LOGINREIGN’S POV
Bahagya akong natigilan sa tanong niya. Umiwas ako ng tingin at mabilis na tumayo.
“Michael— I mean, kuya,” may diin kong sambit. “Tama ka, hindi tayo magkapatid, hindi tayo magkadugo. Pero sa mata ng lahat, magkapatid tayo. So please… ano man ang nangyari sa atin noon, tapos na ’yon. At hindi na natin dapat pang ungkatin at pag-usapan.”
Tinalikuran ko siya, pero agad niyang hinablot ang braso ko.
“Kung para sa ’yo, madali lang kalimutan ’yon, sa akin hindi. Sinaktan mo ’ko, Reign. Pinaasa mo ’ko na may nararamdaman ka sa akin, na may chance na maging tayo—pero anong ginawa mo?”
Tinulak ko siya palayo.
“Bakit? Hindi ba matanggap ng pride mo na may babaeng bumasted sa ’yo? It’s been a year, Michael! Kaya puwede ba… mag-move on ka na. Kasi ako? Okay na ’ko. Mas gusto ko pang lunukin na magkapatid na tayo kaysa ibalik pa natin ’yung walang kuwentang nakaraan na ’yan.”
Hindi ko na siya hinintay makapagsalita. Tumalikod ako at mabilis na tumakbo papunta sa silid ko.
“Reign, wait!” sigaw niya.
Bakit ba kailangan pang ungkatin ang tapos na? Ano pang silbi ng pag-uusapan namin ’yon? Ayoko mang tanggapin pero… magkapatid na kami ngayon at nakatira pa sa ilalim ng iisang bubong.
Kinagabihan, narinig ko ang ingay mula sa baba ng mansyon.
May nagkakantahan, may tawanan, may sigawan. Dahan-dahan akong bumaba papunta sa kusina para kumain ng dinner.
“Manang Sabel? Anong ganap?” tanong ko nang makita ko siyang kumakain sa kusina.
“Ay naku! Miss Reign, birthday ngayon ni Señorito,” sagot niya. “Kaya nandiyan ang mga friends at business partners niya. Halika, maupo ka at ipaghahain kita.”
Tumayo siya at akmang magsasandok ng pagkain.
“Ako na po. Kumain lang po kayo diyan,” nahihiya kong sambit.
“Masanay ka na, Miss Reign. Nandito kami para pagsilbihan kayo. Basta pag may kailangan kayo, tawagin n’yo lang ako,” sabi niya.
Tumango lang ako.
Kaya pala parang good mood siya—birthday niya pala. Ni hindi ko man lang siya nabati kanina.
Habang abala ako sa pagsandok ng pagkain, may napansin akong lalaking sumilip sa kusina. Bahagyang namumula ang mukha, naka-itim na long sleeves at black pants—parang may lahing Korean. Model ba ’to? Nakangiti siyang lumapit sa akin.
“Excuse me… could you tell me where the bathroom is? It’s… kind of urgent,” paos niyang tanong.
Agad ko namang itinuro.
In-unbutton pa niya ang tatlong butones bago lumakad sa direksiyon ng tinuro kong CR. Lumingon pa siya at kumindat bago pumasok.
“Thank you, Miss!” sabi niya.
Binilisan ko na ang pagsandok ng pagkain at ipinatong sa tray. Sa silid na lang ako kakain para walang istorbo. Palabas na ako ng kusina nang—
“Hey, you look familiar!”
Napaigtad ako sa gulat nang marinig ang boses ng lalaki kanina.
“Reign, right? The only woman who slapped his face in front of many people.”
Napaawang ang bibig ko.
“No, it’s not me. You’re just drunk!” pagtanggi ko.
Tumawa siya nang malakas.
“No, no, no. It’s you! ’Yung mahal na mahal ni M—”
“Enough!” sigaw ni Michael habang papalapit sa amin. “Let’s go!” aya niya sa mukhang Korean.
Ako? Mahal na mahal ni Michael? Nagpapatawa ba siya?!
Nasapo ko ang dibdib, nag-iinit ang mga mata ko. Tumakbo ako palabas ng mansyon. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ang nasa isip ko lang, gusto kong lumayo.
“Reign!” sigaw niya, pero patuloy lang ako sa pagtakbo.
Mabuti na lang may dumaang taxi. Sumakay agad ako at dumeretso sa pinakamalapit na bar.
Pagpasok ko sa bar, konti lang ang tao. Umorder agad ako ng alak—sunod-sunod ang paglagok ko.
