Share

Chapter 2

Author: EL Nopre
last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-25 10:34:07

[Rise and Fall]

HINDI alam ni Celine kung papaano siyang nakasakay ng jeep. Kung hindi dahil sa kalabit ng katabi niya na nagpapaabot ng pamasahe ay baka nakalagpas na siya sa kanyang bababaan.

Nakapa niyang tuyo na ang kanyang mga luha. Pero ramdam niya sa mga mata ang tila pamamaga niyon. Ibig sabihin ay matagal-tagal din siyang umiyak.

"Manong, tabi na lang po.''

Nang huminto ang jeep at bumaba si Celine ay bahagya uli siyang nawala sa sarili. Natuliro siya kung alin ba sa tatlong kalye na nasa unahan niya ang pauwi sa kanilang bahay. Parang sa mga oras na iyon ay hindi gumagana ang kanyang utak.

"Anong ginagawa mo?''

Napalingon si Celine.

''Bakit nakatayo ka lang diyan?''

''M-Marie,'' nautal siya sa pagbigkas sa pangalan ng kaibigan.

She felt guilty for not trusting her. Kahit ilang beses siya nitong kinausap, mas pinanindigan niya ang akala niya'y matatag na pagmamahalan nila ni Alvin.

"Alam mo na ngayon? Siguro naman nauntog ka na?''

"Masakit.''

"Natural. Sinong hindi masasaktan sa katangahan mo?''

Muling nangilid sa luha ang mga mata ni Celine. Yumakap siya sa kaibigan at humagulhol sa balikat nito. Inalo naman siya nito ng marahang haplos sa kanyang likuran.

"Kalimutan mo na siya. Hindi niya deserve ang tulad mo.''

"Bakit ako? Bakit ako pa ang kailangang maloko nang ganito? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya.''

"Nasobrahan ka lang nang pagmamahal sa kanya.'' Inihiwalay nito sa yakap ang kaibigan, ''Kaya sa susunod na magmahal ka ulit ay huwag mong ibigay nang todong-todo. Kailangan mong magtira rin sa sarili mo.''

"Parang hindi ko na ulit kayang magmahal. Ibinigay ko na sa kanya ang lahat. Hindi ko alam kung paano at saan ulit ako magsisimula.''

"Hindi mo pa naman ibinigay sa kanya ang katawan mo, ah?''

Pinunasan ni Celine ng palad ang basang mga pisngi. ''Pero ibinigay ko na sa kanya nang buong-buo ang puso ko.''

"Ang importante, v*rgin kang nakipaghiwalay sa kanya! Hindi mo ba kilala 'yong babaing ipinalit niya sa iyo? Single mom siya. Dalawa na ang anak.''

"Ha?''

"At marami nang lalaki ang dumaan sa buhay niya. Sa tingin mo, magtatagal siya kay Alvin? Goodluck sa kanya!''

Napahugot nang malalim na buntong-hininga si Celine. ''Nakita kong masaya sila.''

"Ngayon lang 'yon. May tao silang sinaktan at tinapakan. Sa tingin mo magiging masaya sila habangbuhay?''

Hindi nakaimik si Celine.

"Mabuti nang maaga pa lang ay nakita mo na ang tunay niyang kulay. Paano kung kasal na kayo? Baka maging impiyerno lang ang buhay mo sa kanya.''

"Mahal ko siya.''

"So, ano? Patatawarin mo siya? Luluhod ka sa harap niya at papayag kang maging dalawa kayo sa buhay niya? Aba, ibang level na ang katangahan mo niyan!''

"Gusto kong mag-isip.''

"Anong mag-isip? Wala kang ibang pag-iisipan kundi kung paano mo siya kakalimutan!''

"Hindi madaling gawin iyon. Walong taon kaming naging magkasintahan. Nasanay na ang mundo ko na umiikot sa kanya.''

"Haist! Sige, puntahan mo siya. Lalo kang magpakatanga.''

"Marie...''

Napabuntong-hininga na lang si Celine habang hatid-tanaw ang paglayo ng kaibigan. Naiintindihan niya ito. Alam niyang nagmamalasakit lang ito sa kanya. Pero mahirap kalimutan si Alvin. He is her first love.

"Ate!''

Napatingin si Celine sa paglapit ng tumatakbong bunsong kapatid. ''Jeff.''

"Ate, pauwi ka na po ba?''

"Oo. Tapos na ba ang klase niyo?''

Tumango lang si Jeff.

"Sabay na tayong umuwi.''

Kumapit siya sa katorse anyos na kapatid at magkaabay na silang naglakad. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang koneksiyon ng kanyang pamilya na matagal ding naging pangalawa sa buhay niya mula nang mahalin niya si Alvin.

