Share

CHAPTER THREE

last update publish date: 2025-11-26 07:54:07

REIGN'S POV

Maaga akong nagising, siguro dahil nasanay na rin ang katawan ko na gumigising ng alas-singko ng umaga—para magtrabaho sa coffee shop, out ng 9:00 a.m., diretso sa mall para magtrabaho ulit, at uuwi ng 10:00 p.m. Pero kahit pagurin ko ang katawan ko sa trabaho, parang kulang pa rin. Mahirap pa rin kami.

  Paglabas ko ng silid, agad na sumalubong sa akin ang pulang maleta ko na nasa tapat mismo ng pinto. Mas malinis na ngayon kaysa kahapon. Sa ibabaw, may nakadikit na sticky note.

  “SORRY!”

  Hindi ko alam kung bakit, pero kusa akong napangiti. Hindi ko sukat akalain na marunong pa lang mag-sorry ang lalaking ’yon.

  Kinuha ko ang sticky note at dinikit sa malaking salamin ng silid ko.

  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—kahapon kung pagsalitaan niya ako, gano’n na lang. Tapos ngayon, bigla siyang magso-sorry? Nakakaduda. Parang ’yung handwriting niya na naka-all caps. Wala man lang emoji. Ang hirap hulaan kung sincere ba siya o hindi.

  Paglabas ko ng silid, sakto namang palabas din siya. Naka-white shirt at gray shorts, may suot na eyeglasses, at may bitbit na papers at laptop.

  “Good morning… baby sister.” May diin talaga sa baby sister; halatang nang-aasar.

  “Hindi ako baby,” sagot ko agad. “At lalong hindi mo ako sister.”

  Nakangisi siya habang papalapit sa akin—parang alam na alam na niya kung paano sisirain ang araw ko.

  “Sorry,” seryoso niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko. “Hindi dapat ako umasta ng gano’n kahapon. And about your things—hindi ko naman tinapon,” casual niyang sabi. “Tinago ko lang para—”

  “Para inisin ako?” putol ko sa kanya.

  Tipid siyang ngumiti. “Para ipalinis. Ang dumi kasi.”

  “Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa ’kin? I mean, sa gamit ko?”

  Umismid siya. “Syempre, ayoko kasi ng marumi.” Tinitigan ko siya—parang ibang tao talaga siya ngayon. “And I just want you to know that when I say sorry, I really mean it.”

  “Nag-sorry ka ba dahil naramdaman mo, o dahil ayaw mong i-report kita kay Daddy?”

  Hindi siya sumagot.

  “Or iniisip mo talagang aagawan kita ng mana?”

  “About that—I’m the rightful heir. So whatever you’re thinking? Forget it.”

  “How about the kiss?” gulat kong tanong, pero hindi ko na mababawi. “Hindi mo ba hihingian ng sorry ’yung pagnanakaw mo sa ’kin ng halik?”

  “Magso-sorry lang ako kung hindi ka nasarapan. Hindi ba?”

  Napipi ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

  “Hindi masarap!” pagsisinungaling ko.

  “Kung hindi ka nasarapan, ulitin natin—hanggang sa ikaw na mismo ang lumapit sa akin para humingi no’n,” nakangiti niyang hamon sa ’kin.

  “Michael, baka nakakalimutan mo—magkapatid tayo,” inis kong sambit.

  “Magkapatid?” mahina siyang tumawa. “As you said earlier, you’re not my sister. Hindi tayo magkadugo, Reign.”

  Hindi na ako sumagot. Tama naman talaga siya—hindi kami magkadugo. Puwede pa sana kaming magkatuluyan noon kung hindi niya ako sinaktan—at kung hindi nagpakasal ang Daddy niya at si Mama.

  Bumaba na ako ng hagdan. Hindi ko alam kung bakit naaapektuhan pa rin ako sa presensya at mga sinasabi niya. Siniko ko siya nang bigla siyang umakbay sa ’kin. Buti na lang at tinanggal niya rin agad at nauna nang bumaba.

  Nalilito ako sa mga kinikilos niya ngayon. Kahapon, ang harsh niya magsalita. Ngayon, mas kalmado. Mas mabait? O uma-acting lang?

  Pagdating namin sa dining area, nakahanda na ang pagkain sa mesa—pancakes, bacon, omelet, fresh orange juice. Ang yaman talaga nila. Kahit almusal, pang-hotel.

