Share

CHAPTER FIVE

last update publish date: 2025-11-26 07:54:22

REIGN’S POV

 “Wait!” sambit ko, sabay hawak sa braso ni Michael. Huminto naman siya at tumingin sa akin.

 “Sorry, akala ko kasi—” idinampi niya ang daliri sa labi ko, saka ngumiti.

 “Huwag mo nang isipin ’yon. But please… ayoko nang maulit ang ginawa mong pag-alis at pagkakalat sa bar kagabi,” seryosong sambit niya. “Hindi magugustuhan ni Dad kung madudungisan ang pangalan ng pamilya niya.”

 “S-sorry talaga… hindi na mauulit, promise!” Tumango lang siya at ni-lock ang pinto ng silid ko.

 Walang ganang naupo ako sa kama.

 Muntik na siyang mamatay dahil sa akin.

 Kung nagkataon… baka namatay pa siya sa mismong birthday niya. Marahan kong sinampal ang sarili. Bakit ba kasi masyado ka pa ring affected? Tapos na ’yon, Reign. Magkapatid kayo ni Michael—magkapatid na kayo, paulit-ulit kong sambit sa sarili.

 “Hindi ko man lang siya nabati.”

Tumayo na ako at mabilis na gumayak.  Saktong palabas na ako ng mansyon nang—

 “Ay, tukneneng ni Manang Sabel!” gulat na gulat kong sigaw dahil sa pagbusina ni Michael.

 Bumaba siya ng kotse at dahan-dahang lumapit sa akin.

 “Trying to escape again?” malamig na tanong ni Michael.

 “A-ah, hindi… ano… m-may bibilhin lang ako.” Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nauutal? Tumango lang siya.

 “Here. This is your card—galing kay Dad.”

 “H-hindi na, may pera naman ako,” pagtanggi ko.

 “Reign—”

 “Hindi ko pa kailangan, okay? But thank you. Sapat na sa akin na nakatira ako sa malaking bahay at kumakain sa oras, pero ’yan…” sabay turo ko sa card na hawak niya, “sobra na kung tatanggapin ko pa ’yan.” Napangiti ako nang bahagya. Naiilang ako sa pagtitig niya. Tumango lang si Michael.

 “Just tell me when you need it. Let’s go!” Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko.

 Napaatras ako. “Michael, sabi ko aalis ako.”

 “Oo nga, ihahatid na kita.” Napabuga na lang ako ng hangin habang binubuksan niya ang pinto ng kotse.

 Tahimik lang ang biyahe namin papunta sa mall. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa sinabi ng mukhang Korean kagabi, pero parang napipipi na naman ako.

 “M-Michael…” saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti.

 “You mean, Kuya Michael?” pagtatama niya sa ’kin.

 Huminga ako nang malalim. “Hindi maganda ang past natin, pero sa mata ng lahat… magkapatid tayo. Pwede bang magsimula na lang tayo ulit, kahit bilang kapatid, para kay Mama at kay Daddy?”

 “Iyon ba talaga ang gusto mo?” Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Iyon nga ba ang gusto ko? Iyon nga ba ang sinasabi ng puso ko? Pero iyon kasi ang tama. Iyon ang dapat kong gawin, bulong ko sa isip ko.

 Bahagya niyang tinapik ang balikat ko.

 “Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Choice ng parents natin na piliin ang isa’t isa. At may choice ka rin na piliin kung anong gusto mo at kung saan ka magiging masaya.”

 Natahimik ako. “Applicable lang ’yon sa ibang tao… pero hindi sa akin.”

 Hindi pa rin kasi kita pwedeng piliin ngayon, Michael.

 Napayakap ako sa sarili habang papasok ng sinehan. Nang makaupo kami, inabot sa akin ni Michael ang popcorn at soft drinks na binili namin kanina. Balak ko lang talaga siyang ibili ng regalo, pero heto kami ngayon—magkasamang nanonood ng nakakaiyak na movie.

 “Ngayon ko lang nalaman—iyakin ka pala, Reign!” pilyong bulong niya, sabay tapik sa balikat ko. Para bang kino-comfort ako, pero nang-aasar lang naman talaga.

 Napapailing ako at tinapik ko rin siya pabalik nang siya naman ang parang maiiyak. “Panyo oh!” sabay abot ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.

 Bakit ka ba umiiyak, Michael? ’Di ba ikaw naman ’tong playboy noon? Bakit parang masyado kang affected sa dalawang taong pinagtagpo pero hindi tinadhana? Balak ko sanang itanong, pero… walang salitang lumabas sa bibig ko.

 “Baka malusaw ako!” bulong niya. Siniko ko siya at bumitiw sa kamay niya.

