Mag-log in[Cold & Painful Night]
NANGINGINIG ang mga kamay ni Celine. Gusto na niyang sumabog sa galit. Pinipigilan lang niya ang emosyon dahil ayaw niyang mag-alala ang mga magulang lalo na't iyon ang araw ng kanyang pag-alis. "Anak?" Ipinasok ni Celine ang hawak na cellphone sa bag nang tumingin sa tumawag na ama na nakatayo sa bukana ng kanyang silid. "Tay." "Nandito na ang tricycle na maghahatid sa iyo sa terminal." "Sige po, tay. Lalabas na ako." Pinakalma muna niya ang sarili bago sumunod sa ama. Naisakay na sa tricycle ang kanyang mga gamit. At naghihintay na rin sa tabi niyon ang kanyang pamilya. ''Sigurado ka ba talagang hindi ka na magpapahatid?'' ''Hindi na po, Nay. Mas lalo lang akong malulungkot.'' ''Ate, bakit kasi kailangan mo pang umalis? Okay naman tayo rito.'' Sabado iyon kaya walang pasok si Jeff. Namilit sana ito na maghatid, pero tumanggi siya. Baka magbago pa ang isip niya. ''Hindi ka na ba magdo-doktor?'' ''Kung 'yon lang naman ang dahilan kaya ka aalis, ibang kurso na lang ang kukunin ko. 'Yong mura ang tuition. Aray!'' daing nito nang makatanggap ng hampas sa braso mula sa kapatid. ''Seryoso ako.'' ''Seryusuhin mo ang pag-aaral! At huwag ka munang mag-asawa!'' ''Hindi ako mag-aasawa. Ikaw ang panganay kaya ikaw ang dapat na mauna.'' Gusto sanang bawiin ni Celine ang sinabi. Hindi kasi niya alam kung hahangarin pa ba niya na bumuo ng sariling pamilya. Ayaw niyang maranasan ni Jeff ang mamuhay nang mag-isa dahil lang sa kanya. ''Huwag niyo nga muna iyang pag-usapan,'' singit ni Andoy. ''Hindi kami nagmamadali ng nanay niyo na magkaroon ng mga manugang at apo.'' ''Tay, paano po kung isang cute na cute at bibong apo ang ibigay ko? Tatanggihan niyo ba? Aray!'' daing ulit ni Jeff matapos pitikin ng ama ang noo nito. ''Kakasabi lang ng ate mo na atupagin mo ang pag-aaral.'' ''Sige na, sige na!'' pagtataboy ni Marina. ''Naghihintay na ang tricycle. Anak, tumawag ka kung nasaan ka na. Para hindi kami masyadong mag-alala.'' ''Opo, nay.'' Yumakap si Celine sa mga magulang at kapatid. Malungkot siya. Parang nadoble ang sakit na kanyang nararamdaman sa panloloko sa kanya ni Alvin. Ito kasi ang unang pagkakataon na mahihiwalay siya sa pamilya. ''Sige na at mukhang uulan pa.'' Matapos ang huling paalaman ay sumakay na si Celine sa tricycle. Hindi na siya lumingon kahit naririnig niya ang mga pahabol na bilin ng ama't ina. Napaiyak siya. Pero tinuyo rin agad niya ang mga luha. Siya ang nagdesisyon na umalis kaya kailangan niyang tiisin ang lahat. Dahil kung hindi siya lalayo, baka mangyari ang sinabi ni Marie. Baka maisipan pa niya na lumuhod sa harap ni Alvin at pumayag na maging dalawa sila sa buhay nito. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon. Hindi niya hahayaan na bumaba ang tingin nito sa kanya. ''Neng, dadaan muna tayo sa gasolinahan.'' ''Okay lang po.'' Nawala sa isip ni Celine na ang nag-iisang gasolinahan sa lugar nila ay katapat lang ng bahay nina Alvin. Gusto sana niyang iiwas ang tingin doon. Pero hindi niya nakontrol ang sarili. Nahatak ang atensiyon niya dahil sa tawanan ng mga tao na umaabot hanggang labas. ''Manong, sandali lang po.'' Tumango lang ang driver. Bumaba siya sa tricycle at tumawid sa kabilang kalsada. Hindi siya pumasok sa bakuran. Wala na siyang karapatan doon kahit siya pa ang nagpagawa ng gate roon. Natanaw niya sa loob ang isang masayang okasyon na dapat siya ang naroon. Halos dalawang linggo lang ang lumipas nang mag-graduate si Alvin, pero nag-propose na ito sa babaing ipinalit sa kanya. Habang sila na walong taon ay hindi man lang siya nakaranas na mabigyan ng singsing. ''Celine?'' Napalingon siya. ''Pumunta ka talaga rito? Ang lakas din naman ng loob mo. Huwag mong sabihin na mag-iiskandalo ka tulad nang ginawa mo sa graduation?'' Napatiim-bagang siya nang makita si Sharon. Isa ito sa mga malalapit na kaibigan ni Alvin na hindi niya nakapalagayan ng loob dahil madalas niya noong pagbawalan ang nobyo na sumama sa gimik