  Umupo ako sa kabilang side ng table. Umupo naman siya diretso sa tapat ko.

  “Ano ba,” sabi ko. “Obvious naman, ’di ba? Ayaw kitang katabi, at lalong ayaw kitang kaharap.”

  “Hindi naman kita kakagatin, baby… unless gusto mo,” napangisi siya.

  Tinapik ko ang ulo ko. Lord, give me patience.

  Habang kumakain ako, nahuli ko siyang titig na titig sa ’kin.

  “Ano bang problema mo?” tanong ko.

  “Nothing,” sagot niya sabay kagat sa pancake. “You’re pretty today.”

  “Ano ba’ng trip mo?!”

  Humagalpak siya ng tawa. “You like my personality right now. Don’t lie.”

  “Excuse me? Anong part ng personality mo ang magugustuhan ko?”

  “Lahat,” sagot niya agad. Assuming talaga siya.

  Napapikit ako, pilit na pinapakalma ang sarili.

  Napaigtad ako nang biglang tumunog ang phone ko. Si Mama.

  “Great.”

  Sinagot ko.

  “Mama?” bati ko. “Hello po.”

  “Anak! Kumusta ka diyan? Okay ka naman ba? Magkasundo na ba kayo ng Kuya Michael mo?” tanong ni Mama.

  “At habang wala kami ng Mama mo, si Michael muna ang bahala sa ’yo,” sabat ni Daddy. “Kung may kailangan ka, ’wag kang mahiyang lumapit sa kanya.”

  “Hindi na po k—”

  Hindi ko natapos.

  Biglang tumayo si Michael at pumwesto sa likod ko, nakikinig. Napaigtad ako nang ipatong niya ang mga kamay niya sa balikat ko. Dahan-dahan pang bumaba ang mukha niya sa leeg ko.

  “Reign…” bulong niya. “Tell them the truth.”

  Napahigpit ang hawak ko sa phone.

  “Anak? Naririnig mo pa ba ako?”

  “Po—opo, Mama,” sagot ko, pilit pinapakalma ang boses.

  Hinawi ni Michael ang buhok ko sa isang side gamit ang daliri niya. Nakikiliti ako. Kinagat ko ang labi ko para hindi mapa-“Ay!”

  “Ano, anak? Mabait ba si Michael?”

  Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng death stare. Nakangiti lang siya.

  Sabay hawak niya sa baywang ko.

  Hindi gentle—’yung talagang mararamdaman mo.

  “Mama, okay naman po dito! Opo, mabait si Kuya Michael—super!” may diin kong sagot.

  “Aw,” bulong niya sa tenga ko. “Super daw? I like that.”

  Tinulak ko siya gamit ang siko. Hindi siya umatras—mas lalo pang dumikit.

  “Anak, bakit parang hinihingal ka?” tanong ni Mama.

  “Ha? Ah… nagja-jogging kasi ako, Ma!” pagsisinungaling ko.

  Inalis ko ang kamay niya. Ibinalik. Inalis ko. Ibinalik ulit.

  Inuubos niya talaga ang pasensya ko. Hinampas ko siya sa hita. Ngumisi lang siya.

  “Okay, anak. Mag-ingat ka diyan ha. ’Wag kang pasaway sa Kuya Michael mo,” sabi ni Mama. “Saka tumawag lang ako para sabihin na… next month pa kami uuwi ng Daddy mo.”

  Napahinto ako.

  Next month?

  Ibig sabihin, isang buwan kaming magkasama ni Michael dito. Walang bantay. Walang parents.

  “Yes po, Ma,” sagot ko, ramdam ang kaba. “Ingat po kayo.”

  Pagkababa ko ng tawag, agad kong hinampas ang braso niya.

  “Baliw ka ba?! Mama ko ’yon!”

  “Tawag lang naman, hindi video call,” kalmado niyang sagot. “Kung video call, iba na siguro ginawa ko.”

  “MICHAEL!”

Humagalpak siya ng tawa. Ang gwapo pa rin kahit nakakainis. Hays.

Umupo siya sa tabi ko, seryoso na ang itsura niya ngayon.

“Pwede ba akong magtanong?” aniya. Tumango lang ako bilang sagot.