 Pagkatapos manood ng sine, hinatak naman niya ako papunta sa mini bowling lane sa arcade area ng mall. Nakatingin ako sa mga pins na maayos na nakapila sa dulo. Hawak ni Michael ang bola; ngumisi siya sa akin.

 “Game time! Kung sino ang matalo, siya ang maglilibre ng lunch!” sigaw niya.

 Hinawakan ko ang bola at pinakawalan pababa sa lane. Tumumba ang ilang pins. “Yes! Panalo ako!” sigaw ko, sabay tawa.

 Pero hindi rin naman siya nagpatalo. Napapapikit pa ako kapag hinahagis niya ang bola. Buti na lang, natalo siya.

 “No way. One more round!” tila naiinis niyang sambit, pero hindi naman siya mukhang galit.

 Naglaro ulit kami—panalo ulit ako. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang magpatalo o hindi talaga siya marunong.

 “Okay, fine. You win. My treat. Ikaw na ulit ang panalo, pero ’wag ka masyadong mayabang, ha,” ngumiti siya nang nakakaloko. “May basketball pa!” aniya, sabay hatak sa akin.

 “Ano naman ang ipupusta mo ngayon?” tanong ko habang hawak ang bola, akmang mag-shoot.

 “Kiss… sa lips!”

 Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Pagkatapos niya akong nakawan ng halik… ngayon naman, makikipagpustahan para doon? Baliw ba siya?!

 Natataranta akong nag-shoot ng bola. Malapit nang matapos ang oras, pero wala talagang pumasok kahit isa. Tawa siya nang tawa nang matalo ako.

 “Hays… ang daya naman,” bulong ko.

 “Takot ka pala sa kiss, baby sister!” nang-aasar pang sambit niya.

 “Miss, ang gwapo naman ng boyfriend mo!” bulong ng saleslady na halatang kinikilig habang nasa boutique kami ni Michael.

 “Hindi, Miss… hindi ko siya boyfriend!” mabilis kong itinanggi, pero may parte sa puso ko na… nasasaktan pa rin.

 “Kung hindi mo siya boyfriend, Miss… pwede mo ba akong ireto sa kanya?!” tila nae-excite na tanong ng babae.

 “I-report kaya kita sa manager mo? Oras ng trabaho, nakuha mo pang magpareto!” naiinis kong sambit.

 Napatingin si Michael sa akin. “May problema ba?” tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Nakakahiya! Bakit ba kasi affected ka! bulong ko sa sarili.

 Naglakad na lang ako palayo para maghiwalay kami ng konti. Huminto ako sa section ng mga relo at pinili ang pinakamagandang relong ireregalo ko kay Michael.

 Pabalik na sana ako sa boutique nang mapansin ko ang isang cute na stuffed toy na kulay light blue. Lumapit ako at hinawakan iyon—malambot, may masungit na emoji na mukha. Parang kamukha ni Michael kapag naiinis.

 Napangiti ako nang bahagya at dinala iyon sa counter para bayaran.

 Sa mall na rin kami kumain ng lunch. May ilang napapatingin sa amin, pero hindi ko na lang pinansin.

 “Belated happy birthday, Michael,” nakangiting sambit ko, sabay abot ng regalo. Saglit pa niyang pinagmasdan iyon bago kinuha sa kamay ko.

 “Thank you, baby sister!” nakangiting sambit niya, pero nakatingin pa rin siya sa stuffed toy na yakap ko.

 “Mas gusto ko ’yang yakap mo,” sabi niya na may banayad na ngiti.

 “Huh? Ayaw—sa akin ’to,” parang batang sagot ko.

 Nag-pout siya. Ang cute naman niya—nakakainis.

 “Sige, nasa ’yo na ’yan. Basta ingatan mo, ha!” sabi ko habang inaabot iyon sa kanya. Parang bata niyang niyakap ang stuffed toy.

 “Thank you!” sambit niya. Hindi pa ako nakakasagot nang idampi niya ang labi sa noo ko, saka kumindat.

 Nagiinit ang pisngi ko. Nag-iwas agad ako ng tingin.

 “S-salamat nga pala sa pagtatanggol mo sa akin kahapon at sa pag-alaga mo sa akin habang lasing ako. And sorry kung muntik ka nang mamatay dahil sa akin,” mabilis kong sambit dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

 “Huwag mo nang isipin ’yon. Ang gusto ko lang naman, safe ka.”

 Nang marinig ko ’yon, walang pag-aalinlangan, niyakap ko siya. “Thank you, Michael.”

 Bago kami bumaba ng kotse, may iniabot siya sa akin na dalawang paper bag.

 “Ano ’to?” kunot-noo kong tanong.

