Mag-log inREIGN’S POV
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang maleta kong nakapatong sa kama. Aalis ako. At walang makakapigil sa akin.
Hindi si Mama.
Hindi rin si Daddy.
At lalong hindi si—
“Michael? Anong ginagawa mo dito?!” kunot-noo kong tanong habang dahan-dahan siyang pumapasok sa silid ko.
Napaatras ako nang i-lock niya ang pinto. “Shit!” bulong ko sa sarili. Nakatayo lang naman siya sa tapat ng pinto habang nakatitig sa akin, pero itong puso ko—sobrang bilis ng tibok.
Tumayo ako at lumapit sa pinto. Akmang pipihitin ko na ang doorknob nang bigla niya akong buhatin at marahang inihiga sa kama.
“Ano bang problema mo?!” may diin kong tanong sabay tulak sa kanya. Lumayo ako at tumayo malapit sa bintana. Nakangisi siya habang papalapit nang papalapit sa akin.
Umatras ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa malamig na pader. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya.
Topless. Mamasa-masa pa ang katawan. Tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya—halatang kakatapos lang maligo.
Ngumiti siya na para bang isang demonyo. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay sa batok niya. Dahan-dahan siyang yumuko hanggang sa maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa leeg ko.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Huminga ako nang malalim at pumikit. “Scared much?” nakangising bulong niya.
Gusto kong sumigaw, pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang itulak palayo, pero tila nauubusan ako ng lakas habang unti-unting lumalapat ang labi niya sa labi ko.
Inis na inis ako sa sarili ko dahil imbes na tumutol, tumutugon ako sa halik at sa bawat paggalaw niya.
“Ughh! Michael…” ungol ko habang napapakapit sa bedsheet.
“Moan my name, darling!”
Napabalikwas ako sa kama, pawis na pawis. “Shit!” sambit ko habang sapo ang dibdib. “Sa dami ng pwedeng mapanaginipan, bakit siya pa?!”
Napalingon ako sa paligid. Nasa guest room ako—
“Wait? Ibig sabihin ba? Hindi ’yon panaginip? May—nangyari ba sa amin?”
Napasabunot ako sa sarili. “Hindi. Wala. May damit ka, Reign. Ano ka ba?! Panaginip lang ’yon. Magkapatid kayo ni Michael!” tila nababaliw kong sambit habang marahang sinasampal ang sarili.
Hayss!
Bagsak ang mga balikat kong lumipat sa silid ko.
“Teka? Nasaan ang mga gamit ko?”
Nagmamadali akong bumaba ng silid. “Manang!” sigaw ko, pero walang sumasagot. Wala rin akong makitang kahit isang katulong na puwedeng mapagtanungan.
Lumakad ako papunta sa garden sa labas ng bahay. Agad na napako ang tingin ko sa swimming pool. Halos hindi ako makahinga nang makita si Michael na umaahon mula sa tubig—basang-basa, kumikislap ang balat sa bawat patak na dumudulas sa malapad niyang balikat, sa matitigas niyang braso, pababa sa perpekto niyang six-pack abs. Napasinghap ako, napalunok, at hindi ko na nagawang alisin ang tingin sa kanya.
Kinuha niya ang puting tuwalya at dahan-dahang pinunasan ang basa niyang buhok. Para bang nang-aakit ang bawat galaw niya.
“Ano kayang pakiramdam kung ako ang nagpupunas ng katawan niya?”
Parang gusto ko tuloy lumapit, lalo na nang humarap siya at bahagyang umangat ang dibdib niya habang humihinga. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong na-hypnotize ng mala-Adonis niyang katawan, at wala na akong nagawa kundi titigan siya—nang buong-buo.
Ngumiti siya sa akin sabay hawi ng buhok, parang isang model sa fashion show na nang-aakit ng audience. Nagulat ako nang idampi niya ang daliri sa labi ko.
“Isara mo ’yan, baka pasukan ng langaw…” pilyo siyang ngumiti. “O ng iba pang bagay na puwedeng ipasok diyan.”
Kunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pagkain lang naman ang puwedeng ipasok sa bibig, ’di ba? Ang babaw talaga ng lalaking ’to.