 “Bakit mo ’ko binasted noon?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
하늘 김
deserve hahahah
goodnovel comment avatar
Pepeng Basa
tell me y binastid si mikel
goodnovel comment avatar
Kulang sa kanton
maganda ang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 18 | Shadows of the Past

    Maaga pa lang, bumangon na si William at nag-ayos ng sarili. Tahimik siyang nakaharap sa salamin habang inaayos ang cuff ng long sleeves niya. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa kama. Bahagyang nakabangon na si Reign habang kinukusot pa ang mga mata. "Good Morning!" Nakangiting bati niya dito. “Pupunta ko sa company Sweetheart.” Kunot-noo namang napatitig si Reign sa kanya. "Akala ko ba, kapag one year old na ang kambal saka ka babalik?" Natatawa niyang tanong. "Naghihirap na ba tayo?" Bahagyang natawa si William. "Of course not." Unti-unting bumangon si Reign saka lumapit sa kanya. Kinuha niya ang necktie nito at marahang isinukbit sa leeg ni William. "Eh, bakit ka aalis?" halos pabulong niyang tanong habang inaayos ang necktie nito. Bahagya siyang tumingala at mahigpit na yumakap kay William. Sinasadya niyang idikit ng husto ang katawan niya rito. “Sweetheart…” bulong ni William. Ilang minutong hindi gumalaw si Reign, hanggang sa unti-unting dumulas pabab

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 17 | A Shoulder to Lean On

    Kinagabihan… Nakaupo si William sa garden ng mansyon. “Daddy, kape?!” Nag-aalangang tanong ni Reign habang papalapit sa kanya. Tumango lang si William. Akmang uupo si Reign sa tabi nito, pero bigla siyang hinatak ni William paupo sa kandungan niya. “D-daddy…kumusta? Anong nangyari sa presinto kanina?” Napabuntong-hininga si William.“Huwag mo nang isipin ‘yon Sweetheart.” Nakangiting sabi nito. “Huwag isipin?” Mapaklang sagot ni Reign. “Alam mo, sa tuwing sinasabi mo ‘yan… mas lalo lang akong napapaisip. Alam ko, ayaw mo ‘kong mag-alala pero— deserve ko namang malaman kung anong nangyayari, o kung anong ginagawa mo ‘di ba?”Mahigpit siyang niyakap ni William. “Shh… tama na, sabi nga ni Mama bawasan natin ang pag-o-overthink ‘di ba?” “Paano ako, hindi mag-o-overthink kung hindi ka naman nagsasabi sa ‘kin?” Unti-unting tumulo ang luha ni Reign. “P-pwede bang maging-transparent tayo sa isa’t isa?” tanong ni Reign. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ni Reign at masuyo

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 16 | No Second Chances

    Paglabas nina Reign at William ng silid, dumiretso agad sila sa sala.Bahagya namang natigilan sa pag-uusap sina Leona at Jack nang makita silang dalawa."M-may dumi ba kami sa mukha?" kunot-noong tanong ni Reign.Nagkatinginan sina Leona at Jack bago sabay na natawa."Anong meron? Tsinismis mo ba kami kay Mama?" natatawang tanong ni William habang nakatingin kay Jack.“A-anong tsinismis?!” gulat na tanong ni Jack.Agad naman siyang natawa nang maalala kung paano magpigil ng ungól si Reign kanina sa pag-aakalang maririnig sila sa labas ng silid.“Just kidding!” nakangising sagot niya.“Boss naman, 'oh! Ninenerbyos ako sa 'yo eh!” iiling-iling na sagot nito.Bahagya namang lumapit si Reign kay Williane na gumagapang papalapit sa salamin sa sala.“Baby—”“Ahhh!” biglang sigaw ni Reign nang makita ang mukha niya sa salamin.Sabay namang natawa sina Jack at Leona nang makita ni Reign ang itsura niya sa salamin.Napatingin agad sina Reign at William sa isa't isa.“Oh, 'di ba? Mukha kayong

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 15 | A New Beginning

    Dahan-dahang lumapit si Michael sa puntod ng mommy niya. Inilapag niya ang puting rosas na dala niya bago nagsindi ng kandila.Napatitig siya sa larawan nito."You know what, Mommy..." bahagya siyang napangiti. "Hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa dati."Umupo siya sa gilid ng puntod."Akala ko habambuhay na akong m-magiging unstable. Akala ko hanggang doon na lang ako. Pero heto na ko ngayon… okay na ulit.”“Sorry.” Unti-unting nangilid ang luha niya. “Kung alam ko lang ‘yung ginawa sa ‘yo ni Dad noon, sana… hinayaan na lang kitang makaalis.” Garalgal ang boses na sabi nito. "I'm really sorry, Mom... Sorry sa nagawa namin ni Dad sa 'yo." Humahagulgol na sabi niya. "Pangako, hinding-hindi na 'ko mananakit. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, lalo na kay William at sa pamilya niya.""Sorry for everything, Mommy…”"Ito na rin 'yung huling beses na pupunta 'ko dito. Pero 'wag kang mag-alala, kasi may bibisita pa rin sa 'yo. At alam kong matutuwa ka.”Bahagya siyang yumuko."Hey!" Agad s