 “Welcome gift ko sa ’yo!” nakangiting sambit niya.

 “Thank you!” balik-ngiti ko.

 “Basta ’wag ka nang iiyak, ha!” natatawang biro niya.

 Pagpasok namin ng mansyon—

 “Babe! I miss you so much!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
하늘 김
biglang bait bakit kaya
goodnovel comment avatar
Ma Ci Keep Fukiico
uy maganda
goodnovel comment avatar
Kulang sa kanton
more updates na eexcite na ako
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 18 | Shadows of the Past

    Maaga pa lang, bumangon na si William at nag-ayos ng sarili. Tahimik siyang nakaharap sa salamin habang inaayos ang cuff ng long sleeves niya. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa kama. Bahagyang nakabangon na si Reign habang kinukusot pa ang mga mata. "Good Morning!" Nakangiting bati niya dito. “Pupunta ko sa company Sweetheart.” Kunot-noo namang napatitig si Reign sa kanya. "Akala ko ba, kapag one year old na ang kambal saka ka babalik?" Natatawa niyang tanong. "Naghihirap na ba tayo?" Bahagyang natawa si William. "Of course not." Unti-unting bumangon si Reign saka lumapit sa kanya. Kinuha niya ang necktie nito at marahang isinukbit sa leeg ni William. "Eh, bakit ka aalis?" halos pabulong niyang tanong habang inaayos ang necktie nito. Bahagya siyang tumingala at mahigpit na yumakap kay William. Sinasadya niyang idikit ng husto ang katawan niya rito. “Sweetheart…” bulong ni William. Ilang minutong hindi gumalaw si Reign, hanggang sa unti-unting dumulas pabab

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 17 | A Shoulder to Lean On

    Kinagabihan… Nakaupo si William sa garden ng mansyon. “Daddy, kape?!” Nag-aalangang tanong ni Reign habang papalapit sa kanya. Tumango lang si William. Akmang uupo si Reign sa tabi nito, pero bigla siyang hinatak ni William paupo sa kandungan niya. “D-daddy…kumusta? Anong nangyari sa presinto kanina?” Napabuntong-hininga si William.“Huwag mo nang isipin ‘yon Sweetheart.” Nakangiting sabi nito. “Huwag isipin?” Mapaklang sagot ni Reign. “Alam mo, sa tuwing sinasabi mo ‘yan… mas lalo lang akong napapaisip. Alam ko, ayaw mo ‘kong mag-alala pero— deserve ko namang malaman kung anong nangyayari, o kung anong ginagawa mo ‘di ba?”Mahigpit siyang niyakap ni William. “Shh… tama na, sabi nga ni Mama bawasan natin ang pag-o-overthink ‘di ba?” “Paano ako, hindi mag-o-overthink kung hindi ka naman nagsasabi sa ‘kin?” Unti-unting tumulo ang luha ni Reign. “P-pwede bang maging-transparent tayo sa isa’t isa?” tanong ni Reign. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ni Reign at masuyo

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 16 | No Second Chances

    Paglabas nina Reign at William ng silid, dumiretso agad sila sa sala.Bahagya namang natigilan sa pag-uusap sina Leona at Jack nang makita silang dalawa."M-may dumi ba kami sa mukha?" kunot-noong tanong ni Reign.Nagkatinginan sina Leona at Jack bago sabay na natawa."Anong meron? Tsinismis mo ba kami kay Mama?" natatawang tanong ni William habang nakatingin kay Jack.“A-anong tsinismis?!” gulat na tanong ni Jack.Agad naman siyang natawa nang maalala kung paano magpigil ng ungól si Reign kanina sa pag-aakalang maririnig sila sa labas ng silid.“Just kidding!” nakangising sagot niya.“Boss naman, 'oh! Ninenerbyos ako sa 'yo eh!” iiling-iling na sagot nito.Bahagya namang lumapit si Reign kay Williane na gumagapang papalapit sa salamin sa sala.“Baby—”“Ahhh!” biglang sigaw ni Reign nang makita ang mukha niya sa salamin.Sabay namang natawa sina Jack at Leona nang makita ni Reign ang itsura niya sa salamin.Napatingin agad sina Reign at William sa isa't isa.“Oh, 'di ba? Mukha kayong