ng mga barkada nito. Ito rin ang nagpadala ng larawan sa kanya ng masayang engagement party na kasalukuyan na nagaganap. ''Pero ano bang pakiramdam?'' himig-panunudyo nito nang nakangisi. "Anong pakiramdam habang nakikita mo na masaya na at ikakasal na sa iba ang lalaking binakuran mo nang walong taon?" ''Nabunutan ako ng malaking tinik.'' ''Sinungaling. Sigurado ako na durog na durog ang puso mo ngayon.'' ''At mukhang tuwang-tuwa ka sa pasakit ng iba.'' ''Hindi lang kasi kita gusto.'' ''Ganoon din ang nararamdaman ko.'' ''Wala akong pakialam. Basta ang importante sa akin ngayon ay hindi sa iyo napunta si Alvin. Mas gusto ko si Alona.'' ''Mas wala akong pakialam doon.'' ''Pero bakit nandito ka?'' ''Dahil gusto ko lang imulat ang mga mata ko kung anong klase ng tao ang minahal ko. Para maging wais na ako sa susunod.'' ''May tatanggap pa kaya sa iyo? Alam naman ng lahat na nilaspag ka na ni Alvin. Kaya nga hindi mo siya mabitiwan, hindi ba?'' Mahina siyang natawa. ''Sinabi niya ba iyon? Kaya siguro hindi kami nagkatuluyan...'' Humakbang siya palapit kay Sharon, ''Dahil hindi ako tulad niyo ni Alona na ibinibilad ang katawan para lang makuha ang lalaking nagugustuhan niyo kahit pa makasakit kayo ng kapwa niyo babae.'' ''Hey- '' Maagap niyang hinawakan ang kamay ni Sharon na akto sanang paliliparin sa kanyang pisngi. ''Baka gusto mo na mag-iskandalo talaga rito? Puwede kitang pagbigyan. Pero kung mangyari iyon, baka hindi ko mapigil na ilabas ang baho mo.'' ''Anong sinasabi mo?'' sabay hatak nito ng sarili palayo kay Celine. ''Alam mo ang sinasabi ko...'' Itinuro niya ng tingin ang isa sa grupo ng mga lalaki na nag-iinuman, ''Matutuwa kaya ang kumare mong si Cynthia na ikinakama mo ang asawa niya?'' Nanlaki ang mga mata ni Sharon. ''Kaya bago ka manghusga ng kapwa mo, unahin mo munang tingnan ang sarili mo. Baka kung gaano kababa ang tingin mo sa iba, mas mabuti pa pala silang tao kaysa sa iyo.'' Hindi na nagsalita pa si Sharon. Mabilis na itong tumalikod. Saka lang lumayo si Celine at bumalik sa naghihintay na tricycle. Nang makarating siya sa bus terminal ay naupo muna siya sa waiting area. At siguro dahil sa paulit-ulit na pagsiksik sa isip niya ng mga senaryong nakita kanina sa engagement party ni Alvin, nawala na naman siya sa sarili. Namalayan na nga lang ni Celine na nasa gilid na siya ng hi-way. Naglalakad nang hatak-hatak ang maleta habang basang-basa ng ulan. Tumigil siya sa paghakbang nang matauhan dahil sa busina ng ilang dumadaan na mga sasakyan. Napatingala siya. Tulad ng makulimlim na kalangitan, ganoon ang kulay ng buhay niya ngayon. Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na magiging maayos din siya. Makakalimot siya. Makakapagsimula. Pero ang totoo, hindi na niya maibabalik pa ang dating siya. Hindi na siya muling makakatayo. Pinaasa lang niya ang pamilya niya sa isang bagay na imposible. Dahil sa magkahalong lamig at sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman ay bigla na lang siyang natumba sa pagdaan ng isang kotse. Napahagulhol siya. She used to be a jolly, optimistic and energetic person. Pero mula nang lokohin siya ni Alvin, mabilis na nabago hindi lang ang kanyang personalidad kundi ang buo niyang pagkatao. ''Miss, okay ka lang?'' Napatingala si Celine. Kahit nahahadlangan ng ulan ang malinaw niyang paningin ay naaninag niya pa rin sa harap ang isang matabang lalaki. Nasa mukha nito ang pag-aalala. ''Manong...'' ''Nahagip ba kita? Pasensiya na. Malakas kasi ang ulan at medyo madilim dito sa nilalakaran mo kaya hindi kita masyadong napansin.'' Tinulungan si Celine ng lalaki na makatayo. ''May masakit ba sa iyo?'' Umiling siya. ''Arnold, bakit ang tagal mo riyan?'' Napatingin si Celine sa direksiyon ng kotse na hindi niya napansin kanina na nakaparada na sa gilid ng kinaroroon niya. Isang malagom at maawtoridad na boses ang narinig niya sa nakabukas na bintana. At nakasampay rin doon ang kanan nitong braso. "Sandali lang po, Sir