“May nangyari ba sa ’tin?” Iyon sana ang gusto kong itanong pero… iba ang lumabas sa bibig ko.
“Alam mo ba kung nasaan ang gamit ko?” Humarap siya sa akin sabay ngiti.
“Bakit? Aalis ka?” kalmadong tanong niya.
“Oo. Mas mabuti nang mag-isa kaysa naman may kasama ’kong… playboy!” may diin kong sagot. “At saka puwede ba? ’Wag na tayong maglokohan. Alam ko namang ayaw mong nandito ako, kaya ka nga naglasing—”
“Who told you?” putol niya sa akin. “Masaya akong kasama kita ngayon, Reign. As my stepsister.” Lumitaw ang dimple niya sa pagngiti. Nakakatunaw. Kung ako pa rin ’yung babaeng gustong-gusto siya noon, baka nahulog na naman ako sa ngiti niya.
Ngumiti ako ng mapait. “Stepsister? Nakakasuka!” inis kong sigaw sabay talikod sa kanya.
Hinatak niya ang braso ko papaharap sa kanya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Ilang segundo kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa matauhan ako.
Nagpupumiglas ako sa takot na baka may makakita sa amin, pero kahit anong gawin ko, hindi siya kumakalas. Salubong ang kilay kong tumingala sa kanya. Pero—
“Bastos!” sigaw ko sabay sampal sa kanya. Napahawak ako sa labi ko at mabilis na pinunasan ’yon.
“Welcome home, baby sister!” sabay ngiti niya, na para bang sinasadya niyang sirain ang araw ko.
“Señorito, nakahanda na po ang breakfast sa garden,” ani Manang Sabel na may dala pang tray.
Tumingin si Michael sa akin sabay hawak sa braso ko.
“Hindi ka aalis,” bulong niya. “Ibinilin ka ng Mama mo at ni Daddy sa akin. Kaya bilang kuya mo—” bahagya siyang napapikit, dumidiin ang hawak niya sa braso ko, “susundin mo ang gusto ko. Kung ayaw mong magka-problema tayo,” seryosong sambit niya.
Napangiti ako ng mapait. “Pare-parehas lang pala kayo—” tumingin siya sa akin. “Controlling…” bulong ko.
“May sinasabi ka?”
Umiling lang ako.
Hinila niya ang upuan para sa akin. Magkatabi kami sa harap ng lamesa.
“By the way…” ngumiti siya, “ang gamit mo? Tinapon ko na. Bibilhan na lang kita kung mag-stay ka dito.”
Hinampas ko nang malakas ang mesa.
“Bibilhan? Hindi mo ba alam na may mga important papers ako doon?! May mga bagay na hindi nabibili ng pera mo!”
“Like what? Excuse me, kaya kong bilhin lahat—kahit ikaw pa.”
“Bastos!” sigaw ko sabay sampal sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama, na para bang gusto na niya akong patayin sa inis. “Mabibili ba ng pera mo ’yung mga memories namin ni Papa na nakalagay doon?!” Halos maiyak na ako sa galit at sama ng loob.
“Rule number one: Ayoko ng maingay at nananakit physically, lalo na’t kumakain. Have some manners.”
Napakagat ako sa sariling labi. Tumahimik, pero bahagyang ngumiti.
“Fine. Kung hindi ka papayag na umalis ako…” dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. “Aagawin ko na lang ang pagiging heir mo!”
Tumingin siya sa akin nang masama. Hindi ko mabasa kung natatakot ba siya sa banta ko dahil nagpatuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain habang napapangiti.
“As if naman makakapasok ka sa company ko. You’re nothing, Reign. Kung gusto mo, gayahin mo na lang ang nanay mo—nag-asawa ng mayaman para makaahon sa hirap.”
Akmang sasampalin ko siya nang hawakan niya ang braso ko.
“I told you, susunod ka sa gusto ko. At itatahimik mo ’yang bibig mo para hindi tayo magkaproblema.” Tumayo na siya at iniwan akong nakatulala sa garden.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Dapat nga, sanay na ako. Pero… masakit pa rin kapag nakakarinig ako ng ganoong comment tungkol kay Mama. Masakit, pero wala naman akong magawa dahil—totoo.