“AKO MAHAL NA MAHAL NI MICHAEL? SINUNGALING! LAHAT KAYO SINUNGALING, MANLOLOKO! MAMATAY NA SANA KAYONG LAHAT!” sigaw ko, sabay hagis ng baso.
Halos matumba na ako sa upuan pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang, mawala ang sakit na nararamdaman ko.
“One more, please!” lumuluha kong request sa bartender.
Umiling lang siya. “Miss, tama na. Lasing ka na.”
Pero nagpumilit pa rin ako.
“Magbabayad naman ako,” sabi ko, kaya napilitan siyang bigyan pa ako.
“Miss, broken ka?” nakangising tanong ng lalaking may edad na tumabi sa akin.
“Gusto mo? Sumama ka na lang sa ’kin. Dadalhin kita sa heaven. Mag-e-enjoy tayo doon, promise!” nakangising sabi niya.
Natawa ako sa pinagsasasabi niya.
“Ga*go ka ba, tanda?! Panot ka na nga’t lahat, nakuha mo pang mambastos! Hayop ka!” sigaw ko, sabay tulak sa kanya.
Nagsigawan ang mga tao sa paligid, parang nakiki-cheer sa bardagulan namin. Bakas ang inis sa mukha ng lalaki; agad niyang hinatak ang braso ko.
“’Yan ang gusto ko—palaban! Sa kama ka na lang mag-ingay, Miss!” sigaw niya.
“Bitawan mo ’ko! Ano ba!” sigaw ko. Hindi pa rin siya bumibitiw kahit pinagsisipa ko na siya.
“Let go of her!”
Bumulaga ang sigaw ni Michael mula sa entrance ng bar—sobrang lakas, parang umalingawngaw sa buong lugar.
“Bakit, sino ka ba? Girlfriend mo ba ’tong babaeng ’to?” maangas na tanong ng matanda.
“I said, let her go—now!” sigaw ni Michael.
Biglang tinutukan ng baril ng matandang lalaki si Michael. Nanginig ang buong katawan ko sa takot. Nagkagulo ang bar.
Mabuti na lang at tumunog ang sirena ng pulis—agad tumakbo ang lalaki, pero nahuli rin agad.
Napasalampak ako sa sahig, hiyang-hiya sa nangyari.
“Let’s go,” sabi ni Michael habang hawak ang nanginginig kong kamay. Binuhat niya ako papunta sa kotse niya.
“Nasaktan ka ba?” kalmado niyang tanong.
Umiling lang ako.
“Thank you… Ikaw, okay ka ba? Nasaktan ka ba?” tanong ko habang sinusuri ang katawan niya.
Hinuli niya ang mga kamay ko at dahan-dahang hinawakan ang mukha ko.
“Sa susunod… ’wag ka nang aalis na para bang walang mag-aalala sa ’yo.”
Ramdam ko ang sinseridad niya.
“Sorry,” nahihiya kong sambit.
Dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako, mabilis ang tibok ng puso ko—akmang idadampi na niya ang labi niya sa akin—
“Urkk!”
“Damn it!” narinig kong mura niya.
Kinabukasan, paggising ko, nakita ko si Michael na nakahiga sa sofa sa loob ng silid ko—topless. Ako naman, iba na ang suot kong damit—maluwag at kumportable.
Napakuyom ang kamao ko at mabilis na lumapit sa kanya. Pinaghahampas ko siya ng tuwalya.
“Hayop ka! Anong ginawa mo sa akin, ha?” sigaw ko.
Humagalpak ng tawa si Michael. Nakakainis—bakit ba ang gwapo niya kapag tumatawa? Nawawala tuloy ang galit ko sa kanya.
“Ano naman ang gagawin ng kuya mo sa ’yo?” diniinan pa niya ang salitang kuya. Hays! Masyado na yata akong assuming.
Sakto namang pumasok si Manang Sabel.
“O hija, gising ka na pala. Ito, pinagluto kita ng soup.”
“Salamat po,” sagot ko, sabay kuha ng tray na dala ni Manang Sabel.
“Komportable ka ba sa naisuot kong damit sa ’yo?” tanong ni Manang habang tinitingnan ang kabuuan ko.
“Ang ibig po ninyong sabihin… kayo po ang nagpalit ng damit ko?” nahihiya kong tanong.
“Oo naman, hija. Pero si Señorito ang nag-asikaso at nagbantay sa ’yo. Lasing na lasing ka kasi kagabi—muntik ka pang tumalon sa bintana. Mabuti na lang at nakita ka agad ni Señorito."
