LOGIN[His Icy Heart]
''MADAM! Madam!'' Mula sa pagkakatutok ng atensiyon ng tinawag na matanda sa hawak na cellphone ay natuon ang tingin nito sa katulong na hindi na kumatok pa at tuluy-tuloy nang pumasok ng silid. ''Ano ba 'yang ingay mo?'' ''Madam...'' ''Huminga ka muna nang malalim.'' ''Wala na pong oras.'' ''Sa paghinga?'' ''Dumating na si Sir Noel!'' Mabilis na inilalim sa unan ni Doña Betina ang hawak na cellhone at inayos ang posisyon sa higaan. ''Ang salamin mo, Madam.'' Tinanggal ni Doña Betina ang tinukoy ng katulong na sa pagkataranta ay nakalimutan na nitong alisin. ''Papatayin ko po ba ang ilaw?'' ''Sshhh!'' Inabutan ni Noel ang katulong na inaayos ang kumot sa kanyang abuwela. Pero halata niya rito ang pagkatuliro dahil hindi nito malaman kung paanong iiwas ng tingin sa kanya. "H-Hello, sir." "Hinihingal ka. Mukhang galing ka sa pagtakbo." Namula ang mukha ng katulong. Sinulyapan muna nito ang nagtutulug-tulugan na matandang amo bago lumabas ng silid. "Lola." Mula sa patagilid na higa at pagkakapikit ni Doña Betina ay kunwaring pupungas-pungas itong dumilat. "Apo, nandito ka na pala?'' Bumangon ito. ''Kanina ka pa ba?" ''Lola, alam mo po ba ang stress na ibinigay mo sa akin maghapon? Kahit sa gitna ng mga meeting ko ay hindi ka tumigil sa kakatawag. Pinatay ko na nga ang cellphone ko, pero halos lahat naman ng mga empleyado ko sa kompanya ay binubulabog mo.'' ''Tapos ka na ba?'' ''What?'' ''Ang haba ng sinabi mo, pero hindi mo man lang muna ako kinumusta.'' ''Sa nakikita ko, mukha namang maayos ang lagay niyo.'' ''Akala mo lang 'yon! Pero sa kailailaliman ng mga buto ko, marami na akong sakit na nararamdaman!" ''Just because you're growing old.'' ''Dahil stress ako sa iyo!'' ''Masyado na akong malayo para ma-stress ka sa akin. And do you know how far this place from Manila?'' ''Malapit lang ang Pangasinan.'' ''You made me drive four hours. Just to see your tantrums.'' ''Tantrums?'' Binato nito nang dinampot na unan ang binata. ''Pupunta ka lang ba rito sa akin kung naghihingalo na ako o nasa loob na ng kabaong?'' ''You will never know if I came when you're dead.'' Sinalo ni Noel ang isa pang unan na ibinato ng abuwela. ''Lola, I told you that I'm at the middle of a very important business deal. Busy ako kaya ayoko nang istorbo.'' ''So, istorbo na ako sa iyo ngayon? At hindi na rin ako importante. Gan'on ba?'' ''Hindi lang naman ako ang apo mo. Bakit ako na lang lagi ang pinapansin mo?'' ''Dahil ikaw ang pinakapaborito ko.'' ''You just pity me.'' ''Bakit kita kaaawaan? You're the man with everything.'' ''You know I lack of one thing.'' Napipilan ang matanda. ''Forget it. I brought ginseng. Make yourself healthy kaysa atupagin mo ang kaka-stalk ng buhay ko.'' ''Noel, matanda ka na...'' ''Says who? Can't you see?'' Ibinuka niya ang mga braso at iniliyad pa ang matipunong dibdib. ''I'm still at my prime.'' ''At nakakapanghinayang.'' ''Why?'' "Dahil walang babae ang nakikinabang niyan.'' ''Lola.'' ''Noel, thirty-five ka na. Hindi mo man ako mabigyan ng apo, mas maganda pa rin na mayroon kang makasama hanggang sa pagtanda mo.'' ''I thought you understand. Walang babae ang magse-settle sa isang lalaking walang kakayahan na magkaanak. Hindi ba't iyon ang rason ni Daniella kaya iniwan ako? She wanted to be a mother.'' Hindi ulit nakapagsalita si Doña Betina. ''If you'll call me again para lang pilitin ako na maghanap ng nobya o mapapangasawa, I won't see you ever again.'' ''Noel...'' Napatigil ang binata sa paghakbang. Hindi na siya lumingon pa mula sa kanyang pagkakatalikod sa abuwela. ''Naniniwala ako na may darating pang babae sa buhay mo na matatanggap ka.'' Napangisi na naiiling si Noel. Since he had his spine surgery dahil sa naging severe injury niya sa paglalaro ng basketball during his college days, sinabi na sa kanya ng doktor na wala na siyang kakayahan na magkaroon pa ng