Noel.'' ''At talagang paghihintayin mo pa ako?'' asik nito. Binalingan ulit ng matabang lalaki si Celine. ''Miss, gusto mo bang idaan kita sa ospital?'' "Pumasok ka na rito! Kapag hindi ako nakarating nang tamang oras sa Manila, sisisantehin ko sa trabaho ang pamilya mo hanggang sa ikatlong henerasyon!'' "Miss, aalis na kami.'' ''Maynila?'' bigkas ni Celine. ''Sandali!'' Hinawakan niya sa braso ang tumalikod na lalaki. ''Sasama ako.'' ''Ha?'' "Papunta rin ako ng Maynila. Naiwan ako ng bus.'' "Naku, hindi ka puwedeng sumabay sa amin.'' Bahagya nitong inilapit ang sarili at bumulong, ''Hindi mo kilala ang sakay ko.'' Sa narinig ay tinungo ni Celine ang nakabukas na bintana ng sasakyan at hinawakan doon ang nakasampay na braso na agad ding hinatak ng nagmamay-ari niyon.[The Third-Wheel]DERE-DERETSO nang lumabas ng restaurant si Celine. Hindi na siya lumingon pa upang alamin sana kung sumunod sa kanya si Noel.Binilisan na lang niya ang mga hakbang. Hindi muna siya nagpara ng taxi. Wala pa siyang balak umuwi. She really needed time to think.Maganda ang proposal ni Noel. At mas mapapanatag siya kung ito ang tumayo o kilalanin na ama ni Noah. Because he is indeed the real father.But the adoption is a different thing. Natatakot siya na baka mawalan siya nang karapatan sa anak kapag nalaman nito ang totoo.Mayaman si Noel. Kilala at maimpluwensiya ang pamilya nito. Kayang-kaya nitong manipulahin ang batas para makuha ang kustodiya ni Noah. And she won't let that happen. Her son is the only treasure she have.Naguguluhan nga lang siya. Napapaisip. Kung patuloy na walang kikilalanin na ama ang anak niya, hindi titigil ang mga bata sa pambu-bully rito.Her son will grow up with an awful memories of bullying na maaaring makaapekto sa pagkatao nito.Kapag
[The Proposal]PANAKAW-NAKAW ng sulyap si Noel kay Celine na lalo lang binabagalan ang pagkain matapos niya itong sitahin. She is obviously wants to annoy him. But he really missed it. Just like the first time when they've met on that crazy one night.Matagal din niya itong hinanap at ipinahanap sa kanyang mga tauhan. Nahirapan sila. Siguro dahil naghanap sila sa malayo. Malapit lang pala ito. Almost within his reach.Kung sinubukan lang niyang makipaglapit kay Andrea, baka sakaling napaaga ang pagkikita nila ni Celine. Baka siya pa ang naging ama ni Noah.Though destiny brought them again together after six years, dismayado pa rin siya. Because it's too late for him to pursue her.Celine may be separated from her old love. But the fact was that she's already committed, it is enough reason for him to stop thinking her tulad sa nagdaan na anim na taon. Besides, mukha namang walang halaga rito ang nangyari sa kanila sa nakaraan. At siguradong alam na nito ang tungkol sa kanyang kakulang
[LolaLo]NAPASULYAP si Andrea sa rearview mirror. Nahihimbing pa rin si Noah sa backseat. Mabuti nang nakatulog ito sa biyahe dahil alam niya na marami na naman itong tanong tungkol sa kanilang pupuntahan.He is curious about everything. At kapag hindi ito masasagot, he'll definitely find a way to answer those questions that even most of the adults forgot already. Like how do butterflies got their wings? What are the things that made the ships float? Where is the smallest insect can be found? Why the worm crawls? And who comes first, the chicken or the egg?Napangiti si Andrea. Sigurado na magsasawa agad ang lola niya rito. Because her grandma does not like noisy and nosy people. Ang gusto lang nitong balita na naririnig ay tungkol kay Noel. If it's not about his favourite grandson, then it is considered as trash and nonsense."Let me see who'll give up first?"Habang hinihintay ni Andrea ang tuluyang pagbubukas ng automatic gate, natanaw na niya ang kaliwanagan ng buong bahay.And it