Maaga pa lang, bumangon na si William at nag-ayos ng sarili. Tahimik siyang nakaharap sa salamin habang inaayos ang cuff ng long sleeves niya. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa kama. Bahagyang nakabangon na si Reign habang kinukusot pa ang mga mata. "Good Morning!" Nakangiting bati niya dito. “Pupunta ko sa company Sweetheart.” Kunot-noo namang napatitig si Reign sa kanya. "Akala ko ba, kapag one year old na ang kambal saka ka babalik?" Natatawa niyang tanong. "Naghihirap na ba tayo?" Bahagyang natawa si William. "Of course not." Unti-unting bumangon si Reign saka lumapit sa kanya. Kinuha niya ang necktie nito at marahang isinukbit sa leeg ni William. "Eh, bakit ka aalis?" halos pabulong niyang tanong habang inaayos ang necktie nito. Bahagya siyang tumingala at mahigpit na yumakap kay William. Sinasadya niyang idikit ng husto ang katawan niya rito. “Sweetheart…” bulong ni William. Ilang minutong hindi gumalaw si Reign, hanggang sa unti-unting dumulas pabab
Kinagabihan… Nakaupo si William sa garden ng mansyon. “Daddy, kape?!” Nag-aalangang tanong ni Reign habang papalapit sa kanya. Tumango lang si William. Akmang uupo si Reign sa tabi nito, pero bigla siyang hinatak ni William paupo sa kandungan niya. “D-daddy…kumusta? Anong nangyari sa presinto kanina?” Napabuntong-hininga si William.“Huwag mo nang isipin ‘yon Sweetheart.” Nakangiting sabi nito. “Huwag isipin?” Mapaklang sagot ni Reign. “Alam mo, sa tuwing sinasabi mo ‘yan… mas lalo lang akong napapaisip. Alam ko, ayaw mo ‘kong mag-alala pero— deserve ko namang malaman kung anong nangyayari, o kung anong ginagawa mo ‘di ba?”Mahigpit siyang niyakap ni William. “Shh… tama na, sabi nga ni Mama bawasan natin ang pag-o-overthink ‘di ba?” “Paano ako, hindi mag-o-overthink kung hindi ka naman nagsasabi sa ‘kin?” Unti-unting tumulo ang luha ni Reign. “P-pwede bang maging-transparent tayo sa isa’t isa?” tanong ni Reign. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ni Reign at masuyo
Paglabas nina Reign at William ng silid, dumiretso agad sila sa sala.Bahagya namang natigilan sa pag-uusap sina Leona at Jack nang makita silang dalawa."M-may dumi ba kami sa mukha?" kunot-noong tanong ni Reign.Nagkatinginan sina Leona at Jack bago sabay na natawa."Anong meron? Tsinismis mo ba kami kay Mama?" natatawang tanong ni William habang nakatingin kay Jack.“A-anong tsinismis?!” gulat na tanong ni Jack.Agad naman siyang natawa nang maalala kung paano magpigil ng ungól si Reign kanina sa pag-aakalang maririnig sila sa labas ng silid.“Just kidding!” nakangising sagot niya.“Boss naman, 'oh! Ninenerbyos ako sa 'yo eh!” iiling-iling na sagot nito.Bahagya namang lumapit si Reign kay Williane na gumagapang papalapit sa salamin sa sala.“Baby—”“Ahhh!” biglang sigaw ni Reign nang makita ang mukha niya sa salamin.Sabay namang natawa sina Jack at Leona nang makita ni Reign ang itsura niya sa salamin.Napatingin agad sina Reign at William sa isa't isa.“Oh, 'di ba? Mukha kayong
Dahan-dahang lumapit si Michael sa puntod ng mommy niya. Inilapag niya ang puting rosas na dala niya bago nagsindi ng kandila.Napatitig siya sa larawan nito."You know what, Mommy..." bahagya siyang napangiti. "Hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa dati."Umupo siya sa gilid ng puntod."Akala ko habambuhay na akong m-magiging unstable. Akala ko hanggang doon na lang ako. Pero heto na ko ngayon… okay na ulit.”“Sorry.” Unti-unting nangilid ang luha niya. “Kung alam ko lang ‘yung ginawa sa ‘yo ni Dad noon, sana… hinayaan na lang kitang makaalis.” Garalgal ang boses na sabi nito. "I'm really sorry, Mom... Sorry sa nagawa namin ni Dad sa 'yo." Humahagulgol na sabi niya. "Pangako, hinding-hindi na 'ko mananakit. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, lalo na kay William at sa pamilya niya.""Sorry for everything, Mommy…”"Ito na rin 'yung huling beses na pupunta 'ko dito. Pero 'wag kang mag-alala, kasi may bibisita pa rin sa 'yo. At alam kong matutuwa ka.”Bahagya siyang yumuko."Hey!" Agad s