anak. Nawalan na siya nang gana sa mga babae mula nang araw na iyon. But when Daniella came to his life, sinubukan niya. Pero sa huli, iniwan pa rin siya dahil sa kanyang kakulangan bilang lalaki. Kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na ulit siya papasok sa isang relasyon. He never dated nor touch a woman. It will just add salt to his wound. And ego. "Kung sakaling dumating ang babaing iyon sa buhay mo, huwag mo siyang itutulak palayo. Subukan mo ulit. Hindi masamang sumubok ulit.'' ''Wala ka sa isang sitcom, Lola. Your joke isn't funny.'' ''Aalis ka na ba agad? Kakarating mo pa lang.'' ''I have business to attend. Important business,'' pagdidiin niya. ''At least, hug me. Miss na miss na kita, apo.'' ''I have no time for your sentiment. Don't call me again if it's not an emergency.'' Tuluyan nang lumabas ng silid si Noel. Ipinatawag niya lahat nang katulong. Ibinilin niya sa mga ito ang pagpapakain ng mga masusustansiyang pagkain sa kanyang abuwela. He instructed them also kung paano ihanda ang ginseng. At regular dapat nilang tawagan ang personal doktor to check and monitor her health. ''Keep me updated sa mga nangyayari rito. Just send me a DETAILED message. Ayoko nang mahaba. At ayokong may tatawag sa akin kapag hindi importante. Maliwanag?'' ''Yes, sir!'' sabay-sabay na tugon ng mga katulong. Lumabas na ng bahay si Noel at dumiretso na sa sasakyan na binuksan na ang pinto ng naghihintay niyang driver. ''Sir, tumawag ang Lola niyo.'' ''What?'' ''Mag-ingat daw tayo sa pag-uwi. At salamat daw po sa ginseng.'' ''Drive.'' ''May pahabol pa po siya. I love you raw po.'' ''Magmaneho ka na nga lang!'' ''Yes, sir.'' Nang umusad ang sasakyan ay napasulyap si Noel sa direksyon ng silid ng kanyang abuwela. Nakatanaw ito sa bintana. ''Bilisan mo ang pagpapatakbo. Kailangang makabalik ako ng Manila bago mag-alas otso.'' Napatingin naman ang driver sa orasan sa screen display ng sasakyan. Alas singko na. ''Sir, hindi po kakayanin ng tatlong oras ang biyahe.'' ''Hindi mo talaga kakayanin kung babagalan mo.'' ''Mukhang uulan pa nga yata.'' ''Bakit ang dami mong sinasabi? Mag-focus ka riyan sa pagmamaneho.'' ''Yes, sir.'' Ilang sandali pa ay tuluyan nang bumuhos ang ulan. Pero hindi naman iyon lumakas. Wala ring gaanong motorista sa daan kaya maluwang ang kalsada. ''Oh!'' ''Darn!'' pagmumura ni Noel nang biglang magpreno ang driver. ''What do you think you're doing, huh?'' "Sir, mukhang may nahagip ako.'' ''What?'' Iniatras ng driver ang sasakyan. Nag-overtake ito kanina patungong right lane. At hindi nito napansin na may taong naglalakad sa gilid ng kalsada. Bumaba ito matapos kunin ang payong. ''Saan ka pupunta?'' ''Sandali lang po, sir. Titingnan ko lang.'' Naikuyom ni Noel ang isang kamao habang ang kabilang kamay ay hinatak ang necktie at niluwangan iyon. He's been stress out since the latest project of his company. Binuksan niya ang bintana ng kotse. Gusto niyang sumagap ng sariwang hangin para pakalmahin ang sarili. Humihina na rin naman ang ulan. ''Arnold, bakit ang tagal mo riyan?'' ''Sandali lang po, Sir Noel.'' ''At talagang paghihintayin mo pa ako?'' asik niya. ''Pumasok ka na rito! Kapag hindi ako nakarating sa tamang oras sa Manila, sisisantehin ko sa trabaho ang pamilya mo hanggang sa ikatlong henerasyon!'' Napapitlag si Noel nang may humawak sa braso niya na nakasampay sa labas ng bintana. Agad niya iyong hinatak. ''Sir...'' Napatitig siya sa babaing nakayukod sa labas ng nakabukas na bintana. ''Puwede po ba akong makisabay sainyo papuntang Maynila?'' ''Hindi ito carpool. This is an expensive Ferrari." ''Please?'' ''Arnold, nasaan ka na? Get in!'' ''ARAY!'' ''Miss, okay ka lang?'' pag-aalala ni Arnold. ''Nabalian yata ako ng buto.'' ''Sabi mo kanina okay ka lang.'' ''Kanina 'yon. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit.'' ''Hey, woman!'' singit ni Noel. ''Are you trying to scam us? Nagmamadali kami. So, leave.'' Napahilot sa batok ang binata nang sa halip na sumunod sa utos niya ang babae ay mahigpit itong kumapit sa frame ng bintana. ''Matatagalan kayo kung tatawag ako ng pulis.'' ''Arnold.'' ''Yes, sir.'' ''Pay her.'' ''Hindi ko kailangan ng pera. Ang gusto ko lang ay makalayo agad sa lugar na ito. Sir, please. Ilayo mo ako sa lugar na ito.'' Muling napatitig si Noel sa babae na ilang pulgada lang ang layo sa kanya. He promised to himself that he won't ever get involve to any woman's life. But this one, she seems like an exemption.[The Third-Wheel]DERE-DERETSO nang lumabas ng restaurant si Celine. Hindi na siya lumingon pa upang alamin sana kung sumunod sa kanya si Noel.Binilisan na lang niya ang mga hakbang. Hindi muna siya nagpara ng taxi. Wala pa siyang balak umuwi. She really needed time to think.Maganda ang proposal ni Noel. At mas mapapanatag siya kung ito ang tumayo o kilalanin na ama ni Noah. Because he is indeed the real father.But the adoption is a different thing. Natatakot siya na baka mawalan siya nang karapatan sa anak kapag nalaman nito ang totoo.Mayaman si Noel. Kilala at maimpluwensiya ang pamilya nito. Kayang-kaya nitong manipulahin ang batas para makuha ang kustodiya ni Noah. And she won't let that happen. Her son is the only treasure she have.Naguguluhan nga lang siya. Napapaisip. Kung patuloy na walang kikilalanin na ama ang anak niya, hindi titigil ang mga bata sa pambu-bully rito.Her son will grow up with an awful memories of bullying na maaaring makaapekto sa pagkatao nito.Kapag
[The Proposal]PANAKAW-NAKAW ng sulyap si Noel kay Celine na lalo lang binabagalan ang pagkain matapos niya itong sitahin. She is obviously wants to annoy him. But he really missed it. Just like the first time when they've met on that crazy one night.Matagal din niya itong hinanap at ipinahanap sa kanyang mga tauhan. Nahirapan sila. Siguro dahil naghanap sila sa malayo. Malapit lang pala ito. Almost within his reach.Kung sinubukan lang niyang makipaglapit kay Andrea, baka sakaling napaaga ang pagkikita nila ni Celine. Baka siya pa ang naging ama ni Noah.Though destiny brought them again together after six years, dismayado pa rin siya. Because it's too late for him to pursue her.Celine may be separated from her old love. But the fact was that she's already committed, it is enough reason for him to stop thinking her tulad sa nagdaan na anim na taon. Besides, mukha namang walang halaga rito ang nangyari sa kanila sa nakaraan. At siguradong alam na nito ang tungkol sa kanyang kakulang
[LolaLo]NAPASULYAP si Andrea sa rearview mirror. Nahihimbing pa rin si Noah sa backseat. Mabuti nang nakatulog ito sa biyahe dahil alam niya na marami na naman itong tanong tungkol sa kanilang pupuntahan.He is curious about everything. At kapag hindi ito masasagot, he'll definitely find a way to answer those questions that even most of the adults forgot already. Like how do butterflies got their wings? What are the things that made the ships float? Where is the smallest insect can be found? Why the worm crawls? And who comes first, the chicken or the egg?Napangiti si Andrea. Sigurado na magsasawa agad ang lola niya rito. Because her grandma does not like noisy and nosy people. Ang gusto lang nitong balita na naririnig ay tungkol kay Noel. If it's not about his favourite grandson, then it is considered as trash and nonsense."Let me see who'll give up first?"Habang hinihintay ni Andrea ang tuluyang pagbubukas ng automatic gate, natanaw na niya ang kaliwanagan ng buong bahay.And it