"Jeff?''

"Hmm?''

"Anong pangarap mo sa buhay?''

"Uhm, gusto kong maging doktor.''

"Kapag naging doktor ka na ba at nagkasakit ako, gagamutin mo ba ako?''

"Oo naman po, ate. Kapatid kita. Kaya nga ako magdo-doktor para kapag nagkasakit kayo, magagamot ko kayo.''

Napakagat sa ibabang labi si Celine upang pigilan ang nagbabanta na namang pagpatak ng mga luha. Hindi niya nakita dati ang pangarap ng kanyang kapatid dahil nakatuon ang tingin niya sa pangarap ng ibang tao.

"Hayaan mo. Pag-iipunan ko iyan. Sisiguraduhin ko na magiging doktor ka.''

"Mag-aaral akong mabuti, ate.''

Tumango at ngumiti lang siya sa kapatid. Nang makarating sila sa bahay, nadatnan niyang naghahanda na nang hapunan ang ina nila habang nakahiga ang kanilang ama sa mahabang upuang-kahoy at nanonood ng balita. Nagmano sila.

"Anak, wala na tayong bigas para bukas. May ekstra ka ba riyan? Hindi pa kasi nababayaran ang tatay mo sa mga mais na naani niya.''

"Opo, nay.''

"Salamat.''

"Magbibihis lang po ako. Tutulungan ko kayo rito.''

"Magpahinga ka na lang. Mukhang pagod na pagod ka. Tingnan mo 'yang mga mata mo. Parang kagagaling mo lang sa pag-iyak. Maglagay ka ng kutsara riyan. Ganoon ang nakikita ko sa mga napapanood ko na drama. Sige na. Tatawagin na lang kita kapag kakain na.''

"Nay, magpapahinga rin po muna ako."

"Tumulong ka rito!"

"Pagod din ako," wika ni Jeff.

"Hindi halata sa mata mo."

"Nay!" inis na sambit ni Jeff.

Pumasok na sa kanyang silid si Celine. At doon ay muli siyang napaiyak. Pero sa pagkakataong iyon, hindi para kay Alvin ang mga luha niya kundi sa kanyang pamilya. Gumugol siya ng pera at panahon sa maling tao. At magsisi man siya, huli na. Ang magagawa na lang siguro niya ay bumawi sa mga ito.

Bago natapos ang gabing iyon, nakapagdesisyon na siya. Kinausap niya ang kanyang mga magulang at sinabi sa mga ito na luluwas siya ng Maynila.

"Maganda naman ang trabaho mo rito, ah?''

"Tay, mas malaki po ang oportunidad sa Maynila. Kailangan ko pong mag-ipon para sa pangarap ni Jeff na mag-doktor.''

"Magtutulungan tayo.''

"Nay, matanda na po kayo. Gusto kong tumigil na rin kayo sa pagtatrabaho ni Tatay. Kaya ko naman po. Kilala niyo ako. Madiskarte ako, masipag at matalino.''

"Umamin ka nga. May problema ba kayo ni Alvin?''

Ayaw niyang magsinungaling sa mga magulang kaya sinabi niya sa mga ito ang totoo.

"Ano? Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya?''

"Tay- ''

"Papatayin ko ang lalaking 'yon!''

"Tay!''

"Tumigil ka riyan, Andoy. Gusto mong maging isang kriminal nang dahil lang sa walang kuwentang tao na iyon? Mabuti na ang nangyari. Ibig sabihin, may iba pang lalaki ang nakalaan para sa anak natin. Hindi katulad niya na wala na ngang utang na loob, panget pa nang ugali.''

"Boto ka sa kanya noon, 'di ba?"

"Noon 'yon!"

Kalmado namang bumalik sa inalisan na upuan ang ama ni Celine. Sinaid muna nito ang tubig sa baso na inabot ng anak bago ito muling nagsalita, ''Huwag lang talaga siyang tatapak dito sa teritoryo ko dahil babalatan ko siya nang buhay!''

"Gawin mo iyan sa mga mais.''

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Celine sa kanyang ama at ina. Hindi niya gaanong napapansin noon kung gaano sila kaalaga at kamahal ng mga ito na kahit ang katangahan niya kay Alvin ay kinonsinte ng mga ito dahil iyon ang makakapagpasaya sa kanya.

"Sige na. Matulog ka na.''

Nang makapasok siya ng silid ay gumawa na siya ng resignation letter. At ipinasa niya agad iyon kinabukasan. Maraming tanong sa kanya ang mga naging superior niya, pero nakapagdesisyon na siya.

