LOGIN[Her Regrets]
NAPASUNTOK sa hangin si Celine habang hatid-tanaw niya ang papalayong sasakyan. Mabuti na lang at bitbit niya ang kanyang handbag bago sumakay kanina. May ilang piraso rin siyang damit dito at personal na mga gamit. Pero lahat nang dokumento na gagamitin niya sa pag-aapply ng trabaho ay naroon sa loob ng maleta. ''Sa uri ng puso meron siya, siguradong ipapasunog niya iyon o ipapatapon. Haist! Kamalasan talaga! Ano nang gagawin ko?'' Nagngingitngit siyang napasalampak ng upo sa gilid nang kalsada. Malapit nang maghatinggabi. Mabuti na lang at ibinaba siya sa medyo matao pang lugar. Marahil ay nasa sentro o bayan siya. May mga tindahan pa kasing bukas. Lumapit siya sa isa sa mga ito at nagtanong kung may terminal o bumibiyahe ba roon na papuntang Manila. Meron daw bus na nadaan, pero matagal nga lang siyang maghihintay. ''Pinagsisisihan ko tuloy na nakisakay ako sa kanila. Lalo lang akong namroblema.'' Naghanap muna siya ng C.R. na puwede niyang pagpalitan ng basang damit. Saka siya pumuwesto sa gilid ng kalsada para sa daraan na bus. Mas mabuti nang maghintay roon kaysa ang makasama nang matagal ang isang lalaking mas malamig pa sa snow. ''Ano kayang pangalan ng aroganteng iyon? Para sa susunod na makita ko siya, maiwasan ko siya. Baka mahawaan pa ako ng negative aura niya. Teka. Noel ba? Parang iyon ang narinig ko na itinawag sa kanya ni Kuya Arnold. Whatever! Hindi ako interasadong malaman iyon. Ang sama ng ugali niya.'' ''Miss, tricycle?'' Napatingin siya sa lalaking lumapit sa kanya. ''Hindi po, Kuya. Naghihintay ako ng bus.'' ''Papunta ka ba ng Maynila?'' Tumango lang siya. ''Naghahanap ng kasabay ang kotse na iyon...'' Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng lalaki. ''Carpool. Sayang daw ang gasolina. Dalawa na sila roon. Naghahanap pa nang isang kasama. Mura lang daw.'' Sandaling nag-alinlangan si Celine. ''Sige na. Para makaalis na rin sila.'' Tumayo na si Celine. Gusto na rin naman niyang bumiyahe. Marami nang oras ang nasayang sa kanya. Plano kasi niyang bukas na bukas din ay maghanap agad ng trabaho. May mga naka-save naman siyang soft copy ng mga dokumento niya sa cellphone niya. Dagdag-gastos nga lang iyon. Ilang copies na rin kasi ang napaimprenta niya na naroon sa loob ng maleta. ''Boss, nandito na siya.'' Naaninag niya sa loob na may isa nang sakay na babae sa likuran ng sasakyan. At mukhang natutulog ito. ''Pasakayin mo na.'' ''Sandali. Magkano po ba? At puwede ko po bang makita ang ID niyo? Para makasiguro ako- '' Hindi na natapos ni Celine ang ibang sasabihin dahil sa tela na tumakip sa bibig at ilong niya. Nanghina siya. Umikot ang kanyang paningin. Ramdam niya ang puwersahang pagtulak sa kanya ng lalaking nasa likuran. Pero wala siyang lakas na lumaban. ''Boss, maganda iyan. Kaya malaki dapat ang bayad ko riyan.'' Isang sobre ang inabot ng driver ng sasakyan sa nakangiting lalaki sa labas. ''Salamat, boss.'' Namumungay ang mga mata ni Celine. Nag-uulap din ang kanyang paningin. Pero naaninag niya ang mukha ng taong nag-alok sa kanya ng carpool. Pero ang driver, nakatalikod ito sa puwesto niya kaya tanging boses lang nito ang rumihestro sa kanyang utak. ''Sige na. Kontakin na lang ulit kita kapag kakailanganin ko ang serbisyo mo.'' ''Areglado, boss.'' Alam ni Celine na nasa peligro ang kanyang buhay maging ang babaing katabi sa upuan. Hindi ito