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 15 | A New Beginning

    Dahan-dahang lumapit si Michael sa puntod ng mommy niya. Inilapag niya ang puting rosas na dala niya bago nagsindi ng kandila.Napatitig siya sa larawan nito."You know what, Mommy..." bahagya siyang napangiti. "Hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa dati."Umupo siya sa gilid ng puntod."Akala ko habambuhay na akong m-magiging unstable. Akala ko hanggang doon na lang ako. Pero heto na ko ngayon… okay na ulit.”“Sorry.” Unti-unting nangilid ang luha niya. “Kung alam ko lang ‘yung ginawa sa ‘yo ni Dad noon, sana… hinayaan na lang kitang makaalis.” Garalgal ang boses na sabi nito. "I'm really sorry, Mom... Sorry sa nagawa namin ni Dad sa 'yo." Humahagulgol na sabi niya. "Pangako, hinding-hindi na 'ko mananakit. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, lalo na kay William at sa pamilya niya.""Sorry for everything, Mommy…”"Ito na rin 'yung huling beses na pupunta 'ko dito. Pero 'wag kang mag-alala, kasi may bibisita pa rin sa 'yo. At alam kong matutuwa ka.”Bahagya siyang yumuko."Hey!" Agad s

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 14 | The Last Goodbye

    Bahagyang napalingon si Jack mula sa driver's seat. “Pinauwi na po sila ni Ma’am Leona sa mansyon, Boss. Kasama po nila ang mga yaya.” Napapikit si William. “Buti naman...” napabuntong-hininga si William. “Siguraduhin mong safe sila doon ha. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ’to.” “Yes, Boss.” Tahimik na napatingin sa bintana si William. “Sa morgue na tayo.” Halos bulong lang ang boses niya. “Marami pa tayong kailangang gawin.” —— Sa kabilang banda… Tahimik ang silid kung saan nakahiga si Reign. “A-anak…” lumuluhang bulong ni Leona. “Nung lumipat sa Switzerland sina Michael at David, akala ko magiging maayos na ang buhay natin, pero heto na naman tayo sa gulo.” Garalgal ang boses niya habang hawak ang palad ni Reign. “A-anak… gumising ka na please… hinihintay ka namin ng mga anak mo… at ni William. Anak… huwag mo kaming iiwan ha.” Humahagulgol na si Leona habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Napayuko siya nang mag-ring ang phone niya. “H-hello? Jack, kumus

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 13 | The Price of Hatred

    “Lock the entire venue.”Mariing utos ni William habang nakatitig sa monitor.“Wait, paki-zoom 'to!” Nanginginig ang boses na sabi niya sa security.Nanlalamig ang buong katawan niya.Nang makita si Reign na kinakaladkad ng tatlong babae papunta sa CR.“That's her!” Nanginginig ang daliri niyang nakaturo sa screen.Biglang tumayo si William.“Jack! Tumawag ka ng ambulansya, at police na rin.” Tumingin siya sa mga security personnel at sa ilang tauhan niya.“I-secure niyo ang paligid. Siguraduhin ninyong walang makakalabas. Maliwanag?”“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan niya.Mabilis na tumakbo si William palabas.Hinihingal na napahinto siya sa tapat ng pinto ng CR. Agad niyang itinulak ang pinto.“Sweetheart!”Kusang napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang taong magkatabing nakahiga sa sahig. Duguan.Parang huminto ang mundo niya.“G-granny?!” hindi makapaniwalang sigaw niya.“Granny!” Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Doña Margarita.“Sweetheart!” Balin

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER FIFTY FOUR

    Tahimik ang buong isla. Tanging hampas ng alon lang ang naririnig sa paligid, kasabay ng mahinang ihip ng hangin. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Lumabas si Reign at pasuray-suray na naglakad papunta sa tabing dagat, hawak ang isang bote ng beer. Huminto siya roon. Tinitigan niya ang alon

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER FIFTY THREE

    Room 308 “Anak… a-anong nangyari?” nanginginig na tanong ni Leona kay Reign. Hindi na nakasagot si Reign. Walang ganang lumakad siya papalapit sa ina at mahigpit itong niyakap. Hanggang sa dahan-dahang yumugyog ang balikat niya… “Maaaaa!” humahagulgol niyang tawag. “Anak… nandito lang si

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER FIFTY TWO

    “Reign, ano ba… hindi ko nga siya mahal! Bakit ba itinataboy mo ’ko sa kanya?” basag ang boses na tanong ni Michael. “Ikaw ang pumili sa kanya, Michael. Ginusto mo man o hindi, nagpakasal ka pa rin. Ano pang sense ng mahal natin ang isa’t isa kung nakatali ka na sa iba?” lumuluhang sagot ni Reign.

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER FIFTY ONE

    Unti-unting kumalas si Michael sa pagkakahawak sa braso ni Reign. “M-Martinez… anong ginagawa mo dito?!” malamig na tanong ni Michael. “Ako ang dapat magtanong niyan sa ’yo,” tipid na sagot ni William. “Wil—” nanginginig ang boses ni Reign, awat sa kanila. Pero bago pa siya makapagsalita— “Now

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status