May kaunti pang natitira sa ipon niya na plano sana niyang ibili ng desktop at motor bilang regalo sa graduation ni Alvin. Ang kalahati niyon ay itatabi niya para sa mga gastusin kapag nag-apply siya sa Maynila. At iiwan niya ang iba sa pamilya. Idadagdag niya rin ang makukuha niyang final wages sa inalisan niyang kompanya.

Nakaayos na ang lahat. Nakaimpake na siya. Nakabili na ng bus ticket. Nakahanda na siyang harapin ang bagong buhay. Pero isang larawan na ipinadala sa kanya ang muling nagpatigil sa kanyang mundo.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • FINDING MY DADDY    Chapter 46

    [The Third-Wheel]DERE-DERETSO nang lumabas ng restaurant si Celine. Hindi na siya lumingon pa upang alamin sana kung sumunod sa kanya si Noel.Binilisan na lang niya ang mga hakbang. Hindi muna siya nagpara ng taxi. Wala pa siyang balak umuwi. She really needed time to think.Maganda ang proposal ni Noel. At mas mapapanatag siya kung ito ang tumayo o kilalanin na ama ni Noah. Because he is indeed the real father.But the adoption is a different thing. Natatakot siya na baka mawalan siya nang karapatan sa anak kapag nalaman nito ang totoo.Mayaman si Noel. Kilala at maimpluwensiya ang pamilya nito. Kayang-kaya nitong manipulahin ang batas para makuha ang kustodiya ni Noah. And she won't let that happen. Her son is the only treasure she have.Naguguluhan nga lang siya. Napapaisip. Kung patuloy na walang kikilalanin na ama ang anak niya, hindi titigil ang mga bata sa pambu-bully rito.Her son will grow up with an awful memories of bullying na maaaring makaapekto sa pagkatao nito.Kapag

  • FINDING MY DADDY    Chapter 45

    [The Proposal]PANAKAW-NAKAW ng sulyap si Noel kay Celine na lalo lang binabagalan ang pagkain matapos niya itong sitahin. She is obviously wants to annoy him. But he really missed it. Just like the first time when they've met on that crazy one night.Matagal din niya itong hinanap at ipinahanap sa kanyang mga tauhan. Nahirapan sila. Siguro dahil naghanap sila sa malayo. Malapit lang pala ito. Almost within his reach.Kung sinubukan lang niyang makipaglapit kay Andrea, baka sakaling napaaga ang pagkikita nila ni Celine. Baka siya pa ang naging ama ni Noah.Though destiny brought them again together after six years, dismayado pa rin siya. Because it's too late for him to pursue her.Celine may be separated from her old love. But the fact was that she's already committed, it is enough reason for him to stop thinking her tulad sa nagdaan na anim na taon. Besides, mukha namang walang halaga rito ang nangyari sa kanila sa nakaraan. At siguradong alam na nito ang tungkol sa kanyang kakulang

  • FINDING MY DADDY    Chapter 44

    [LolaLo]NAPASULYAP si Andrea sa rearview mirror. Nahihimbing pa rin si Noah sa backseat. Mabuti nang nakatulog ito sa biyahe dahil alam niya na marami na naman itong tanong tungkol sa kanilang pupuntahan.He is curious about everything. At kapag hindi ito masasagot, he'll definitely find a way to answer those questions that even most of the adults forgot already. Like how do butterflies got their wings? What are the things that made the ships float? Where is the smallest insect can be found? Why the worm crawls? And who comes first, the chicken or the egg?Napangiti si Andrea. Sigurado na magsasawa agad ang lola niya rito. Because her grandma does not like noisy and nosy people. Ang gusto lang nitong balita na naririnig ay tungkol kay Noel. If it's not about his favourite grandson, then it is considered as trash and nonsense."Let me see who'll give up first?"Habang hinihintay ni Andrea ang tuluyang pagbubukas ng automatic gate, natanaw na niya ang kaliwanagan ng buong bahay.And it

  • FINDING MY DADDY    Chapter 43

    [Second Wasted Chance]HINDI alam nina Celine at Noel kung ilang segundo o minuto ba silang nagkatitigan. Kung hindi dahil sa paglipad ng puting ibon sa pagitan mismo ng kanilang distansiya sa isa't isa ay hindi sila matatauhan sa pagkatulalang iyon.''So, ikaw ang kaibigan ni Andrea?''Hindi agad nakasagot si Celine. Sinusuri pa kasi niya sa reaksiyon ni Noel kung nakilala ba siya nito. At mukhang hindi. Kaya nakahinga siya nang maluwang.Mahigit anim na taon na rin naman kasi ang lumipas. Their encounter was just brief and crazy. Hindi siya mahalaga rito para maalala o alalahanin pa."Masyado ba akong late?''''No. Napaaga lang ako. Excited lang siguro ako na makita at makilala ka. Have a seat.''''Salamat,'' wika niya nang ipaghila siya ng upuan ni Noel.At muling nagkatitigan ang dalawa nang magbanggaan ang kanilang mga braso. Unang nagbaba ng tingin si Celine. His warmth is still familiar to her na para bang kahapon lamang nangyari ang namagitan sa kanilang init sa kama.She coul