natutulog. Tulad niya rin ito na biktima nang panloloko. ''Panloloko na naman? Jeez! Ang malas ko!'' ''Mukhang kaunting dosage lang ang ibinigay sa 'yo ng tarantad*ng iyon, ah?'' ''Manong, sino ka ba?'' ''Hindi mo kailangan na kilalanin ako.'' ''Bakit ganyan kayong mga lalaki? Kung hindi niyo sinasaktan, binu-bully at pinapaiyak kaming mga babae ay inilalagay niyo naman sa kapahamakan. Ganoon ba talaga kababa ang tingin niyo sa amin?'' Natawa ang driver. ''Seryoso ako.'' ''Ikaw lang ang naging pasahero ko na may lakas-loob pang magsalita pagkatapos ng gamot na pinalanghap sa iyo. Ibig sabihin, mahal ang presyo mo. Dapat na mapunta ka pala sa kostumer na galante.'' ''Anong gagawin mo sa amin?'' ''Malalaman mo mamaya.'' ''Bakit hindi pa ngayon?'' Muling natawa ang lalaki. Ang totoo, Celine is just buying time. Kailangang makatakas siya. Hindi puwedeng matapos ang miserable niyang buhay sa kamay ng mga taong halang ang bituka. Kinukurot niya ang itaas na bahagi ng kanyang pulsuhan sa braso. Mas mabuti kung masusugatan siya para manatiling gising ang kanyang katawan. Sa oras kasi na pumikit siya at matulog, siguradong iyon na ang katapusan ng lahat. ''Huwag kang mag-alala. Masisiyahan ka sa mangyayari sa 'yo mamaya. Baka nga magpasalamat ka pa.'' ''Huh! Mukhang iba ang depinisyon mo ng kasiyahan. Siguradong malungkot ang buhay mo.'' ''Manahimik ka na lang diyan. Matulog ka kung gusto mo. Para naman maayos kang haharap mamaya sa kliyente." Hindi na umimik si Celine. Kailangang ipunin niya ang lakas na meron pa siya para sa planong pagtakas. Tumingin siya sa katabing babae na unti-unting gumagalaw. ''Ohhh,'' ungol nito. Niyugyog niya ang babae. ''Gumising ka.'' ''Ohhh,'' patuloy nitong ungol. ''Mukhang kailangan ko nang magpalit ng brand. Dapat 'yong 24 hours ang bisa.'' ''Pakawalan mo kami!'' ''At ano? Para makapagsumbong kayo sa pulis? Hawak namin ang karamihan sa hepe ng mga presinto.'' Napatiim-bagang si Celine. Parang gusto niyang pagsisihan na nagdesisyon siyang iwan ang pamilya. Baka hindi na sila muling magkita pa. ''Nasaan ako?'' Binalingan ulit niya ang katabing babae na tulad niya ay walang lakas na igalaw ang buong katawan. Sigurado na umiikot din maging ang paningin nito. ''Alam niyo ba kung ano ito?'' Dumako ang namumungay na mga mata ni Celine sa inilahad na facemask ng lalaki na bagama't nakatagilid sa posisyon nito sa harap ng manibela ay alam niyang nakangisi ito. ''Proteksiyon ko.'' Napakunot siya ng noo. Pero ang pagtataka niya nang makita ang pagsuot ng lalaki sa facemask nito ay nasagot nang lalo siyang nakaramdam nang pagkahilo. Ang nilika niyang sugat sa braso ay hindi na nakatulong upang malabanan iyon. Her regrets won't be helpful para makatakas siya sa napasok na sitwasyon. At lahat nang pagsisisi niya ay nag-ugat kay Alvin. Kung maibabalik lang sana niya ang panahon, ibang lalaki na lang ang pipiliin niyang mahalin. At kung sakali mang mangyari iyon, hindi na siya magiging tanga pa.