay.''''I know how you liked second-hand shops. Pero sensetive ang ilong ni Kuya. Malakas ang pang-amoy niya sa cheap versus branded items.''''Mayaman kasi kayo. Pero sa aming mga mahihirap, mas mabango ang mga mumurahin.''''Just this time, okay? Besides...'' Nakangiting inilabas ni Andrea ang isang black card, ''He lend it for us to use.''Napamulagat si Celine.''Sayang naman kung hindi natin gagamitin, 'di ba? And this has no limits.
[The Great-Grandson]''MA!''Mula sa pagdidilig na mga halaman sa kanyang balkonahe ay napatigil siya at saka napalingon. Dumating si Gemma na para bang kagagaling lang nito sa giyera dahil namumula sa galit ang mukha nito. ''Ipatanggal ko na lang kaya 'yang pinto dahil hindi ka naman marunong kumatok?"''Did you know anything about it?'' pagbabalewala nito sa sinabi ng biyenan."Ang aga-aga mong galit. Buong araw mo niyan, lukot ang mukha mo.""Ma, I'm asking you!"Itinuloy ni Doña Betina ang ginagawa. Kalmado lang siya taliwas sa emosyon na nakalarawan sa mukha ni Gemma. ''What's wrong with it?''''So, you really know. How come you hide it from me? From us? Hindi ba talaga pamilya ang turing mo sa amin, ha?''''It's not important. Kaya hindi ko na iyon kailangan pang ipaalam sa inyo. And besides, may isip na si Andrea. Hindi na siya bata para sabihin pa sa inyo ang lahat nang gagawin niya na desisyon sa buhay.''''That brat! She's really into it!'' wika nito nang nagngingitngit. ''M
[The Search And Rescue]''NASAAN si Noah?''''Sigurado akong nasa paligid lang siya,'' tugon ni Andrea habang pareho nilang pinapagala ang tingin sa abala at mataong lugar na kanilang kinaroroonan. ''Go there.'' Itinuro nito ang kanang direksiyon. ''Matanong-tanong tayo.''Tumango lang si Celine. T
[My Papa Looks Like Me]HINDI lang makikita sa malapad na pagkakangiti ni Noah ang kasiyahan na nararamdaman nang mga oras na iyon habang walang kurap na nakatitig sa hawak na larawan kundi nasa bilis din ng tibok ng puso nito.''Papa,'' mahina ulit nitong pagbigkas.He hold the photo really tight
[Real Men Don't Cry]NAPAHINTO sa paghakbang si Noah na nagmamadali sanang makaalis ng paaralan. Ginamit niya na nga rin ang shortcut, pero hindi pa rin siya nakaiwas sa grupo ni George na alam talaga ang kanyang magiging ruta. Kasama nito si Andres na umiiyak sa tabi nito.''Kuya, tinalo niya ako!
[The Bullies And The Top One]MAAYOS ang naging unang tatlong buwan ni Noah sa paaralan. Dahil si Andrea ang may kotse, hatid-sundo nito ang mag-ina at magkasama na sila ni Celine sa pagpasok ng trabaho.Pero napansin ng dalawa nang araw na iyon na malungkot ang bata. At para ngang ayaw pa nito na