Walang ganang napaupo ako sa kama.
"Hay naku, Miss Reign, bata ka pa. Kung love life lang ang problema mo, huwag mo nang problemahin ’yan—marami namang lalaki diyan. Saka ang ganda mo kaya.”
Napatakip ako sa mukha. “Talaga bang ginawa ko ’yon?” Nakakahiya.
Maaga pa lang, bumangon na si William at nag-ayos ng sarili. Tahimik siyang nakaharap sa salamin habang inaayos ang cuff ng long sleeves niya. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa kama. Bahagyang nakabangon na si Reign habang kinukusot pa ang mga mata. "Good Morning!" Nakangiting bati niya dito. “Pupunta ko sa company Sweetheart.” Kunot-noo namang napatitig si Reign sa kanya. "Akala ko ba, kapag one year old na ang kambal saka ka babalik?" Natatawa niyang tanong. "Naghihirap na ba tayo?" Bahagyang natawa si William. "Of course not." Unti-unting bumangon si Reign saka lumapit sa kanya. Kinuha niya ang necktie nito at marahang isinukbit sa leeg ni William. "Eh, bakit ka aalis?" halos pabulong niyang tanong habang inaayos ang necktie nito. Bahagya siyang tumingala at mahigpit na yumakap kay William. Sinasadya niyang idikit ng husto ang katawan niya rito. “Sweetheart…” bulong ni William. Ilang minutong hindi gumalaw si Reign, hanggang sa unti-unting dumulas pabab
Kinagabihan… Nakaupo si William sa garden ng mansyon. “Daddy, kape?!” Nag-aalangang tanong ni Reign habang papalapit sa kanya. Tumango lang si William. Akmang uupo si Reign sa tabi nito, pero bigla siyang hinatak ni William paupo sa kandungan niya. “D-daddy…kumusta? Anong nangyari sa presinto kanina?” Napabuntong-hininga si William.“Huwag mo nang isipin ‘yon Sweetheart.” Nakangiting sabi nito. “Huwag isipin?” Mapaklang sagot ni Reign. “Alam mo, sa tuwing sinasabi mo ‘yan… mas lalo lang akong napapaisip. Alam ko, ayaw mo ‘kong mag-alala pero— deserve ko namang malaman kung anong nangyayari, o kung anong ginagawa mo ‘di ba?”Mahigpit siyang niyakap ni William. “Shh… tama na, sabi nga ni Mama bawasan natin ang pag-o-overthink ‘di ba?” “Paano ako, hindi mag-o-overthink kung hindi ka naman nagsasabi sa ‘kin?” Unti-unting tumulo ang luha ni Reign. “P-pwede bang maging-transparent tayo sa isa’t isa?” tanong ni Reign. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ni Reign at masuyo
Paglabas nina Reign at William ng silid, dumiretso agad sila sa sala.Bahagya namang natigilan sa pag-uusap sina Leona at Jack nang makita silang dalawa."M-may dumi ba kami sa mukha?" kunot-noong tanong ni Reign.Nagkatinginan sina Leona at Jack bago sabay na natawa."Anong meron? Tsinismis mo ba kami kay Mama?" natatawang tanong ni William habang nakatingin kay Jack.“A-anong tsinismis?!” gulat na tanong ni Jack.Agad naman siyang natawa nang maalala kung paano magpigil ng ungól si Reign kanina sa pag-aakalang maririnig sila sa labas ng silid.“Just kidding!” nakangising sagot niya.“Boss naman, 'oh! Ninenerbyos ako sa 'yo eh!” iiling-iling na sagot nito.Bahagya namang lumapit si Reign kay Williane na gumagapang papalapit sa salamin sa sala.“Baby—”“Ahhh!” biglang sigaw ni Reign nang makita ang mukha niya sa salamin.Sabay namang natawa sina Jack at Leona nang makita ni Reign ang itsura niya sa salamin.Napatingin agad sina Reign at William sa isa't isa.“Oh, 'di ba? Mukha kayong