[The Third-Wheel]DERE-DERETSO nang lumabas ng restaurant si Celine. Hindi na siya lumingon pa upang alamin sana kung sumunod sa kanya si Noel.Binilisan na lang niya ang mga hakbang. Hindi muna siya nagpara ng taxi. Wala pa siyang balak umuwi. She really needed time to think.Maganda ang proposal ni Noel. At mas mapapanatag siya kung ito ang tumayo o kilalanin na ama ni Noah. Because he is indeed the real father.But the adoption is a different thing. Natatakot siya na baka mawalan siya nang karapatan sa anak kapag nalaman nito ang totoo.Mayaman si Noel. Kilala at maimpluwensiya ang pamilya nito. Kayang-kaya nitong manipulahin ang batas para makuha ang kustodiya ni Noah. And she won't let that happen. Her son is the only treasure she have.Naguguluhan nga lang siya. Napapaisip. Kung patuloy na walang kikilalanin na ama ang anak niya, hindi titigil ang mga bata sa pambu-bully rito.Her son will grow up with an awful memories of bullying na maaaring makaapekto sa pagkatao nito.Kapag
[The Proposal]PANAKAW-NAKAW ng sulyap si Noel kay Celine na lalo lang binabagalan ang pagkain matapos niya itong sitahin. She is obviously wants to annoy him. But he really missed it. Just like the first time when they've met on that crazy one night.Matagal din niya itong hinanap at ipinahanap sa kanyang mga tauhan. Nahirapan sila. Siguro dahil naghanap sila sa malayo. Malapit lang pala ito. Almost within his reach.Kung sinubukan lang niyang makipaglapit kay Andrea, baka sakaling napaaga ang pagkikita nila ni Celine. Baka siya pa ang naging ama ni Noah.Though destiny brought them again together after six years, dismayado pa rin siya. Because it's too late for him to pursue her.Celine may be separated from her old love. But the fact was that she's already committed, it is enough reason for him to stop thinking her tulad sa nagdaan na anim na taon. Besides, mukha namang walang halaga rito ang nangyari sa kanila sa nakaraan. At siguradong alam na nito ang tungkol sa kanyang kakulang
[LolaLo]NAPASULYAP si Andrea sa rearview mirror. Nahihimbing pa rin si Noah sa backseat. Mabuti nang nakatulog ito sa biyahe dahil alam niya na marami na naman itong tanong tungkol sa kanilang pupuntahan.He is curious about everything. At kapag hindi ito masasagot, he'll definitely find a way to answer those questions that even most of the adults forgot already. Like how do butterflies got their wings? What are the things that made the ships float? Where is the smallest insect can be found? Why the worm crawls? And who comes first, the chicken or the egg?Napangiti si Andrea. Sigurado na magsasawa agad ang lola niya rito. Because her grandma does not like noisy and nosy people. Ang gusto lang nitong balita na naririnig ay tungkol kay Noel. If it's not about his favourite grandson, then it is considered as trash and nonsense."Let me see who'll give up first?"Habang hinihintay ni Andrea ang tuluyang pagbubukas ng automatic gate, natanaw na niya ang kaliwanagan ng buong bahay.And it
[Second Wasted Chance]HINDI alam nina Celine at Noel kung ilang segundo o minuto ba silang nagkatitigan. Kung hindi dahil sa paglipad ng puting ibon sa pagitan mismo ng kanilang distansiya sa isa't isa ay hindi sila matatauhan sa pagkatulalang iyon.''So, ikaw ang kaibigan ni Andrea?''Hindi agad nakasagot si Celine. Sinusuri pa kasi niya sa reaksiyon ni Noel kung nakilala ba siya nito. At mukhang hindi. Kaya nakahinga siya nang maluwang.Mahigit anim na taon na rin naman kasi ang lumipas. Their encounter was just brief and crazy. Hindi siya mahalaga rito para maalala o alalahanin pa."Masyado ba akong late?''''No. Napaaga lang ako. Excited lang siguro ako na makita at makilala ka. Have a seat.''''Salamat,'' wika niya nang ipaghila siya ng upuan ni Noel.At muling nagkatitigan ang dalawa nang magbanggaan ang kanilang mga braso. Unang nagbaba ng tingin si Celine. His warmth is still familiar to her na para bang kahapon lamang nangyari ang namagitan sa kanilang init sa kama.She coul