  • FINDING MY DADDY    Chapter 42

    [Fated Hearts]''KAILANGAN ko pa ba talagang magbihis nang ganito?''''Mukhang hindi iyan bagay sa iyo.'' Binalingan ni Andrea ang dalawang staff na umaasikaso sa kanila. ''Dalhin ninyo rito ang iba pang mga damit. The more expensive, the better.''''Yes, Ma'am.''Kasalukuyang nasa isang kilalang boutique ang magkaibigan. Dinala roon ni Andrea si Celine upang mamili ng mga damit at ilan pang kailangan para sa pagkikita nila ni Noel.''Are you bragging now?''''Ha?''''Not all expensive clothes are better. Minsan nga mas magaganda pa iyong nasa ukay-ukay.''''I know how you liked second-hand shops. Pero sensetive ang ilong ni Kuya. Malakas ang pang-amoy niya sa cheap versus branded items.''''Mayaman kasi kayo. Pero sa aming mga mahihirap, mas mabango ang mga mumurahin.''''Just this time, okay? Besides...'' Nakangiting inilabas ni Andrea ang isang black card, ''He lend it for us to use.''Napamulagat si Celine.''Sayang naman kung hindi natin gagamitin, 'di ba? And this has no limits.

  • FINDING MY DADDY    Chapter 41

    [The Great-Grandson]''MA!''Mula sa pagdidilig na mga halaman sa kanyang balkonahe ay napatigil siya at saka napalingon. Dumating si Gemma na para bang kagagaling lang nito sa giyera dahil namumula sa galit ang mukha nito. ''Ipatanggal ko na lang kaya 'yang pinto dahil hindi ka naman marunong kumatok?"''Did you know anything about it?'' pagbabalewala nito sa sinabi ng biyenan."Ang aga-aga mong galit. Buong araw mo niyan, lukot ang mukha mo.""Ma, I'm asking you!"Itinuloy ni Doña Betina ang ginagawa. Kalmado lang siya taliwas sa emosyon na nakalarawan sa mukha ni Gemma. ''What's wrong with it?''''So, you really know. How come you hide it from me? From us? Hindi ba talaga pamilya ang turing mo sa amin, ha?''''It's not important. Kaya hindi ko na iyon kailangan pang ipaalam sa inyo. And besides, may isip na si Andrea. Hindi na siya bata para sabihin pa sa inyo ang lahat nang gagawin niya na desisyon sa buhay.''''That brat! She's really into it!'' wika nito nang nagngingitngit. ''M

  • FINDING MY DADDY    Chapter 14

    [Nostalgia]NANG awtomatiko na nagbukas ang malapad na gate ng villa niya, idineretso na niya ang sasakyan sa garahe. Wala siyang balak bumalik ng Manila sa araw na iyon. He is exhausted of everything. Lalo na ang pag-iisip.Hindi muna pumasok si Noel sa bahay. Natanaw kasi niya ang hardinero na ab

  • FINDING MY DADDY    Chapter 9

    [Super Tonic]HINDI pa rin nawawala ang pagkahilo ni Noel kahit nakatulog na siya sa biyahe. Nang magising siya ay nakahinto na sila sa driveway ng kanyang villa.Sinulyapan muna niya si Celine na nahihimbing pa rin sa tabi niya. Saka siya bumaba nang sapo ang ulo.''Sir, kumusta po ang pakiramdam

  • FINDING MY DADDY    Chapter 8

    [Fated Encounter]AS he fondly caressing the arms wrapped around him, he then made a slow turn. He even felt like he did it in a very romantic and dramatic way. Siguro dahil pinanatili niyang nakayakap sa kanya ang babae. The warmth of her touch gives him the chill of both joy and desire.Sa mga or

  • FINDING MY DADDY    Chapter 7

    [Achilles Heel]''IS this how you handle matters at hand?''''Bakit? Natatakot ka ba, Mr. Crisologo?''Napangisi si Noel. Mula sa pagkakaupo, in-ekis niya ang mga hita. At saka isinandal ang likod sa backrest. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa armrest habang ang mga daliri niya roon ay marahang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status