Bahagyang napalingon si Jack mula sa driver's seat. “Pinauwi na po sila ni Ma’am Leona sa mansyon, Boss. Kasama po nila ang mga yaya.” Napapikit si William. “Buti naman...” napabuntong-hininga si William. “Siguraduhin mong safe sila doon ha. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ’to.” “Yes, Boss.” Tahimik na napatingin sa bintana si William. “Sa morgue na tayo.” Halos bulong lang ang boses niya. “Marami pa tayong kailangang gawin.” —— Sa kabilang banda… Tahimik ang silid kung saan nakahiga si Reign. “A-anak…” lumuluhang bulong ni Leona. “Nung lumipat sa Switzerland sina Michael at David, akala ko magiging maayos na ang buhay natin, pero heto na naman tayo sa gulo.” Garalgal ang boses niya habang hawak ang palad ni Reign. “A-anak… gumising ka na please… hinihintay ka namin ng mga anak mo… at ni William. Anak… huwag mo kaming iiwan ha.” Humahagulgol na si Leona habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Napayuko siya nang mag-ring ang phone niya. “H-hello? Jack, kumus
“Lock the entire venue.”Mariing utos ni William habang nakatitig sa monitor.“Wait, paki-zoom 'to!” Nanginginig ang boses na sabi niya sa security.Nanlalamig ang buong katawan niya.Nang makita si Reign na kinakaladkad ng tatlong babae papunta sa CR.“That's her!” Nanginginig ang daliri niyang nakaturo sa screen.Biglang tumayo si William.“Jack! Tumawag ka ng ambulansya, at police na rin.” Tumingin siya sa mga security personnel at sa ilang tauhan niya.“I-secure niyo ang paligid. Siguraduhin ninyong walang makakalabas. Maliwanag?”“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan niya.Mabilis na tumakbo si William palabas.Hinihingal na napahinto siya sa tapat ng pinto ng CR. Agad niyang itinulak ang pinto.“Sweetheart!”Kusang napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang taong magkatabing nakahiga sa sahig. Duguan.Parang huminto ang mundo niya.“G-granny?!” hindi makapaniwalang sigaw niya.“Granny!” Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Doña Margarita.“Sweetheart!” Balin
Maagang bumangon si William para magluto sa labas ng bahay. “B-boss? Sigurado ka bang hindi mo kailangan ng tulong?” hindi makapaniwalang tanong ni Jack habang pinapanood itong nakayuko sa maliit na kalan sa gilid ng bahay. Kahoy ang gamit nitong panggatong. Halos mapapikit na si William habang
Tahimik lang na nakatingin si Elena sa kanya. Tinakwil at hinusgahan siya ng mga tao sa paligid niya. Wala na siyang ibang mapuntahan. Mabigat man sa loob niya, napilitan siyang sumama kay David. Para sa batang nasa sinapupunan niya. Makalipas ang ilang buwan, pinakasalan siya ni David Lucero.
Hindi man lang nasindak ang doktor sa sinabi ni Michael. Tahimik lang itong nakikinig habang nagsusulat, na para bang sanay na sa mga ganitong usapan. “Doc…” mahina niyang tawag habang nakatitig sa kisame. Napatingin sa kanya ang psychiatrist. “Posible bang maging normal pa ’ko?” Huminga nang m
Dahan-dahang lumapit si Cassandra kay David saka siya niyakap nang mahigpit mula sa likod. “Hindi ba’t ito naman talaga ang gusto mo?” malambing niyang bulong habang marahang hinihimás ang dibdib nito. “Ang makasama ako… kami ni Manang Sabel… Ngayong wala na sina Michael at Tita Leona… kami na ang