[Fated Hearts]''KAILANGAN ko pa ba talagang magbihis nang ganito?''''Mukhang hindi iyan bagay sa iyo.'' Binalingan ni Andrea ang dalawang staff na umaasikaso sa kanila. ''Dalhin ninyo rito ang iba pang mga damit. The more expensive, the better.''''Yes, Ma'am.''Kasalukuyang nasa isang kilalang boutique ang magkaibigan. Dinala roon ni Andrea si Celine upang mamili ng mga damit at ilan pang kailangan para sa pagkikita nila ni Noel.''Are you bragging now?''''Ha?''''Not all expensive clothes are better. Minsan nga mas magaganda pa iyong nasa ukay-ukay.''''I know how you liked second-hand shops. Pero sensetive ang ilong ni Kuya. Malakas ang pang-amoy niya sa cheap versus branded items.''''Mayaman kasi kayo. Pero sa aming mga mahihirap, mas mabango ang mga mumurahin.''''Just this time, okay? Besides...'' Nakangiting inilabas ni Andrea ang isang black card, ''He lend it for us to use.''Napamulagat si Celine.''Sayang naman kung hindi natin gagamitin, 'di ba? And this has no limits.
[The Great-Grandson]''MA!''Mula sa pagdidilig na mga halaman sa kanyang balkonahe ay napatigil siya at saka napalingon. Dumating si Gemma na para bang kagagaling lang nito sa giyera dahil namumula sa galit ang mukha nito. ''Ipatanggal ko na lang kaya 'yang pinto dahil hindi ka naman marunong kumatok?"''Did you know anything about it?'' pagbabalewala nito sa sinabi ng biyenan."Ang aga-aga mong galit. Buong araw mo niyan, lukot ang mukha mo.""Ma, I'm asking you!"Itinuloy ni Doña Betina ang ginagawa. Kalmado lang siya taliwas sa emosyon na nakalarawan sa mukha ni Gemma. ''What's wrong with it?''''So, you really know. How come you hide it from me? From us? Hindi ba talaga pamilya ang turing mo sa amin, ha?''''It's not important. Kaya hindi ko na iyon kailangan pang ipaalam sa inyo. And besides, may isip na si Andrea. Hindi na siya bata para sabihin pa sa inyo ang lahat nang gagawin niya na desisyon sa buhay.''''That brat! She's really into it!'' wika nito nang nagngingitngit. ''M
[Real Men Don't Cry]NAPAHINTO sa paghakbang si Noah na nagmamadali sanang makaalis ng paaralan. Ginamit niya na nga rin ang shortcut, pero hindi pa rin siya nakaiwas sa grupo ni George na alam talaga ang kanyang magiging ruta. Kasama nito si Andres na umiiyak sa tabi nito.''Kuya, tinalo niya ako!
[The Bullies And The Top One]MAAYOS ang naging unang tatlong buwan ni Noah sa paaralan. Dahil si Andrea ang may kotse, hatid-sundo nito ang mag-ina at magkasama na sila ni Celine sa pagpasok ng trabaho.Pero napansin ng dalawa nang araw na iyon na malungkot ang bata. At para ngang ayaw pa nito na
[Alfonso III]NAPAANGAT ng mukha si Celine at natuon ang tingin sa nagbukas na pinto. Nakangiti na pumasok doon si Andrea.''Nandito ka na naman? Hindi ka ba hinahanap ng lola mo?''"Bakit? Nagsasawa ka na ba sa mukha ko?''''No way. Ikaw ang may mukhang hinding-hindi ko kailanman pagsasawaan.''Na
[My Papa Looks Like Me]HINDI lang makikita sa malapad na pagkakangiti ni Noah ang kasiyahan na nararamdaman nang mga oras na iyon habang walang kurap na nakatitig sa hawak na larawan kundi nasa bilis din ng tibok ng puso nito.''Papa,'' mahina ulit nitong pagbigkas.He hold the photo really tight