[Second Wasted Chance]HINDI alam nina Celine at Noel kung ilang segundo o minuto ba silang nagkatitigan. Kung hindi dahil sa paglipad ng puting ibon sa pagitan mismo ng kanilang distansiya sa isa't isa ay hindi sila matatauhan sa pagkatulalang iyon.''So, ikaw ang kaibigan ni Andrea?''Hindi agad nakasagot si Celine. Sinusuri pa kasi niya sa reaksiyon ni Noel kung nakilala ba siya nito. At mukhang hindi. Kaya nakahinga siya nang maluwang.Mahigit anim na taon na rin naman kasi ang lumipas. Their encounter was just brief and crazy. Hindi siya mahalaga rito para maalala o alalahanin pa."Masyado ba akong late?''''No. Napaaga lang ako. Excited lang siguro ako na makita at makilala ka. Have a seat.''''Salamat,'' wika niya nang ipaghila siya ng upuan ni Noel.At muling nagkatitigan ang dalawa nang magbanggaan ang kanilang mga braso. Unang nagbaba ng tingin si Celine. His warmth is still familiar to her na para bang kahapon lamang nangyari ang namagitan sa kanilang init sa kama.She coul
[Fated Hearts]''KAILANGAN ko pa ba talagang magbihis nang ganito?''''Mukhang hindi iyan bagay sa iyo.'' Binalingan ni Andrea ang dalawang staff na umaasikaso sa kanila. ''Dalhin ninyo rito ang iba pang mga damit. The more expensive, the better.''''Yes, Ma'am.''Kasalukuyang nasa isang kilalang boutique ang magkaibigan. Dinala roon ni Andrea si Celine upang mamili ng mga damit at ilan pang kailangan para sa pagkikita nila ni Noel.''Are you bragging now?''''Ha?''''Not all expensive clothes are better. Minsan nga mas magaganda pa iyong nasa ukay-ukay.''''I know how you liked second-hand shops. Pero sensetive ang ilong ni Kuya. Malakas ang pang-amoy niya sa cheap versus branded items.''''Mayaman kasi kayo. Pero sa aming mga mahihirap, mas mabango ang mga mumurahin.''''Just this time, okay? Besides...'' Nakangiting inilabas ni Andrea ang isang black card, ''He lend it for us to use.''Napamulagat si Celine.''Sayang naman kung hindi natin gagamitin, 'di ba? And this has no limits.
[The Great-Grandson]''MA!''Mula sa pagdidilig na mga halaman sa kanyang balkonahe ay napatigil siya at saka napalingon. Dumating si Gemma na para bang kagagaling lang nito sa giyera dahil namumula sa galit ang mukha nito. ''Ipatanggal ko na lang kaya 'yang pinto dahil hindi ka naman marunong kumatok?"''Did you know anything about it?'' pagbabalewala nito sa sinabi ng biyenan."Ang aga-aga mong galit. Buong araw mo niyan, lukot ang mukha mo.""Ma, I'm asking you!"Itinuloy ni Doña Betina ang ginagawa. Kalmado lang siya taliwas sa emosyon na nakalarawan sa mukha ni Gemma. ''What's wrong with it?''''So, you really know. How come you hide it from me? From us? Hindi ba talaga pamilya ang turing mo sa amin, ha?''''It's not important. Kaya hindi ko na iyon kailangan pang ipaalam sa inyo. And besides, may isip na si Andrea. Hindi na siya bata para sabihin pa sa inyo ang lahat nang gagawin niya na desisyon sa buhay.''''That brat! She's really into it!'' wika nito nang nagngingitngit. ''M
[The Birth Of Noah]"NO worries. Maayos kong natapos ang cover ko sa iyo. At wala namang nagreklamo sa mga kostumer. Kumusta ang lola mo?"Kausap ni Celine sa kabilang linya ng cellphone si Andrea. Tumawag ito sa kanya kamakalawa para sabihin na saluhin muna niya ang nakalinya rito na trabaho dahil
[Half-Breeds]"LOLA, I told you not to call me kapag ganitong mga araw. I'm busy.""At anong araw ka hindi busy?"Hindi agad nakasagot Noel. He's occupied the whole week, next week and all the week. Wala na nga siya halos oras sa leisure. After his last visit sa kanyang villa to check the flowerbed
[Nostalgia]NANG awtomatiko na nagbukas ang malapad na gate ng villa niya, idineretso na niya ang sasakyan sa garahe. Wala siyang balak bumalik ng Manila sa araw na iyon. He is exhausted of everything. Lalo na ang pag-iisip.Hindi muna pumasok si Noel sa bahay. Natanaw kasi niya ang hardinero na ab
[Cry Of Noah]NAPAHINTO sa paghakbang si Andrea nang bumungad sa pagbukas nito ng pinto si Noel."Saan na naman ang punta mo?""Uhm, magpapahangin lang ako sa labas.""Dalawa na ang aircon dito, naiinitan ka pa rin? Gusto mo bang lumipat sa mas malaking silid na may malaking aircon? 'Yong tipong li