[Second Wasted Chance]HINDI alam nina Celine at Noel kung ilang segundo o minuto ba silang nagkatitigan. Kung hindi dahil sa paglipad ng puting ibon sa pagitan mismo ng kanilang distansiya sa isa't isa ay hindi sila matatauhan sa pagkatulalang iyon.''So, ikaw ang kaibigan ni Andrea?''Hindi agad nakasagot si Celine. Sinusuri pa kasi niya sa reaksiyon ni Noel kung nakilala ba siya nito. At mukhang hindi. Kaya nakahinga siya nang maluwang.Mahigit anim na taon na rin naman kasi ang lumipas. Their encounter was just brief and crazy. Hindi siya mahalaga rito para maalala o alalahanin pa."Masyado ba akong late?''''No. Napaaga lang ako. Excited lang siguro ako na makita at makilala ka. Have a seat.''''Salamat,'' wika niya nang ipaghila siya ng upuan ni Noel.At muling nagkatitigan ang dalawa nang magbanggaan ang kanilang mga braso. Unang nagbaba ng tingin si Celine. His warmth is still familiar to her na para bang kahapon lamang nangyari ang namagitan sa kanilang init sa kama.She coul
[Fated Hearts]''KAILANGAN ko pa ba talagang magbihis nang ganito?''''Mukhang hindi iyan bagay sa iyo.'' Binalingan ni Andrea ang dalawang staff na umaasikaso sa kanila. ''Dalhin ninyo rito ang iba pang mga damit. The more expensive, the better.''''Yes, Ma'am.''Kasalukuyang nasa isang kilalang boutique ang magkaibigan. Dinala roon ni Andrea si Celine upang mamili ng mga damit at ilan pang kailangan para sa pagkikita nila ni Noel.''Are you bragging now?''''Ha?''''Not all expensive clothes are better. Minsan nga mas magaganda pa iyong nasa ukay-ukay.''''I know how you liked second-hand shops. Pero sensetive ang ilong ni Kuya. Malakas ang pang-amoy niya sa cheap versus branded items.''''Mayaman kasi kayo. Pero sa aming mga mahihirap, mas mabango ang mga mumurahin.''''Just this time, okay? Besides...'' Nakangiting inilabas ni Andrea ang isang black card, ''He lend it for us to use.''Napamulagat si Celine.''Sayang naman kung hindi natin gagamitin, 'di ba? And this has no limits.
[The Great-Grandson]''MA!''Mula sa pagdidilig na mga halaman sa kanyang balkonahe ay napatigil siya at saka napalingon. Dumating si Gemma na para bang kagagaling lang nito sa giyera dahil namumula sa galit ang mukha nito. ''Ipatanggal ko na lang kaya 'yang pinto dahil hindi ka naman marunong kumatok?"''Did you know anything about it?'' pagbabalewala nito sa sinabi ng biyenan."Ang aga-aga mong galit. Buong araw mo niyan, lukot ang mukha mo.""Ma, I'm asking you!"Itinuloy ni Doña Betina ang ginagawa. Kalmado lang siya taliwas sa emosyon na nakalarawan sa mukha ni Gemma. ''What's wrong with it?''''So, you really know. How come you hide it from me? From us? Hindi ba talaga pamilya ang turing mo sa amin, ha?''''It's not important. Kaya hindi ko na iyon kailangan pang ipaalam sa inyo. And besides, may isip na si Andrea. Hindi na siya bata para sabihin pa sa inyo ang lahat nang gagawin niya na desisyon sa buhay.''''That brat! She's really into it!'' wika nito nang nagngingitngit. ''M
[Rise and Fall]HINDI alam ni Celine kung papaano siyang nakasakay ng jeep. Kung hindi dahil sa kalabit ng katabi niya na nagpapaabot ng pamasahe ay baka nakalagpas na siya sa kanyang bababaan.Nakapa niyang tuyo na ang kanyang mga luha. Pero ramdam niya sa mga mata ang tila pamamaga niyon. Ibig sa
[Betrayal]''HANGGANG kailan ka magtatanga-tangahan, ha? Matagal ka nang niloloko ni Alvin!''Napapikit si Celine habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi ng kaibigan.Ilang beses na ring nakarating sa kanya ang akusasyong iyon ni Marie, pero mas pinipili niya na paniwalaan
[Crisologo's Siblings]''SORRY kung inilihim ko ang totoo.''''Teka...'' Natauhan si Celine sa sandali niyang pagkatulala, ''CEO ng Olympus ang kapatid mo?''''Oo. Isa siyang Crisologo. Ang papa namin ay iisa. Magkaiba lang kami ng ina. So, he is the original. The only and real heir of the clan."N
[His Icy Heart]''MADAM! Madam!''Mula sa pagkakatutok ng atensiyon ng tinawag na matanda sa hawak na cellphone ay natuon ang tingin nito sa katulong na hindi na kumatok pa at tuluy-tuloy nang pumasok ng silid. ''Ano ba 'yang ingay mo?''''Madam...''''Huminga ka muna nang malalim.''''Wala na pong