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 14 | The Last Goodbye

    Bahagyang napalingon si Jack mula sa driver's seat. “Pinauwi na po sila ni Ma’am Leona sa mansyon, Boss. Kasama po nila ang mga yaya.” Napapikit si William. “Buti naman...” napabuntong-hininga si William. “Siguraduhin mong safe sila doon ha. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ’to.” “Yes, Boss.” Tahimik na napatingin sa bintana si William. “Sa morgue na tayo.” Halos bulong lang ang boses niya. “Marami pa tayong kailangang gawin.” —— Sa kabilang banda… Tahimik ang silid kung saan nakahiga si Reign. “A-anak…” lumuluhang bulong ni Leona. “Nung lumipat sa Switzerland sina Michael at David, akala ko magiging maayos na ang buhay natin, pero heto na naman tayo sa gulo.” Garalgal ang boses niya habang hawak ang palad ni Reign. “A-anak… gumising ka na please… hinihintay ka namin ng mga anak mo… at ni William. Anak… huwag mo kaming iiwan ha.” Humahagulgol na si Leona habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Napayuko siya nang mag-ring ang phone niya. “H-hello? Jack, kumus

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    Special Chapter 13 | The Price of Hatred

    “Lock the entire venue.”Mariing utos ni William habang nakatitig sa monitor.“Wait, paki-zoom 'to!” Nanginginig ang boses na sabi niya sa security.Nanlalamig ang buong katawan niya.Nang makita si Reign na kinakaladkad ng tatlong babae papunta sa CR.“That's her!” Nanginginig ang daliri niyang nakaturo sa screen.Biglang tumayo si William.“Jack! Tumawag ka ng ambulansya, at police na rin.” Tumingin siya sa mga security personnel at sa ilang tauhan niya.“I-secure niyo ang paligid. Siguraduhin ninyong walang makakalabas. Maliwanag?”“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan niya.Mabilis na tumakbo si William palabas.Hinihingal na napahinto siya sa tapat ng pinto ng CR. Agad niyang itinulak ang pinto.“Sweetheart!”Kusang napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang taong magkatabing nakahiga sa sahig. Duguan.Parang huminto ang mundo niya.“G-granny?!” hindi makapaniwalang sigaw niya.“Granny!” Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Doña Margarita.“Sweetheart!” Balin

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER SIXTY ONE

    Bahagyang nanigas sa kinatatayuan si Dra. Sylvia nang bigla siyang yakápin ni Michael. “Doc…” halos bulong lang niya. “M-Michael… anong nangyari sa ’yo? Napaaway ka ba?” Inalalayan siya nito papasok sa loob at dinala sa kwarto. Pinahiga niya ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang butones ng lo

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER SIXTY

    Bahagyang natigilan si William. Tumingin siya kay Reign… saka bahagyang tumingala sa langit. “Sa totoo lang… your father is my hero.” Biglang napalingon si Reign sa kanya. Bahagyang umawang ang bibig niya… pero hindi siya nakapagsalita. “Hindi lang siya driver…” dagdag ni William. “Niligta

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER FIFTY NINE

    Nagmamadaling pumasok sa restaurant si Michael, palinga-linga ito hanggang sa matanaw niya sa sulok si Dra. Sylvia. Mabilis siyang humakbang papalapit dito. “Michael—” Hindi na niya naituloy. Nang bigla siyang niyakap ni Michael. “Doc…” halos humahagulgol na sabi nito, nanginginig ang katawan

  • FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER    CHAPTER FIFTY EIGHT

    Abala si Leona sa pagguguhit ng mga design. May mga tao rin siyang kausap na nagtuturo sa kanya kung paano gumawa ng jewelry—mga kwintas, singsing, hikaw, at bracelet. Nagpadala na rin si William ng mga puwede niyang gamitin—mga perlas galing sa pearl farm nila, iba’t ibang klase ng bato, at gold

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status