Dahan-dahang lumapit si Michael sa puntod ng mommy niya. Inilapag niya ang puting rosas na dala niya bago nagsindi ng kandila.Napatitig siya sa larawan nito."You know what, Mommy..." bahagya siyang napangiti. "Hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa dati."Umupo siya sa gilid ng puntod."Akala ko habambuhay na akong m-magiging unstable. Akala ko hanggang doon na lang ako. Pero heto na ko ngayon… okay na ulit.”“Sorry.” Unti-unting nangilid ang luha niya. “Kung alam ko lang ‘yung ginawa sa ‘yo ni Dad noon, sana… hinayaan na lang kitang makaalis.” Garalgal ang boses na sabi nito. "I'm really sorry, Mom... Sorry sa nagawa namin ni Dad sa 'yo." Humahagulgol na sabi niya. "Pangako, hinding-hindi na 'ko mananakit. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, lalo na kay William at sa pamilya niya.""Sorry for everything, Mommy…”"Ito na rin 'yung huling beses na pupunta 'ko dito. Pero 'wag kang mag-alala, kasi may bibisita pa rin sa 'yo. At alam kong matutuwa ka.”Bahagya siyang yumuko."Hey!" Agad s
Bahagyang napalingon si Jack mula sa driver's seat. “Pinauwi na po sila ni Ma’am Leona sa mansyon, Boss. Kasama po nila ang mga yaya.” Napapikit si William. “Buti naman...” napabuntong-hininga si William. “Siguraduhin mong safe sila doon ha. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ’to.” “Yes, Boss.” Tahimik na napatingin sa bintana si William. “Sa morgue na tayo.” Halos bulong lang ang boses niya. “Marami pa tayong kailangang gawin.” —— Sa kabilang banda… Tahimik ang silid kung saan nakahiga si Reign. “A-anak…” lumuluhang bulong ni Leona. “Nung lumipat sa Switzerland sina Michael at David, akala ko magiging maayos na ang buhay natin, pero heto na naman tayo sa gulo.” Garalgal ang boses niya habang hawak ang palad ni Reign. “A-anak… gumising ka na please… hinihintay ka namin ng mga anak mo… at ni William. Anak… huwag mo kaming iiwan ha.” Humahagulgol na si Leona habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Napayuko siya nang mag-ring ang phone niya. “H-hello? Jack, kumus
“Lock the entire venue.”Mariing utos ni William habang nakatitig sa monitor.“Wait, paki-zoom 'to!” Nanginginig ang boses na sabi niya sa security.Nanlalamig ang buong katawan niya.Nang makita si Reign na kinakaladkad ng tatlong babae papunta sa CR.“That's her!” Nanginginig ang daliri niyang nakaturo sa screen.Biglang tumayo si William.“Jack! Tumawag ka ng ambulansya, at police na rin.” Tumingin siya sa mga security personnel at sa ilang tauhan niya.“I-secure niyo ang paligid. Siguraduhin ninyong walang makakalabas. Maliwanag?”“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan niya.Mabilis na tumakbo si William palabas.Hinihingal na napahinto siya sa tapat ng pinto ng CR. Agad niyang itinulak ang pinto.“Sweetheart!”Kusang napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang taong magkatabing nakahiga sa sahig. Duguan.Parang huminto ang mundo niya.“G-granny?!” hindi makapaniwalang sigaw niya.“Granny!” Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Doña Margarita.“Sweetheart!” Balin
“M-Michael?!” Nanlalaki ang mga mata ni Reign. “Na-miss mo ba ’ko, baby?” nakangising sabi nito. Nanigas si Reign sa kinauupuan niya, parang biglang nawala ang hangin sa paligid niya. “Michael, ano ba! Itigil mo na ’to, pwede ba?!” “Bakit ako titigil ngayon pa ba na kasama na kita? Hindi ka ni
Kinabukasan... Maaga pa lang, abala na sa mansyon ng mga Martinez. May mga staff na nagga-guide sa catering at may mga security naman na umiikot para matiyak na walang makakapasok na kahina-hinalang tao. Samantala, tahimik na nakaupo si Reign sa harap ng salamin. Nakasuot na siya ng wedding gow
Napabuntong-hininga na lang si David habang pinagmamasdan ang pintong kakasara lang ni Michael. Tahimik ang buong condo. Pero mas lalo lang iyong nakabibingi para sa kanya. Dahan-dahan siyang napaupo sa sofa saka napahawak sa mukha. “Putangína...” basag ang boses na mura niya. Hanggang sa
Tahimik lang si Michael habang pinagmamasdan silang dalawa.“You know what?” napangisi siya. “Hindi na masaya sa bahay na ’to.”Unti-unting nagdilim ang mukha niya.“Wala na si Mommy… wala na si Reign… puro masasamang alaala na lang ang nandito.”Mariin niyang hinawakan ang lighter sa kamay.“At ka







